Chapter 7: Vico Alonzo

2357 Words
Hindi matagal sa akin ang paningin ni Vico Alonzo habang sanda sandaling bumubuga ng usok mula sa sigarilyo. Nagpapalitan sila ng usok ni Jude. Panay takip ko sa ilong, hindi ko matiis ang amoy nito. "Ahh!" Napatalon ako sa gulat sa biglaan niyang bulyaw. "Ikaw 'yong bayarang babae na nakita ko sa isang Bahay aliwan!" Aniya at tinuro ako. Biglang nanlaki ang aking mata, sigurado ba siya sa pinagsasabi niya? O baka naman nasa mission ako nong panahon iyon habang nandoon siya. Parati kasing malandi ang role ko tuwing may mission e. Seryosong napatingin sa akin si Jude. Tipid akong ngumiti sa kanya, ramdam kong ayaw niya sa trabaho ko bilang 'pick up girl'. Syempre, sinong bang gusto, kapag ipaalam niya tungkol kay Father Allan ang tungkol sa trabaho ko baka mabugbog ko siya ng tuluyan. "May kasama kang matanda," Aniya at nakatingala habang nag-iisip. Hindi ko naman maalala. Baka nang mamalikmata lang siya? Ang katulad kong magaganda'y maraming kamukha pero ang ganda ko'y aminado akong unique. "Hinahalikan ang matanda.." Patuloy niya. Yumuko ako. Gusto kong may isang taong pipigil sa akin na hindi masuntok ang isang 'to. Sa buong buhay ko, hindi ako kailanman nakahalik ng matanda...Gwapo lang. Narinig kong nag 'tss' si Jude at lumayo sa akin. "Ano ba ang plano?" Pang iiba ni Jude upang malihis ang usapan. Sekreto akong napahinga ng maluwag. May nilabas siyang android phone na tingin ko'y bago itong bili dahil sa kintab ang wala itong gasgas. "Parang nagdududa ako, hindi ba pipitsuging target 'yan?" ani naman ni Jude. Pareho kami ng nararamdaman. Game developer? Hindi ba business tycoon na may milyon milyong transaksyon sa bansa o bilyonaryo na may ari ng hacienda? Tumikhim si Vico at nilapit ang phone niya kung saan makikita ang litrato ng target. Singkit ito at makapal ang labi. Mukhang bata pa, "Para lang natalo sa pustahan ng sabong ah." Kumento ko sa mukha nito. "200,000 ang na-iiscam niyan monthly." Aniya at bumuga ulit ng usok. "Pipitsugin?" Nagtaas siya ng kilay sa aming dalawa. Natahimik kami pareho, malaking halaga na iyon! Binebenta nga ng iba laman loob nila sa ganong halaga magkapera lang. "Oh edi ano pa hinihintay natin?" Maangas kong sabi at itaas ang dalawang sleeves at ipinatong ang isang siko sa lamesa. "Gusto ko 'yang guts mo bata." aniya at ngumuya ng sariling laway. Napangiti ako sa kanya dahil pinuri niya ako. Napatingin naman ako kay Jude na malalim ang iniisip habang nakatingin kay Vico. "Ikaw muna ang lalabas ng bansa, susunod kami ni Becky." Aniya. Nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa binitiwan niyang salita. "Mas kailangan ka ng asawa mo, mas kailangan niyang magamot.." Napatitig ng husto si Vico sa kanya at unti unting tumuwid ng upo. "Isasama kita bata." Anito. Umiling si Jude at ngumisi. "Susunod kami ni Becky, makakagawa ako ng paraan kasama pa ang iba nating mga kasamahan." Natahimik ako. Nangingibabaw ang pagiging selfless ni Jude. Alam ko, noon pa ganito na siya. Kahit pala sa pagtanda dinadala dala niya pa rin ito kahit masama ang napasukang trabaho. "Hihingi lang ako ng pera ng kaunti sa mananakaw natin para kay Becky." Gulat akong humarap sa kanya. Bumaling siya sa akin at tipid akong ningitian. Ito na kaya yong sinasabi niyang bubuhayin niya ako? Tipid rin akong ngumiti at nagkaroon kami ng sandaling pagtitigan. Sa totoo niyan, Jude. Marami akong pera. Wala akong binubuhay, ikaw lang dahil nakatira ka sa Apartment ko at may pakay ako sa'yo. Gusto kong sabihin sa kanya pero pinipigilan ko ang aking salita. Huminga ng malalim si Vico at kumunot ang noong umiwas ng tingin. "Hindi ko kakayanin ang makita kayong nagkakatitigan, mayroon akong naaalala." "Naaalala?" Tanong ko sa kanya. Bigo siyang bumaling sa akin at madramang hinawakan ang kanyang puso. "Ako'y sawing pag-ibig, alam mo na Becky." Aniya at may inaalalang masisilumuot na kapalaran. Tumikhim si Jude at sumulyap sa akin bago umurong ng kaunti palayo. "Walang pag-ibig na namamagitan sa amin." Aniya. Bumaling muli si Vico sa akin. "Pasensya ka na, hija kung hindi marunong dumamoves si Jude sa'yo." aniya. Pakiramdam kong uminit ang pisngi ko. Hindi naman siya dumadamoves sa akin e'. Di nga ako type niyan. "Magkaibigan lang kami, Vico." Ani naman ni Jude. Pag dedepensa sa paratang ng kaibigan. "Di ko siya type." Kita mo na! Bumuntong hininga ako ng malalim. Pinanganak talaga akong sinakluban ng langit at lupa.  Nagkaroon ng katahimikan sa aming tatlo. Mukhang may na kumpirma naman si Vico na siya lang ang nakakaalam. Huminga siya ng malalim at muling bumaling sa Phone. May tinimpa siya at nilagay iyon sa harap namin ni Jude. Isa itong App na may barcode... "Ano ito?" Tanong naman ni Jude at tiningnan ito ng mabuti. "Isa sa inyo dapat ang makakahanap ng paraan upang ma swipe ang bagay na iyan sa chip sa Card ng target." Sumeryoso ang aking mukha. Ito na ang totoong plano, magsisimula na. "Kapag na matagumpayan ninyong ma swipe 'yan, automatikong maglalaman ang barcode na 'yan ng halaga na pwede nating i-encash." "Paano?" Bigla kong tanong. "Becky, binabalot tayo ng teknolohiya ngayon." Tinuro niya ang utak at mayabang na ngumisi. "..Matagal ko na itong ginagawa." Siniko ako ni Jude at lumapit sa akin upang bumulong. "Graduate 'yan ng computer science, at nakapagtrabaho sa bigating IT Company sa ibang bansa bago naligaw ng landas." Tumango ako habang nakanganga. May tao talagang pipilitin gawin ang masasamang bagay. Hindi ko maunawan kung ano mapapala nila sa ganitong gawain. Pera? Panghabang buhay ba nasa tabi mo ang pera? "Isara mo ang bibig mo." Nakabalik ako sa ulirat nang marinig si Jude. Sinara ko naman ang bibig. "Kailangan namin ang bank accoumt mo, Becky, doon natin i encash ang pera."Tumango ako sa kanya, kahit hindi sigurado kung ibibgay ko din ba ang bank account ko. Pasimple kong nilihis ang pagdududa ko baka ako din ma scam. Tiwala lang sa sarili, becky! "Kausapin mo siya ng masinsinan Becky, dapat makuha mo ang atensyon ni Christopher Tong." Ani Vico.  "Unti untiin mong kunin ang loob nito Becky, alam kong eksperto ka sa pang gagayuma ng lalake." Seryoso niyang sabi at bumaling kay Jude. Sinuri ko ang kanyang mukha, hindi siya nagbibiro, hindi niya ako kinukutya. Hindi niya binawi. "Ikaw naman Jude, bantayan mo si Becky baka may mangyaring masama sa kanya dahilhin siya sa hotel at alam mo na.." Kibit balikat si Vico. "Hindi natin alam ang daloy ng utak ng lalakeng iyon." Tumango si Jude bilang tugon. Nararamdaman kong malapit nang mandiri sa akin si Jude at hindi ko iyong gusto. Baka tumakas siya sa Apartment sa sobrang pandidiri sa akin, dahil sa napagalamang trabaho ko. Dagdagan mo pa ang pinagsasabi ng asungot na ito. Tanghali nang matapos ang mahabang plano. Madali lang ito kumpara nang nauna. Hindi naman katandaan  ang lilinlangin namin at siguro'y hindi pa malawak ang pag-iisip kaya madali lang para sa akin. Bumaling ako kay Jude na malalim na nag-iisip. Ganito ba siya magplano? Nakabusangot ang mukha? Nag hihintay kami ni Jude kay Vico, dahil titira siya sa Apartment pansamantala habang hindi pa natatagumpayan ang mission. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang atensyon. "Malalim ang iniisip mo?" Tanong ko sa kanya. Bumaling siya at tumitig sa aking mata. Nakakahalina ang kanyang dayuhang mata. Gustong manghina ng aking tuhod, pero hindi ko alam kung bubuhatin ako ni Jude pag nangyari iyon. "Becky,  sabihin mo sa aking kung hindi ka komportable sa trabahong ito." Aniya. "Hindi ko gusto na napipilitan ka, ayaw ko maging pabigat sa'yo." Aniya at umiwas ng tingin. "Masyado akong nakakaa-abala," Ngumiti ako sa kanya at hinampas siya sa kanyang braso. Muntik siyang matumba at napalingon sa akin. "Ano ka ba! Feel at home, ngayon ka pa ba mahihiya e' matagal ka nang walang hiya." Biro ko sa kanya. "Baka sakali lang naman, hindi ko alam ang daloy ng utak mo e." Mabilis akong umiling. "Hindi hindi kang magiging pabigat." Ani ko at inakbayan siya. Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Nakatutok siya sa akin at bumaba ang kanyang paningin sa aking labi. Dahil doon ay agad akong lumayo. "Iyon ba ang bumabagabag sa isip mo?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Hindi ko lang kagustuhan ang hindi matagumpayan ang misyong ito gaya ng nangyari ng nauna." Natigilan ako. Ngumiti ako sa kanya, pilit kong pinapasaya ang mood niya. "Madali lang ito, Jude. Siguradong makakatakas si Vico... O kahit ikaw sa hinaharap." Ani ko sa kanya. Umaandar ang sasakyan sa kahabaan ng daan patungo apartment. Nakikinig ako sa kanila habang nagmamaneho. Katabi ko si Jude at sa likuran nama'y si Vico. Nag-uusap sila tungkol sa mga pipitsuging pulis na tinakasan nila at ang buhay naman ng  mga iba pa nilang kasamahan. Nalungkot si Vico nang mapag alamang nahuli na nang tuluyan si Ryan Jose. Nahinto ako sa isang Convenient Store upang bumili ng makakain namin mamayang gabi. Ani ko sa kanilang dalawa, tumango silang dalawa at naunang pinihit ni Jude ang pintuan. "Saan ka pupunta, Jude?" Tanong ko sa kanya. "Sasamahan ka." Bumaling siya sa akin. Kumunot ang noo ko nang sinuot niya ang face mask at ang sumbrerong itim. "Baka mapaghinalaan ka.." Paalala ko sa kanya. Nag thumbs siya at naunang bumaba. Tumawa naman si Vico kaya napabaling ako sa kanya. Anong tinawa tawa  ng isang ito? "Maginoo ang kaibigan ko, hindi ba?" Tanong niya. Ngumisi ako at sinarado ang pintuan ng sasakyan. Agad akong lumapit kay Jude na naghihintay sa labas ng pintuan ng Glass door. Walang gwardya kaya madali siyang nakapasok nang hindi pinapatanggal sa kanya ang suot na sumbrero. "Ano bibilhin mo?" Tanong niya nang makarating ako sa ref ng mga umuusok sa lamig na mga alak. Kumuha ako ng beer in can, bale mga sampo at nilagay ito sa Cart. "Pagkain.." Ani ko at kumuha ng instant noodles. Narinig kong ngumisi si Jude at inangat ang beer atsaka binasa ang label nito. "Pagkain na pala ito ngayon?" Tanong niya. Tumango ako. "Vitamins C," Mas lalo siyang ngumisi. "Pansin ko nga hindi nauubusan ng beer ang ref mo kaysa pagkain." Aniya at binaba ito. Kapag marami akong naiisip mas lalo akong hindi nakakatulog kaya kailangan ko ng beer upang maantok man lang. Binilisan ko ang pamimili nang nagsimulang dumagsa ang mga tao. Napalingon naman ako kay Jude nang mahinto siya sa isang beauty products na parang may tinitingnan. Lumapit ako sa kanya at sinundan ang kanyang tingin sa isang litrato ng modelo na may hawak na lipstick. "Wag mong sabihin gumagamit ka niyan?" Tanong ko sa kanya. Kumukha ako ng isang lipstick at at sinubukan ang shades nito sa kamay. "Inaano mo ba ang lipstick?" Teka, maglaladlad na ba si Jude? Huwag niyang sabihing... Napatakip ako ng bibig sa gulat. "Jude? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Gulat kong tanong sa kanya. Tamad siyang bumaling sa akin, ngumisi atsaka tuluyang umalis habang hila hila ang cart ko. Sinundan ko naman siya papuntang counter. "Hindi ka ba marunong magluto? Puro instant food ang kinakain mo." Aniya at tumingin sa aking pinamili. "Hindi ka malambot?" Tanong ko sa kanya. kaya ba wala siyang nagugustuhang babae noong mga teenager pa kami dahil parehong lalake ang kanilang gusto? "Tumigil ka nga." Aniya at kumunot ang noo. "Gusto mo patunayan ko sa'yo iyon na hindi ako malambot?" "Anong pagtutunay?" Tanong ko. Kumurap kurap aking mata nang huminto siya at seryosong tumingin sa akin. Mayamaya bumukas at tumunog ang pintuan hudyat ng pagpasok ng isang customer. Natigilan ako nang pumasok sa entrance si Ellie at Maco. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil nandirito din si Jude. Anong ginagawa nila rito? Hindi sila nakadamit Pulis pero sa mga tindig nila'y masasabi mong hindi sila basta bastang ordinaryong tao lamang. Nahagip ako ni Maco at sandaling sumulyap sa nakatalikod sa kanya na si Jude. Mukhang nakilala na nila ito. "Pulis..." Mahina kong utas at napatingin si Jude sa akin. "Tara Jude, kailangan na natin tong bayaran." Ani ko at yumuko habang tinutulak ang cart. Napansin ko ang panandaliang pagtitinginan ni Jude at ni Ellie nang dumaan ang dalawa sa aming giliran. Walang takip noon si Ellie ng mukha, kung sakaling nakabukas ang ilaw sa hotel ay baka mamukhaan siya ng husto ni Jude. Napuna ko namang nanlaki ang mata ni Jude, marahil nakikilala niya nga ang mga ito. "Wag kang magpahalata..." Bulong ko kay Jude. Pumila kami sa counter. Alam ko sa pagkakataong ito kinakabahan si Jude pero alam ko namang hindi siya huhulihin ni Ellie dahil may pakay pa kami sa kanya bago namin siya hulihin. Ang dalawa kong kasamahan sa trabaho ay pumila rin ng sa aming likuran. Napansin ko ang paninigas ni Jude kung kaya't hinawakan ko siya sa kanyang likuran. "Mahirap talaga pugsain ang mga kriminal ngayon." Ani ni Ellie, nagpaparinig. "Mahirap kung hindi magaling na pulis ang mag babantay." Tawang tugon ni Maco. Napapikit ako, ako ba ang tinutukoy nila? Tangina talaga ng dalawang ito. Binabantayan din ba ako nila Ellie? Bakit nila iyon gagawin eh wala naman akong ginagawang masama. Ah, baka napadpad lang dito upang bumili ng maiinom. Mahilig silang maglasing kahit hindi pa lumulubog ang araw o di kaya sasabak sa misyon. Dali dali kaming Tumungo ni Jude sa exit pero bago tuluyang makabalas ay pinagdalitan ko ng mata si Maco at Ellie. Sinuklian naman nila ako ng ngisi. Gusto ko silang bugbugin pero baka ako ang mabugbog at isa pa magkakaresulta lang iyon ng gulo. Natatawa si Vico sa likuran sa sariling biro habang umaandar ang sasakyan sa kahabaan ng daan pabalik ng aming apartment. May kinukwento siya kay Jude pero hindi man lang nito nagawang sumabat. Marahil ay hindi nakapag move on nang makita sina Ellie kanina. Kumpirmadong namukhaan niya ito kahit wala siyang sinasabi. "Jude! Crush mo oh!" Ani ni Vico at tinuro ang isang malaking billboard na may magandang modelo na naka bikini ang litrato. Umangat ang mukha ni Jude upang tingnan ito. Ngumisi siya at nakakalokong bumaling kay Vico. "Mapapasakin 'yan, mag antay ka lang." Mayabang na aniya. Gulat akong bumaling sa kanya. So hindi nga malambot si Jude dahil may napupusuan siyang babae. Hindi ko dapat siya paghinalaan. O'sige, ako na itong masama! Pinarada ko sa harap ng apartment ang sasakyan nang makarating. Nilibot naman ni Vico ang mata niya upang makasigurong walang nakasunod sa amin bago bumaba. Inantay kong makababa si Jude pero nakadirekta ang mata niya sa labas ng sasakyan. "Hindi ka pa ba, bababa?" Tanong ko sa kanya at kinuha ang pinamili. Sumilip naman si Vico mula sa labas, marahil nagtataka kung bakit hindi kami bumababa. Hindi siya umimik. Mga ilang sandali ay bumaling siya sa akin at tiningnan ako ng seryoso sa mukha. Natigilan ako sa kanyang sinabi. "Paano mo pala nalaman na mga pulis iyon kanina? Hindi sila naka uniporme at sigurado akong hindi mo sila nakita noong nahuli si Ryan." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD