Chapter 3: The deal

2170 Words
Jude's POV Suot suot ko ang hoody jacket, pumasok ako sa isang internet cafe alas singko ng umaga. Hindi ako nakatulog kakaisip kung saan magtatago, hindi naman ako pwedeng bumalik sa hideout, siguradong mahuhuli ako pag umuwi ako doon. Balita ko nakita rin ng mga pulis, narinig ko nang napadaan ako sa isang tindahang pinapalabas ang balita. Agad tumunog ang nakasabit sa pintuan ng Internet Cafe, tinakpan ko ang aking mukha lalo nang napatingin sa akin ang nagbabantay. "Dose pesos isang oras." aniya at agad ko namang ibinigay ang barya. Nakahinga ako ng malalim nang mapansin kong walang katao tao sa naturang lugar. Umupo ako sa pinakadulo at nag umpisang buksan ang social media account ko. Mabilisan ang nangyari dahil hindi ko gusto may makahuli sa akin na nago-online. Hindi ko naman pwede i-asa sa turn off chat ang lahat. Nakita ko ang account ni Father Ignacio. Nagdadalawang isip ako kung hihingi ako ng tulong sa kanya pero kalaunan hindi ko ginawa. Kilala ko iyon siguradong tutulong 'yon sa mga pulis. Tinimpa ko kung sinong pwede hingian ng tulong. Si Father Allan? Hindi pwede! Sinubukan kong i chat si Niel dahil siya lang ang may Account sa social media sa aming lima pero apat na linggo na itong hindi active. Bahagya kong sinuntok ang mesa dahil sa inis. Itinukod ko ang siko at sinapo ang noo. Mayamaya biglang may nag pop up na message, nong una kinabahan dahil akala ko Pulis. Tangina, napapraning na ako pang naririnig o nakakakita ng pulis. Pero nang buksan ko ito, namilog ang aking mata nang mabasa ang pangalan ni Becky. Hi! Kumusta ka na Jude? Si Becky 'to, naalala mo pa ba ako? Kakabalik ko lang ng Davao. Kita naman tayo oh, I missed you.. Naalala ko ito noong nakaraan at hindi ko inakala na magpaparamdam ang babaeng ito ngayon. Malakas ang kabog ng dibdib ko, biglang gumuhit ang ngiti sa labi ko. Kahit makasalanan ako, hindi mo pa rin ako pinapabayaan, salamat Lord! Mabilis akong nagtimpa. Hi! Di ka ba busy? Pwede ba tayong magkita? Napalingon ako sa paligid nang mapunang unti unti nang dumarami ang tao. Mas lalo kong tinakpan ng palad ko ang mukha ko. Hindi dapat ako mahuli rito. Aalis na sana ako nang nag pop-up ulit ang mensahe niya. Hindi naman. Tara?! Sa dating lomihan! Sa may Roxas iyong sinasabi niya. Nandoon pa ba 'yon? Hindi ko malalaman kung hindi ko pupuntahan. Sige, hihingi din sana ako ng tulong, kung okay lang? Pagkakataon ko na rin siguro ito para makilala siya ng husto. Matagal na rin hindi kami nagkaka-usap. Malapit ko na ngang hindi maalala ang pagmumukha niya. Siguro sinadya rin ng diyos ito upang magkita kami. Alam niyang nahihirapan ako kaya dinala niya si Becky sa akin. Napangiti ako nang mabasa ang kanyang reply bago binura ang aking account. Mukhang alam ko na, hehe. Doon na natin pag-usapan? Miss na miss na kita. Becky's POV Agad kong tinanggal ang eyeglass na suot nang ibaba ng isang tindera ang mainit na lomi sa aming mesa. Naalala ko ang lugar na ito, hindi mawala-wala sa isipan ko ang panahong dito kami tumatambay ni Jude tuwing pagkatapos ng misa. May kaunti namang pagbabago. Noong walang pinta ngayon mayroon na. Maliit lang ang espasyo noo kumpara ngayon. Pati iyong nagtitinda bago na rin ang mukha. Napatingin ako kay Jude na panay takip sa kanyang mukha gamit ang hood ng jacket. Napansin ko ang maliliit na balahibo sa kanyang panga. Maganda talaga ang hubog ng mukha ni Jude noon pa. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at ang pilikmata, kulay abong mata, at higit sa lahat ang natural na kulay pulang labi na may hati sa gitna. Hindi ko akalain na ganito siya ka gwapo kapag lumaki. Sana pala nagpakabait na ako noon pa sa davao para malaki ang tyansa maging kami. Hindi ko rin siya napansin sa dyaryo kahapon kasi parang hindi naman siya pinaliguan doon. Nakabalik ako sa wisyo nang marinig ko siyang tumikhim. Mabilis akong umiling at ngumiti sa kanya. Tangina, napansin niya bang masyado akong nagpapantasya? "Uh," Tae, nawawalan ako ng salita. Nakatukod ang kanyang dalawang siko sa mesa. Damn! Pati 'yong kamay maugat at mabalhibo! "Kumusta ka na pala? Balita ko wanted ka. Gamit mo parin ba kakahayan mo?" Dire-diresto kong tanong. Agad akong napalingon sa paligid upang makasiguro na walang nakarinig. "Minsan, hindi... Madalas, Oo." Ibang klase din ang taong ito. Naalala ko tuloy iyong kwintas na nakuha mula sa operasyon ng pagdukot sa kanila. "Ikaw kumusta ka sa Maynila?" Kumpara noon, mas naging baritono ang kanyang boses. "... Si Father Ignacio? Kumusta din?" "Nandoon pa rin sa Maynila. Bumukod ako sa kanya pagkatapos ko mag kolehiyo." Kinalma ko ang sarili ko. Sinaulo ko kanina ang magiging papel ko sa buhay niya upang mapaniwala ko siya. "Ang dami ko kasing utang eh, alam mo 'yon? Kahit aso ng kapitbahay namin inutangan ko na ata."  Madrama akong umiling. "...Umuwi ako rito kasi hindi ako makag ipon kapag nandoon ako. Singil ng singil eh! Mas mabuti rito tahimik." Tinaas taas ko ang aking kilay. Ngumuso siya at tumikim ng lomi. Napuna ko kaagad ang kanyang basang labi nang sandaling lumabas ang kanyang  dila. "Bakit? Hindi ba sapat ang kinikita mo sa pagtatrabaho? College graduate ka naman, madali lang sa'yo makahanap ng matinong trabaho." Tanong niya. Ngumiti ako at umiling. "Mas madali ang mangutang kesa magtrabaho." Tugon ko at nagsimula na rin ang kumain. Mahina siyang tumawa. Pati ang pagtawa niya'y masyadong sexy. "Di ka na nagbago. Parasite." tipid niyang komento. "Di naman, may pinagkikitaan din naman ako doon. Hindi nga lang malaki kesa sa nakukuha ko sa pangungutang." Kibit balikat kong sabi. "Ikaw ba, paanong nahantong ang buhay mo sa ganito?"    Seryoso siyang napatingin sa kawalan bago nagsalita. "Gaya ng dahilan mo, mas madali ang pera rito."  Tumawa ako at yumuko. Gwapo pero hindi matino, hindi ko parin tipo. "Kapag marami kang pera, rerespetuhin ka ng mundo. Iyon naman talaga importante eh, pera." Aniya at ngumisi. "Hindi ka ba nakapagtapos?" Hindi ko maiwasan ang magtaka, hindi ba siya pinag aral ni Father Allan? Umiling siya at uminom ng tubig. Tumitig siya sa akin sabagay angat ng isang giliran ng kanyang labi. "Dalawang taon lang sa College, tapos bumukod na ako para maghanap buhay sa sarili ko." "Di ka ba hinanap nila Father?" "Alam nila." Sampong segundo kaming nanahimik habang nagkakatitigan. Alam rin kaya nila Father na ganito ang propesyon na pinasok niya? "Sorry." Bumitiw ako nang hindi ko makayanan ang makipagtutokan sa kanya. Parang nanghihina ang tuhod ko, di ako makagalaw. Pwede ba ako magpabuhat, Jude? Umiling iling ako. Ano ba itong iniisip ko?! Nakakainis ka naman self! Kaibigan mo 'yan! Hindi yan puchu puchung wanted lang. Napakunot siya ng noo, siguro'y nagtaka sa aking inasta kaya maagap akong ngumiti. "Saan ka ngayon namamalagi?" Tanong ko habang ang paningin ay nasa nilalarong lomi. Di ko na kayang makipagtitigan sa kanya baka matunaw ako. "Pwede ka sa akin muna tumira habang nagtatago." Gaya ng plano namin. Itatago ko si Jude upang mahanap pa ang apat na sangkot. Siya ang magsisilbing koneksyon namin sa apat at panghuli si Jude na ang aarestuhin. Mas madali rin para sa akin ito, gagamitin ko siya upang tulungan ako mahanap sila. Usap-usapan kasi sa opisina na taktika ng grupong itong maghihiwa-hiwalay upang kaming mga pulis ay mahirapan sa paghahanap sa kanila. Pwes, nagkakamali kayo, Jude. Ako si Becky ang pinakamalakas. "Paano ka nakanahap agad ng matutuluyan? at itong sasakyan? Paano mo nakuha kung kararating mo lang?" Tanong niya nang makasakay kami sa aking lumang sasakyan. Secondhand na ito, kaya mura kong nabili kay Ellie. Mayabang akong bumaling sa kanya at ngumisi. "Nakakalimutan mo ata, Jude. Magaling ako sa lahat ng bagay."   "Atsaka, mag ta-tatlong linggo na ako rito nang nabalitaan ko ang tungkol sayo kaya kinupkop kita agad. May kailangan tayong pag-usapan dahil parehas tayo nangangailangan ng pera." Kumindat ako sa kanya nang bumaling siya sa akin atsaka ko pinaharurot ang aking sasakyan ng mabilisan. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa apartment ko kung saan ako namamalagi. Tatlong palapag ito at ang kwarto ko ay nasa pangalawang palapag mahahanap. Pabor rin kay Jude kasi tahimik ang lugar at walang katao tao. "Pasok ka." Sabi ko sa kanya. Inalis niya ang kanyang hood nang maihubad niya ang kanyang dalawang sapatos at iniwan sa labas. Doon ko lang nasilayan ang buo niyang mukha. Magulo at makapal ang kanyang natural na kulay tsokolateng buhok. Bagay ito sa matigas na facial features niya. May itim na isang hikaw din siyang suot sa kaliwang tenga. Doon ko rin napagtanto na mas lalo siyang tumangkad at malaki ang pangangatawan kumpara noong huli naming kita. Nilibot niya ang munting apartment ko pagkatapos kong i-on ang switch ng ilaw. Sinara ko ang pinto at pinaupo muna siya sa sala.   "Two bedrooms, not bad..." Bulalas niya at humilig sa sofa. Wala masyadong kagamitan ang apartment ko. Inalis ko ang kagamitan tungkol sa pagpupulis ko dahil kasama ito sa plano. Tanging importanteng kagamitan sa kusina, Ref, lumang T.V, sofa, at dalawang kama sa dalawang kwarto. "Ang bilis mo makapundar ng kagamitan." Aniya habang di pa tapos suriin ang nilalaman ng apartment. Hinubad ko ang aking jacket, tanging sleevless top na lang ang natitira sa akin. Tumungo ako sa kusina upang magsalin ng juice. Isa sa akin at isa rin para sa kanya. Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang umupo ako sa harapang sofa matapos kong ipalag ang Juice sa coffee table. Humilig ako at uminom ng Juice. Napansin ko naman ang pagtitig niya sa akin at pumaibaba sa aking dibdib. Pasimple ko itong tinakpan ng aking braso. Nakakahiya! Hindi ko naman suot ang  pangmalakasang push-up bra ko! "Sabi ko naman tatlong linggo na ako rito, sapat na siguro ang two hundred thousand na salapi pang pundar ko. Atsaka, may iniwang kagamitan ang dating may-ari nito." Ngumiti ako at nagkibit balikat. Tumango naman siya. Totoo ang sinabi kong iyon sa kanya. Sa dalawang mission ko rito sa davao sa makapalipas na ilang linggo, may sinesweldo din naman ako kahit naging palpak ang mga ito. "Ano nga palang sinasabi mong pinagkikitaan mo ngayon?" Tanong niya at uminom ng Juice. Ang kanyang mata'y pasulyap sulyap sa aking dibdib. Hindi naman ako flat chested pero nakukulangan ako sa laki nito kaya kailangan ko ng push-up bra. "Nag pi-pickup girl ako!" Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko magkaroon ng ganitong trabaho. "Kliyente ko halos ang mayayamang matanda." Sinadya ko maging masigla ang boses ko. Tumaas ang isa niyang kilay habang nagkakaroon ng matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Kung ganon.." Utas niya sa baritonong boses. Uminom ako ng juice at naghintay sa kanyang dudugtungin. "..Di ka na virgin." Nabilaukan ako sa kanyang sinabi. "Okay ka lang?" dumalo siya palapit sa akin nang mailuwa ko ang iniinom habang nahihirapang umubo. Taena, virgin pa ako Jude.  I'm a bit old, yes, 25 years old but still a virgin. Hinubad niya ang kanyang jacket at pinunasan ang aking dibdib, nagpakita doon ang kanyang matitigas na muscles sa likuran ng suot na tshirt. Pareho kaming natulala pero nang maramdaman ko ang kanyang kamay niya na nasa aking dibdiba ay agad akong lumayo. "Okay lang ako, wag kang mag-alala." Saad ko at tumayo nang makaramdam ng kahihiyan. "May masusuot ka pa ba?" Dagdag kong katanungan. Mapupungay na mata siyang tumingin sa akin ilang sandali bago umiwas. "Hihingi sana ako ng tulong sa'yo." "Sandali!" Bulyaw ko. Bigla akong tumakbo sa aking kwarto at hinalugbog ang cabinet. May mga t-shirt akong maluluwang, okay na siguro ito. Kasya na siguro ito. Natataranta akong bumalik at itinapon sa kanya ang t-shirt. "Iyan muna ang gamitin mo pansamantala." sabi ko sa kanya. "Salamat." Mahinang aniya at itinaas sa ere ang naturang T-shirt. Napansin ko ang aking repleksyon sa salamin sa gilid na namumula dahil sa kahihiyan. Hello kitty ang disenyo 'non. Ngumisi si Jude at binaba ang damit. "Hello Kitty pa rin pala ang paborito mo hanggang ngayon." Kinamot ko ang aking ulo. Hindi naman sa gusto ko ang character na iyon. Nagagandahan lang ako dahil sa cute na kulay nito. Tuwing nakikita ko parang bumabalik ako sa pagkabata. "T-tungkol sa tulong. Paano ba kita matutulungan?" Tanong nang maalala. Huminga siya ng malalim bago tumayo. Tumungo siya sa bintana at pinagmasdan ang nasa labas ng apartment. Tahimik ko siyang pinapanood. Ano na naman kaya ang iniisip nito at mukhang malawak? "Salamat Becky sa pagtulong sa akin. Ikaw lang ang tanging maaasahan ko ngayon." Bumaling si Jude sa akin gamit ang seryosong mukha. "Tama ka, pareho tayong nangangailangan ng pera kaya ikaw ang magiging kamay at paa ko sa trabaho. Kung papayag ka." "Ha? Di ako marunong iyon ginagawa mong pang ti-trick!" Tuturuan niya ba ako non? Tumawa siya at umiling. "Pwede namang wala iyon." "Paano?" umangat ang giliran ng kanyang labi sa tanong ko. "Gusto mo ng pera hindi ba?" Iyong malaki?" Mabilis akong tumango para magmukhang desperada. Nakuya niya naman ang gusto kong iparating. "Kung ganoon. Magiging isa ka sa amin, tutulong ka magnakaw ng pera." Tama nga si Ellie, kahit magkalayo layo ang grupo ay may koneksyon pa rin ito sa isa't isa at ang mas malala, sekreto nilang ginagawa ang operasyon nila kahit wanted na sila. Patas ko siyang tiningnan ng seryoso. Bawat isa sa inyo ay makukulong. Tandaan mo 'yan, Jude. "Deal?" Tanong niya. "Deal." Malapad akong ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD