Kabanata 3

1242 Words
Tuloy-tuloy lang ang ginagawa ni Liam na pag-iimpake ng gabing 'yun. Bukas na kasi ang alis niya para simulan ang paghahanap sa kaniyang dating kasintahan na si Kendra. Hindi naman maiwasan ng kaniyang pinsan na si Marco na panuorin lang si Liam sa ginagawa niya habang nakasandal siya sa pinto ng kwarto nito. Naramdaman naman ni Liam na nakatingin sa kaniya si Marco kaya nagsalita siya. “Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay huh. At saka, 'wag mong sasabihin kay Tita na nag-leave ako sa trabaho," Pagbibilin ni Liam habang hindi niya nililingon ang lalaki. Patay na kasi ang pareho niyang magulang at tanging ang ina ni Marco ang nag-alaga sa kaniya habang lumalaki siya at ito rin ang gumastos sa kaniyang kolehiyo para makapasok siya bilang isang doktor. Kapatid ng kaniyang namayapang ina ang ina ni Marco kaya Tita niya ito. “Hayys. Bakit mo ba ginagawa 'yan? Paano na lang si Amanda?” Nag aalalang tanong ni Marco. Hindi naman kasi nagkakalayo ang edad ni Marco at Liam kaya naman hindi sila nagtatawagan ng Kuya kahit na ang mas matanda ay si Liam. Medyo natigilan naman si Liam dahil sa kaniyang narinig pero ipinagpatuloy na lang niya ulit ang pag iimpake saka nagsalita, “Nakapag usap na kami. At ssaka buti at nabanggit mo siya,” wika ni Liam at itinigil niya muna ang kaniyang ginagawa para harapin ang pinsan niya. “Pwede bang habang wala ako ay kamustahin mo man lang siya para sa akin?” Paghahabilin niya. Napahinga naman nang malalim si Marco bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Liam at umupo sa extra edge ng kama nito. “Bakit ba kailangan mo pang hanapin si Kendra kung halata naman sa'yo na nag-aalala ka para kay Amanda?” Tanong ni Marco. Napaupo rin naman si Liam sa tabi ng kaniyang pinsan at umiling-iling ito. “Hindi ko alam. Ginawa ko naman ang lahat para kalimutan si Kendra at ibigay ang lahat ng atensyon ko kay Amanda pero parang kulang talaga eh. Hindi ko makalimutan si Kendra, but it doesn’t mean na hindi ko minahal si Amanda. I really love her, I just don't know why it feels that there’s a hole in my chest.” Seryosong wika ni Liam. Wala namang masabi si Marco sapagkat halata niyang nagsasabi ng totoo ang kaniyang pinsan. Bago pa man tumagal ang pananahimik sa pagitan nilang dalawa ay mabilis na inabot ni Liam ang bag niya at may kinuha siya doon. Nanatili naman na nakatingin lang si Marco sa pagkilos na ginagawa niya. “Here," wika ni Liam at ipinakita niya sa kaniyang pinsan ang tatlong piraso ng sobre na halatang luma na. "Ito ang huling tatlong sulat na natanggap ko kay Kendra bago naputol ang komunikasyon naming dalawa." matapos no'n ay mapait lang siyang nakangiti. Bigla niya kasing naalala 'yung mga panahon na walang tigil ang pagsusulatan nilang dalawa na biglang nawala na lang nang parang bula sa hindi niya malaman na dahilan. "I understand what you are feeling right now Liam. Pero hindi ba parang nag-aaksaya ka lang naman ng panahon sa paghahanap sa kanya. I am not against to you okay? Pero pano kung wala ka namang mapala diyan? Halos mag wa-walong na taon na kayong hindi nagkikita. Bakit kailangan mo pa siyang hanapin kung nandyan naman si Amanda? Wala kang ideya kung nasaan siya at wala ka rin namang balita kung ano na ang buhay niya ngayon." Mahabang wika ni Marco sa kaniya. Ayaw niya lang kasi na umasa ng sobra ang kaniyang pinsan na si Liam lalo na at alam niyang mahal na mahal pa rin nito ang dating kasintahan. "Kaya nga dito ako sa sulat magsisimula. May mga address dito na pupuntahan ko kasi baka doon pa rin siya nakatira,"may pagkadeterminado na sagot ni Liam. Napabuga na lang nang malalim na buntong hininga si Marco sapagkat alam niyang wala na siyang magagawa pa. Tumayo na si Marco at tinapik niya pa ang balikat ni Liam. "Sige, tapusin mo na 'yang ginagawa mo at mukhang maaga pa ang biyahe mo bukas." saad nito kung saan tumango-tango lang si Liam bilang pagsang-ayon. Tuluyan na ngang lumabas ng kwarto niya si Marco kaya naiwan na lang siya doon nang mag-isa. Hindi niya maiwasan na titigan ang tatlong sobre na hawak-hawak niya. Naisipan niyang buksan ang pinaka unang sobre na natanggap niya para basahin. Dear Liam, 'Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko? Pag-aaralin ako ng tiyahin ko sa probinsya nila. Pumayag sina Mama at Papa para may katulungin na rin si Tita sa pananahi doon. Kamusta ka na pala diyan sa Maynila? Sana maayos ang pag-aaral mo ng kolehiyo diyan at sana nag-aaral ka ng mabuti. ' Hindi mapigilan ni Liam na maalala ang mga panahon na magkasama silang dalawa ni Kendra. Magkaklase kasi sila sa highschool, naging magkarelasyon sila nu'ng second year na at tumagal hanggang kolehiyo. Nahuli nang pag-aaral si Kendra dahil hindi nakayanan ng kaniyang mga magulang na pag-aralin din siya sa kolehiyo kaya naman napilitan siyang huminto. Naunang mag-aral ng kolehiyo si Liam habang hindi naman nag-aaral si Kendra. Nagkalayo silang dalawa nu'ng napagdesisyunan ng Tita ni Liam na sa Maynila siya pag-aralin nu'ng namatay na ang mga magulang niya. "Sorry Kendra. Sana sinabi ko 'to sa'yo nang mas maaga," malungkot na wika ni Liam habang hawak-hawak niya ang kamay ng kaniyang kasintahan. Ipinaalam niya na kasi dito na kailangan niyang maghanda para pumuntang Maynila sapagkat doon na nga siya pag-aaralin ng kaniyang Tita Lolit. Ngumiti naman ng simple si Kendra sa kaniya bago ito nagsalita, "Ano ka ba naman. Bakit ka nagso-sorry kung para 'yan sa magandang future mo." Wika ng dalaga. Ngunit ang totoo ay talagang nalulungkot ito at naiinggit. Nalulungkot siya dahil kailangan nilang magkalayo sa isa't isa at nakakaramdam naman siya nang inggit nang malaman niya na makakapag-aral ng kolehiyo si Liam sa Maynila na pareho nilang pinangarap noon. Akala kasi niya ay sabay silang mag-aaral sa kolehiyo katulad nang lagi nilang sinasabi sa isa't-isa nu'ng highschool pa silang dalawa pero hindi pala 'yun mangyayari. "Huwag kang mag alala, naiintindihan kita. Hayaan mo, maghahanap ako ng magandang trabaho para makapag-ipon ako. Kapag nakaipon na ako ng sapat na pera, susundan kita sa Maynila para sabay tayong mag aral." Nakangiting wika pa ni Kendra. Napangiti naman si Liam ng dahil doon. Si Kendra lang kasi talaga ang nag-iisang babae sa buhay niya at mahal nila ang isa't isa. "Maghahanap din ako ng trabaho sa Maynila at sabay nating pag iipunan ang pag aaral mo." Wika pa niya. Napangiti naman si Kendra dahil naramdaman niya na ang swerte niya sa kaniyang kasintahan. 'Pasensya na kung hindi na naman nangyari 'yung usapan natin na sa pareho tayong school na mag-aaral ng kolehiyo. Ikaw, nandiyan sa Maynila habang ako ay sa probinsya ni Tita mag-aaral. Pero alam ko naman na naiintindihan mo 'yun dahil ang mahalaga ay isang taon lang akong hihinto sa pag-aaral. Nami-miss ko na rin kasi ang mag-aral eh. Ito nga pala ang address ng Tita ko sa Real Quezon dito mo na ipadala ang mga sulat mo sa akin kasi sa linggo na ang alis namin. Hihintayin ko ang sulat mo. Mahal na mahal kita.’ Kendra Francisco Matapos na mabasa ni Liam ang sulat na 'yun ay nagpatuloy na ulit siya sa kaniyang pag-iimpake. Mahaba pa kasi ang biyahe niya papunta sa dating probinsya nila. Doon kasi ang unang destinasyon niya. Nagbabakasakali siya na sa dating bahay nila ito nakatira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD