‘I think we need to talk Liam.
Let’s meet later.’
Paulit-ulit na binabasa ni Liam ang text na 'yun mula sa kaniyang kasintahan na si Amanda nang gabing 'yun. Nakasakay lang siya ngayon sa taxi papunta sa kanilang paboritong restaurant kung saan ay doon ang meeting place nila.
Alas-otso pa ang itinakdang oras nang pagkikita nila pero pumunta na siya ng bandang alas-syete upang ihanda ang kaniyang sorpresa para sa dalaga. Siya nga pala si Liam Monterazo 30 years old at isa siyang registered doctor sa isang pribadong ospital. Ang kaniyang kasintahan ay si Amanda Natividad, nasa isang maayos sila na relasyon sa loob ng halos apat na taon. Nang maihanda na ni Liam ang kaniyang sorpresa para sa dalaga ay hinihintay na lang niya itong dumating.
Talagang sinadya niyang ipa-reserved ang rooftop ng restaurant para lang kay Amanda. Tutal, kakilala niya rin naman ang may-ari noon kaya madali lang para sa kaniya na makakuha ng VIP service.
Hindi nagtagal ay dumating na nga si Amanda sa rooftop kung saan agad niyang nakita ang dahan-dahang pagtayo ng kaniyang kasintahan na si Liam mula sa isang table for two na bilugang lamesa. Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang mga kandila sa dinadaanan niya at talagang masasabi niyang pinaghandaan nga ng lalaki ang gabing 'yun. Habang hinihintay ni Liam ang paglapit ng dalaga sa pwesto niya ay pasimple na nitong inabot ang isang bouquet ng pulang rosas na nakapatong din sa lamesa na alam niyang magugustuhan nito.
Isang simpleng ngiti ang ibinato ni Liam sa kasintahan nang magkalapit na ang dalawa. “You like it?” tanong ni Liam patukoy sa kaniyang inihandang sorpresa. Tumango-tango naman ang dalaga rito at ngumiti rin.
“Oo. Pero… hindi mo naman kailangang mag-abala ng sobra Liam.” Mahinang tugon ni Amanda sa binata.
“Bakit naman ako hindi mag-aabala kung ikaw naman ang pagkakabalahan ko ‘di ba? Here take this," wika rin ni Liam at saka niya ini-abot dito ang hawak niyang mga bulaklak na agad din namang tinanggap ni Amanda.
Mabilis ang naging pagkilos ni Liam para agad na makalapit sa kabilang upuan ng lamesa upang maipaghila niya ng bangko ang dalaga nang makaupo na ito. Hindi na naman maiwasan ni Amanda na mapangiti nang palihim sa ikinilos ng kaniyang kasintahan sapagkat sa apat taon ng kanilang pagsasama ay bilang lang sa kaniyang mga daliri ang mga pagkakataon na naging sobrang sweet nito at maalaga.
Bigla tuloy siyang nagdalawang isip sa balak niyang gawin ngunit kahit gano'n pa man ay buo na ang desisyon niya dahil alam niyang 'yun ang tama.
Umupo na rin si Liam sa kaniyang upuan at agad na nagtama nga ang mga mata nila. Ilang segundo rin 'yun hanggang sa ang binata na mismo ang bumasag sa mga tinginan nila.
“I ordered steak for our dinner, I hope you dont mind," nakangiting wika pa rin ni Liam at saka siya na mismo ang nagtanggal ng cover sa nakatakip na pagkain nila. “At sana magustuhan mo, alam kong gusto mo rin 'yan," malambing pa rin na wika ni Liam sa kaniyang kasintahan at hinawakan pa nito ang kamay ni Amanda na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
Napatingin naman doon si Amanda ngunit hindi nagtagal ay siya na rin ang unang umiwas at diretso niyang binatuhan nang seryosong tingin si Liam.
“I said— we need to talk, right?” Paunang wika ni Amanda.
Hindi naman maiwasan ni Liam na hindi mapatitig sa mukha ng kaniyang kasintahan dahil sa sinabi nito at sa tono pa nang pananalita nito. Kung siya ang papipiliin ay ayaw niyang marinig kung ano man ang sasabihin nito kasi parang alam niya na kung saan ang magiging patungo noon.
“Pwede bang kumain muna tayo?” tanong pa rin ni Liam at nang mapansin niya na tatanggi na naman ang kaniyang kasintahan doon ay mabilis niya nang inilabas mula sa pocket ng kaniyang suot na coat ang isa pang malaking sorpresa. “Oh kung ayaw mo naman na kumain, then baka pwedeng dito na dumiretso ang usapan natin,"pagdudugsong na wika pa ni Liam at saka dahan-dahan niyang ipinatong sa lamesa ang maliit na kahon na 'yun.
Doon naman napagawi ang tingin ni Amanda kung saan hindi niya maiwasan na maitakip ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang bibig dahil sa sobrang gulat. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang bagay na 'yun ngayong gabi. Isa lang naman 'yung mamahaling sing-sing.
Masasabi niya talagang mahal 'yun dahil napapalibutan lang naman ng maliliit na bato ang sing-sing na 'yun na talaga namang ang ganda sa paningin niya.
“Will you marry me?” mahinang tanong na ni Liam sa kaniyang kasintahan habang diretso pa rin siyang nakatingin dito.
Sa pag-angat nang paningin ni Amanda upang batuhan na nang pansin si Liam ay sumabay na doon ang pagpatak ng kaniyang luha. Alam niyang masaya siya pero hindi pa rin 'yun lubos na kagalakan.
May isang malaking bagay pa rin ang nakabara sa kaniyang dibdib na pumipigil sa kaniyang kaligayahan at sa pagsagot ng 'oo' sa binata.
“God knows how long I waited for that question Liam.” Mahinang wika ni Amanda habang pinipigilan na mas lalong mapahikbi habang nagsasalita. “God knows how much I wanted to say ‘I do’ to you—but, I-- I can't!”
At tuloy-tuloy na nga ang pagpatak ng kaniyang luha, hindi na rin mapigilan ang pag galaw ng kaniyang balikat sa sobrang pagkaka liyak niya habang hindi naman maipaliwanag ni Liam ang kaniyang nararamdaman matapos marinig ang mga salitang 'yun mula sa kaniyang kasintahan.
“A-anong ibig mong sabihin?” tanong ng binata nang makaipon na siya ng lakas ng loob makalipas ang ilang minuto na pananahimik sa pagitan nila. Tinitingan niya pa rin si Amanda na nakayuko pa rin habang umiiyak ngayon.
“If you badly want to say ‘yes’ then— say yes! Why? What do you mean you can’t?” pagdudugsong na tanong pa rin ng binata na punong-puno na nang pagtataka.
Unti-unti nang inangat ni Amanda ang kaniyang paningin para kay Liam at ginawa niya ang lahat upang mapigilan ang sakit na nararamdaman niya.
“Bakit— bakit tinatanong mo sa'kin 'yan na para bang wala kang alam?” Mahinang tanong ng babae habang humihikbi pa rin. “Pwede bang 'wag na natin lokohin ang mga sarili natin Liam, lalo na ang sarili mo.”
At dahil sa mga katagang binitawan ni Amanda kaya naman napatigil na ang binata.
“Alam naman nating pareho na hindi naman talaga akong mahal mo. Dahil sa apat taon na pagsasama natin ay SIYA pa rin talaga. Alam ko 'yun!" madiin na wika pa ni Amanda at buong pagpipigil na ang ginawa niya para lang hindi umiyak ng sobra.
Napatahimik naman si Liam dahil sa sinabi ng kaniyang kasintahan. Hindi siya makapagsalita dahil alam niyang totoo ang sinasabi nito- ang hindi niya lang maintindihan ay kung kailangan nag simulang maramdaman ng kaniyang girlfriend ang tunay niyang nararamdaman.
"That's why, I'm willing to give you... to give you time. Time to find her, time to find your true love, time to find Kendra. I'm willing to sacrifice Liam because I really love you. If you realize that you still love her and you need her, then-- stay with her and don't comeback. I'm giving you 1 month-- I'm willing to wait." And that was the last remarks of Amanda before she finally stood up and left Liam alone.