Kahit buo na ang naging desisyon ni Amanda ay hindi niya pa rin maiwasan na sobrang mapa-iyak habang nakasakay na siya sa isang TAXI. Alam niyang hindi niya na pwedeng bawiin pa ang mga sinabi niya at kailangan niya na lang 'yun na panindigan kahit talagang masakit at mahirap para sa kaniya.
Laglag naman ang balikat at halos parang walang gana si Liam nang makauwi na siya sa kaniyang apartment. Pabagsak siyang naupo sa kama niya habang tinatanggal ang unang tatlong butones ng suot niyang polo.
He grab his coat para ilagay 'yun sa basket nang awtomatikong mapatigil siya dahil sa kaniyang nahawakan sa may bulsa nito. Kahit alam niya na kung ano ba 'yun ay inilabas niya pa rin 'yun mula sa bulsa ng coat niya para mas lalong makita.
Lalo siyang napatahimik at napatigil nang makita niya na ang bagay na 'yun. 'Yun lang naman ang maliit na kahon na may lamang sing-sing na ibibigay niya sana kay Amanda.
Ngunit sa hindi inaasahan ay tinanggihan siya ng dalaga. He sighed heavily. May part sa kaniya na nagi-guilty siya sa nangyayari pero wala na siyang magagawa pa. Alam naman kasi niyang buo na ang desisyon ng kaniyang kasintahan at ayaw niya na rin na lokohin pa ito at lokohin ang sarili niya.
Ang totoong dahilan kung bakit nag-propose siya kanina ay dahil alam niyang makikipaghiwalay na sa kaniya si Amanda base pa lang sa natanggap niyang text nito at hindi nga siya nagkamali sa hinala niya.
Ginawa lang naman niya 'yun dahil ayaw niya ang ideya na maghihiwalay sila ng dalaga sapagkat nanghihinayang siya sa apat taon na pinagsamahan nila. Mahal din naman niya ito pero mas mahal nga lang niya ang dating kasintahan.
Iba man sa iniisip niya ang nangyari kanina ay talagang nagi-guilty pa rin siya sapagkat alam niyang nasasaktan niya ng sobra ang babaeng naging mahalaga rin sa buhay niya. Ngunit, alam niyang huli na... nasaktan niya na si Amanda.
Hindi niya rin inaasahan na mababanggit pala ng kaniyang kasintahan ang pangalan ng dati niyang girlfriend na si Kendra. Hindi naman niya maitatago na talagang mahal niya pa rin ang dating kasintahan kaya wala talaga siyang ideya kung ano ba ang dapat niyang maramdaman o sabihin kay Amanda.
Para bang nahuli siya sa akto na may ginagawang mali na hindi niya kayang lusutan. 'Yun ang naging pakiramdam niya kanina.
Nalulungkot siya para kay Amanda pero masaya naman siyang magkakaroon siya nang pagkakataon para muling hanapin si Kendra.
Ipinatong na lang niya ang kahon na naglalaman ng sing-sing sa bedside table niya kung saan napatigil na naman siya nang makita niya ang isang picture frame doon na silang dalawa ni Amanda ang nakalagay. Dahan-dahan niyang inabot 'yun at malumanay na hinawakan ang mukha ng kasintahan.
“I’m sorry babe. I’m really sorry," mahina na wika niya. 'Yun din 'yung mga salita na nais niyang sabihin kanina sa harapan ni Amanda lalo na nang makita niyang umiiyak ito pero pinanghinaan siya ng loob at bigla siyang nahiya.
Wala kasi siyang ideya na 'yun pala ang nararamdaman ng dalaga kahit na ibinigay naman niya talaga ang lahat nang pagmamahal niya na kaya niyang ibigay dito. Kinuha niya ang phone niya para tawagan si Amanda. Nag-aalala kasi siya kung nakauwi na ba ito pero nakapatay na ang cellphone ng babae.
Nang mag-activate ang voice message ng kaniyang kasintahan ay doon na lang siya nagsalita habang dahan-dahan nang humihiga sa kama niya.
“Hindi ko alam kung kailan mo pa maririnig itong message ko sa'yo pero let me tell you that I’m really sorry. Hindi ko alam na 'yun na pala ang nararamdaman mo. Wala akong ideya na nasasaktan na kita at nahihirapan ka na ng sobra-sobra. I want to really make it up with you pero... gusto ko rin na i-grab 'yung opportunity na ibinigay mo sa akin. I’m really soryy. Na-realized ko na tama ka. Baka nga kailangan kong hanapin si Kendra. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung sakaling magkita na kami— hindi ko talaga alam pero gusto kong subukan. Alam ko na ang unfair ko na sa'yo pero sana maintindihan mo na ginagawa ko lang 'yung mga bagay na dapat ginawa ko na noon pa lang bago pa sana ako pumasok sa bagong relasyon. I love you at sana mag-iingat ka lagi,” mahabang wika ni Liam sa kaniyang cellphone. Matapos 'yun ay napatitig na lang siya sa kisame ng bahay niya.
Matagal siyang nakatingin do'n hanggang sa hindi niya na namalayan na nakatulog na siya.
KINABUKASAN
"Doctor Monterazo pinapatawag ka na po ng Director." Wika ng sa kaniya ng assistant director na si Via dito sa Private Hospital na kanyang pinagtatrabahuhan nang bumukas na ang pinto sa may gilid niya at lumabas ito.
Mabilis siyang tumayo sa pinagkakaupuan niya habang dala-dala ang isang brown envelope sa kamay niya. Simple lang na ngumiti si Liam bago tuluyan nang pumasok sa loob ng opisina ng Director ng ospital.
"Good morning Sir." nakangiting bati ni Liam sa may edad na lalaki habang naka-upo ito sa working table niya. Siya si Director Roy Deiton.
Tiningnan lang siya nang mabilis nang matandang lalaki at muling ibinalik ang paningin sa nakabukas na folder sa lamesa niya.
"Seeing you not wearing your uniform today is enough for me to confirmed that you are really serious about this letter you sent to me." Paunang wika ni Director Deiton.
Ngumiti naman ng simple si Liam at tumungo lang siya ng isang beses.
"Yes Sir." determinado na wika ng binata.
Binatuhan na siya nang tingin ng matandang lalaki. "Bakit? May problema ba? Bakit kailangan mong mag-leave ng isang buwan?" Tanong nito sa kaniya.
Siguradong hindi inaasahan nang matanda ng bigla na lang humihingi nang isang buwan na leave ang kaniyang pinakapaboritong doktor out of nowhere. Biglaan kasi talaga 'yun.
To be obvious ay napagdesisyunan na nga ni Liam na kunin ang isang buwan na oportunidad na ibinigay sa kaniya ng kaniyang kasintahan na si Amanda para hanapin si Kendra. Sa katunayan ay matagal na talaga niyang gustong gawin ang hanapin si Kendra pero dahil lagi siyang busy sa trabaho at ayaw naman niyang saktan si Amanda kaya hindi na lang siya nagpumilit noon.
Pero ngayon na nanggaling na mismo kay Amanda ang pag-apruba sa bagay na matagal niya na dapat ginawa kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na mag-file ng isang buwang leave sa trabaho.
"Don't tell me na ikakasal ka na?" Pagdudgsong na wika pa ng matandang lalaki
Mabilis naman na napailing si Liam bilang hindi pagsang-ayon. "Hindi po Sir. May aasikasuhin lang po ako na personal matters," tipid na sagot ni Liam. Sunod-sunod naman na tumango ang matandang lalaki habang kinukuha niya na ang kaniyang black ballpen.
"Make sure na babalik ka. Mahihirapan akong humanap ng kapalit mo." May pagbibiro na wika ng Director at saka tuluyan na nga nitong pinirmahan ang ipinasa niyang paper for leave.
"Yes Sir!" Nakangiting sagot na lang ni Liam hanggang sa inabot na sa kaniya ng kaniyang boss ang dokumento na nagpapatunay na siya ay malayang hindi magtrabaho sa ospital sa loob nang isang buwan.
Hindi naman maiwasan ng binata na lalong mapangiti habang tinatahak niya na ang lugar kung saan niya pinark ang kotse niya. Masaya siyang makakapagsimula na siyang hanapin ang babaeng hindi nawala sa puso at isipan niya na si Kendra Francisco.