Becky's POV
Alas nuwebe y media ng gabi nang maramdaman ko ang pag alon ng paningin. Ano ba itong nabili ko? Ba't parang ang tapang naman ata?
Binaling ko ang atensyon sa maingay na insekto sa katabing punuan rito sa bubong ng apartment ko. Binuksan naman ni Jude ang panibagong beer at agaran itong tinungga.
"Kaya mo pa?" Tanong ko kay Jude. Tumingin siya sa akin at ngumisi.
"Akala ko ba strong ka?" Aniya. Hindi na dapat ako malasing baka kung ano pang masabi ko, baka madulas ako at masabi ko sa kanya na may mission akong hulihin siya.
"Strong ako! Gusto mo buhatin kita?" Sabi ko at nilapit ang katawan ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang balikat at akmang bubuhatin nang pinigilan niya ako. "Ba't mo ako pinipigilan? Ang weak mo naman e'." Bigla siyang tumawa at hinila ako upang makatabi sa kanya.
Di sinasadyang nagkadikit ang aming mga braso. Naging dahilan iyon ng boltaheng kuryente na dumaloy sa aking balat patungong batok. Nang-iinit ako kahit malamig naman.
"Kumusta si Father Ignacio sa'yo? Di ba siya malupit?" Tanong niya bigla. Umangat ang paningin ko sa kanya. Namumula ang kanyang pisngi at mapupungay na matang nakatanaw sa kawalan. Kahit madilim naalinag ko ang kagwapuhan niya dahil sa takas na ilaw mula sa maliwanag na buwan.
"Hindi naman..." Tipid kong sagot. Hindi ko kayang lubayan ang kanyang gwapong mukha.
"May naging boyfriend ka ba doon?" Wala siyang ka emo emosyon nang itanong sa akin iyon.
Actually, meron naman pero lahat nang ghosting sa akin. Tangina, naalala ko tuloy iyong huling naging boyfriend ko. Inutangan ako ng isang libo tapos mahuhuli ko siya may ka siping na ibang babae, tangina talaga.
"Oo mga bente." Pagmamayabang ko.
Nabulunan siya sa kanyang ininom kaya agad kong tinapik ang likuran niya. "Hanep, parang nagbibilang lang ng mga taong inutangan mo ah." Puna niya.
"Pansin ko nga, mas marami pang naging jowa ko kesa sa inutangan ko." koment ko.
"Pinangakuan ka?" Oo, pinangakoan akong babayaran.
"Oo," Tipid kong sagot. Pinigilan niya ang kanyang pagtawa at tumango. "Wag na nating pag usapan." Ani ko at inagaw sa kanya ang beer na hawak niya.
Share kami ng beer since lima lang ang nabili ko. Hindi sana ako magayuma ng laway niya, sayang naman ang ganda ko kapag napunta lang ako sa maling tao.
"Ikaw ba may naging girlfriends ka rito?" Tanong ko sa kanya ilang sandali nang may namuong katahimikan sa aming dalawa.
Curious ako kung meron. Noong bata kami, hindi ko kasi siya nakitang nagpapantasya ng ibang babae, mga babaeng kaedad lang namin ang pumapantasya sa kanya. Wala siyang sinagot, as in, wala. So paano ko malalaman? Hindi ko talaga gusto yong mga taong tinatanong ko ay hindi sumasagot sa mga katanungan ko.
Bumaling siya sa akin, nagkatitigan kami ng ilang segundo. Napakurap kurap ang mata ko nang unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Ito na ba? Ang sagot sa mga katanungan ko sa kanya? Pero teka, ba't ang bilis naman niya yata?
"Speed ka boy." Ngisi ko at tuluyang pumikit. Hinanda ko rin ang aking nguso, nagbabakasakaling dampian ng malambot niyang labi.
Pero limang segundo, sampo, bente, bente singko... Malamig na hangin ang tanging dumampi roon. Pagdilat ko napatingin ako sa kanya na nakahandusay sa aking giliran at malakas na humihilik.
Nasapo ko ang noo ko. Nakakahiya amp! Ano ba itong iniisip ko?!
Sumagi sa isipan ko ang kanyang sinabi kanina na hindi niya pala ako type.. Hindi ako type ng kaibigan ko.
~*~
"Handa ka na ba?"
Tanong sa akin ni Jude sa loob ng sasakyan nang makarating kami sa aming destinasyon. Napatingin ako sa kanya. Nakasuot siya ng sumbrerong itim, close neck shirt na ang kwelyo ay hanggang labi ang taas, at itim na jacket. Ako nama'y naka bodycon sleeveless dress na bukas ang likuran, usual na ayos tuwing nasa duty ako at may huhulihin. Tiningnan ko ang mukha sa rear-view mirror at sinuri kung nasa tamang ayos ba ang contour ng aking makeup.
"Kanina pa," Tugon ko sa kanya.
Tinali ko ang buhok ko paitaas at hinanda ang sarili. Napansin ko naman ang panandaliang pagsulyap niya sa aking kikili at dibdib atsaka lumunok. Naibaba ko ang aking kamay at bahagyang nahiya. Naka push up bra ako, nasa ayos naman siguro hubog ng dibdib ko, hindi ba?
"Kilala mo na ang target, diba? Oh" Tanong niya at binigyan ako ng powerbeats."Ilagay mo 'yan sa tenga mo nang marinig mo ang bawat instruction ko." Aniya.
"Pindutin mo rito." Lumapit siya ng bahagya sa akin at may tinuro roon nang ilagay ko ito sa aking tenga, itinago ko ng kaunti sa takas ng buhok upang hindi ito mapuna ng iilan. "Kung may sasabihin ka para magkarinigan tayo." Aniya.
Alam ko kung paano ito gumagana, ito rin ang gamit namin tuwing may hina hunt kaming kriminal.
Mayamaya, napatingin kami pareho sa isang bagong dating na SUV. Lumabas doon ang isang dalagang babae at isang matandang lalake. Iyong matandang lalake ay nagngangalang Leo Chua, iyong dalaga nama'y naka gown. Duda ko isa itong engrandeng debut party at iheheld sa hotel na ito.
"Jude, kinakabahan ako." sabi ko, kunwari first time 'to.
"Wag kang mag-alala, makikipag-usap ka lang sa kanya. Kami bahala sa back operation." Aniya at tinapik ang braso ko. Nagkatinginan kami bago niya binuksan ang pintuan niya. "Let's go?"
"Tara.." Ani ko at naunang pumasok. Si Jude nama'y naiwan at hinitay ang instruction sa kanya ni Ryan Jose.
May invitation card, hindi ko alam kung paano nila nakuha ang design ng naturang invitation at kopyang kopya ang disenyo sa dinadala ko.
Sinalubong ako ng mga ginto at puting palamuti. Mula sa kalmang tugtog ng violin, maingay na sari saring usapan ng mga tao, hanggang sa iba't ibang kulay ng ilaw na sumasayaw sa bawat sulok ng venue.
Ang galing ng timing ng dalawa ha, talagang kinikilatis nila kung sino ang bibiktimahin sa araw na ito. Kahit naka heels, tumingkayad ako upang makita si Leo Chua na nakikipag usap sa mga bisita.
"Ladies and gentleman..." Tumungo ako sa isang high stand table pagkatapos kong makabingwit ng wine. "...Let us all welcome! Sarah Chua!" Pumasok ang debutant. Lahat ng atensyon ng mga bisita ay nasa kanya. Sinasalubong siya ng mga palakpak habang naglalakad sa red carpet papunta sa stage.
Nakipagpalakpak na rin ako at pinindot ang powerbeat.
"Saan ka na?" Tanong ko sa kabilang linya. Pansin ko ang tonong naghahanap na girlfriend sa mga salita ko, gusto ko agad masuka.
"Hinahanap namin ang kwarto. Nagpapanggap akong janitor ngayon." Ani ni Jude. "Kumusta ka dyan?" Tanong niya pabalik. Ewan ko ba, tuwing naririnig ko ang baritonong boses niya ay gusto ko agad humandusay sa kilig. Pero alam kong hindi dapat, di nga ako type eh.
"Okay lang naman ako." Ani ko at inangat ang mukha upang makita si Leo Chua.
"No, I mean the target." Akala ko ba ako kinakamusta nito?
"Nakikipag-usap pa sa iba, humahanap ako ng tyempo para ako naman kausapin niya." Tugon ko na lang.
"Balitaan mo ako dyan, may guard kasing nagbabantay malapit sa kwarto niya." Aniya.
"Baka gusto mo ng resbak? Dito lang ako." Teka, hindi dapat ako magpakitang gilas sa pakikipaglaban ko. "I mean ng suporta." Bawi ko. Narinig ko ang kanyang halakhak.
"Hindi na kailangan. Hindi ka dapat mapahamak." aniya at pinutol ang linya.
Napainom ako ng wine. Pwede bang magsalita siya ng pormal sa akin hindi iyong parang concern boyfriend ko. Nako talaga! Kung hindi lang ako sanay na makipag-usap o makipaglandian sa ibang lalake malamang nahulog na ako sa mga bulaklaking salita niya.
"How's your mission? May progress ba?" Napatalon ako sa gulat nang may marinig akong magsalita sa aking giliran.
Napabaling ako rito at mapuna agad ang mapanuwang ngiti ni Lily na sumalubong sa akin. Gaya ko nakadamit pormal siya at mukhang sasabak sa underground operation. Nakaayos rin ang kanyang kulot at maikling buhok. Magkasing tangkad kami ni Lily pero mas maganda ako sa kanya.
"Ano ginagawa mo rito?" Tanong ko. Agad kong in-off ang maliit na mikropono sa powerbeats upang hindi marinig si Lily.
"Nakakalimutan mo yatang nasa operation tayo." Aniya at tinaas ang kilay.
Sumagi sa isipan ang nangyari nitong nakaraan. Oo nga pala, nasabi ko sa kanila ang plano ng dalawa kung kaya't hindi nakakapagtaka na naririto rin ang presensya nila.
"Si Ellie?" Tanong ko sa kanya at tinanaw muli si Leo Chua bago ibalik ang paningin kay Lily.
"Nasa likuran, minamanmanan sina Jude. Si Maco nama'y in charge sa mga CCTV's." umangat ang isang kilay niya at ngumisi. "Talino din yang si Jude mo no? Marunong magtago, hindi nahuhuli sa CCTVs." Dagdag niya.
"Paano mo nalaman?" Itinago niya ang takas na buhok sa tenga at pinakita ang powerbeats na nakasabit ng katulad sa akin.
"Akala mo ikaw lang meron."
Tumango ako. "Ahh.." Atsaka ngumuso. Nagmamayabang ba siya?
"Balita ko pinatira mo daw sa apartment mo." Aniya at makahulugang ngumisi. Alam kong may naiisip itong hindi maganda.
"E' ano naman ngayon?" Para sa akin hindi naman issue iyon. Wala namang kaming ginagawang masama ni Jude.
"Binabalalaan kita Becky, may finance ka na ha." Nagkatinginan kami ni Lily.
Ang tinutukoy niya ay ang aking three-year boyfriend na si Eliseo Madrid. Pinakilala sa akin ni Father Ignacio si Eliseo nang matanggap niya ang hindi ko kagustuhan maging madre. Si Eliseo ay isang devout Christian. Mabait, maginoo, at God-fearing. Alagad rin siya ng mga salita ng diyos at higit sa lahat... Virgin.
Nasa ibang bansa iyon ngayon at minsan lang umuuwi ng Pilipinas dahil sa pagiging abala niya sa iba't ibang klase ng charity. Mahal ko naman siya kaya pumayag ako na maikasal sa kanya sa disyembre. Ngunit may humahadlang lang... Ang hindi ko pagiging handa sa pag-aasawa.
Ngumiti ako sa kanya at nakipag cheers sa kanyang baso tsaka ko ito ininom.
"Alam ko, Lily." Tugon ko.
Napansin kong nag-iisa si Leo Chua sa kanyang mesa kaya agad akong lumapit sa kanya. Takot na maunahan ng iba. Umupo ako ako nang makalapit at ngumiti sa kanya. Seryoso siyang napatingin sa akin nang inilahad ko ang aking kamay upang makipag shakehands.
"My name is Dianne." Ani ko. Hindi ko dapat sinasabi ang pangalan ko gaya ng utos ni Jude sa akin. "I'm your fan, nice to meet you in person." Tinanggap niya ito at napatingin ako sa gawi ni Lily na nakatanaw lang din sa akin at ngumisi.
"Nice to meet you," Aniya at binaba ang kamay.
Nagsimula akong makipagdaldalan sa kanya nang mapunang gusto niyang pumunta sa kwarto niya. Upang makuha ang kanyang atensyon ay tinalakay ko paghanga sa mga obra maestra niyang nakilala sa ibang bansa. Hindi tayo undercover police officer kung wala lang, Dapat mas magaling ako sa mga kriminal.. kina Jude.
"Becky." Napahinto ko kakakinig sa mga tugon niya sa bawat tanong ko nang marinig sa kabilang linya si Jude nang may pinindot ako sa powerbeats. "Kapag nagdilim ang paligid, umalis ka kaagad."
Lumayo ako ng kaunti kay Leo Chua nang maramdaman ang kanyang kamay na pasimpleng paghipo sa aking hita.
"Bakit?" Bulong ko
"Pakiramdam ko may nagmamasid, i s-switch off ko ang power ng buong gusali upang makatakas tayo. " Aniya. "Nasa main power ako, hinihintay ko na lang na makuha ni Ryan ang case na naglalaman ng pera sa kwarto ng target bago ko i off ang lahat ang mga ito. Nakatulog na rin ang mga gwardya niya."
Aniya at parang may binibilang. Napamura ako, malamang si Ellie ang napansin ni Jude. Magaling din pala itong si Jude magmasid. Akalain mo iyon
"Alright." Sabi ko at narinig ko ang kanyang pagsang ayon bago ulit bumaling at lumapit kay Leo Chua.
"I'm sorry, ano nga ulit iyon?" Tanong ko sa kanya nang hindi ko narinig ang kanyang huling sinabi.
"I'm already a widowed man, magkaka interest ka pa ba sa akin?" Tanong niya. Muntik na akong mabulunan sa ininom kong wine.
Paano ba kami umabot sa ganitong pag-uusap?
Napuna ko ang pasimpleng paglapit ni Lily sa akin at bumulong kung kaya't dali dali kong in-off ang powerbeats sa aking tenga. "Malapit nang magkahulihan ayon kay Ellie, make a show, itakas mo kunwari si Jude."
"Roger." Tumango ako at naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking balikat.
Ilang sandali ang lumipas nang namatay ang lahat ng ilaw sa paligid. Napahiyaw ang mga bisita dahil doon. Narinig ko ang pagtawag ni Leo Chua sa akin kaya't dali daling umalis doon.
Kinuha ko ang dalawang heels sa paa at binitbit ito upang makatakbo ng maayos. Tiniis ko ang mataas na hagdan dahil hindi naman magagamit ang elevator dahil walang power.
Hingal na hingal ako nang makaabot sa naturang palapag kung saan sa tingin ko naroroon sina Jude. Hinanap ko ang bawat sulok habang bitbit ang heels. Nahirapan din ako dahil sa dilim, binuksan ko ang cellphone na tinago ko sa buong operasyon at ginamit ko pang ilaw ng bawat nadadaanan ko.
Nalilito ako dahil sa lawak nito. Bahala na nga!
Nakarating ako sa parte kung saan maliwanag ng kaunti dahil sa ilaw mula sa bilog na buwan. Napuna ko ang isang lalake na patungo sa isang kwarto habang naka handa ang baril sa mga kamay, sumunod doon ang isa pa.. Si Ellie iyon na may dalang beretta at si Maco may dalang Ak-47. Napamura ako, akala mo naman terorista ang kalaban namin, tanginang Maco!
Nanlaki ang aking mata nang tumakbo mula sa isang kwarto si Ryan at si Jude. Tumakbo ako sa kinaroroonan nila nang nagpaputok ng baril si Ellie upang mahinto sila.
"Jude!" Bulong ko at hinila siya nang makarating siya sa isang sulok at maabutan siya.
"Si Ryan!" Bulyaw niya at napalingon sa kasamahan.
"Wala na tayong oras, mahuhuli ka!"
Nagpaubaya siya sa aking paghila habang tanaw tanaw si Ryan na humandusay sa sahig at tuluyang pag posas nina Ellie sa mga kamay nito mula sa likuran.
Napuna ko ang multo ng lungkot at awa sa kanyang mga mata bago mabilis na tumakbo palabas ng gusali.