Twenty-two

1254 Words
Twenty-Two "Nasaan ang pinsan ko?" nakaangat ang kilay na sabi ni Yvanah. Hinihintay ko lang si Gage, umakyat ito sa taas dahil may naiwan daw ito. Mamamasyal daw kami sa araw na ito. Saktong pumasok si Yvanah. Napakaelegante nitong kumilos. Humakbang palapit sa akin na waring pinag-aaralan ang kabuuan ko. "Wala ka talagang planong umalis dito? Mukhang ine-enjoy mo talaga ang pananatili mo rito! Tama nga ang pinsan mong si Madella, user ka!" "K-ilala mo si M-adella?" "Of course, alam mo ba kahit magpinsan kayo napakalayo ng agwat ninyong dalawa. Matalino ang pinsan mong iyon, maganda, hindi boba na katulad mo at hindi rin manggagamit." "E-nough!" "Oh, iiyak ka na n'yan? Halika! Sumama ka sa akin, alam kong nagpapanggap ka lang. Sinabi na sa akin ni Madella ang totoo." "Anong totoo?" kabadong tanong ko rito. Matalim ang tingin nito. Pilit kong inuunawa ang point ni Yvanah. Galit ito sa akin dahil iniisip nito na ako ang nanakit sa pinsan nito. Gusto kong patunayan dito na wala akong masamang hangarin sa binata. Napakabuti ni Gage para pag-isipan pa ng hindi maganda at gawan ng masama. "Sumama ka na lang sa akin!" hinawakan n'ya ako. Kesa magpumiglas pa sumunod na lang ako rito. Masakit kasi ang paraan ng paghawak nito sa bawat pagsusumikap ko na matanggal ang pagkakahawak nito. Lumabas kami ng gate, tinahak ang kotse sa labas na bukas na ang pinto. Gusto mang humabol ng mga tauhan ay mabilis akong umiling. Baka lalong magalit ang pinsan ni Gage. Ayokong maging cause ng pag-aaway nila. "Sakay!" sumunod ako rito kahit pa nagsisimula ng manikip ang dibdib ko dahil sa kaba. Ano ang gagawin n'ya sa akin? Saan kami pupunta? Nang maisara ang pinto ng sasakyan sumakay naman ito sa passenger seat at sinabihan ang driver na umalis na. Nilingon ko ang bintana at nakita si Gage na tumatakbo palabas. "G-age? G-age!" mahinang usal ko sa pangalan nito. Papalayo na ang sasakyan habang pilit tumatakbo si Gage. "Saan ba tayo pupunta? Yvanah?" "Well, Sabi ni Madella hindi ka naman daw talaga totoong may phobia. Nag-iinarte ka lang para ituring na prinsesa ng pamilya. Tsk, that's so pathetic girl. Ang dami mong sinayang na opportunities sa buhay dahil lang sa pag-iinarte." "Hindi ako nag-iinarte. Nakuha ko ang phobia ko noong bata ako. Hindi gawa-gawa lang na katulad ng sinasabi ng pinsan ko." "Malalaman ko naman kung sino talaga sa inyo ang nagsasabi ng totoo." Nakalabas kami ng gate na wala man lang humarang. Marahil kilala na ang sasakyan ng babae. Mariin kong ipinikit ang mata ko. Oo, gusto kong gumaling. Pero hindi sa paraang ganito. Ayokong magkaroon ng masamang epekto dahil masyado akong nagmadali. I'm just praying na sumunod si Gage. Huminto ang sasakyan sa garage ng isang apartment. Hindi kalakihan pero mukhang maayos naman. "Baba!" tumango ako rito tsaka sumunod ng bumaba. Pumasok kami sa apartment na halos wala pang kagamit-gamit. Sinenyasan n'ya akong pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay. Pagdating sa second floor may iisang pinto roon na binuksan ng driver ni Yvanah. Sinenyasan n'ya akong pumasok. Pero isang hakbang palang papasok ay itinulak n'ya ako kaya naman napasalampak ako sa sahid. Mariin akong napapikit ng marinig ko ang pagsara ng pinto. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko habang mariin pa ring nakapikit. Habol ang hininga tsaka dahan-dahang nagdilat ng mata. Pero ng mabistahan ng mabuti ang kabuuan ng silid waring pinanlamigan ang buo kong sistema dahil sa takot. Nanginginig na gumapang patungo sa pinto at kinalampag iyon. "Yvanah, please! Please don't do this! I'm so scared!" nagmamakaawang sabi ko rito. Ang silid ay mayroong napakaraming stuffed toys. Sa sahig, sa kama, sa bintana, cabinet at mayroon pang nakasabit. Naninikip ang dibdib ko. Kasabay ng isang alaala dahilan ng malaking pagbabago sa buhay ko. Normal din naman akong bata noon. Pero dahil sa taong iyon nagbago ang lahat. ••• "Wag kang lalayo. Naiintindihan mo?" sabi ni Yaya na naglabas ng cellphone. Nakangiting tumango ako rito. Nagsimula itong makipag-usap sa phone. Ako naman ay excited na lumapit sa grupo ng mga bata na naglalaro rin. "Sali ako?" excited na sabi ko ng tuluyang makalapit. Naglalaro ang mga ito ng habulan. May isang bata ang sa tingin ko ay taya at hinahabol n'ya ang mga kalaro n'ya. Gusto ko rin iyon. Mukhang masaya dahil tuwang-tuwa sila, tumatawa kahit pa panay ang takbo nila. "Gusto mong sumali? Okay, pero ikaw ang taya!" "Oo nga, ikaw ang taya!'' sumigundo ang mga kasama nito kaya naman napatango na lang ako. Habulan, kahit pa hinihingal na ako at walang natataya. Tawa kami ng tawa. Hinabol ko si 'Peter' ang batang paslit na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Mabilis itong tumakbo pero hindi ako tumigil sa paghabol. Feeling ko kasi may chance na mataya ko ito. Tumawid kami sa kalsada. Malayo na sa park. "Tumigil ka na sa pagtakbo. Napapagod na ako!" reklamo nito na may distansya pa rin. Lumusot ito sa isang kanto. Malayo ang itsura sa subdivision namin. Parang mabaho ang lugar at medyo maputik. "P-eter!" takot na tawag ko sa kalaro. Hindi ko na kasi alam kung saan kami patungo pa. Isang kalsada ang akma naming lalampasan ng may van na huminto. "Hello, gusto mo ba ng laruan?" tanong ng babae na ngiting-ngiti pa sa akin. Laruan? Gusto ko ng laruan, pwede kong i-share sa mga kalaro ko ang laruan. "Yes po, gusto ko po ng laruan." "Tara! Sakay ka rito." Mabilis akong sumakay. Naririnig ko ang pagtawag ni Peter sa akin pero nakita ko s'yang inabutan ng pera ng babae. Umandar ang sasakyan. "Nasaan po ang laruan?" "Sa pupuntahan natin, maraming laruan doon." Tumango ako at umayos ng upo. Hindi naman malayo ang lugar na tinungo namin. Dahil bata napaniwala ako na may laruan nga na ibibigay sa akin. "Nasaan po ang laruan? Marami rin po akong toys sa house. Pasalubong ng parents ko." "Talaga? Dito tayo." Pumasok kami sa isang silid na may kama at mga stuffed toys. Tuwang-tuwa ako ng makita iyon at tumakbo pa patungo roon at dumampot ng isa. "Wowww! I-she-share ko po sa mga bata ito." "Talaga?" humakbang ang babae na ngayon ay wala na ang ngiti sa labi. Mariing hinawakan ang aking panga na lubha kong ikinatakot. Hinablot nito ang yakap-yakap kong stuffed toys , humugot ng patalim sa likuran nito at inundayan iyon ng saksak. Takot na takot ako. May pumasok sa silid na stuffed toys. I don't know, gumagalaw iyon at naglalakad. Sa tingin ko katulad ng mga napapanood kong palabas sa tv. Nagcocostume sila ng mga ganito. Kinaladkad ng babae ang 'stuffed toys' takot na takot ako. Napasiksik pa sa paanan ng kama ng narealize ang balak ng babae. Itinulak nito pabagsak ang 'stuffed toys' na gumagalaw. Lumapit naman sa akin ang isa pang lalaki. Sinabunutan ako at inilapit sa babaeng may patalim. "Panoorin mo ang gagawin ko sa laruan na ito, panoorin mo at wag na wag mong kalilimutan." Nagtawanan ang mga ito na waring masayang-masaya. Walang humpay sa pagpatak ang luha ko. Takot na takot. Lumapit ang isang lalaki at tinaggal ang ulo ng stuffed toys. "P-eter?" s'ya 'yong batang kalaro ko kanina. Bago pa ako makahiyaw. Sa mismong harap ko inundayan ng babae ng saksak ang t'yan ni Peter. Tumalsik pa ang dugo sa mukha ko, sa braso ko at sa ilang parte ng sahig. Hindi s'ya huminto. Habang nagtatawanan sila, ako naman ay nilalamon na ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD