Chapter 1: Con Artist

2372 Words
"Go forth, the Mass has ended." "Thanks be to God." Kasabay ng pagtatapos ng misa sa umaga ay ang malakas na pagtunog ng kampana. Napatingin ako sa gawi ng kaibigan kong si Becky na nagtatagpo sa kumpulan ng tao palabas ng simbahan. Si Father Ignacio nama'y agad na inilibot ang mata habang daladala ang bibliya bago bumaba sa altar. Marahil upang hanapin si Becky. Nang napatingin siya sa direksyon ko ay agad na rin akong nagtago at sumunod kay becky.   "Saan ka pupunta?" Sinundot ko ang aking kaibigan sa kanyang giliran. Napatalon ito sa gulat bago bumaling sa akin.   "Kakatapos lang ng misa, alam mo naman yang si Father pagkatapos nito gusto agad tayong mag bible study. Tinatamad ako." bulong na aniya sa gitna ng nagsisiksikang tao.   "Isusumbong kita sa kanya pagnakauwi ka." Ani ko at tumingkayad upang makita si Father Ignacio. Tinulungan siya ng mga sakristan na dalhin ang torch at ang bibliya. Hindi parin maalis ang mata sa kumpulan ng tao.   "Sus! Isusumbong pero sasama sa akin, ano daw?" saad niya at tinaas ang kilay. Hinigit niya ako sa mas masikip at mas matao. May iilang nagrereklamo sa aming dalawa pero hindi ko na iyon pinuna pa. "Jude, may alam akong bagong bukas na lomihan malapit sa Roxas Avenue, tara doon!" Halos madapa ako nang bigla siyang tumakbo habang mahigpit na nakakapit sa aking braso. "...Try natin soju nila, masarap daw 'yon." Dagdag niya. Nanlaki ang aking mata. Nakakalasing iyon?! "Sa ganitong kaaga? Iinom ka?!" Bulalas ko. "Problema mo?  Hindi naman masama ang uminom ah, ang masama 'yong nangloloko ng kapwa tao." Sagot niya naman. Gusto kong matawa, edi masama rin siya kasi niloko niya si Father Ignacio, hindi ba? Ano kaya ang iisipin ng matanda kapag makauwi ito ng lasing? Hindi na ako nakipagtalo. Kapag nakipagtalo ako sa babae ay hindi din naman ako mananalo. Sumakay kami ng jeep papunta sa distinasyon namin. May sinasabi pa siyang baka makita kaming lumiban sa bible study pagkatapos ng misa. Pagdating namin ay agad siyang nag order ng lomi at Soju. Nasira ang mukha niya nang sumubok na uminom nito. "Kain ka na! subukan mo rin 'to, mukhang masarap naman pag tumagal." yaya niya sa akin. Nagsimula akong kumain ng lomi at kahit nagdadalawang isip, uminom na rin ako ng soju. Ang dalawang bote nong una ay naging lima. Napasulyap ako kay Becky na may nanghihinang mata at namumulang pisngi. Sa aming dalawa siya ang malakas uminom. Medyo mahina kasi ang tolerance ko sa alak kaya hindi ako nagpapasobra hindi katulad ng kay Becky... Matibay ang sikmura. "1,300 pesos lahat, hindi pa ba kayo natatapos? Mag aalas dos na ng hapon." Ani ni Aling Cinta. May hawak siyang calculator pagkatapos bilangin ang aming pinamili. Kinapa ko ang aking bulsa at natagpuan ang singkwenta pesos na barya. Si Becky nama'y nilapag ang barya sa mesa habang timang na tumatawa. Tangina?! "Ikaw lang 'yong malakas ang loob na umorder pero walang pera."Ani ko at huminga ng malalim. "..Anong gagawin natin? Maghuhugas ng plato?!" Nasapo ko ang aking noo. Pag ito nakarating kay Father Ignacio, ewan ko na lang. "Sino sabing maghuhugas tayo ng pinag kainan?" Bulong niya at humigil sa lamesa. "..Gagamitin natin talent mo!" Atsaka siya kumindat. Kahit ilang beses kong sinasabi sa kanya na hindi ko gusto ang pinaplano niya ay wala pa rin akong nagawa. Sa sampong taon namin pagsasama sa kumbento pagkatapos kaming kupkupin ni Father Ignacio nang maulila pareho sa aming mga magulang,  lubusan ko na siyang nakilala. "Ano Jude?! Tara!" aniya at iginiya ako sa isang babaeng nag aantay ng masasakyan sa tabi ng daan. Walang kataong tao sa naturang lugar. May iilang sasakyan na dumadaan pero nabibilang lang sa kamay. "Hindi ko kaya ito Becky!" Labag sa aking kalooban. "Magbabayad tayo o manghuhugas ka ng sandamakmak na plato? Magtataka si Father Ignacio kung bakit ang tagal natin nakauwi ng kumbento. Sige na!" Pagtutulak niya sa akin. May punto naman ang kanyang sinabi pero... Di bale na nga.. Kumuha ako ng isang barya sa aking bulsa nang makatabi sa babae. Inangat ko ang coins at sinadya kong makita niya ang paglalaro ko nito sa aking hintuturo. Hinahagis at pinapaikot ko ito sa aking  palad. Di na nadatnan ng segundo nang napatingin siya rito. Sa wakas! Nakuha ko ang kanyang atensyon. "Isa... Dalawa... Tatlo.." Nagsimula akong kumanta. "..Apat Lima anim..."Unti unting lumaki ang bilog sa kanyang mata at tuluyang na hypnotize. Tulalang tulala siya nang kinuha ang kanyang wallet. "Limang libo." utos ko sa kanya na agad niyang sinunod. Pagbigay niya'y agad kong kinuha at mabilis na tumakbo nang may nakakita. Sumunod naman si Becky sa akin na tuwang-tuwa. Nakatayo ang lalakeng nakahuli sa amin kanina sa tabi ni Father Ignacio at sa inosenteng padre na si Father Allan. Parehong galit ang pagmumukha nang higitin nila kaming dalawa ni Becky papuntang labasan ng kumbento. Sabay kaming lumuhod sa simento at agad naman kinuha ni Father Ignacio ang kanyang sinturon atsaka ito unang pinalo si Becky. "Hindi kita pinalaking magnanakaw!" Ani ni Father habang pinapalo ang sinturon kay becky. Bahagyang napapatalon tuwing napapalo ang kanyang pwet habang nagpipigil na iyak. Nang matapos ang parusa'y paika ika akong pumasok sa kwarto at humiga sa kama. Hindi ko maiwasan maalala ang aking pumanaw na Ina... Isang beses ko lang nakilala ang aking Ama noong pumunta kami ni Mama sa Indianapolis upang ipakilala ako sa kanya, ngunit hindi naging kaaya aya ang pagtanggap ng sarili nitong pamilya sa akin. Nang tumanda ang aking isipan doon ko napagtanto na isa akong anak sa labas ng isang mayamang negosyanteng naninirahan sa ibang bansa. Lahat ng iyon ay aking kinalimutan simula noong namatay si Mama dahil sa cancer. Kung hindi ako matanggap ng aking Ama, magsisikap ako para sa aking sarili. Anim na taong gulang nang kinupkop ako ni Father Ignacio at ang iba pang mga padre sa kumbento. Doon ko rin unang nakilala si Becky. Malakas ang kanyang pag-iyak habang panay punas sa mga luhang hindi naman tumutulo. Parati niyang hinahanap ang kanyang Mama at Papa. Ang sabi sa akin ni Father Allan, ang kanyang mga magulang ay parehong namatay sa sunog. Minsan naiirita ako dahil kahit oras ng pagtulog ay naririnig ko ang kanyang malakas na pag-iyak sa kabilang kwarto. Alam kong hindi madali ang mamatayan ng magulang pero sana naman hindi niya ako isama sa kalungkutan niya. Gusto ko rin naman matulog! Pero lahat ng iritang nararamdaman ko para sa kanya ay unti unti din namang naglaho nang sa bawat taong lumilipas ay nasisilayan ko ang kanyang unti unting pagtanggap sa mga nangyari. "Ano ang pangarap mo paglaki?" Naalala kong tanong niya sa akin habang iniinom ang alak na kanyang nabili. "Maging Police." Sagot ko at uminom na rin dito. "Ikaw ba?" Ngumisi siya't umiling. "Maging Con Artist kagaya mo, sa tingin ko mabilis lang ang pera sa ganong propesyon." Aniya at tinaas taas ang kilay. "Magkalaban tayo kapang natupad iyon." Sabay kaming natawa pagkatapos non. Hindi ko nagamit sa kanya ang kakahayan kong iyon, ang katulad niya'y dapat nirerespeto. Hindi ko rin gustong turuan siya dahil sa ayaw kong lumaki siyang manloloko.. Naging matalik kong kaibigan si Becky hanggang makatungtong kami pareho ng high school. Tuwing nasa tabi ko siya'y kumportable ako sa lahat ng aking gagawin at kapag natatakot nama'y nandyaan siya upang pagaanin ang aking loob. Kapatid ang turing ko sa kanya at kahit nakakatanda ako ng dalawang taon  mas matapang naman siya kumpara sa akin. Kung magkalayo man kami ng landas, siguradong hindi ko kakayanin... "Handa ka na ba?" Tanong ni Father Ignacio isang umaga nang makababa ako ng hagdan pagkagising. Nakasuot jacket si Becky at naka maong. Isinuot niya ang malaking bag sa kanyang likuran at inihanda ang maleta. "Becky..Father.." Ngumiti si Father Ignacio sa akin at tinapik ang aking ulo. Nilapag niya ang tasa at isinuot na rin ang jacket. "Saan po kayo pupunta?" Napatingin ako kay Becky na nakatulala sa kawalan. Pansin ko ang natuyong luha sa kanyang mga pisngi. Pakiramdam ko malungkot siya buong gabi. "... Luluwas ako ng Maynila, isasama ko si Becky. Doon siya mag se-senior high." Ani ni Father. "Father Allan, ikaw na bahala kay Jude." Dagdag nito at tuluyan ng nagpaalam. Napatingin si Becky sa akin bago pumasok sa isang sasakyan. Hindi siya tuluyang pumasok ay tumakbo siya palapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "... Mang-iingat ka rito sa Davao. Susulat ako sa'yo o  bibili ako ng cellphone para may komunikasyon tayo." Aniya habang humihikbi. "Mag-iingat ka rin doon." Huli kong sabi at winagayway ng ere aking kamay upang magpaalam nang siya'y pumasok at tuluyang umandar ang sasakyan paalis... Palayo sa kumbento at... sa akin. "Father Allan, ba't po si Becky ang sinama ni Father Ignacio sa maynila?" Gabi non nang nagkaroon ako ng pagkakataon upang tanungin si Father Allan. "Mabait ka kasi kaya hindi ka niya sinama. Titino si Becky kung lalayo siya rito sa Davao." Tugon naman ni Father Kenneth habang kumakain ng hapunan. "Bakit po? Ano pong kaibahan dito sa Davao at Manila?" Hindi ko matanggap. Siya lang ang kasama ko sa lahat ng bagay, at ang malayo sa kanya'y mas masakit pa sa palo ni Father Ignacio. "Nasanay siya rito sa Davao, at balita ko mag-aaral siya sa isang pribadong skwelahan sa Maynila. Pag nagkita kayo ulit siguradong matino na iyon." Ani naman ni Father Allan. Pilit akong ngumiti at tinanggap ang lahat. Kunimbinsi ko ang sarili na para sa kanya ang pagluwas ng Maynila lalo na't hindi ko siya gustong lumaking manloloko at magnanakaw. Tama lang iyon, walang mali roon. Madalas siyang sumulat noon at tumawag pero unti unti rin namang naglaho sa bawat buwan at taon na lumilipas. Tinanggap ko iyon hanggang sa nawala sa akin isipan ang kasabikan mabasa ulit ang kanyang mga sulat. Nang magtanda at magkaisip, natuto akong tumayo sa sariling mga paa.  Umalis ako ng kumbento at namuhay mag-isa. Paminsan minsan ding bumibista kina Father Allan upang kumustahin sila.  Pero kahit na kailan, hindi parin maalis sa aking isipan ang matalik na kaibigan. Siguro'y masaya na siya sa mga bago niyang kaibigan, mabuti kung ganon. Magkikita naman tayo ulit, Becky... Balang araw.. Makalipas ang sampong taon.... "Ready guys.." "Roger!" Pagkarinig ng aking mga kasamahang naghahanda ay ganon na rin aking ginagawa. Inayos ko ang headphone sa aking tenga at ang pagsusuot rin black coat at sunglasses nang nag takipsilim. "Jude, ikaw na mauna." Ani ni  Niel Colitan sa kabilang linya, ang aming leader. "Okay." Kasama ko si Ryan Jose at Vico Alonzo, kung anong ayos ko, ganon din sa kanila. Nang makarating sa loob ng Hotel ay agad kaming tumungo sa VIP Room kung saan naroroon ang target. "Nice to meet you Mr. Christobal.." bati ko nang makita ko ang target na nakaupo sa sofa at nagiisa. Malapad siyang ngumiti at nilahad sa akin ang kanyang kamay para sa sandaling pagkakamayan na agad ko rin naman tinanggap. Ayon sa plano, magpapanggap ako ng isang businessman  na naghahanap ng investor.. doble ang babalik sa kanya kahit hindi pa na-gegenerate kung mag i-invest siya. Bilang isang negosyanteng nag-aasam ng malaking pera'y pumayag naman siya. Naka ekis ang aking paang nakaupo habang humihilig sa sofa at saka ko tinapon ang briefcase na naglalaman ng hangin. Iyon ang magiging kapalit ng ibibigay niya sa akin. kinuha niya naman ang briefcase niya, binuksan, at nilahad sa akin ang mga perang laman nito. Ayon! Lumabas din.. Napasulyap ako kina Ryan at Vico na kumikinang ang mga matang nakatanaw sa naka bundle na pera sa aking harapan. "Isang milyon 'yan, walang labis walang kulang." Aniya na nakangiti at kinuha ang aking kahon. Isinara ko ang kahong ibinigay niya at tinapon ito kina Ryan. Nilabas ko ang aking alas--Necklace na may gintong baryang pendant nang unti unti niyang binuksan ang kahon na binigay ko sa kanya.Ito ang armas ko. Kapag na hypnotize siya gamit nito, pwede na kaming tumakas. Ngunit segundong lumipas nang may pumasok armadong kalalakihan na agad tumutok ng baril sa amin. Napataas ako ng dalawang kamay at hindi namalayan ang necklace na nahulog sa aking paa. "A-anong.." Hindi ako makapgsalita lalo na nong tumawa si Christobal at pumalakpak. "Nahuli rin, sa wakas!" Aniya na tumatawa.   Ito ang unang pagkakataon naming mahuli. Sa buong buhay na pagtatrabaho'y ngayon ko lang naranasan ang ganito. Kaunting palya rin dahil masyado kaming nagtiwala kay Christobal na isa palang spy. Sinipa ko sa inis ang aking paa nang makasakay kami ng Police Car habang nakaposas ang aking dalawang kamay. Napatingin ang isang pulis sa akin. "Kailangan natin makagawa ng paraan para makawala." Siniko ako ni Eddie at tinuro ang inaantok na Police sa aming harapan gamit ang kanyang nguso. "Trick them.." Dagdag niya. Paano? E' hindi ko mahanap ang kwintas ko. Ngumisi ako, imposible, rito sa loob na umaandar na sasakyan? Napaka imposible. Sa Gitna ng daan biglang nawalan ng buhay ang aming sinasakyan. Lumabas ang isang pulis upang suriin ito. Napalingon lingon kaming lima sa paligid. Nasa gitna kami ng daan at sa giliran nama'y mga nagtataasang punong kahoy at walang katao tao. Napangiti ako... Perfect spot... Unti unting kinuha ni Vico ang susi sa bulsa ng katabing pulis na kasalukuyang natutulog. Nang makapagtagumpayan ay agad akong nanghingi ng barya sa kanila pero walang pumansin sa akin. Napauwang na lang ang aking bibig nang sinuntok ni Niel ang natutulog na pulis upang hindi na magising atsaka kami isa isang inalisan ng posas. Lumabas kami ng tuluyan... "Hoy!" Naglabas ng baril ang isang pulis ngunit mabilis itong natilapon nang naunahan iyon ni Niel. Bumack up naman si Ryan at Vico upang hindi na tuluyang makapuslit ng baril ang isang pulis na bumaba. Pinagsusuntok nila ang dalawa hanggang sa mawalan ng malay. Agad naman din akong dumalo kay Niel nang ikasa niya ang baril at tinutok sa pulis. "Wag kang pumatay! Masama yan." Sabi ko at binaba ang Baril.  Dinuraan niya lang ito at pinaghiwahiwalay ang baril bago itinago. "Alright!" Maligayang ani naman ni Ryan. Sa aming lima ako lang ang hindi marunong makipaglaban. Sa Panloloko, oo, marunong pero sa bayolenteng paraan, hindi... Napunta kami pabalik ng syudad pero hindi pa nakakalayo nang marinig ang tunog ng isang alarma ng sasakyang pulisya. Nanlaki ang aking mata nang papunta ito sa direksyon namin. "Takbo!" "Maghiwalay tayo!" "Jude!" Gaya ng sinabi, tumakbo ako at napadpad kahit saan eskinita. Pinagsusuntok ko ang aking kamay nang makahiwalay sa aking grupo. Tangina! Saan ako pupulutin nito?! Uuwi ng kumbento at humingi ng tulong? Hindi maaari, matutunton nila ako doon at malaking kahihiyaan iyon sa simbahan ang itago ang isang krimenal na tulad ko... Hindi dapat. Doon nagsimula ang kalbaryo.. Isang umaga, paggising ko, kilala na ang mukha at pangalan ko. Kahit saang lugar ako magtago, pinaghahanap ako ng batas.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD