Chapter 2: Mission

2193 Words
  Becky's POV Inayos ko ang aking naka-pony tail na buhok, hinigpitan ko naman ang baril sa ilalim ng aking bodycon black dress. I walked confidently upon entering the superclub.  Sinalubong agad ako ng malakas na sounds system. "Remember Becky, kapag pumalya ka dito ipapa re-assign kita sa Manila." Narinig sabi ni Ellie sa kabilang linya, ang aking boss. Inayos ko ang aking earrings kung saan nakatago ang wireless chip device na naka-connect ang linya sa opisina.   "I got this." Mayabang kong ani at nilibot agad ang aking paningin sa buong lugar. Narinig ko siyang mapanuyang tumawa.   "Five failed missions in a row, huh." aniya na parang pinapaalala sa akin na hindi panahon upang magyabang.   Nahinto ako sa gitnang gawi ng mga nagsasayawang tao.  Napatingin ako sa counter kung nasaan ang target na kasalukuyang lumalaklak ng beer. He's Edgar Padilla. The notorious gang leader ng grupong nag aangkat ng droga sa ibang bansa.   "Hindi na ngayon, Ellie. I'll show you." Ani ko at pinatay na ang linya dahil sa hindi kagustuhan ang marinig ang mga panunuya niya.   Lumapit ako kay Edgar, giving him my most lustrous smile. Kita ko ang pagbaling niya sa akin at pagbaba ng kanyang tingin sa aking cleavage.  Mabuti na lang at hindi ko nakalimutan magsuot ng push up bra para mas lalong madipina ang hubog nito.   "One glass og vodka, please." Ani ko sa bartender na agad niya rin naman sinunod. Umupo ako sa high-stand chair katabi niya.   Tinagilid ko ang aking ulo upang magbigay daan sa kanyang mga matang kasalukuyang nagnanasa sa akin dibdib, legs, at leeg. Sige! Tama yan! Maakit ka ng madali kitang malinlang.   "Want some?" Ani ko at tinaas ang baso.     Unti unti siyang humarap at mapupungay ang mga mata tumitig sa akin. Ngumiti ako at ganon din ang ginawa.   "Nag-iisa ka?" Tanong niya. Aaminin kong, masyadong siyang hot. Hindi ko mawari kung bakit ganitong kagwapong bachelor ay may tinatagong lihim sa likod ng tagumpay.   "Yes, ikaw ba?" Bulong ko sa kanyang tenga. Sinadya kong ipadausdos ang tuktok ng aking dibdib sa kanyang braso. Lord! Patawad kung malandi po ang role ko ngayong gabi.   Ngumiti lang siya bilang tugon. "Want have a good night?" Mapang-akit na aniya.   Aminado akong tumalab iyon. Nagtayuan aking mga balahibo sa katawan nang maramdaman ang kanyang hininga sa aking leeg. Nagsimulang lumakbay ang kanyang hintuturo sa aking braso.   Kalma! Isang na lang at kung papalya ka pa rito, good bye hometown ka na!   Tumikhim ako at ngumiti. Bakit ba sa akin binigay ang mission na ito? Nananadya ba yang si Ellie?   Mayamaya pa'y naramdaman ko ang nambibitin niyang halik sa aking leeg. Mahina akong tumawa dahil sa kiliting dulot nito. Lumingon ako upang salubongin ang kanyang halik.   Sumilip ako sa kanya at nakitang pumipikit siya habang nagpapalitan kami ng maiinit na halik. Hindi na lumipas ang segundo nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking beywang.   "Let's go somewhere else." Bulong niya sa aking tenga at marahan na kinagat ang earlobe, mahina akong dumaing. Nakakahiyang sabihin pero nagustuhan ko iyon.   Na carried away ako, masyado akong nagpadala muntik ko ng makalimutan nasa mission pala ako. Hinawakan ko ang kanyang matitigas na dibdib upang pagpanggap na nagpaubaya sa kanyang mga halik.   Inabala ko ang sarili sa kanyang mga halik at iniwasan na mapunta ang kanyang mga kamay na maabot ang aking hita kung  saan nakatago ang baril. Hanggang tuluyan kaming nakaabot sa isang sasakyan na sa tingin ko'y pagmamay-ari niya.   Mapupusok at malalalim na pagpapalitan na halik ang nangyaring labanan. Nagsasandatahan ang aming mga dila. Kapag humihiwalay ang kanyang labi ay ay dinidiinan ko. Nakakaluyo pero pilit kong pinagtatag ang aking sarili. Pagsubok lang ito, Becky! Bukas makalawa anghel ka na ulit.   "Sa condo ko tayo." Aniya sa gitna ng aming paghahalikan.   Nakabalik ako sa wisyo. Hindi pwede! Hindi pwedeng aabot pa kami ng condo. Mananagot ako sa mga kasamahan ko kapag nalalam nilang pinagsamantalahan ko ang pagkakataong ito makahalik ng gwapo.  Kahit hindi ko naman talaga ginusto... Slight lang.   Naihiwalay ko ang aking labi, nadatnan ko naman ang mapupungay niyang mata. Kinuha ko ang baril at walang pag alinlangan tinutok ito sa kanya.   "Itaas ang kamay!" Pwersahan ko siyang tinulak hanggang mapahilig siya pinto ng driver's seat. Inipit ko siya ng aking heels at  sinikap na hindi mabagok ang ulo sa itaas ng sasakyan.   Nagtaas siya ng kamay kasabay ng pag uwang ng kanyang bibig. Ha! Wala kang kawala ngayon.   Kinapa ko ang posas pero napagtanto kong nalimutan ko itong dalhin. Sa lahat ng pagkakataong bakit ngayon ko pa nakalimutan. Inihanda ko naman iyon kasabay ng baril ko ah. Kinapa ko ulit sa aking pwet, sa beywang sa magkabilang dibdib. Tangina, ngayon pa.   Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ang reaksyon kong hindi mapakale.   "Edgar Padilla..." Biglang aniya. Nahinto ako kakakapa at kunot noong bumaling sa kanya. "You're looking for him, right?" Aniya. Hindi ko gusto ang bawat pang ngiti sa kanyang mga labi.   Tumango lang ako bilang tugon, busy ako para makipag tsikahan. "I knew it." Aniya.   Tinutok ko pa ng husto ang kanyang baril sa kanya. "Hindi ba't ikaw si Edgar Padilla? Don't fool me, ilaw araw na kitang minamanmanan!" Ani ko at kumapa ulit.   Nawawalan ako ng pag-asa lalo na't nagiging destruction sa akin ang kanyang mga tawa.  "Anong nakakatawa?!" Tangina, kapag naidala ko to sa presinto, ibubuhol buhol ko mga dila nito.   Nang nanghina ang pwersa ng aking kamay na nahawak sa baril ay nagkaroon siya ng pagkakataong sipain ito upang mapadpad sa likuran. Nanlaki ang aking mata nang sa isang mabilis na pangyayari ay nabaliktad niya ako... Kinulong niya ako sa aking leeg gamit ang kanyang braso.   Nagpapasalamat ako parin ako kasi gentleman siya. Hindi niya ako tuluyang sinakal.   "I'm not Edgar!" Aniya.   "Eh, sino ka ba?!" Wag niyang sabihin sa ilang araw kong pagmanman sa lalakeng ito ibang tao pala ang sinuspetsyahan ko?   "I'm his Bodyguard." aniya at may panyong itinakip sa aking bibig dahilan ng pagkawala ang aking malay.   Naalala ko ang masasayang araw sa Manila kasama si Father Ignacio. Mabait siya sa akin kapag nagbabait baitan ako. Ilang beses akong napalo nang nag pumilit akong umuwi sa Davao. Kung hindi dahil sa pagdidisplina niya'y siguro pariwara na rin ang buhay ko ngayon.   Aniya'y kapag hindi ako nagtino pagsisisihan ko balang araw. Sa murang pag-iisip hindi ko maintindihan pero kalaunan, naging bukas ang aking isipan sa lahat ng bagay.   Kaya laking pasalamat ko aking tinuring na Ama.. Si Father Ignacio, sa pagtuwid ng buhay ko nang kamuntikan na itong lumiko.   Pero hindi mawala sa aking isipan ang kagustuhan kong bumalik sa lugar kung saan ako nanggaling. Mahal ko ang Maynila ngunit sa aking puso mas nakakalamang ang Davao. Ewan ko ba, para bang may kulang sa buhay ko na rito ko lang mahahanap. Isang mission na dapat ko panindigan pero hindi ko naman malaman kung ano.   Nakatungo't nakaupo ako habang pabalik balik sa paglalakad si Ellie sa aking harapan. Nahawak siya sa magkabilang baywang habang paminsan minsan tumitingala na para bang ang laking problema ng dulot ko sa kanya.   "So, hindi mo nga nahuli?"  Tanong niya.   I am undercover Police Officer. Three years pa lang sa serbisyo at nakakahiya man aminin, sa limang minsyon binigay sa akin ni isa wala akong natagumpayan.   "Hindi naman mali ang binigay ko sayong information ah." Ani ng aming intel na si Mawe. "Kumpleto naman sa detalye, aminin mo na kasi tatanga tanga ka.." Dagdag pa nito.   Tinapunan ko siyang matalim na tingin atsaka umirap. Di ako tatanga tanga! Sadyang nagkamali lang.   Pagkatapos ng gabing iyon ay akala ko ki-kidnapin na ako gaya ng nakikita ko sa pelikula pero natagpuan akong walang malay sa kalsada. Inakalang patay na ako, may narinig pa akong bulong bulongan na dadalhin na daw akong St. Peter at wag na sa hospital kaya bigla akong napabangon.   "Nakalabas na raw ng bansa ang grupo ni Edgar, ayon sa aking source."  bigong sabi ni Mawe na nakatuon ang atensyon sa screen ng computer na nasa harap niya.   Problemado silang umiling. Ellie groaned at sinipa pa ang walang muwang na basurahan.   "Becky, kapag nasa mission ka dapat hindi ka mahalatang undercover police Officer ka." Ani naman ni Lily. Ang alam kong magaling ito, walang palya pero hindi ko gusto ang tono ng kanyang pananalita. Nagmamayabang eh.   "Police patola.." Narinig kong komento ni Maco, kasamahan ko rin. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.   "Ready ka na ba ma re-assign sa Luzon?" Tanong ni Ellie. Namilog ang aking mata. Mag-iisang buwan pa nga lang ako dito eh! Hindi, Hindi ako handa, ayaw ko maging handa! Kahit naroon si Father Ignacio ay hindi ako babalik sa lugar na iyon. Dito ako pinanganak, nandirito nakaburol ang mga magulang ko, nandirito lahat, pati ang buhay ko!   "Sir, one last chance!" Pagmamakaawa ko, pinagdikit ko pa ang dalawang palad na animo'y pagdarasal.   Ngumisi siya't umiling. Bumukas ang kanyang bibig sa panibagong sasabihin nang bumukas ang pinto ng opisina kung kaya't hindi na natuloy iyon. Niluwa rito si Diego at nilapag sa mesa ang isang dyaryo. Headline doon ang pagtakas ng limang magnanakaw.   "May bago tayong mission." Aniya at naglapag rin ng kwintas na may baryang ginto na pendant.   Nanlaki ang aking mga mata sa gulat nang mapantanto kung sino ang isang kasamahan nila rito. Inangat ko ang dyaryo at pinagmasdan ito ng maigi. Si Jude? Iyong kaibigan ko noon sa kumbento.   "Ako hahawak ng mission.." determinado kong pahayag habang seryosong tumitig sa Dyaryo.   Bumaling silang lahat sa akin at natahimik. Namasid naman sa iniinom na kape si Mawe. Narinig kong tumawa si Lily at agad din namang naglaho nang inirapan ko siya.   "This man..." Nilapag ko ang dyaryo at tinuro ang litrato ni Jude. "...I know him personally, kaya siguro mas madali kung ako hahawak ng mission."   "Sigurado ka?!"  Tanong ni Lily, gusto kong sunugin ang bangs at maikling buhok ng babaeng ito. Minamaliit niya ba ang kakayahan ko? Tinaasan ko siya ng kilay.   "Lima sila ang huhulihin mo, Becky. I'll back you up." Ani Ellie. "..Ikaw ang front line. Hulihin mo ang tiwala ng sinasabi mong kakilala mo."   Tumango ako.   "...This will be your last chance, at kapag pumalya ka, hinding hindi ka na makakabalik ng Davao." Ani nito.   Si Jude ay isang matalik kong kaibigan noon. Kilala ko siyang mabait at matinong lalake, napariwara lang ng dahil sa akin. Tuwing naiisip ko ang nagawa kong kasalanan sa kanya'y naguguilty ako pero hindi ko akalain na ang isang tulad niya'y sa ganito ang hahantungang buhay.   Nakasara ang pintuan tanging ilaw mula sa screen ng T.V ang nagsisilbing liwanag. Katabi ko sa upuan si Diego at sa kabila nama'y si Maco. Si Ellie at Lily naman magkatabi sa kabilang mesa.   "This is Ryan Jose.." Tinuro ni Mawe ang litrato na nakadikit sa screen ng isang lalake gamit ang mataas na stick. "32 years old, walang pamilya, nag-iisa sa buhay. Pitong taon na ito sa nasabing gang." Dagdag nya at bumaling sa kasunod na litrato.   "Vico Alonzo.  43 years old, nakulong ng sampong taon bago ulit ma recruit ng gang na ito. Wala itong pamilya, hiwalay rin sa asawa."   "Eddie Fajardo, 29 years old. May nakakabatang kapatid. Sangkot ito sa pagnanakaw noon pa at labas masok rin sa kulungan." Aniya at tinuro ang litrato. Mukha siyang matanda sa kanyang litrato. Hindi halatang 29 years old.   "Niel Colitan, ang basagulero sa lahat, 39 years old.  As you can see matagal na itong wanted, matibay ang paa dahil madaling makatakas." Aniya at hinilot ang kanyang leeg na parang may inaalala. "Laman ito parati ng robbery, hindi na nakakapagtaka, hindi ba?" Aniya at matamis na ngumiti.   Humilig ako sa mesa at pumalumbaba nang makalapit ang stick niya sa litrato ng aking kaibigan. Nilapag naman ni Ellie ang kwintas na agad kong kinulong sa aking kamao. "Jude Frias Bonifacio, 27 years old, mag-iingat ka rito Becky kahit kilala mo siya baka mahuli ka sa mga kamay nito at malinlang."  Alam ko na ang kakayahan ng lalaking 'yan. "..He's a con artist." dagdag nito, ang boses niya'y parang naninindak.   "Mas mabuti if you keep him with you. Criminals usually do not cut their communications. Gamitin mo siya para mahanap ang iba." Suhestiyon ni Ellie na nakahalukipkip. "Then let us know kung may nahanap kang information. Di mo ito kaya nang nag-iisa lang." Dagdag niya.   Nakita ko sa giliran ng aking mata ang pagbaling ni Lily sa akin. Napatingin ako sa kanya at mala-kahulugan niya akong ningitian. "Interesting.." aniya.   Ngumisi ako at sinamaan siya ng tingin.  Ngumuso siya at tinaas ang kilay. Baliw! Ipapakita ko sa'yong babae ka kung gaano ako kagaling. Warm up lang iyong naunang lima, itong mission na ito seryoso na.   Huling sulat ko sa kanya noong summer bago ako tumuntong ng kolehiyo. Pagkatapos noon, hindi ko na alam ang kaganapan sa buhay niya. Naabala ako sa school works at sa pag pa part-time sa isang minimart. Hindi naman pwedeng iasa ko kay Father Ignacio ang lahat. May tinutulungan siyang charity at isang organization for cancer awareness. Halos lahat ng pera niya'y napupunta kahit ano sa dalawa.   Nawala sa isipan ko ang pangungumusta sa iba pang padre. Kaya gusto ko rito sa Davao para kahit isang beses man lang makumusta ko silang lahat... Pati si Jude, pero hindi ko akalain sa ganitong paraan kami magkikita ulit.   Wala akong kahit na anong social media Account. Kaya bago makalabas ng opisina'y pinagawa ako ni Mawe ng Messenger Account at ibinigay sa akin ang Account ni Jude na madalas  niyang ginagamit...   Ako: Hi! Kumusta ka na Jude? Si Becky 'to, naalala mo pa ba ako? Kakabalik ko lang ng Davao. Kita naman tayo oh, I missed you.. Sent   Pasensya na, Jude. Kailangan kong gawin ang trabahong ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD