Kabanata 4

1733 Words
MAHABA-HABA at matagal-tagal ang naging biyahe ni Liam upang makarating siya sa Real Quezon, ang kaniyang unang destinasyon sa paghahanap niya sa dati niyang kasintahan na si Yendra. Hindi niya alintana ang pagod na nararamdaman niya sa kaniyang buong biyahe lalo na kapag nare-realized niya na ilang oras o minuto na lang ay makakarating na siya sa kaniyang paroroonan. At natapos na rin nga ang kaniyang paghihintay nang hindi nag tagal ay nakarating na siya sa isang baryo sa Real Quezon kung saan ay ‘yun nga ang address na nakalagay sa unang sulat na dala-dala niya. Maliit lang na baryo ‘yun at wala rin naman siyang nakikita na malalaking bahay, karamihan sa mga bahay na nadadaanan niya ay mga simple lang at hanggang isang palapag lang na halos gawa lahat sa mga light materials. At dahil maliit na baryo nga ang kaniyang tinatahak kaya naman kinailangan niyang ihinto ang kaniyang kotse sa gilid ng kalsada sapagkat makipot na ang kalsada na dadaanan niya at siguradong hindi roon makakalusot ang kaniyang sasakyan. Napag-desisyunan ni Liam na bumaba na nga lang. Sinigurado niya muna na naka-lock ang mga pinto ng kaniyang kotse sa pag iingat lalo na at dayuhan lang naman siya sa lugar na ‘yun. Hindi niya rin kasi alam ang eksaktong bahay na nakasulat sa address kaya naman hindi pa siya sigurado kung gaano katagal ang gagawin niyang paghahanap. Alam niyang mahirap pero ngayon pa ba siya susuko? Ang tanging binitbit niya lang sa pagbaba ng kaniyang sasakyan ay ang kaniyang bag na naglalaman ng mga mahahalagang gamit niya katulad na lang ng cellphone niya, wallet at ang mga sulat sa kaniya ni Kendra. Nang masiguro niya na okay naman ang kalagayan ng kaniyang kotse sa lugar kung saan niya ‘yun pinark ay doon na rin siya nagsimula sa kaniyang paglalakad papasok sa makipot na kalsada na ‘yun. Mas dikit-dikit halos ang mga bahay sa looban ng baryo na ‘yun at halos basa rin ang kalsada na kaniyang nilalakaran kahit na hindi naman umuulan. Siguro ay dahil lang ‘yun sa binubuhos na mga tubig ng mga taong nakatira doon... ngunit kahit ganon ay hindi ‘yun inalintana ni Liam. Nang may madaanan siya na maliit na tindahan sa lugar na ‘yun ay naisipan muna ng binata na bumili ng kaniyang maiinom sapagkat nakakaramdam na siya ng konting uhaw. “Pabili nga po nang tubig. ‘Yung nasa bote lang po.” saad niya at kapansin-pansin ang pag galang sa tono nang pananalita niya dahil napansin niya na matandang babae ang tindera na nasa loob noon. “Malamig ba ihjo?” Tanong sa kaniya nito na agad naman niyang isinagot ng ‘oo’. Habang nakikita niya na kumukuha na ng tubig ang matandang babae sa loob ng isang maliit na ref ay muli na naman itong nagsalita sa kaniya. “Parang ngayon lang kita dito nakita ahh. Dayo ka ba?” Sunod-sunod ang naging pag tango ni Liam bilang pagsang-ayon bago siya nagsalita, “Opo. May hinahanap po kasi akong bahay dito,” sagot ni Liam kung saan ay kinuha na rin niya ang pagkakataon na ‘yun para makapagtanong sa matandang babae tungkol sa address na hinahanap niya. Nang kinuha niya ang wallet niya sa loob ng kaniyang bag ay idinamay na rin niya ang sobre kung saan ay doon nga nakasulat ang address ng bahay. “Alam niyo po ba kung saan ang Purok Dalisay?” pagtatanong niya hanggang sa maya-maya pa ay inabot na ng matandang babae sa kaniya ang bote ng tubig na agad naman niyang tinanggap. “Purok Dalisay na nga ito ihjo. Sabihin mo na lang kung anong pangalan ng tao na hinahanap mo dito at ‘yon- siguradong masasagot kita kasi matagal na ako dito na nakatira. Halos kilala ko na lahat ng tao na nakatira dito.” sagot sa kaniya ng matanda. Awtomatiko naman na ibinalik ni Liam ang kaniyang paningin sa hawak-hawak niyang sobre para basahin kung kanino nakapangalan ang sobre na ‘yun. “Christina Tatlonghari po, kilala niyo po ba?”tanong niya, sa pagkakatanda niya ay ‘yun ang tiyahin ni Kendra na nagpa-aral dito dati kaya napunta ang dalaga sa Real Quezon. “Christina Tatlonghari?” Nakita ni Liam na parang napa-isip ang matanda. Siguro ay inaalala nito ang babaeng tinutukoy niya hanggang sa hindi na nga nagtagal ay muli nang nagsalita ang tindara. “Ahh, si Tinay siguro ang tinutukoy mo... ‘yung dating mananahi.” Hindi masyadong sigurado si Liam doon pero nag-agree na lang siya sa matandang babae sapagkat may tiwala naman siya dito nang sabihin ng matanda na kilala nito ang lahat nang nakatira sa lugar na ‘yun. “Oo, taga-dito nga siya sa Purok Dalisay pero doon pa siya nakatira sa may bandang dulo. Diretsuhin mo lang ang kalsada na ‘to... kapag may nakita ka na pulang gate tapos medyo maingay ‘yung loob ng bahay na ‘yun, doon siya nakatira. Mag-susugal na kasi siya ngayon eh.” Hindi inaasahan ni Liam na maririnig niya ang mga balita na ‘yun tungkol sa tiyahin ni Kendra. Hindi man niya ito nakilala ng personal ay malaking balita pa rin ang kaniyang narinig. Agad naman siyang nag pasalamat na sa matandang babae matapos niyang makapagbayad sa binili niyang tubig at saka siya dito tuluyan nang nag paalam upang tahakin niya na ang itinurong lugar ng matandang babae. Nagpatuloy lang siya sa kaniyang paglalakad, makalipas lang ang halos sampung minuto ay may natatanaw na siya na isang pulang gate at sa labas noon ay may plactic na lamesa na kulay green kung saan ay may tatlong babae doon na nakaupo na medyo may edad na rin. Tama nga ang sinabi ng matandang babae sa kaniya na may mga nagsusugal sa bahay na ‘yun at medyo maingay rin. Sa pag aakala na ang isa sa tatlong babae na ‘yun ay ang Christina Tatlonghari na hinahanap niya kaya naman hindi na siya nag dalawang isip na lapitan ang mga ito. “Mawalang-galang na po, pwede po ba akong mag tanong?”mahinang tanong niya sa tatlong matanda. Kahit nag aalinlangan siya dahil halata naman na mga abala ang mga ito sa paglalaro ay naglakas loob pa rin siya. Binatuhan siya nang isang matanda na naka-kulay pula ng damit at mukhang inaninaw pa nito ang kaniyang mukha hanggang sa magsalita na ang matandang ‘yun matapos nitong ibalik sa nilalaro ang atensyon. “Dayo ka dito? Pulis ka ba?” Medyo siga na tanong nito sa kaniya kung saan ay sunod-sunod at mabilis na pag-iling naman ang kaniyang ginawa bilang pagtanggi. “No. Nandito po ako para sana makausap si Mrs. Christina Tatlonghari.” magalang pa rin na sagot niya. “Ahh. TINAY! Tinay! May naghahanap sayo rito sa labas.” sigaw ng matandang babae. Medyo natigilan ng konti si Liam dahil hindi niya inaasahan na wala pala sa tatlong matatandang babae na ‘yun ang hinahanap niya. “Sino?” At awtomatikong napagawi ang paningin ni Liam sa matandang babae na ngayon ay kalalabas pa lang ng mismong pinto ng bahay. Nakasuot ito ng itim na sando at medyo kulay pula ang buhok nito. May dala-dala rin ito na isang abanikong pamaymay na tila ba ay nababanasan ito ng sobra-sobra. “May naghahanap sayo, itong gwapong binata na ‘to.” muling saad ng matandang babae na nakapula. Agad na nagkasalubong ang paningin nila ni Mrs. Tatlonghari habang naglalakad na ito papalabas ng gate. “Anong kailangan mo sa akin? Pulis ka ba?” medyo siga rin na tanong nito. “Hindi raw siya pulis,” at ang babaeng nakapula na ang sumagot para sa kaniya. “Hindi po ako pulis. Gusto ko lang po kayong makausap, Mrs. Tatlonghari, ako po si Liam--” “Tinay na lang, matagal na kaming hiwalay ng asawa ko. Pasok ka. Doon tayo sa loob mag-usap.” At hindi na nga hinintay pa ng matandang babae ang magiging kasagutan niya dahil tuluyan na itong tumalikod sa kaniya para pumasok sa loob ng bahay nito. Pagpasok ni Liam sa loob ay may nadatnan pa siya doon na mga nagsusugal din pero hindi na lang niya ‘yun pinasin lalo na nang dumire-diretso sa paglalakad ang matandang babae. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng matanda pero parang nasa likod bahay sila kung saan ay mas tahimik doon para makapag-usap sila ng maayos. “Ako nga po pala si Liam--” “Kilala kita. Pangalan mo pa lang, natandaan ko na. Ex-boyfriend ka ng pamangkin ko ‘di ba? Si Kendra? ‘Yung kasulatan niya dati.” Medyo nakahinga naman ng maluwag si Liam nang malaman niya na natandaan pala siya ng babae. “Opo, ako nga. Hinahanap ko po kasi siya at nagbabakasali ako na--” “Kung ‘yun ang ipinunta mo dito, wala kang malalaman sa akin ihjo. Hindi ko na alam kung nasaan siya.” direkta at walang paligoy-ligoy na sagot sa kaniya ng matandang babae na naging dahilan kung bakit awtomatikong napatigil siya. “Hindi siya nagtagal dito sa akin.” “P-pero, ang alam ko po ay kayo ang nagpapa-aral sa kaniya.” wika niya pa nang makabawi na siya mula sa kaniyang pagkabigla. “Oo. Pinag-aral ko nga siya... noong hindi pa kami naghihiwalay ng asawa ko. Pero naghiwalay kami eh, wala na akong income na pinagkukunan kaya hindi ko siya naipagpatuloy sa pag-aaral niya. Akala ko noong nagpaalam siya sa akin ay babalik siya sa probinsiya ng kaniyang mga magulang pero nalaman ko na sa ibang lugar pala siya pumunta at nagtrabaho. Nakapagpadala pa nga siya sa akin ng isang beses ng pera eh. Ang usap-usapan ay nakapag-asawa na siya, pero hindi ko na nakumpirma pa ‘yun.” At tila ba ay awtomatikong bumagsak ang langit at lupa ni Liam sa mga huling katagang binitawan sa kaniya ng matanda. ‘Yun ang pinaka hindi niya inaasahan. “Kung gusto mo, ibibigay ko sayo ang address niya noong huling beses ko siyang naka-usap.” At imbes na tanggihan ni Liam ‘yun ay agad niyang tinanggap ang alok ng matandang babae. Wala pa sa kaniyang utak ang huminto sa paghahanap kay Kendra lalo na at galing naman mismo sa bibig ng matanda na hindi nito nakumpirma ang pagkakaroon ng asawa ng kaniyang dating kasintahan. Hindi siya basta-basta susuko, ‘yun lang ang tanging alam niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD