Chapter 9: Friends

2485 Words
Sa hindi malaman na kadahilanan, nanghina ako nang nakauwi kami ng Apartment pagkatapos ng misyon kanina. Alas otso na nang gabi matapos ayusin ang libo libong perang nanakaw pagkatapos itong ma encash sa banko. Bukas ng umaga bibili ng ticket sila ng ticket pa hongkong at mula hongkong, doon ang plano niyang sasakay patungo singapore pero siguradong hindi na siya makakaabot ng hongkong pa, dahil sa airport pa lang huhulihin na sila ni Ellie. "Ellie, pwede ba ako favor?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya. Luminga ako sa paligid upang masiguradong hindi ako maririnig ni Jude o ni Vico. "Ano 'yon?" Tamad niyang tanong, naririnig ko siyang kumakain ng matigas. "Pwede bang wag natin ipapahalata kay Jude pag nahuli itong si Vico?" Umpisa kasi noong nahuli si Ryan Jose, madalas siyang tahimik at mukhang malungkot at dismasyado. Sanay ako kay Jude na tahimik man pero madalas ngumingiti at positibong mga salita ang lumalabas tuwing nagsasalita. "Bakit? Becky? Concern ka sa kanya?" Mapanuyang aniya. Nai-imagine kong ngumingisi siya ngayon habang hindi malunok lunok ang mataas na bagay na kinakagat ng kanyang ngipin. "Hindi naman..." Ngumiwi ako. "Ayaw kong pagdudahan niya ako." Nasabi ni Jude sa akin na hindi sila pumalpak, ngayon lang. Baka maisip niyang ako ang nasa likod 'non. "Baka in love ka na? Beck---" Hindi ko siya pinatapos ng pagsasalita nang agad akong umalma sa paratang niya. "Punyeta, hindi nga.. Alam mo ikaw Ellie, 'yang bibig mo ang sarap talagang pakuluan ng mainit na tubig alam mo 'yon? Magtatawag talaga ako ng demonyo--" "Okay! Eto naman, binibiro ka lang e'" Malakas siyang humalakhak. Nalalarawan ko sa'king isipan na tumatalsik na'ng laway niya ngayon. "Ako ang front line ngayon, kaya kabisado ko ang bawat galaw nila. Ako dapat masusunod? Kuha mo?" Nagbukas ako ng bote ng beer  at walang patawad ko itong nilagok.  Muntik na akong mabulunan nang may isang bundle ng pera ang tumambad sa aking harapan. Agad akong napalingon kung sino nagbigay... Si Jude. Nakangiti siya habang inaangat ang pera. "Napaisip ako bigla, bago tayo umalis ng bansa... Kailangan muna nating bayaran lahat ng utang mo." Aniya. Iminuwestra niya ang pera na para bang binibigyan ako ng pahiwatig na dapat ko itong tanggapin. Upang hindi siya magduda ay kinuha ko agad ito at ibinulsa. "S-salamat..." Ibibigay ko na lang siguro ito kina Lily bukas. Opisina nang bahalang ibigay ito sa tunay na may-ari. Nakangiti siya habang tinatakam ko ang lasa ng beer. Nakakaramdam ako ng tuwa at comfort tuwing nakikita ko siyang masaya. Ganon nga siguro pag natapos ang isang misyon, kriminal man o police. Kaya pala di ako minsan nakaramdam ng tuwa dati. "Tara..." Yaya ko sa kanya sa Rooftop habang pinagkasya sa mga darili ko ang mga bote ng beer. Agad ko nilapag ang beer at chips sa gitna namin ni Jude. Kumuha siya ng isang beer atsaka ito binuksan gamit ang kamay ng walang kahirap hirap. Mayamaya dumating si Vico na naka damit kamiso. Para siyang sinaunang tao sa suot niyang damit. Umupo siya sa likuran namin ni Jude at kumuha na rin ng Beer. "Akala ko po, tulog ka na." Ani ko sa kanya. "Salamat, Becky. Kung wala ka marahil hindi namin mapapagtagumpayan ang misyon na iyon." Palihim akong ngumisi pagkatapos kung ngumiti sa kanya. Itinaas ko ang bote ng aking hawak. "Cheers!" Atsaka nila pinagdikit ang mga bote sa boteng hawak ko sabay tungga. Mayamaya'y biglang binasag ni Vico ang panandaliang katahimikan na nabuo dahil sa kanyang makamundong pahayag. "Gusto ko sa muli nating pagkikita, kasal na kayo o may mga anak na."  Sabay kaming nabulunan ni Jude nang marinig ang kanyang sinabi. Kaswal ito at walang halong panunuya. "Imposible.." ani ni Jude at humalakhak. Gusto ko siyang batukan, parang pinapalabas niyang sobrang pangit ko at hindi siya pumapatol sa gaya ko. Aba't! Hindi niya alam na madaming nahuhumaling sa akin! "Bakit imposible, Jude? Mas may pag-asa ka kay Becky kesa kay Therese!" Aniya. "Huwag ka ng umasa sa babaeng iyon, hindi ka mapapansin 'non! Hindi niya tipo ang gaya mong manloloko." Dagdag niya at tumawa. Napasulyap ako sa kanya nang yumuko siya at ngumisi. Nakatanday ang dalawa niyang kamay sa kanyang mga tuhod. "Maganda si Becky, hindi ba?" Pagmamalakas ni Vico sa akin kay Jude. Hinintay ko naman ang sasabihin niya, umaasa akong maganda ang magiging sagot niya. "Oo," Pakiramdam ko binuhusan ako ng kumukulong tubig dahil sa pang iinit ng aking pisngi. Palihim naman akong napangiti. "Pero hindi ko type.." Dagdag niya. Nawala ang ngiting iyon at bumaling sa kanya na naka busangot. "Ganyan talaga nagsisimula ang pagmamahalan, Jude. Umpisa hindi mo type pero kalaunan..." Makahulugang ngumisi si Vico at tinaas taas pa ang kilay niya. "Mapapasabi ka na lang--susungkitin ko ang mga bituin. para lang makahiling. Na sana'y maging akin, puso mo at damdamin.."   Teka, mukhang narinig ko na 'yon ah. Nang bumaling ako kay Jude ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin ng diretso sa mata at agad din namang umiwas. "Hindi kami talo.." Sabay naming sabi ni Jude na ikinagulat ko. Pareho kami  ng iniisip! Kung ganon, di niya ako type kasi ayaw niya akong taluhin. Nako Jude, di naman sa gusto ko maging jowa mo no. May Fiance naman ako, gusto ko lang marinig mula sa bibig mo na qualified ako maging gilfriend ng kahit na sino basta pareho ng mukha mo... O pwede na rin ikaw. Gusto kong sabihin sa kanya pero pinipigilan ko lang sarili ko. "Ganon mo ba pinasagot ang misis mo, Vico?" Pang iiba ni Jude. Iwinasiwas ni Vico ang kanyang kamay sa ere at umiling. "Wag mong ibahin ang usapan. Gusto mo lang ata makaiwas e', Alam mo Jude..." Inakbayan niya si Jude at pinaharap ito sa akin. "Maganda si Becky, sexy, marunong magluto ng instant noodles at pritong tilapya, marunong tumakas ng utang, saan ka pa?!" Umigting ang aking panga. Gusto niya bang libagin ang leeg niya? Ba't parang pinapahiya niya naman ata ako kay Jude?! Alam niya bang ilang taon kong pinag-aralan ang matutong magluto ng tilapya! "Ideal no?!" humalakhak na ani ni Vico. Matalim ko siyang tiningnan at pinatunog ang buto sa aking mga daliri. Nawala ang halakhak niya at umupo ng matuwid. "Gusto mo bang pumatol ako sa kanya?" Tanong ni Jude kay Vico. Mabilis naman tumango si Vico bilang pagsang ayon. Ngumisi si Jude at napatingin sa akin. "Pag tinubuan ng pakpak ang biik." Bukas na bukas din maghahanap ako ng biik na may pakpak para matupad ang pangarap ni Vico para sa amin. Pagkatapos ma hot seat ni Jude ay si Vico naman itong nag kwento sa lovelife niya. Hindi raw naging maganda ang pakikitungo ng asawa sa kanya makalipas ng ilang taon pagsasama kung kaya't nauwi ito sa hiwalayan. Gusto siyang alukin mag macho dancer sa Singapore kung gusto niya sumama sa asawa niya. Kahit paano daw may pagkikitaan siya doon pero ibang landas ang tinahak niya rito sa Pilipinas. "Sa singapore lang siya makakahanap ng macho dancer na malaki pa sa buntis ang tyan." Biro ni Vico atsaka tumawa ng napalakas. Umaalon ang aking paningin nang tumatak ang alas dose ng gabi. Malakas ang hilik ni Vico nang makatulog pagkatapos ng aming inuman session. Si Jude nama'y namumula na ang mukha at ang mga mata. "Buhatin natin, Jude." ani ko at pa ika ikang dumalo kay Vico at sinubukan kong buhatin ito. Takte! Sobra pa ata to sa isang sakong bigas eh! "Jude!" Buong pwersa ko itong binuhat kahit umaalon ang paningin ko. Parang nalasing ako eh, hindi naman ako uminom ng marami ah... Mga sampong bote lang 'yon sa pagkakaalala ko. "Saan ka na ba, Jude!" Tawag ko sa kanya nang mawala ang presensya niya. Agad akong naglakad sa bubong, bigla akong kinabahan baka nahulog iyon mula dito! Napatalon ako sa gulat nang magpakita sa aking harapan na may dalang puting kumot. Ngumingisi siya habang nilalagyan si Vico ng kumot. "Hayaan mo na siya diyan, hindi naman magkaka interes ang aswang na dukutin 'yan." Aniya at tumawa atsaka ako inakbayan. Umalalay siya sa akin papasok. Pa ekis ekis kaming naglalakad pababa ng hagdan. Ramdam ko ang bigat niya. Tangina naman parang ako pa itong nagbubuhat sa lalakeng lasing eh dapat ako nga itong binubuhat eh... 'Yon bang parang bagong kasal. "Becky..." Utas niya at napatingin naman ako sa kanya nang maibaba ko siya sa kanyang higaan. Nakapikit ang kanyang mga mata at mapupula na ang kanyang pisngi. Hinawakan niya ang pulso ko nang akma akong lalabas ng kanyang kwarto. Mapupungay ang kanyang mga mata nang tumingin sa akin. Pinilit niya ang kanyang sarili na umupo kahit hinihila ng higaan dahil sa kalasingan. Hinigit niya ako patungo sa kanya, sa hindi alam na kadahilanan, nagpaubaya naman ako sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at napapikit ako nang maramdaman ang kanyang palad sa aking pisngi na para bang hinihimas ang maputi at makinis kong balat na tanging sabon pang ligo at pang linis ng pwet ang gamit pang maintenance para rito. "Becky, kung hindi lang kita kaibigan..." Aniya, napadilat ako nang marinig iyon. Napatingin siya sa aking labi at akmang hahalikan ako nang.. "Bless you and Eliseo... "  Sumagi sa aking isipan ang mukha ni Father Ignacio na binabasbasan kami ng Holy Water ng aking Fiance!  Natauhan ako at nilabanan ang kalasingan. Hindi pwede, hindi pwede! Sinuntok ko siya ng napalakas dahilan ng kanyang agaran pagtulog sa kanyang kama.  Ngumisi ako at hinilot ang joint ng aking kamay. "Pumapatol ako sa gwapo... Hindi sa lasing." Seryoso kong ani bago sinara ng malakas ang pinto. ~*~ Alas kwarto y media ng umaga, nagtungo agad kami sa Airport. Para sa mga kriminal, maganda ang oras ng pagtakas ay tuwing hindi pa sumisikat ang araw. Madilim at wala masyadong katao tao. Humihilik pa si Vico sa likuran ng sasakyan habang si Jude nama'y ini-inda ang sakit ng suntok ko kagabi. "Akala ko panaginip lang," Aniya. Hindi ako umimik. "Ano ba kasi nangyari sa'yo?" Kunwari wala akong alam. "Sinuntok daw ako ng unggoy sa panaginip ko," tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.  Takang taka sa panaginip niya. Sinong unggoy?  Sino? Huminga ako ng malalim at sumulyap sa kanya, "Ang brutal naman ng unggoy na 'yan, akalain mo nagkakatotoo ang suntok niya!" Komento ko at kunwari na natawa. "Hindi na ako maglalasing, Becky.." Aniya habang patuloy na ini inda ang pasa sa giliran ng kanyang labi atsaka ginulo ang buhok, gaya ng pagiging magulo ng kanyang isipan. Hindi ko naman napansin na napalakas pala ang suntok ko kagabi. Sobrang lasing niya siguro kung kaya't wala siyang maalala. Sana lang talaga hindi na niya maalala ng tuluyan. Nakarating kami sa Airport. Sinamahal naman ni Jude si Vico na bumili ng ticket, ako nama'y nag aantay lang sa labas habang pasulyap sulyap sa loob. Mukhang hindi naman sila nakikilala ng mga gwardya kung kaya't hindi isla namukhaan at walang kahirap hirap na nakapasok. Ilang minuto ang lumipas nang maalinag ko ang sasakyan nila Ellie mula sa hindi kalayuan. Unang lumabas doon si Lily at tumakbo palapit sa akin. "Saan ang mga alaga mo?" Tanong nito. Humalukipkip siya at nakatingin sa akin. "Nasa loob, bumibili ng ticket." Sabi ko sa kanya.  Kapag nandirito si Lily, hindi talaga ako komportable. Hindi naman sa hindi ko gusto ang presensya niya tuwing nasa misyon ako, pero para kasing kinukutya niya ako eh! "Oh? Baka makatakas 'yon?" Tanong niya. "Alas sais ang flight pa hongkong, may isang oras mahigit pa siya mag hihintay mula ngayon." Saad ko at hindi pinansin ang kanyang katanungan sa akin. Binigay ni Ellie ang baril at posas sa akin na ikinagulat ko.  "A-anong gagawin ko dito?" Malinaw ang usapan na sila ang dadakip kina Vico nang hindi namamalayan ni Jude! "Kung gusto mong hindi malaman ni Jude ang tungkol sa totoo mong trabaho. Ikaw ang humuli kay Vico." Ani naman ni Ellie. Hindi ko maintindihan, pinagdududahan niya ba ako? Lumapit sa akin upang bumulong. "Sinisiguro ko lang na hindi ka nagiging malapit sa mga Kriminal, Becky." Pumikit ako ng mariin. Hindi ako nagiging malapit sa kanila, bakit ba ako pinaparatangan ng lalakeng iyon! "Hindi mangyayari iyon.." Utas ko at nilagay ang baril sa aking giliran. "Prove to us." Ngising aniya bago pumanhik sa likurang bahagi upang makapasok sa naturang Airport. Lumapit si Lily sa akin habang hindi inaalis ang tingin kay Ellie. "Ang gwapo niya talaga kapag nagiging seryoso.." Aniya habang gumuguhit sa kanyang mga mata ng hugis puso. Matagal na siyang may gusto kay Ellie ng palihim. Kapag magkasama sila sa isang misyon ginaganahan siya. Kaya siguro parati niyang natatagumpayan kapag siya ang humahawak ng mission. Umirap ako at hindi siya pinansin. Sumakay ako ng sasakyan habang nag-iisip ng malalim. Tumoktok si Lily sa bintana at sumenyas na susunod siya Ellie. Hindi ko gustong gawin ang inuutos niya sa akin pero kapag hindi ko sinunod ay wala akong maipapatunayan sa kanya. Di bale na nga... ~*~ Nag uumpisa nang sumikat ang araw. Nagiging kulay kahel ang ulap kung saan sumisikat ang araw. Dumarami na rin ang mga taon sa Airport na nagnanais na makarating sa kani kanilang destinasyon. Mayamaya pa'y dumating si Jude na malaki ang ngiti sa labi, sumakay siya ng sasakyan atsaka niya hinubad ang hood at ang kanyang sumbrerong suot. "Tara," Aniya. Napahawak ako ng mahigpit sa manibela nang hindi agad ako makasagot. Pasimple kong tinago ang baril at posas sa aking giliran at sininguradong hinding hindi niya ito makikita. "Ahh, naiihi kasi ako Jude. Pwede dito ka lang muna?" Tanong ko sa kanya. Kumurap siya atsaka tumango. "Sige, hihintay kita rito. Bilisan mo ah.."  Aniya Ngumiti ako sa kanya atska lumabas ng sasakyan. Tumungo ako sa mismong entrance exam at pasimpleng  pinakita ang id na nagpapatunay na isa akong pulis sa gwardya. Tumango siya at sumenyas na pwede akong makapasok. Naalinag ko si Ellie na pasimpleng nagtatago sa isang halaman habang si Lily nama'y nakaupo sa likuran ni Vico na kasalukuyang nakikipag video call sa kanyang ex-wife. Flight BC789 is now boarding... Tumayo si Vico at kinuha ang kanyang mga bagahe. Unti unti kong nilabas ang ang posas at baril na hindi nakasa sa gitna ng mga taong tumutungo sa naturang flight. Mga ilang metro ang layo ko sa kanya bago siya makalabas patungo sa field nang kinuha ni Lily ang posas sa aking kamay na ikinagulat ko. "I got you.." aniya at kumindat. Nahinto ako nang makita ang agarang pag posas ni Lily at hindi na ito nawalan ito ng tsansang magpumiglas. Nabitawan niya ang kanyang phone at kinuha naman iyon ni Ellie pati ang bag na naglamaman ng pera. Biglang nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa loob lalo na nong naglabas ako ng baril. Unti unti akong lumapit. Para akong naduduwag nang makita ko ang mukha ni Vico na nagsusumamo na pakawalan siya. Tuwing naalala ko ang mukha niya noong nakaraang araw na panay ngiti, dahil sa wakas makikita na niya ang kanyang asawa'y, nagkakaroon ako ng pagsisisi kung bakit ko tinanggap ang mission na ito. Nanlaki ang mata ni Vico nang makita ako lalo na nang tinutok ko ang baril sa kanya. Hindi siya makapaniwala na nakayanan kong ikanulo siya sa pamamaraang ganito. "Walang hiya ka.." Mahina niyang bulalas... "Pagbabayaran mo ang lahat ng ito, Becky! Pagbabayaran mo!" Sigaw niya. Wala akong nagawa kung hindi ako pumikit habang unti unting naglalaho ang boses niyang sukdulan ang galit sa akin. Marahil pilit siyang dinadala nila Lily, patungo sa labasa kung saan nakaparada ang sasakyan nina Ellie. Kaibigan ito ni Jude... Mga ilang  linggo pagkatapos ng araw na ito ay si Jude na naman ang huhulihin. Ang taong tinuring akong matalik na kaibigan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD