BINUKSAN ni Victoria ang bag nang matanaw na niya ang bahay nila. Kumuha naman siya ng beinte pesos na papel sa wallet. At nang huminto ang tricycle sa tapat ng kawayan na gate nila ay inabot niya kay David ang pamasahe. Pero sa halip na kunin nito ang inaabot niya ay tiningnan lang nito iyon.
"Pamasahe ko, David," wika ni Victoria sa lalaki ng hindi pa nito kinukuha ang inaabot niya.
"Hindi na, Victoria," tanggi nito sa pamasahe niya.
Umiling siya. "Hindi. Pasahero mo ako kaya magbabayad ako," giit niya. Hindi naman kasi pwedeng libre na lang lagi kapag sasakay siya sa tricycle nito. Hindi din kasi biro ang pagiging tricycle driver. Minsan kasi ay mahirap din kumuha ng pasahero. At saka mukhang hinintay din ni David ang pag-uwi niya dahil nakita na niya ito sa labas ng pinagta-trabahuan.
At nang hindi pa kinukuha ni David ang bayad niya ang inilagay niya iyon sa harap ng tricycle nito. "Salamat, David. Ingat ka sa pag-uwi," wika niya dito, kinawayan din niya ito.
Hindi na din niya ito hinintay na magsalita, bumaba na siya ng tricycle. Pero hindi pa siya tuluyang nakakahakbang ng bumaba din si David. "Sandali, Victoria," wika nito dahilan para tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito.
"Hindi ko matatanggap ito," wika nito sabay abot sa beinte na binayad niya.
Umiling naman siya. "Hindi ko din matatanggap iyan," wika din niya.
"Gagarahe na din kasi ako noong isakay kita, Victoria. Kaya okay lang na huwag ka nang--
"Is there a problem here?"
Hindi na natapos ni David ang iba pa nitong sasabihin ng marinig nila ang baritonong boses na iyon na nagsalita mula sa likod niya. Sabay naman sila ni David na lumingon sa pinanggalingan na boses at napaawang ang bibig ni Victoria nang makita si Callum na seryoso ang ekspresyon ng mukha habang naglalakad palapit sa dereksiyon nila.
At nang makalapit ay agad na tumuon ang itim na mga mata nito sa kanya. "May problema ba dito, Maria?" tanong nito sa kanya.
Callum prefers to call her Maria, even if everyone calls her Victoria.
Hindi naman siya agad nakasagot sa tanong na iyon ni Callum dahil natuon ang tingin niya sa itim na mga mata nito. "Maria," untag nito ng hindi pa siya nakakasagot.
Sa pagkakataong iyon ay doon lang naman siya parang nahismasmasan. Napakurap-kurap din siya ng mga mata. "W-wala namang problema, Callum," sagot niya dito.
Kinunutan naman siya nito, mukhang hindi ito naniniwala sa sagot niya. "Walang problema, Callum," ulit na wika niya sa lalaki. Nginitian pa nga niya ito para ipakita na wala talagang problema. Napansin naman niya na napatitig ito sa nakangiting mukha niya.
"Victoria, siya ba iyong lalaking nakita ni Tatay Vicente na walang malay sa dalampasigan?" mayamaya ay narinig niyang tanong ni David sa kanya.
Binalingan niya ang lalaki. At akmang bubuka ang bibig ni Victoria para sumagot ng mapatigil siya ng magsalita si Callum. "Tatay Vicente?" balik tanong nito kay David, napansin niya ang lukot sa gwapong mukha nito.
Saglit na napatingin si David sa kanya bago nito itinuon ang tingin kay Callum. "Tatay Vicente ang tawag ng lahat ng nakakakilala sa Tatay ni Victoria, Pare," sagot ni David dito.
Nang sulyapan ni Victoria si Callum ay napansin niyang hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Lukot na lukot pa din iyon na para bang hindi nito nagustuhan na may ibang tumatawag na Tatay sa Tatay niya.
Tumikhim naman siya. "Hmm...sige, David. Salamat ulit," paalam na niya dito. Pagkatapos niyon ay hinawakan niya si Callum sa braso.
She felt the familiar electricity that runs through her body as soon as her hands touched Callum's arms. Napansin naman niya ang pagbaba nito sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. Saglit na nagtagal ang titig nito doon hanggang sa nag-angat ito ng tingin patungo sa mukha niya.
Mabilis naman niyang ibinaba ang kamay na nakahawak sa braso nito. "Sorry," hingi niya ng paunmanhin, hindi yata nito nagustuhan ang paghawak niya sa braso nito dahil sa magkasalubong na mga kilay nito. And Callum brows furrowed even more.
"Pasok na tayo," yakag na niya dito na pumasok sa loob ng bahay nila.
Pero hindi pa sila tuluyang nakakahakbang nang mapatigil sila ng magsalita si David. "Victoria, iyong beinte mo," pamimilit pa nitong ibigay ang beinte sa kanya.
Pero bago pa siya makasagot ay inunahan na siya ni Callum. "Pamasahe iyan ni Maria, so keep it," wika nito sa seryosong boses kay David. At napaigtad siya nang maramdaman niya ang mainit na kamay nito sa likod niya. "Let's go, Maria," wika nito. Hindi na niya nagawang sulyapan si David dahil marahan na siyang iginiya ni Callum na humakbang papasok sa loob ng bahay nila. Para ngang ayaw siya nitong bigyan ng pagkakataon na lingunin si David.
Binitiwan lang naman ni Callum ang likod niya nang makapasok sila sa loob ng bahay. At balik na naman sa dati si Callum nang makapasok sila sa loob ng bahay. Dahil hindi na naman ito umimik.
Nasundan na lang ni Victoria si Callum ng tingin ng lagpasan siya nito at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa kwartong inuukupa nito.
"Victoria, nandito ka na pala."
Napatingin si Victoria sa kanyang likod nang marinig niya ang boses na iyon ng Tatay niya. Ngumiti naman siya ng lumapit siya sa Tatay niya para magmano. "Si Nanay po?" tanong niya.
"Nasa likod, nagluluto," sagot naman ng Tatay niya. "Magpahinga ka na, Victoria. Tawagin ka na lang namin kapag kakain na."
Tumango siya bilang sagot. Nagpaalam na din siya sa Tatay niya na magtutungo sa kwarto. Saglit siyang nag-pahinga. At nang makapag-pahinga ay kumuha siya ng mga damit pambahay at lumabas ng kwarto para magtungo banyo para makapaglinis ng katawan.
Hindi naman masyado nagtagal si Victoria dahil agad siyang natapos sa paglilinis ng katawan. Dederetso sana siya sa kusina para tulungan ang Nanay nang maalala niya ang binili niyang ulam kanina sa karenderya sa tapat ng pinagta-trababuan. Adobong baboy iyon. Para iyon kay Callum. Pauwi na kasi siya ng maalala niya itong bilhan. Kahit na iyon ang dahilan ng hindi nila pagkakaunaawan ay hindi pa din niya napigilan na bilhan ito ng ulam.
Nasa lunch bag niya iyon na dinala niya sa kwarto. Kaya muli siyang pumasok sa loob ng kwarto para kunin iyon. Inilabas niya ang plastic na may lamang ulam, binitbit na din niya sa labas ang lunch bag dahil huhugasan niya ang mga iyon mamaya.
Pagkalabas ni Victoria ng kwarto ay dumiretso siya sa kusina. Isinalin niya ang ulam sa lalagyan para mapainit niya iyon.
Akmang pupunta siya sa likod ng bahay para ipainit iyon ng mapatigil siya nang makarinig siya ng pagtawag mula sa labas ng bahay nila.
Kaya sa halip na magtungo sa likod bahay ay sa harap siya dumiretso para tingnan kung sino ang nasa labas.
Pero bago pa siya makalapit ay nakita na niya si Callum na nagbubukas na ng pinto.
"Yes?" narinig niya ang baritonong boses ni Callum.
At nang silipin niya kung sino ang kausap nito sa labas ay nakita niya na si Agnes iyon, anak ng kumapare ng Tatay niya na si Tito Allan na isa din sa mga kapitbahay nila.
"Hi," nakangiting bati ni Agnes kay Callum. "Pinapunta ako ni Tatay Allan dito, pinapabigay niya itong ulam sa inyo," wika ni Agnes sabay taas sa hawak nitong mangkok. Inabot din nito iyon kay Callum na agad din nitong tinanggap. Kita nga din niya ang paninitig ni Agnes sa lalaki.
"Thanks?" Si Callum.
"Agnes," pagpapakilala naman ng babae kay Callum.
"Thank you, Agnes," wika ni Callum dito.
Hindi naman maintindihan ni Victoria kung bakit may kumirot sa puso niya nang marinig niya na pinasalamatan ni Callum si Agnes sa pagbibigay nito ng ulam.
Nagkawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Tumalikod na din siya at umalis sa kinatatayuan.
Pagkasok nga niya sa kusina ay ang pagpasok din ng Nanay niya, kasunod din nito si Victor. Dala na ang mga nalutong ulam.
Kaya ang ginagawa na lang ni Victoria para makatulong ay inayos niya ang mesa.
Mayamaya ay dumating na din si Callum, dala-dala ang mangkok na may lamang ulam na bigay ni Agnes.
"Ano iyang hawak mo, Kuya Callum?" narinig niyang tanong ni Victor dito nang mapansin nito ang hawak.
"Bigay ng kapitbahay," sagot naman ni Callum.
"Sinong kapitbahay, Kuya?"
"Agnes," simpleng sagot ni Callum.
"Ah, anak ni Tito Allan. Baka nautusan," wika naman ni Victor.
Tahimik lang naman si Victoria habang inaayos niya ang mesa. "Ate," mayamaya ay tawag ni Victor sa atensiyon niya.
Nilingon niya ito. At nakita niyang hawak na nito ang ulam na binili niya para kay Callum. "Binili mo ba ito para kay Kuya Callum?" tanong nito sa kanya.
Napasulyap naman si Victoria sa lalaki sa tanong na iyon ni Victor. At hindi niya napigilan ang pamulahan ng pisngi nang makita niya na nakatingin sa kanya ang lalaki, mukhang hinihintay din nito ang magiging sagot niya sa tanong ng kapatid.
Inalis niya ang tingin dito at inilipat iyon sa kapatid.
At sa halip na aminin na para kay Callum iyon ay sinabi na lang niya na...
"Sa akin."