Chapter 8: The Scammer

2395 Words
"Paano mo pala nalaman na mga pulis iyon kanina? Hindi sila naka uniporme at sigurado akong hindi mo sila nakita noong nahuli si Ryan." Huminga ako ng malalim upang manumbalik ako sa ulirat. "Ano ka ba Jude. Hindi naman malabo ang paningin ko, may night vision kaya itong mata ko." Pagdadahilan ko. Kapang umutal ako rito siguradong magdududa siya. Hinanda ko ang sarili ko sa kahit anong katanungan ang ibato niya sa akin. Importante iyon para sa isang undercovered Police Officer. "Nakita ko sila bago umalis doon kaya dali dali ko kayong tinungo kahit sinabi mo noon na umalis na ako pag patay ng ilaw." Tipid akong ngumiti, sinugurado kong nagmumukha akong kawawa sa paningin niya. "Pasensya na kung hindi ko nadala ang pera at ikaw lang nasagip ko't hindi kasama si Ryan." Hahawakan ko na sana ang kamay niya pero naisip ko na baka ano isipin niya kaya pinigilan ko ang sarili ko. Ngunit ilang sandali naramdaman ko ang kanyang palad sa aking kamay. "Wag kang humingi ng tawad, hindi mo kasalanan ang lahat." Tipid siyang ngumiti at nagawa pa itong pisilin. Nakaramdam kahihiyan at pang -iinit ng mukha. Agad akong umiwas at nag alibi. "Ah eh, tara akyat na tayo. Mukhang nagugutom na kaibigan mo." Sabi ko at dali daling lumabas. Agad kong nilock ang sasakyan. Dali dali akong tumungo sa apartment at binuksan ito tsaka nilapag ang mga pinamili. Napakabilis ng kilos ko, mahihiya si Quick silver nito. "Becky, si Jude!" Hingal na ani ni Vico nang makarating sa Apartment. Agad akong kinabahan, bakit anong nangyari kay Jude? Wag niyang sabihin sinundan kami nila Ellie dito?! Maayos ang plano namin. "Bakit? Anyare?" "Nilock mo ang sasakyan, hindi pa siya nakakalabas!" ~*~ Sumapit ang gabi. Tumungo ako kina Jude na mahimbing na natutulog katabi ni Vico sa sala. Nagpapalitan sila ng malalakas na hilik. Hinanda ko na sarili ko baka hindi ako makatulog mamaya. Kinuha ko ang kumot na sinolo ni Vico at itinakip kay Jude. Maliit lang ang kwarto ni Jude kumpara sa akin kaya siguro dito sila natulog. Gaano ba ka importante si Vico na nagawa niyang samahan rito sa sala? Ba't ako di niya magawang samahan sa kwarto kung importante ako sa kanya? Mahina akong humalakhak at umiling. Tumungo ako sa ref at kinuha ang beer atsaka umakyat patungong rooftop. Sinalubong ako ng maiingay na kuliglig sa  punong kahoy at ang mga sugarol na kapitbahay sa hindi kalayuan.  Mag hahating gabi na pero parang wala silang planong matulog. Binuksan ko ang beer atsaka ito nilagok na nakapikit. Pagdilat nang mata'y nasilayan ko ang mukha ni Jude na nakadungaw sa akin. Muntik na akong mabilaukan. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Mahimbing na 'tong natutulog kanina ah? Ba't  ito bumangon? Hindi siya sumagot. Bagamat tumabi sa akin at inagaw ang beer atsaka niya naman nilagok. "Ganito ka ba parati? Pag di makatulog umiinom?" Tanong niya at binigay sa akin iyon. "Diba tulog ka na?" Tanong ko. "Nagising ako, narinig ko kaluskos patungo rito." Aniya. Naniningkit ang kanyang mata at magulo ang kanyang buhok. "Sinisira mo ba kidney mo?" Tanong niya nang lumagok na naman ako. Ngumisi ako at umiling. "Kaysa naman utak sirain ko." Mahina akong humalakhak pero hindi siya natawa sa biro ko. "Matagal na sira utak mo, Becky." Natigilan ako at bumaling sa kanya. Seryoso niya iyong sinabi, walang halong biro. "Nangutang tapos tinakasan." Dagdag niya. "Sus! Magkapareho lang tayo Jude!" Ani ko at binigay sa kanya ang hindi pa nabubuksan na beer. Sandali siyang natawa. Agad niya itong tinanggap at binuksan tsaka nilagok. Ilang sandaling katatahimikan ang namayani nang bigla siyang nagsalita. "Mukhang hindi na tayo makakapag asawa dahil sa problema natin sa buhay." Aniya. Nakatingin siya sa mga sugarol sa kanto. Bakit niya nabahagi ito? May plano ba siyang asawahin ako? Umiling ako, hindi nga ako type niyan eh. "May nagugustuhan ka na ba?" Tanong niya sa baritonong boses. Ba't parang pakiramdam ko siya iyong taong balak manligaw sa akin pero sinisuguro muna na wala siyang magiging karibal. "Bakit mo natanong?" Hindi ko sinagot bagamat tumugon ako ng isang katanungan din. Hindi siya nagsalita. Hindi ko gustong sabihin sa kanya ang tungkol sa fiance kong si Eliseo. Hindi ko gustong malaman niya ang tungkol kay Eliseo, mauungkat ang lahat. "Wala pa..." Pagsisinungaling ko. Hindi siya magsasalita kung hindi ako sasagot. Bumaling siya sa akin. Sandali kaming nagtitigan pero agad din naman ako nag iwas ng tingin. "Hindi ko alam kung meron pa ang i-ibig sa akin. Alam mo naman..." Kibit balikat kong ani. Ang akala niya'y marumi ang babae, hahayaan ko siyang isipin ang ganong bagay tungkol sa akin. "Ano ba ang tipo mo?" Ba't ba feeling ko siya itong lalakeng may gusto sa akin na kayang sungkitin ang standard ko sa mga lalake maging tipo ko rin siya. "Gwapo, mayaman, may mansion, may sasakyan, milyon ang pera sa bangko, at maraming ari arian." Sagot ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa. Sumilay roon ang kompleto at mapuputi niyang ngipin. "Kaya bente singko ka na't di ka pa rin nag-aasawa." Komento niya. Pasimple akong ngumisi. Makikita mo sa susunod  na mga buwan, Jude. Haharap ako sa altar at magpapalitan kami ng Vows ni Eliseo. "Ikaw ba? Wala kang planong mag-asawa?" Tanong ko sa kanya. Lumagok siyang beer, kitang kita ko ang adams apple niyang pumaibaba at pumaitaas. "Meron naman..." Aniya at ngumiti. "Kapag handa na ako, mag-aasawa na ako." "May nagugustuhan ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Bumaling siya sa akin. Agad akong umiwas, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanyang nakakahalinang mga mata. "Marami..." Marami? Aba't matindi! Siya yata 'yong tipong lalake na hindi lang manliligaw ng isa, gusto niya dalawa o higit pa. Kapag binasted ng isa, atleast hindi masakit dahil may naka reserba. The more entries, the more chances of winning, Parang lotto lang. "Babaero," Kumento ko. Umiling siya. "Marami lang akong gusto, pero isa lang ang iniibig ko. Magkaiba ang gusto sa pag-ibig, kaming mga lalake may nagugustuhan pero hindi magawang ibigin." Mabilis akong napalingon sa kanya. May iniibig siya? Sino naman kayang napakamalas na babaeng 'yan at nagustuhan siya ng isang kriminal? "Sino Jude?" Tanong ko. Lumaki ang butas ng aking tenga, handa akong makinig. Chismosa ng chismosa. Unti unti siyang lumapit sa akin. Teka hahalikan niya ba ako? Ako ba tinutukoy niya? Pumikit ako upang ihanda ang sarili. Tatlong segundo, limang segundo, anim, pito... Napadilat ako pagkatapos niyang ibulong kung sino. Agad kong nasilayan ang ngumingisi niyang mukha. "Itutuloy ko na ang tulog ko, Goodnight." Aniya at tuluyang tumayo at naglakad pabalik sa Apartment. Naiwan naman ako doon na tulala. Para namang may punyal na tumama sa aking puso sa hindi malaman na kadahilanan. ~*~ "Handa na ba?" Tanong sa amin ni Vico. Masakit ang sikat ng araw na tumatakas sa bintana ng Apartment. Isinara ko ito at tinakpan ng kurtina. Sinuklay ko naman ang buhok bago iayos ang suot kong push up bra. Ito iyong armas ko ngayon.  Hindi mawawala tuwing mission.  Lumabas naman si Jude mula sa kanyang kwarto. Nakasuot siya ng itim na leather jacket at sumbrero. Gwapong gwapo na parang aktor sa isang action movies. Napansin ko nama nang pag baba ng kanyang paningin sa aking dibdib. Buhay na buhay ito dahil sa suot na push-up bra. Naka itim na sleeveless top ako at naka pants. Lumuluwa ang hugis ng aking dibdib dahil hapit ang aking top sa aking katawan.     "Let's go.."  Ani ko sa kanila at kinuha ang susi. Pagbaba nami'y pumantay si Jude sa akin sa paglalakad at bumulong. "Masyado atang lumuluwa ang dibdib mo. Kahit sanay ka hindi maganda tingnan," Ani ng kaibigan kong konserbatibo. "Akala ko ba aakitin ko si Christopher Tong?" Tanong ko sa kanya. "Makikipag-usap ka lang, kunin mo ang atensyon. Ba't kailangan akitin.." saad niya at kumunot ang noo. Pinatunog ko ang sasakyan atsaka kami sumakay doon. "Alam niyo ba kung nasaan siya ngayon?" "Ang alam ko nasa isang Cafe siya malapit sa may Abreeza tuwing umaga," ani naman ni Vico. Mukhang ito iyong plano nila kahapon ni Jude. Pagkarating namin sa Abreeza ay bababa na sana ako pero pinigilan ako ni Jude. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang kanyang hintuturo sa aking cleavage. "Ganyan.." Ani na malukong ngumiti. Itinaas niya ang aking damit at nilagyan ng packaging tape. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon. "Jude..." Utas ko pero nauna siyang bumaba. Hindi nagtagal ay nasa loob ako ng Cafe. Sina Jude at Vico nama'y nagtatago sa likod ng halaman habang nakaupo sa isang bench. Si Christopher Tong nama'y nakaupo sa isang stand chair habang nakaharap sa kanyang laptop. Sumenyas si Vico na kailangan ko ng lumapit doon. Sinunod ko naman kagustuhan niya. "Mocha Ice coffee please." Ani ko waiter at tumabi sa Target. Hindi niya ako pinansin. Umupo ako ng tuluyan sa isang stand chair katabi niya at kinuha ang packaging tape na nilagay ni Jude dito. Napasulyap ako sa kanya. Mariin niyang isinara ang kanyang mata at umiling atsaka madilim na bumaling sa akin. Ngumisi ako. Ako ang masusunod sa katawan ko at hindi ang ibang tao. "Hi!" Inunahan ko na, mukhang wala namang plano ang lalakeng ito na pansinin ako eh. Tumingin siya at bumalik ulit ang mata sa Laptop niya. "Hi! Christopher Tong.." Napilitan siyang bumaling nang marinig ang pangalan niya. Takang taka siyang tumitig sa akin. Inilahad ko ang kamay ko upang makipagkamayan sa kanya. "I'm Latania Alvarez." "How did you know me?" Tanong niya. Ngumiti ako at binaba ang kamay ko. Hindi ko gusto dinededma ito ha. "You're a game developer, right?" "Uh-huh.." At bumalik ulit ang atensyon sa Laptop. "Then?" Tumaas ang kilay niya. Huminga ako ng malalim. Dapat makuha ang atensyon, nakuha ko na. Ang susunod ay dapat makuha ang loob. "Ako'y isang baguhang gamer na sinusubukan laruin ang laro mo. Nang mapag alaman kong andito ka sa davao ay agad kitang pinuntahan." "Paano mo nalaman na nandito ako sa tabi ng Abreeza." "Parati kitang nakikita dito. Noon nahihiya ako lumapit, pero ngayon hindi na." Sinara niya ang Laptop niya at tumitig sa akin. Mabuti naman sinara niya, wala na akong karibal sa atensyon niya. Ngumiti naman siya. "Are you stalking me?" Aba't kapal ng mukha pero sige sasakyan kita sa pananaw mo. "Ah eh, idolo lang naman kita." ani ko. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Pinagpe pyestahan ng kanyang mga mata ang hubog nito. Nakaramdam ako ng pagkailang. Unang pagkakataon ito. Siguro dahil sa mga mata niyang halatang m******s, lalo na nang kinakagat kagat niya ang makapal na labi niya. Parang gusto ko nang ibalik ang Packaging Tape. "Napakagaling mo, gumawa ng game. Walang lapses at nakaka adik.." ani ko. Tumango siya at mapupungay na matang tumitig sa aking mga mata. "Ilang years ka na naglalaro?" Tanong niya. Ilang buwan na nga ba? "Uh, 10 years na ata..." sabi ko. Baguhan pa 'yan sa lagay na 'yan. Ngumisi naman siya. "5 years pa lang ang game ko." Agad akong nahiya. Hindi ko naman inihanda ang sarili ko sa klaseng katanungan na ito eh. Wala namang sinabi si Jude sa akin tungkol dito. Ano bang alam ko sa laro? Ang alam ko lang laruin ay 'yong chinese garter at patentero. "Here's your order, ma'am.." Ani ng waiter at inilapag ang aking  Mocha Ice coffee please. "Magkano?" Wala akong dalang pera. Sinadya iyon dahil kabilang iyon sa plano. "550 Pesos po..." Kinuha ko kunwari ang pitaka ko pero magpapanggap akong nawawala ito. "What's the problem?" Tanong ng Target. "Uh, I can't find my wallet." Ani ko at naglibot libot pa sa Cafe. Napasulyap ako sandali kina Jude. Kunwari siyang nagbabasa ng dyaryo pero ang mata niya'y nakasilip sa akin. Pinagdilatan ko siya ng mata upang magbigay senyales na kailangan na niyang maghanda. "Pwede naman ako na ang magbayad." Aniya. "Sigurado ka ba?" Kunwari nagulat ako. "Maliit lang ang halaga na 'yan." Mayabang na aniya at kinuha ang pitaka. Agad akong napatingin doon. Habang dumudukot siya ng pera ay bumaling ako kina Jude at tumango. Senyales na it's about time. Pumasok siya na nakayuko. Binati naman siya ng mga waitress. "Saan ang C.R?" Tanong niya sa mga ito. Itinuro naman ng waitress ang daan patungo sa C.R. "Salamat pero ba't mo ginawa 'yan? I mean hindi pa tayo magkakakilala ng lubos." Ani ko at ngumiti sa Target. "You're cute so it's fine." Pansin kong natigilan si Jude na kasalukyang nasa likuran ng Target at napatingin naman siya rito. Pagbigay niya ng pera sa waiter ay sinadya kong itapon ang laman ng kaunti sa kanyang trouser. "Holy s**t!" Ani naman ni Christopher at tumayo. Nagkaroon ako ng tyansa na ihagis ng buong pwersa ang pitaka niya sa likuran upang mahulog nang hindi niya napapansin. "Oh my God, I'm sorry!"  Kunwari nagulat din ako sa ginawa ko. Kinuha ko ang panyo at pinahid sa hita niya. Mabuti na lang malamig ang kapeng inorder ko, kapag mainit nako! Nalapnos na balat nito. Nasulyapan kong dinukot ni Jude ang phone at iniscan ng mabilisan ang laman ng pitaka atsaka ito ibinalik sa mesa malapit sa target atsaka siya tumungo siya tuluyan sa C.R. "Okay lang," Ngumisi ang target at bumaling sa akin. "Hindi mo na kailangan bayaran ang naibayad ko sa'yo, makuha ko lang ang numero mo." Aba't! Hinawi ko ang aking buhok. Ako si Becky, the irresistible Police Officer. Walang tatalikod sa ganda ko at salamat sa endorser kong push-up bra na nabili ko sa halagang singkwenta pesos. "Walang problema." ani ko. Dahil siya'y isa namang scammer, binigay ko ang numero ng opisina ng pulisya sa kanya. Si Ellie na bahala sa'yo. Sinabi ko ang tungkol sa plano kanina bago kami naghanda para sa operasyong ito. Napangiti ako. Ang susunod na hakbang, pagkatapos maging totoong pera ang nanakaw ay ibibigay ko ito kay Vico. Sa airport pa lang ay maghahanda na si Ellie at Maco upang dakpin siya dahil siguradon luluwas agad ito ng ibang bansa at doon ang tungo niya. Hindi na ako makapag hintay na matapos ang mission na ito. "Gotta go," ani ko nang nakuha niya ang numero. Tumungo si Vico sa sasakyan at ganon din naman si Jude. Nilibot ko ang mga mata sa naturang lugar upang makasigurong wala silang mapag suspetsyahan na maaaring makabasag ng plano. "Mas madali lang ang mission na ito kung ginamit mo ang pagiging Con Artist mo, Jude." Ani ni Vico nang tuluyang umandar ang sasakyan. Napatingin ako sa kanya sa rear-view mirror. Kumakain ito ng hotdog na binili nila. "Mahirap dahil nasa public place." ani Jude. Mayamaya'y nahinto kami sa kalagitnaan ng daan nang makulong ang sasakyan dahil sa traffic. "Minsan ka na nahuli, Jude?" Tanong ko pero ilang sandali wala siyang sinagot sa akin kung kaya't bumaling ako sa kanya. Napatingin siya sa isang billboard ng isang modelo ng beauty products. Nakatuon ang atensyon niya rito, binalewala ang sinabi ko. Bumuntong hininga ako nang maalala ang binulong niya kagabi.   "Marami lang akong gusto, pero isa lang ang iniibig ko. Magkaiba ang gusto sa pag-ibig, kaming mga lalake may nagugustuhan pero hindi magawang ibigin." "Sino Jude?" "Si Therese, iyong crush ko dati pang high school na modelo na ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD