Chapter 4

2213 Words
BITBIT ni Maria Victoria ang basket ng lumabas siya ng bahay. Dumiretso naman siya sa bakuran kung saan nakatanim ang ilang gulay. Marami kasing bunga ang tanim na gulay na iyon ng Tatay niya at balak niyang magluto ng pinakbet. Sasahugan niya iyon ng pritong isda. Nagsimula namang mamitas si Victoria ng mga gulay. At lahat ng napipitas niya ay inilalagay niya sa hawak niyang basket. Saktong gulay lang naman ang pinipitas niya, iyong tamang-tama lang sa kanila. At mayamaya ay napatigil siya mula sa pagpipitas nang maramdaman niya na parang may magmamasid sa kanya. Umayos naman siya mula sa pagkakatayo niya. Pagkatapos niyon ay iginala niya ang tingin sa paligid hanggang sa tumigil ang tingin niya sa dereksiyon ng bahay nila. Callum stood right in front of their house. Nakahalukipkip ito habang nakatingin ito sa dereksiyon niya. Kaya pala may nararamdaman siyang parang may nagmamasid sa kanya. Si Callum pala iyon. Nginitian naman niya ito. Tumaas nga din ang isang kamay niya para kawayan ito. Pero sa halip na gumanti din ito ng ngiti at kaway ay tumalikod ito at pumasok sa loob ng bahay. "Sungit," hindi naman niya napigilan isambit nang mawala ito sa paningin niya. Tahimik lang lagi si Callum. Nagsasalita lang ang lalaki kapag kinakausap o hindi kaya ay may kailangan ito. Pero madalas ay ang kapatid at magulang lang niya ang kinakausap nito. Wala nga siyang ideya kung bakit medyo masungit ito sa kanya. Hindi ba nito alam na siya ang nag-alaga dito noong panahong hindi ito nagigising? Sa halip na thank you, kasungitin ang sinukli nito! Nagingiting napapailing na lang naman si Victoria. Nagpatuloy ulit siya sa pamimitas ng gulay. Nang matapos siya ay pumasok na siya sa loob ng bahay. Nadatnan naman niya si Callum na nakaupo sa upuan na kawayan sa maliit na sala nila. Nakasandal ang likod nito do'n habang nakapikit ang mga mata. Magka-krus din ang dalawang braso nito sa ibabas ng dibdib nito. Napansin niya ang gitla sa noo ni Callum. Kahit nakapikit ang nakakunot din ang noo nito. At mukhang naramdaman nito na nakatingin siya dito dahil mayamaya ay nagmulat ito ng mga mata. At lalong kumunot ang noo ni Callum nang makita nitong nakatingin siya dito. At kahit naman na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula ang magkabilang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman. Paanong hindi pupula ang pisngi niya? Huling-huli siya nitong pinagmamasdan ito. At dahil sa hiya ay mabilis pa sa alas kwatrong umalis siya sa harap nito at halos inisang hakbang lang niya ang pagitan ng kusina nila. Pagkarating nga niya doon ay tumaas ang isang kamay niya patungo sa kaliwang dibdib niya ng maramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Darn. Ilang hakbang lang ang ginawa ni Victoria pero pakiramdam niya ay ilang kilometro ang tinakbo niya. Maria Victoria breath in and out to calm her raging heart. At nang medyo kumalma ang puso ay do'n naman na siya kumilos. Kailangan na kasi niyang iluto ang mga gulay na pinitas niya sa kanilang bakuran. Silang dalawa lang naman ni Callum ang nasa bahay. Day-off kasi niya ngayong araw. Si Victor ay nasa school. Ang Tatay naman niya ay nasa laot, ang Nanay naman niya ay nasa Palengke. Sa sumunod na sandali ay abala na si Maria Victoria sa pagluluto ng ulam nila. Pinagsabay na din niya ang pagluluto ng kanin. Hindi naman siya umalis sa likod bahay dahil kailangan niyang bantayan ang niluluto. At makalipas naman ng kalahating oras ay tapos na ang niluluto niya. Pinakbet at pritong bangus ang niluto ni Maria Victoria. Siguro naman ay kumakain si Callum niyon. Common filipino food naman kasi ang pinakbet. At sa hindi naman pagbubuhat ng sarili, masarap siyang magluto. Pangarap nga niyang maging chief noon kung sakaling nakapag-aral siya. Inihanda naman na din ni Victoria ang mesa. At nang matapos siya ay pinuntahan niya si Callum sa may sala. He still there. His eyes still close and his brows still furrowed. Tumikhim muna siya bago niya tinawag ang pangalan nito. "Callum." He opened his eyes. Agad naman tumuon ang itim na itim na mga mata nito sa kanya. Mapupungay nga iyon. Hindi ito nagsalita, nanatili itong nakatitig sa kanya. "K-kakain na," imporma niya sa lalaki. Tumango lang naman si Callum bilang sagot. Nang tumayo ito mula sa pagkakaupo nito ay tumalikod na din siya at nagsimulang humakbang patungo sa kusina niya. Ramdam naman niya ang lalaki sa likod niya. Nang makarating sila sa kusina ay umupo na siya sa harap ng mesa. Sumunod naman si Callum sa kanya. Ipinikit ni Victoria ang mga mata at taimtim na nagdasal. At nang magmulat ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi nang makita din si Callum na nakapikit, mukhang taimtim din itong nagdadasal. Inalis naman na niya ang tingin dito baka kasi mahuli na naman siya nitong nakatingin. Baka wala na siyang mukhang maihaharap sa lalaki kapag nagkataon. Sa mga pagkain naman na niya itinuon ng pansin. Nagsimula na din siyang magsandok ng kanin at ulam. Kumuha din siya ng pritong bangus gamit ang mga kamay niya. Mula sa gilid ng kanyang mata ay napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Callum habang nakamasid ito sa kanya. "Naghugas ako. Malinis ang mga kamay ko," hindi naman niya napigilan na sabihin iyon sa lalaki. "I didn't say anything," masungit ang boses na wika nito, hindi pa nga din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon. Napanguso lang naman si Victoria sa kasungitan ni Callum. Itinuon na nga din niya ang atensiyon sa pagkain niya. Pero hindi niya magawang sumuno nang mapansin na hindi pa din kumikilos si Callum. "Ayaw mo sa pagkain?" hindi niya napigilan na itanong. "Minsan subukan mo din kumain ng mga gulay. Masustansiya din ang mga ito. Hindi naman pwedeng karne lang lagi ang kinakain mo. Subukan mo ding i-appreciate-- "May sinabi ba ako?" Putol nito sa ibang sasabihin niya. "Wala, hindi ba?" Napakurap-kurap si Victoria habang nakatingin siya sa magkasalubong na mga kilay nito. "And I didn't ask you to buy me those foods, Maria," wika nito sa kanya sa seryosong boses, tinutukoy iyong mga naging ulam nito sa mga nakaraang araw. May gusto pa sana itong sabihin sa kanya pero sa halip na ibuka nito ang bibig ay tumayo ito mula sa pagkakaupo. "Excuse me. I will eat later." Napakagat naman si Victoria ng ibabang labi nang umalis si Callum sa hapag-kainan. Hindi din maiwasan na makaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot. "ATE, kain na daw tayo." Humugot ng malalim na buntong-hininga si Victoria nang marinig niya ang boses na iyon ni Victor na tinatawag siya. "Sige, Victor," wika naman niya sa kapatid. "Sunod ako," sagot niya dito. Bago siya lumabas ng kwarto ay inayos muna niya ang bag na dadalhin niya sa pagpasok sa trabaho. Para mamaya kapag tapos na silang kumain ng breakfast ay handa na siyang umalis para pumasok. Lumabas naman na siya ng kwarto. Saktong pagkalabas niya ay ang paglabas din ni Callum sa kwartong tinutuluyan nito. Magkatabi lang kwarto niya sa kwartong tinutuluyan nito. Sabay naman silang natigilan na dalawa. Saglit nga din silang magtitigan hanggang siya ang unang nag-iwas ng tingin kay Callum. Walang imik na nagpatuloy siya mula sa paglalakad. Pero pinapakiramdaman naman niya ang lalaki at naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya, naramdaman nga din niya ang mainit na titig nito mula sa likod niya. Pagdating naman nila sa hapag-kaininan ay naroon na ang Tatay at Nanay niya, naroon na din si Victor, nakaupo na ang mga ito sa harap ng hapag-kainan. "Maupo na kayo, Victoria at Callum." "Opo," sagot niya. Wala namang imik si Callum pero umupo na din ito. At gaya ng madalas nilang gawin, bago magsimulang kumain ay nag-pray ang Nanay niya para magpasalamat sa pagkain na nakahain sa mesa. Nang matapos silang nagdasal ay napatingin siya sa pagkaing nakahain sa mesa. Ang Nanay niya ang naghanda niyon. At usual breakfast nila iyon, pritong daing, mga gulay na pinitas lang sa bakuran nila. May nakita din siyang pritong itlog na nilagyan ng sibuyas. Sumunod na din naman siyang kumuha ng kanin at ulam ng matapos kumuha ang magulang niya. "Ayaw mo sa ulam, Kuya Callum?" Napatigil naman si Victoria mula sa pagkuha ng ulam ng marinig niya ang tanong na iyon ni Victor dito. Pasimple naman siyang nag-angat ng tingin patungo dito. At nakita niya si Callum na hindi pa din kumikilos sa kinatatayuan nito. Nang hindi pa ito sumasagot ay muling nagsalita si Victor. "May extra akong pera. Bilhan kita," wika nito ng hindi pa sumasagot si Callum. "It's okay, Victor. Kakainin ko kung ano ang pagkain na nakahain," sagot nito sabay sulyap sa kanya. Pinagdikit naman ni Victoria ang mga labi na yumuko siya. Pakiramdam niya ay pinaparinggan siya nito. Hindi sila nagpapansinan ni Callum matapos ang eksena nila kahapon sa harap ng hapagkainan. Wala naman siyang masamang intensiyon sa mga sinabi niya kay Callum kahapon. Wala naman sa kanya iyong ginastos niya sa pagbili niya ng mga ulam para dito sa nakaraang araw. Bukal naman iyon sa loob niya. Na-misinterpret lang nito ang sinabi niya dito kahapon. "Okay ka lang, Victoria?" mayamaya ay nag-angat siya ng tingin ng marinig niya ang boses na iyon ng ina niya. "Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo. Masama ba ang pakiramdam mo?" mababakas sa boses ng ina ang pag-alala. Mula sa gilid nang mata ay nakita niya na nakatingin sa kanya si Callum. She noticed the seriousness on his face. Tumikhim siya. "Okay lang ako, Nay. Medyo busog pa kasi," sagot niya, ngumiti din siya para ipakita na okay lang siya dito. "Kain na po kayo." Tumango naman ito. Nang muli siyang napasulyap sa gawi ni Callum ay bahagyang napaawang ang bibig niya nang makita na nakatitig pa din ito sa kanya. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito at base din sa tingin na ipinapakita nito ay parang hindi ito naniniwala sa naging sagot niya. Iniwas na lang naman ni Victoria ang tingin dito. At itinuon ang tingin sa pagkain na nasa plato niya. Nag-umpisa na din siyang kumain. "Kami na ang bahala dito, Victoria. Mag-ready ka na para hindi ka na ma-late sa trabaho," mayamaya ay wika ng Nanay niya ng matapos silang kumain. "Opo," sagot niya. Nagtungo naman siya sa banyo para mag-toothbrush at nang matapos ay dumiretso siya sa kwarto para kunin ang bag niya. "Nay, Tay, alis na po ako," paalam niya ng lumabas siya ng kwarto. "Mag-ingat ka," narinig niyang wika ng Tatay niya. Humakbang naman na siya palabas ng bahay. Saktong pagkalabas nga niya ng kawayan na bakod nila ng mapatigil siya ng may tumawag sa pangalan niya. "Maria." Hindi maipaliwanag ni Maria Victoria kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya ng marinig niya ang pagtawag ni Callum sa pangalan niya. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa kanyang likod at nakita niya itong nakatayo sa hamba ng pinto ng bahay nila at nakatingin sa dereksiyon niya. Mas lalo yatang kumabog ang dibdib niya ng mag-umpisang maglakad ang lalaki palapit habang hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. At nang huminto ito sa harap niya ay kinakailangan pa niyang tumingala para magpantay ang paningin nila. Matangkad kasi ito at sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ito. Hindi nga siya umabot sa balikat nito. "B-bakit?" tanong niya dito. "Nakalimutan mo," wika ni Callum sa baritonong boses. Bumaba nga ang tingin niya sa hawak nito at nakita niya na hawak nito ang lunch bag niya. "Oh," sambit niya. Akala niya ay may sasabihin ito sa kanya, i-aabot lang pala nito ang lunch bag niya na naiwan niya. Tumaas nga din ang kamay niya para tanggapin ang inabot nito sa kanya. "S-salamat," wika niya kay Callum sa halos pabulong lang din na boses. Hindi naman ito nagsalita. Nang mag-angat siyang muli ng tingin patungo kay Callum ay bahagyang umawang ang bibig niya nang mapansin niyang titig na titig pa din ito sa kanya. Para nga ding may gusto pa itong sabihin dahil hindi pa ito umaalis sa harap niya. Para nga ding may magnetiko ang mga titig nito dahil hindi niya maalis ang titig kay Callum, para nga ding may nakadagan sa mga binti niya dahil hindi din niya iyon maihakbang paalis. "Maria-- Hindi na natapos ni Callum ang iba pa nitong sasabuhin ng may sumigaw sa pangalan niya. "Victoria!" Sabay naman silang napalingon na dalawa sa tumawag sa kanya. At nakita naman si David, sakay ng tricycle nito. Taga-isla Azul din ang lalaki. Kaklase niya ito noon sa High School. At dahil sa hirap din ng buhay ay tumigil na din ito sa pag-aaral at naghanap buhay na din ito para makatulong sa pamilya. Tricycle driver si David. At madalas ay ito ang sinasakyan niya kapag papasok siya sa trabaho dahil lagi siya nitong inaabangan tuwing umaga. "Papasok ka na? Halika na. Ihahatid na kita," wika nito sa kanya nang magtama ang mga mata nila. Humugot naman siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay sinulyapan niya si Callum, napakagat siya ng ibabang labi nang makita niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. "S-sige, Callum. Aalis na ako," paalam niya dito. Hindi na din niya ito hinintay na magsalita, tumalikod na siya dito at humakbang na palapit sa tricycle ni David.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD