Chapter 10: Hug

2134 Words
"Gusto mo ba makita si Father Allan?" Tanong sa akin ni Jude nang pauwi kami sa Apartment galing ng convenient store upang bumili ng stocks ng pagkain. Sandali akong bumaling sa kanya bago ko binalik ang mata sa daan. Linggo ngayon at malamang ngayong oras nag mimisa nga si Father Allan. "Sigurado ako sa pagkakataong ito, may alam siya tungkol sa'yo." Tugon ko sa kanya. Nakita ko sa giliran ng aking mata ang kanyang pagsang ayon. "Mabait si Father Allan, Becky. Alam na niya ang ginagawa ko at alam niyang mangyayari ito sa akin." Humalakhak siya. Bigla akong nakaramdam ng kuryente nang hawakan niya ang aking kamay. "Magtiwala ka sa akin, Becky.." Aniya sa baritnong boses. Agad kong inalis ang kamay ko sa kanya at tumango, "Okay! Masusunod kamahalan.." Ngumisi siya at ginulo ang aking buhok. Tatlong araw makalipas matapos na mahuli si Vico, walang kaalam alam si Jude tungkol dito. Masaya siya dahil sa pagkakaalam niya nakalabas ng bansa ang kaibigan nang hindi nahuhuli pero minsan nagtataka kung bakit  ni isang mensahe mula sa kanya ay wala siyang natanggap. "Baka, nakarating na sa Singapore 'yon, Jude. Hindi na makatawag." Parati kong rason sa kanya, pero hindi na niya muling binuksan ang pagalala sa kaibigan dahil ayon sa kanya. Ex wife na daw ang bahala kay Vico. Nakarating kami sa simbahan kung saan nag mimisa si Father Allan. Tinago ni Jude ang kanyang mukha gamit ang hood. Kitang kita naman ang tangos ng ilong nito na tumatakas sa hood. "I confess to almighty God and to you, my brothers and sisters," Tuwing misa , pansin namin dati pa mula pagkabata na wala masyadong umuupo sa may bandang unahan. Allergy ata mga tao na madali silang makita ni Father eh. Kaya doon kami umupo ni Jude, mismo sa tapad ni Father Allan na ngayo'y nakapikit habang tinataas ang kamay at nagsasalita ng prayer. Pagdilat ng mata niya'y napansin ko agad ang kanyang sandaling pagkabigla nang makita kami ni Jude. Napangiti naman ako nang bumaling kay Jude at ganon din ang ginawa niya sa akin. "May almighty God have mercy on us, forgive us our sin," Umupo kami ni Jude habang naghihintay na matapos ang misa. Huminga ako ng malalim habang nakatingin kay Father Allan, medyo kulubot na ang kanyang mukha at may mapuputi na siyang buhok. Hindi gaya ng dati, na animo'y pinapapantasyahan pa ng babae dahil sa kanyang angkin kagwapuhan. "Parati niyang inaabangan ang sulat mo dati.." Bulong sa akin ni Jude. "Ganon ba..." Medyo nakaramdam ako ng guilt. Masyado akong abala dati at nakalimutan na ang naiwan ko rito sa Davao. Na miss ko din ang Padreng ito. Isa ito sa nagpalaki sa akin dito sa kumbento. Napangiti ako ng matamis nang bumaling siya sa akin at binigyan ako ng sandaling ngiti bago mag-umpisang mag sermon. Matapos ang misa ay agad kaming pumasok sa kumbento na nasa likuran lamang ng simbahan. Nilibot ni Father Allan ang kanyang mga mata sa paligid bago sinara ang malaking pintuan.  Nang nag C.R si Jude ay nakahanap ako ng pagkakataon na i komporta si Father Allan tungkol sa aking Misyon. "Huwag niyo po sana itong sasabihin kay Jude, paki-usap po." Tumango siya at humalukipkip. "Naiintindihan kita, Becky pero sa oras na malaman niya ang totoo, manganganib ang pagiging magkaibigan niyo." Aniya. Tumango ako. Aware naman ako sa maaaring mangyari. Medyo nag-aalala pero ano magagawa ko? Mission ito at trabaho ko. "Kailangan kong gawin ito, Father." Ani ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumango. "Naiintindihan ko Becky, pero nakasaad sa bibilya na Proverbs 12:22 - the Lord detests lying lips, but he delights in people who are trustworthy." Aniya at pumikit. Nang dumilat ay ngumiti ito sa akin. "Nasa iyo pa rin ang desisyon, gaya ng sabi mo trabaho mo lang ito pero pwede mo namang gawin ang mission mo na hindi nagsisinungaling, Becky at hindi nilalagay sa kapahamakan ang kaibigan mo." Mas lalo tuloy ako na guilty. Bakit ba kasi ako nagpunta dito? Ayan tuloy napagsabihan ako, with bible verse pa ha. Hay nako Becky! Tanggapin mo kasi ikaw nag umpisa ng lahat ng ito. "Father..." Utas ko. Nahinto dahil hindi ko alam ang i-tutugon ko. "Baril at puso ang hawak mo rito, Becky. Nawa'y hindi umabot ang sa puntong kailangan mo mamili." Napatingin naman ako sa kanya. Puso? Pag-ibig ba ang ibig niyang sabihin o sadyang binibigyan ko lang ng kahulugan. Malakas akong tumawa.. "Nako, Father. Hindi ko po type si Jude!" Kumunot naman ang noo ni Father. "Pinagsasabi mong bata ka?" "Wala akong nararamdaman kay Jude---" Hindi natuloy ang aking sasabihin nang may biglang sumingit. "Ano ang pinag-uusapan niyo, Father?" Si Jude bagong dating mula sa C.R Nang lumapit sa amin ay agad niyang binatukan si Jude. "Aray ko Father.." Daing ni Jude at hinimas ang kanyang ulong napuruhan. "Ikaw bata ka, ilang beses ko na sinabi sa'yo na tigilan mo na yang masamang trabaho mo! Hindi ka nakinig eh, ano ka ngayon?" Umiling iling si Father na wari'y dismiyado sa dating alaga. "Father Allan," Babatukan na sana ulit ni Father si Jude nang bigla akong pumagitna. Binigyan ko naman ng matamis na ngiti si Father. Nangangahulugang iyon na hindi dapat malaman ni Jude ang lahat ng ito at ang lihim ay mananatiling lihim sa pagitan naming dalawa lamang. Tumango si Father, isang hudyat na naiintindihan niya ang ibig kong ipahiwatig. "Maupo na muna tayo?" yaya ko sa kanilang dalawa. Baka kasi mabugbog ni Father itong si Jude ng di oras eh. Sabay kaming huminga ng malalim nang makaupo kaming lahat. Humalukipkip si Father Allan atsaka matalim na tumingin kay Jude. "Kung wala sa Becky? Saan ka pupulutin ngayon?" Tanong nito. "Sa inyo po." Sagot ni Jude na ikinatawa ko. "Aba't!" Akmang babatukan nang tinaas ko ang kamay ko. "Hep! Hep! Father Allan, naparito kami upang inyong mabasbasan ang aming kasalanan.." Ani ko at ngumiti sa kanya. "Si Becky po maraming utang, tinakasan niya mga inutangan niya sa Manila kaya may kasalanan din siya." Sabi ni Jude at uminom ng tsokolateng inihanda para sa aming dalawa. Makahulugang tumingin sa akin sa Father Allan at umirap. Aba't! Itong matandang ito, marunong pa lang umirap? "Wala akong pera, Becky. Wala akong ipapahiram sa'yo." "May pera po kami." Sagot ni Jude. Ako naman ang tinatanong ah, bakit ba siya itong sagot ng sagot? "Saan niyo nakuha?" Ani Father Allan at uminom ng tsokolate. "Nagnakaw po kami nitong nakaraang araw." Sabi ni Jude dahilan upang mabulunan si Father Allan. Agad kong tinapik ang kanyang likod. Napatingin siya sa akin para ikompirma kung totoong sinasabi ni Jude. Ngumiti ako bilang pagsang ayon. Madiin siyang pumikit at inangat ang ulo. "Kayong mga bata kayo! Hindi na kayo tumanda!" Aniya at hinampas ang mesa. "Kayo din po, di na po kayo tumanda ang gwapo gwapo niyo hanggang ngayon." Ani ko sabay tawa. Mas lalo siyang pumikit ng mariin. Pansamantalang kaming nanahimik. Pag ito inatake ng high blood nako! Ewan ko na lang. "Kumusta na pala si Father Ignacio?" Mahinahong tanong niya. "Akala namin magkakatuluyan kayo ni Jude." Ako naman itong nabulunan. Bakit ba kami pine pair ni Jude? Eh wala nga siyang gusto sa akin! Di nga ako type eh, kung type ako ng taong ito walang pagdadalawang isip, ibibigay ko ang sarili ko sa kanya. Tumawa naman ng malakas si Jude, na para bang sinapian siya ng masasamang engkanto dahil sa lakas nito. Tawang tawa siya akala niya biro iyon. Hay, nakaka insulto. "Hindi ko po type si Becky.." Aniya Tumango naman si Father Allan na parang convincing ang sinasabi ni Jude. "Eh, ikaw Becky? Type mo ba si Jude?" Oo, father pero di kami talo. "Hindi rin Father..." Ngumiti ako at tiningnan ang tsokolate sa aking harap. "May mahal po akong iba." Napansin kong natigilan si Jude sa aking tabi atsaka siya lumingon sa akin gamit ang seryosong mukha. Panandaliang nagtama ang mata naming dalawa bago ako umiwas at tumikhim. "Hindi niya naman sinabing mahal mo, type lang tinanong." Ani Jude. "Doon din naman pupunta 'yon, pag type mo ang isang tao. Mahal ka na agad non! " Nagkatinginan si Father Allan at si Jude bago bumaling sa akin. "Mas higit ang pagmamahal, Becky." ani Father Allan. "Alam ko naman po 'yon..." "Pag sinabing pagmamahal, kahit hindi mo tipo ang isang tao tatanggapin mo. Habang ang tipo naman o ideal, ay isa lamang pag hanga o standard po sa taong iibigin mo. Maaari mo siyang ibigin ngunit hindi iyon basehan ng tunay na pagmamahal." Sermon niya sa akin. Tumango ako at uminom ng tsokolate. "Nawa'y makasal kayo sa lalong madaling panahon.." Muntik agad akong mabulunan pero nakabawi nang dinugtungan ni Father ang kanyang sasabihin. "..Ng minamahal mo Becky." Sumagi sa isipan ko si Eliseo na may dalang bulaklak habang hinihintay akong makarating sa altar. Hindi ko namamalayan na napangiti ako dahil doon. "Hindi ko na tatanungin kung sino iyan..." Ngiting ani ni Father Allan atsaka siya uminom ng tsokolate. Napansin kong nilagok ni Jude ang tsokolate bago ito padabog na binaba sa mesa. "Hindi ba 'yan isa sa mga kliyente mo?" Tanong niya, tonong namamaratang. "Kliyente?" Tanong ni Father Allan nagtataka. Agad kong sinipa ang paa ni Jude at kumindat kay Father Allan. Umirap ito at hindi na muling nagtanong. Alam na niyang ibig kong sabihin. ~*~ "Mami tayo?" Yaya ko kay Jude nang pauwi kami galing kumbento, alas syete ng gabi. Umaambon ng malakas at may mga kalsadang binaha at traffic.  Nakulong din ang sasakyan namin sa gitna ng traffic. Mukhang hating gabi na talaga kami makakauwi. Hindi ako sinagot ni Jude. Kanina pa siya ganyan, wala siyang imik. Ang lalim ng iniisip niya. "Jude.. lomi tayo?"  Tanong ko ulit sa kanya. Gaya ng dati, wala siyang sinabi sa akin. Babatukan ko na talaga ito pag hindi pa ito tumugon. "Tao po? May tao po ba sa tabi ko?" Wala pa rin... Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanyang tenga. "Jude! Mami tayo!" Malakas kong ani dahilan ng kanyang pagtalon sa gulat. Tinakpan niya ang kanyang tengang nasigawan ko at bumaling sa akin na nakakunot ang noo. "Tangina, Becky Di ako bingi!" Reklamo niya.  "Eh bakit ka hindi nagsasalita? Ang tahimik mo diyan..." Umiling siya habang nakakunot ang noo. Dumungaw siya sa bintana, nakatingin sa labas habang umaambon ng malakas. Umusad ng kaunti ang Traffic. Umandar ang ilang sasakyan kaya umusad na rin ako. Dumaan kami sa mga malalaking billboard. Napatingin naman doon si Jude sa babaeng modelong nagngangalang Therese. May hawak itong bag habang nakaupo at labas ngipin na nakangiti. Nakaramdam ako ng panliliit. Di hamak na mas malaki boobs ko diyan eh, mas lamang pa ako sa laman eh bakit naman 'yan ang tipo niyang babae? Unfair ng mundo.... "Mag te take out lang ako ng lomi sa Aling Pacita." Iyong tindahan ng paborito naming tambayan noon at kung saan kami unang nagkita ulit pagkatapos ng ilang taon ko sa Manila. Pagkarating namin doon sa tinagal tagal na traffic, agad akong umorder ng paborito ko. Hindi ko alam kung paborito din ba ito ni Jude. Bahala siya basta paborito ko ito. Binuksan ko ang pintuan ng apartment at ang ilaw pagkarating namin. Wala kaming imikan ni Jude. Kanina pa siya ganyan, hindi naman babae para madatnan ng regla. Nilapag ko ang umuusok na Lomi dahil sa init sa isang malaking mangkok. "Gusto mo bang kumain?" Tanong ko at nilapag din ang beer na binili. "O uminom na lang.." Ngiting ani ko. Napatingin siya sa akin at sa beer. Wala siyang sinabi at lumapit sa akin. Tumukod siya sa mesa habang nakatingin ng direkta sa aking mga mata. Agad akong napaatras dahil sa biglaan niyang inasal. "Sinong kliyente iyon Becky?" Tanong niya gamit ang baritonong boses. Kumalabog ng husto ang aking puso, dahil sa kaba na baka itatanong niya ang tungkol kay Eliseo pero diba, hindi niya naman ito kilala? Hindi niya naman alam ang tunay kong pagkatao. "Ha? Kliyente?" Pag maang maangan ko. Tumango siya habang hindi pa rin pinuputol ang titig niya sa akin.  "Iyong sinabi kanina, na mahal mo... Sinong kliyente iyon?" Agad akong umiwas at napatingin sa kisame, kunwari naghahanap ng butiki na pwede kong kausapin. Sumagi sa isipan ko ang payo ni Lily sa akin na hindi dapat umabot sa puntong maging kuryuso si Jude sa akin. "Iyong may asawa na't anak," Ani ko at kunwaring nalungkot. Myembro ako ng theater play dati sa school namin kaya dapat sisiw na ito sa akin.   "Naging kabit ka?!" Nanlak iang mata niya sa gulat. Tumango ako. Humawak ako sa dibdib ko at tumalikod sa kanya. "Pero ako ay sinaktan niya ako." Tangina, bakit ba ko ba kasi sinabi sa kanila kanina na may mahal akong iba. Sawang sawa na ako sa pag pe pair sa akin kay Jude. Ayaw ko na makarinig, hindi naman kami magkakatuluyan. Walang nagkakatuluyang Pulis at krimenal. Mayamaya naramdaman ko ang kanyang pag higit sa akin. Natigilan ako kasabay ng pagkalabog ng husto ang puso ko nang bigla niya akong hinigit upang gawaran ng yakap. "Pasensya ka na, hindi ko dapat tinanong sa'yo." Ay teka, biro ko lang iyon ah. Boses boyfriend na concern sa girlfriend ang tono ng kanyang pagsasalita. Imbis na umalis sa bisig niya, dinama ko na lang ang yakap... Ang yakap na alam kong walang ibang kahulugan kung hindi bilang pagkakaibigan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD