Jude's POV
Alas sais ng umaga, agad akong nagising mula sa mahimbing na tulog. Bumangon ako upang ipaghanda si Becky ng umagahan. Nakakahiya din naman kasi, nakikitira na nga lang ako tapos wala pa akong maimabag ni pisong duling, kahit ba kumilos sa pamamahay niya'y iasa ko na lang din sa kanya?
Hindi tayo ganon, lalake tayo, kahit makasalanan e' dapat maging responsable din kahit paminsan minsan.
Agaran kong pinatay ang tumunog na heater atsaka naglabas ng pagkain mula sa ref. Kaso purong tubig lang ang laman nito kaya nilabas ko na lang ang nabawasang tinapay mula sa itaas ng ref atsaka ang kape na 3 in 1.
"Good morning!"
Napatingin ako sa gawi ni Becky nang lumabas siya sa kanyang kwarto. Humikab siya at nag-inat. Di naman sinasadyang masulyapan ko ang kanyang dibdib. Nakasuot siya ng puting maluwang na sleeveless at short shorts. Nagpapakita roon ang kanyang cleavage at sa ibaba ng kilikili nama'y sumisilip ang hubog ng kanyang dibdib. Doon ko napagtanto na wala siyang suot na bra.
Napamura ako at agad na umiwas ng tingin. Para bang may tumatayo sa ibabang parte ng katawan ko na dapat kong pigilan.
"Anong niluto mo?" Nakangiting sabi niya at tinukod ang dalawang kamay sa mesa. Lumaylay ang kanyang maluwang na kwelyo na parang isang galaw niya lang makikita ko na ang dapat hindi ko makita.
Huminga ako ng malalim at tumalikod.
"Hindi ko kaya." Hindi ko kayang harapin siya. Biglang kong sabi.
"Ha?" Bulalas niya.
Agad akong nanumbalik sa wisyo nang marinig ang pagtataka niya.
"A-ang ibig kong sabihin, hindi ko kayang magluto." Sabi ko at binigyan siya ng pilit na ngiti sa labi.
Matamis siyang tumawa. Kahit ang patawa niya'y nagbibigay ng kakaibang sensyasyon sa akin. Napatalon ako sa gulat nang maramdaman ang kanyang balat sa aking braso kaya agad akong lumayo sa kanya.
Tumingkayad siya at kumuha ng mga delata sa draw na nakabitin sa itaas. Hindi ko maiwasan ang hindi pagpantasyahan ang kanyang makinis at maputing balat.
"Umupo ka muna, ipagluluto kita." aniya. Sinunod ko ang gusto niyang mangyari kaya umupo ako sa mesa. "Pagpasensyahan mo na, minsan hindi ako nagluluto kaya mga ready-to-eat ang binibili ko." pagpapaliwanag niya at binuksan ang corn beef gamit ang kutsilyo nang walang kahirap hirap.
Hindi ko alam na ganito kaganda pag naging dalaga ang kaibigan ko. Mukha siyang dugyot dati na parang hindi pinapakain dahil sa sobrang payat. Hindi ko nga din akalain na ganito kaganda ang katawan niya ngayon. Alagang alaga siguro ni Father sa Manila?
"'Yong tungkol sa deal, saan ba tayo magsisimula non?" Tanong niya. Napalumbaba akong nakatingin sa kanyang pwet. Damn! Ako sana'y patawarin, hindi ko kailanman pinagnasaan ang mga babaeng naging girlfriends ko... Ngayon lang sa kanya na isang kaibigan lang.
Siguro dahil naninibago lang ako sa presensya niya. Oo, ganon na nga siguro, naninibago lang.
"Jude!" Napatalon ako sa gulat nang marinig ko siyang sumigaw.
Nilahad niya ang Tinapay at nilutong cornbeef sa aking harapan atsaka pinagtimpla ako ng kape.
"Ano nga ulit ang sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.
"Yong tungkol sa deal sabi ko, saan tayo magsisimula?" Tanong niya habang nagtitimpla ng kape.
Nag-umpisa na akong kumain ngunit napahinto ako nang mapuna ang kanyang basang labi. Napatitig ako sandali ngunit agad ko din naman itunuon ang atensyon sa dapat naming pag-usapan.
"Tatawagan ko si Ryan Jose, may cellphone ka ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya at itiniro ang lumang android phone na nakatambay di kalayuan sa amin.
"Nasaan ang phone mo?" Tanong niya nang hindi nakatingin sa akin.
"Tinapon ko na." Mahirap na baka ma trace ako ng mga Police.
May hindi kami ginagamit na numero, isang taktika namin kung sakaling mahuhuli kami iyon ang gagamitin. Tumango si Becky at agad tinapos ang kinakain.
Pinagsuot ako ng isang lumang damit ng dating may-ari ng apartment niya. Hindi ako komportable pero wala akong magagawa. Kesa naman maghuhubot-hubad ako na naglalakad sa kalsada.
"Ryan, saan tayo magkikita?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Sa may bandang SM Lanang, sa likurang bahagi." Aniya.
"May dala dala akong babae, bagong kasamahan natin."
"Chicks ba yan?" 32 years na itong si Ryan pero ni minsan hindi ko narinig sa kanya na may nililigawan siya o kahit pinopormahan man lang.
"Kaibigan ko." Ang tanging tugon ko.
Hindi ko gusto na may nagpapantasya sa kaibigan ko. Lalo na't babae ito, marami pa itong makikilalang lalake.
"Mapagkakatiwalaan ba?" Habol niyang tanong.
Syempre, kilala ko itong si Becky. Ipupusta ko ang buhay ko sa impyerno kapag nagawa niya akong lokohin. Hindi pagtatagpuin ang landas namin kung wala siyang magiging papel sa pagtulong sa akin.
Becky's POV
Alas tres ng hapon, sa isang madilim na eskinita kami pumasok ni Jude papunta kung sa tingin nami'y naroon ang sinasabi niyang si Ryan Jose. Nakasuot siya ng face mask at hoodie Jacket. Kapag may tumititig sa kanya'y agad siyang umiiwas.
Hinawakan ko ang kanyang braso nang may madaanang tanod. Napasulyap siya rito at nang makalagpas sa grupo ng tanod ay agad ko nang binaba.
"Saan ba sa kanila?" Umangat ang aking ulo dahil mas matangkad siya.
"Sa kabila." Aniya.
Nauna siyang naglakad dahil hindi naman kasya sa naturang eskinita kung sabay kaming tutungo roon. Ilang metro ang layo nang matanaw ko iyong sinasabing Ryan Jose at gaya kay Jude, nakatago rin ang kanyang mukha.
Palihim akong ngumisi, ano ngayon pakiramdam ng pinaghahanap sa batas mga gunggung?
May sinabi si Jude sa kanya pero hindi ko iyon narinig dahil sa ingay ng mga kapitbahay. Napatingin iyong kaibigan sa akin bago nagbigay na senyales na maaari na kaming pumasok sa lungga niya.
"Magkano?" Tanong ni Jude.
"Kalahating milyon, saktong salapi pang alis ng bansa.."
Naging malinaw sa akin ang kanilang usapan nang makapasok. Madilim, marumi, at mainit ang naturang lugar. Seryoso? Ba't ito magtitiis sa ganitong klaseng lugar kung hindi naman nagkakalayo ang hitsura ng selda rito?
"Umupo muna kayo." Aniya at inimuwestra sa amin ang dalawang monoblock chair bago nagpunta sa isang silid.
Inipit ko ang ilong dahil sa masangsang na amoy ng paligid. Napatingin ang katabi kong si Jude at ngumisi.
"Prinsesa bang buhay mo sa Maynila kahit malaki ang utang?" Mapanuyang tanong niya. Umiling ako at tiningnan siya ng masama.
"Bakit ikaw? Sanay ka na ba sa ganito?"
"Hindi ko rin gusto ang amoy, pero wala tayong magagawa. Pagkatapos nito limpak na salapi naman ang nag aantay sa atin." Itinaas baba niya ang kanyang kilay upang kumbinsihin ako. Umikot ang mata ko.
"Arte." Pahabol niya.
Paglabas ng Ryan Jose ay may dala siyang pagkain. Inimbitahan niya kaming kumain. Sarap na sarap si Jude sa kinakaing tinapay ngunit ako'y nakatingin lang. O sige! Maarte na kung maarte pero di ko talaga kayang kumain sa ganito kabahong lugar.
Tinukod ni Ryan ang kanyang siko sa mesa at tumingin sa akin sabay ngiti. Hindi ko gusto ang ngiting iyon, parang may masamang balak.
"Ano pangalan mo?" Tanong niya sa akin.
"Becky Laongmane." Tugon ko. Bigla siyang tumawa, nagpapakita roon ang dilaw na mga ngipin .
"Ang pangit ng pangalan." Aniya at pabirong hinampas si Jude na nakikitawa rin. "Pero magandang babae.. Bakit pala hindi mo ito syinota Jude?"
Napatingin ako kay Jude. Umaaasa ako sa maganda niyang kasagutan.
"Di ko type." Tipid niyang sagot.
Para akong binuhusan na malamig na tubig sa aking narinig. Buong buhay ko parati akong nakakarinig papuri, kesyo type daw ako ng mga tambay sa kanto, ng mga karpentero, ng mga gumagawa ng semento, at kahit iyong mga laman parati ng sugalan sa amin.
Seryoso?! Bulag ba siya? O sadyang maganda ako pero hindi ko lang na achieve ang tipong babae na gusto niya talaga. Bahala siya sa buhay niya. He is missing out a good opportunity!
"Ano ba ang plano?" Pang-iiba ko ng usapan.
Nagkatinginan dalawa na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata. "Magaling magnakaw yan, bata pa lang kami, ako na ang ginagawang puhunan." Sabi ni Jude.
Pasimple akong umirap. Noon iyon! Hindi na ngayon!
"Ganito Becky, tayong tatlo papasok sa Hotel. Ikaw ang magiging pa-in namin, makikipag-usap ka sa isang negosyante na ang pangalan ay si Leo Chua habang hindi pa siya nakakarating sa kanyang kwarto." May nilapag siya isang litrato sa aking harapan at agad ko naman ito inangat upang makita.
Chinese businessman. Mukhang maganda ang bungad sa akin ng swerte ah, kung pwede nga lang ngayon din huhulihin ko silang dalawa pero baka magamitan ako ni Jude ng kakayahan niya at papalpak na naman ako. Hindi pwede, susunod dapat ako sa gusto nilang mangyari.
Tumango ako.
"Kaming dalawa ni Jude ang bahala na pupuslit sa kwarto niya." Anito.
"Makikipag-usap lang ba ako?" Walang thrill.
"Oo, kasi babae ka, hindi ka sanay makipag habulan sigurado." Ha! Ako pa ba? Tangina, pulis ako tol palpak nga lang parati sa mission. "Di ka rin sanay makipaglaban, kung sakali may ma encounter tayo na naka armado at least andyan si Jude." Dagdag nito at ngumiti kay Jude.
"Hindi ka pwedeng madakip Becky. Kung kami makikipag-usap sa kanya malamang mahuhuli kami." Saad naman ni Jude sa baritonong boses.
Bahagya akong tumango. Hindi ko lang naman gusto ang sinasabi ng kaibigan niya. Hindi naman porket babae, hindi na kaya kung ng anong pwedeng gawin ng mga lalake.
"Nagkakalinawan ba tayo?" Tanong niya.
"Oo,"
"Good."
"Tanong lang, hindi ba kayo pumapatay ng tao?" Sa mga nababalitaan ko sa ibang gang, pumapatay sila ng tao.
"Kapag kailangan." Sabi ni Jude. Nanlaki ang aking mata sa gulat. Pangunahing turo sa amin nila Father noong bata pa ay huwag pumatay ng tao. Itinaas niya ang kanyang kilay at tumayo.
"...Pero madalas, malinis ang konsensya namin." dagdag Ryan Jose at tumawa.
"Huwag po tayong pumatay ng tao," Kahit ako. May baril ako pero ni minsan hindi ko ginagamit sa pagpatay ng mga kriminal.
Napatingin si Ryan Jose sa akin na nagtataka ang mukha. Kung babasahin mo ang reaksyon niya para siyang nagsisisi kung bakit ako pinapasok sa grupo nila. Agad na bumawi si Jude nang akbayan niya ako at pilit na tumawa.
"Alam mo naman, Ryan. Lumaki kami sa kumbento, kaya siguro itong kaibigan ko. Nabahidan ng kabaitan." Ginulo niya ang aking buhok pero nakatuon ang atensyon ko kay Ryan.
Hindi naging kumbinsido sa sinabi ni Jude itong si Ryan at nagawa pang lumapit sa akin.
"Kung nangangailangan ka ng pera, handa kang gawin ang lahat upang makamtan ito." Aniya at umigting ang panga. Napaatras ako nang lumapit ang kanyang mukha sa akin. "..Kahit ang pumatay ng tao." dugtong niya.
Hinawakan ni Jude ang kanyang dibdib at marahan itong tinulak atsaka ako nilayo sa kanya. Bagay ka nga sa bilanguan, hinayupak ka.
"Naiintindihan ko." Sabi ko na lang.
Palabas ako upang magpahangin nang marinig ko siyang nagsalita. "Mapagkakatiwalaan ba talaga natin yan?" Bulong lang iyon pero dahil tahimik ang paligid ay rinig na rinig ko.
"Hindi ko naman kayang ipahamak ang kaibigan ko." Tugon ko sa kanya. Mariin niyang sinara ang bibig at napakamot naman si Jude ng kanyang buhok.
"Kailan ba natin ito gagawin?" Tanong ni Jude.
"Sa sabado pa, kaya kayong dalawa maghanda na hangga't maaga pa. Jude, ikaw na bahala sa kanya, turuan mo kung paano niya makukuha ang loob ng Target natin." Ani nito.
"Yes, boss."
Gabi nang napagdesisyunan naming pumanhik pauwi.
Buong byahe pabalik sa apartment, hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Ryan. Talagang determinado ang grupo itong makakuha ng pera ha. Makikita niyo talaga ang hinahanap niyo.
Huminto ako sa isang convenient store upang bumili ng maiinom. Limang beer in can at tatlong junkfoods. Kapag may iniisip ako, hindi agad ako nakakatulog, resulta ng pagsakit ng aking ulo tuwing umaga. Kung kaya't ni rerelax ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paglaklak ng alak. Pakiramdam ko kapag lasing ako nakakalimutan ko ang mga problema pero ni minsan hindi ako nakaranas ng hang over. Sanay na e'.
"Mauubos mo ba yan?" Tanong sa akin ni Jude pagkarating namin sa Apartment. Binuksan niya ang ilaw at napatingin agad sa aking pinamili.
"Kulang pa 'to." Ani ko at nagbuksa ng isang can. Iinumin ko na sana nang bigla niya itong inagaw sa aking kamay.
"Masama sa kalusugan to kapag wala ka pang kain." Aniya at dire diretsong ininom. Hinampas ko siya sa matigas niyang braso at tumawa.
"E' ikaw din naman eh, wala ka ring kain!" Ngumiti siya at agad pinunasan ang basang labi gamit ang braso.
"Alam kong hindi mo gusto si Ryan." ani nito. "Ramdam ko ang maitim na shakra mo." Dagdag niya. "Pero wag kang mag-alala, pagkatapos ng mission, hindi mo na 'yon makikita." Nakangiting sabi niya at binuksan ang isang junkfood.
"At ikaw din? Di na kita makikita? Kasi sasama ka sa kanya sa ibang bansa?" Gaya ng narinig kong plano nila kanina. Ang perang mananakaw ay gagamitin pang alis ng Pilipinas. Pero teka, ano ba itong tinatanong ko? Ba't parang tonong nagtatampong girlfriend?
"Isasama kita.." Pabulong na tugon niya na naging dahilan ng pagharumentado ng aking puso.