NAGWAWALIS si Maria Victoria sa bakuran nila nang makita ang Tatay Vicente at ang kapatid na si Victor na naglalakad palapit sa bahay nila.
"Ate!"
Napangiti naman si Victoria nang tawagin siya ni Victor nang makita siya nito. Pagkatapos niyon ay itinaas nito ang hawak nitong fishnet na may mga huling isda. "Marami kaming nahuli ni Tatay na mga isda," imporma nito sa kanya.
Sabado ngayon at walang pasok ang kapatid niyang si Victor. At kapag wala itong pasok ay sinasamahan nito ang Tatay niya na mangisda. Day-off din niya sa araw na iyon.
Pangingisda ang hanapbuhay ng mga tao sa Isla Azul--matatagpuan iyon sa tagong lugar na bahagi ng Pilipinas. Maliit lang din na Isla iyon. Simple din lang ang pamumuhay ng mga tao sa Isla Azul. Hindi iyong gaano ka modernized gaya na lang sa kabilang bayan. Isolated ang lugar at malayo din sila sa kabihasnan. Aabutin nga ng apat na oras bago sila makarating sa kabihasnan kaya kung minsan ay hindi na lang sila pumupunta doon. May source of electricity naman sila pero wala nga lang signal, kaya wala silang internet doon. Pero kahit na wala iyon ay peaceful naman ang lugar.
Lalo na at maganda ang Isla Azul. The white sand, the blue ocean, the warmth of the sun, and the fresh air. And the beautiful sunrise and sunset. Isla Azul is breathtakingly beautiful.
"Sige. Ilagay mo na doon sa kusina. Lilinisin at lulutuin ko," wika naman niya dito.
"Sige, Ate," wika naman ni Victor sa kanya bago ito pumasok sa loob ng bahay nila.
"Tay," nakangiting salubong naman niya sa Tatay Vicente niya. Pagkatapos niyon ay lumapit siya dito para magmano. "Pahinga na po kayo doon, Tay. Ako na po ang bahala sa mga huli niyong isda," wika naman niya.
"Ang nanay mo?" tanong naman nito.
"Nasa palengke pa po, Tay," sagot niya. May maliit silang pwesto sa palengke. At ang benebenta nila do'n ay ang mga isda na huli ng Tatay niya sa karagatan.
Maria Victoria Angeles, is living a simple life at Isla Azul. She was 23 years old at Senior High graduate. Iyon lang ang natapos niya. Gusto din naman niyang mag-aral ng college pero dahil sa hirap ng buhay ay hindi siya makapag-aral. May mga times din kasi na walang nahuhuling isda ang Tatay niya kaya walang ibebenta ang Nanay niya sa palengke kaya kapos din sila minsan. Wala ding University dito sa Isla, nasa kabihasnan pa iyon.
Noong nakaraang buwan nga ay kinausap siya ng magulang. Nagulat nga siya ng sabihan siya ng mga ito na mag-enrol siya kahit vocational lang. Nag-iipon pala ang mga ito para maipagpatuloy niya ang pag-aaral niya. Naiyak nga siya ng malamam niya iyon, naiyak siya dahil sa saya. At kahit na gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ay marami siyang kinonsedera. Naisip din niyang sa halip na siya ang mag-aral ay ang kapatid na lang niyang si Victor. Pangarap kasi nitong makatungtong ng college, pangarap din nitong maging engineer. At next year ay ga-graduate na din ito sa Senior High. Sinabi niya iyon sa magulang, sinabi niyang si Victor na lang ang pag-aralin ng mga ito. At sinabi niyang tutulong din siya sa pagpapaaral sa kapatid. May trabaho din kasi siya. Isa siyang cashier sa maliit na grovery store sa palengke. Hindi naman malaki ang sinasahod niya pero sinusubukan din niyang mag-ipon. Noong una ay nag-iipon siya para sa pag-aaral niya. Pero nitong makalipas na buwan ay nagbabago ang isip niya. Nag-iipon na siya hindi para sa pag-aaral niya, kundi para na lang sa pag-aaral ng kapatid niyang si Victor.
Si Victor na lang ang magtutuloy ng pangarap niya.
"Kamusta naman iyong lalaki?" mayamaya ay tanong ng Tatay niya sa kanya.
"Tulog pa po, 'Tay," sagot naman niya. Ang tinutukoy na lalaki ng Tatay niya ang ang estrangherong lalaking nakita nang mga ito na palutang-lutang sa dagat isang linggo na ang nakakaraan. Akala ng Tatay niya ay patay na ito pero noong i-ahon sa dagat ay humihinga pa ito.
Kaya dinala ito ng Tatay niya sa bahay nila. Wala naman kasing ospital sa Isla Azul. May maliit na clinic pero minsan ay walang doctor na naroon. Kaya kapag may nagkakasakit, kung hindi iyon malala ay kumakapit lang sila sa albularyo at sa mga herbal.
Nang dalhin ito ng Tatay niya sa bahay ay marami itong galos, may sugat din ito sa ulo na ginamot na ng albularyo. Isang linggo na ito sa kanila, gumagaling na ang mga galos at sugat nito sa ulo pero hindi pa din ito nagigising.
Wala silang pagkakakilanlan kung sino ang lalaki, kung ano ang nangyari dito. Gusto man nilang dalhin ito sa kabihasnan para sana maipatingin sa doctor o hindi kaya ay sa mga pulis para ma-report din sana ma-i-report ang nangyari. Pero wala naman silang sapat na pera. Kaya naisip nilang dito na lang muna ang lalaki hanggang sa hindi pa ito nagigising.
Sa isang linggo na pananatili ng estrangherong lalaki ay papalit-palit sila sa pagbabantay at pag-aalaga dito.
Nagtutulungan sila. Kahit na walang malay ang lalaki ay hindi makakaila na gwapo ito, lalo na noong tuluyan naghilom ang sugat sa mukha nito. Sabi nga sa kanya ni Victor na baka daw artista o hindi kaya isang modelo ito.
Hindi lang kasi gwapo, kahit na may galos ay makinis ang balat nito, matangkad din ang lalaki. Lumagpas nga ang mga binti nito sa katre na kinahihigaan nito.
Sinabi nga din sa kanya ni Victor na kapag nagising na daw ito ay tatanungin nito ang lalaki kung artista o hindi ay modelo. Sinabi pa nga nitong magpapa-authograph ito sa lalaki. Gusto nitong picture sana, kaso wala naman silang cellphone.
"Ganoon ba," wika naman ng Tatay niya.
Tumango lang naman siya bilang sagot. "Ipagdasal na lang natin na magising na siya."
"Opo," sagot naman ni Victoria.
Isinasama din kasi niya sa prayers niya ang lalaki. Ipinagdadasal niya na magising na din ito.
"ANG BANGO naman, Ate."
Lumingon si Victoria sa kanyang likod nang marinig niya ang boses na iyon ng kanyang kapatid.
"Nagugutom ka na ba?" tanong naman niya dito. "Malapit na itong maluto," dagdag pa na wika niya.
"Hindi pa naman, Ate. Makapaghihintay pa naman ang mga bulate ko sa tiyan," natatawang wika nito.
Natawa din siya sa biro nito. "Ihanda ko na ang mesa, Ate," mayamaya ay presenta nito sa kanya.
"Sige," sagot naman niya.
Umalis naman ang kapatid sa likod niya at pumasok itong muli sa loob ng bahay. Nasa likod bahay kasi sila nagluluto, hindi pwede sa loob dahil ang gamit nila sa pagluluto ay kahoy. Sa tuwing maulan lang kasi sila gumagamit ng gas. At marami din silang panggatong dahil kapag hindi nanginngisda ang Tatay niya at kumukuha ito ng panggatong para may magamit sila. Lakas makatipid din iyon sa gas.
Hindi naman nagtagal ay natapos na din ang niluluto niya kaya dinala na niya iyon sa loob ng bahay. Ang isdang nahuli ng Tatay niya ang iniluto niya para sa dinner nila. Dumating na din ang Nanay niya galing sa palengke.
Pagpasok nga niya sa maliit na kusina nila ay nadatnan niya ang si Victor na inaayos ang mesa. Napangiti naman siya sa kapatid, hindi lang sa pag-aaral ito masipag, kundi sa lahat.
"Ate, ako na ang bahala dito. Tawagin mo na sina Tatay at Nanay," wika naman ni Victor sa kanya.
"Okay," sagot naman niya.
Humakbang naman siya para tawagin ang Nanay at Tatay niya. Nadatnan naman niya ang mga ito sa maliit na sala. At parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya nang makita niya kung ano ang ginagawa ng Tatay niya sa Nanay niya. Minamasahe kasi ng Tatay niya ang binti ng Nanay niya habang nagku-kwento ang Nanay niya kung ano ang nangyari sa palengke. Kahit na abala ang Tatay niya sa pagmamasahe nito sa binti ng Nanay niya ay nakikinig ito.
She couldn't help but to smiled at them. Saksi siya sa pagmamahal ng dalawa sa isa't isa. Kahit simple lang ang pamumuhay nila sa Isla Azul, kahit hirap ang buhay nila ay never niyang narinig na nagreklamo ang mga magulang. Positibo pa din ang pananaw ng mga ito sa buhay.
"Tay, Nay," tawag ni Victoria sa atensiyon ng dalawa. "Handa na po ang mesa. Kain na po tayo," imporma niya ng mag-angat ng tingin ang mga ito.
Tumayo naman ang Tatay niya. Inalalayan pa nga nito ang Nanay niya na tumayo mula sa pagkakaupo din nito. Nang makitang humakbang na ang mga ito ay bumalik na din siya sa kusina.
Umupo naman na sila sa harap ng mesa. Ang kapatid na si Victor ang nag-lead ng prayer para magpasalamat sa nakahain sa mesa. At sa sumunod na sandali ay masaya na silang kumain.
"Victoria, pumunta ka doon sa kwarto noong lalaki. Basahin mo ang labi niya para hindi matuyo," mayamaya ay wika ng Nanay niya ng matapos silang kumain. "Kami na ang bahala dito," dagdag pa na wila nito.
"Sige po, Nay," sagot naman niya.
Tumayo siya mula sa pagkaupo niya sa harap ng mesa.
Kumuha siya ng baso at nilagyan niya iyon ng malinis na tubig at kumuha na din siya ng bulak para magamit niya. Bitbit niya ang mga iyon ng maglakad siya patungo sa maliit na kwarto kung nasaan ito. Kwarto iyon ni Victor pero noong dumating ang lalaki ay do'n muna ito pansamantalang tumutuloy. Sa sala naman ng bahay natutulog ang kapatid. Hindi naman ito nag-reklamo.
Binuksan naman ni Victoria ang pinto at pumasok siya sa loob. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng tumuon ang tingin niya sa kama kung saan nakahiga ang lalaki.
Hindi nga din niya napigilan na mabitiwan ang baso na hawak dahilan para mabasag iyon sa sahig. Naglikha din iyon ng ingay dahilan para sumulyap sa kanya ang lalaki.
Magkasalubong ang mga kilay nito.His charcoal eyes were filled with confusion as he stared at him.
"Who are you?" wika nito sa groggy ngunit malalim na boses.
"Nay! Tay!" sigaw naman niya sa mga magulang sa halip na sagutin ang tanomg nito.
Hindi naman nagtagal ay humahangos ang mga magulang palapit sa kanya. Nakita nga din niyang nakasunod ang kapatid.
"Anong nangyari, Victoria?" tanong naman ng Tatay niya.
Sa halip naman na sumagot ay itinuro niya ang lalaki na ngayon ay gising na at nakatingin sa kanila.
Sinundan ng mga ito ang itinuturo niya at narinig niya ang pagsinghap nang makita ng mga ito na gising na ang lalaling inaalagaan nila.
"Mahabaging langit!" narinig niyang wika ng Nanay niya.
"Tay, may bubog," wika naman niya nang makitang papasok ang Tatay niya sa loob ng kwarto.
"Victor, kumuha ka ng walis," utos ng Tatay niya sa kapatid.
"Opo," sagot naman ni Victor bago nito sinunod ang utos ng Tatay niya.
Dahan-dahan namang pumasok ang Nanay at Tatay niya. Nag-iingat na huwag maapakan ang bubog. Sumunod din siya. Hindi niya maalis-alis ang tingin sa lalaking gising na.
"Ayos ka lang ba, hijo? May masakit ba sa 'yo?" malumanay na tanong ng Nanay niya nang makalapit sila sa kinahihigaan nito.
"My head hurts," sagot nito habang hawak nito ang ulo.
"Masakit daw po ang ulo, Tay," wika naman niya ng tumingin sa kanya ang Tatay niya, mukhang hindi nito naintindihan ang sinabi ng lalaki dahil english iyon.
"May sugat ka kasi sa ulo kaya nakakaramdam ka ng sakit," sagot naman ng Tatay niya.
Kumunot naman ang noo ng lalaki. "Sino po kayo? And where am I?" mayamaya ay tanong ng lalaki.
Nagpakilala naman ang Nanay at Tatay niya. "At siya naman ang panganay na anak namin na si Maria Victoria," pagpapakilala din ng Tatay niya sa kanya. Napansin niya ang pagsulyap ng lalaki sa kanya. At parang may sumipa sa kanyang tiyan nang magtama ang mga mata nilang dalawa.
"Maria Victoria," he uttered her name. At hindi ulit niya maipaliwanag pero biglang bumilis ang t***k ng puso niya.
"At nasa bahay ka namin. Nakita ka ng asawa ko sa dagat na palutang-lutang. Dinala ka niya dito sa bahay nang makita ka niyang humihinga ka pa. At isang linggo kang natulog."
At habang nagpapaliwanag ang Nanay niya sa nangyari sa lalaki ay hindi niya inaalis ang tingin dito kaya kita niya ang reaksiyon ng mukha nito. Lalo ngang nagsalubong ang mga kilay nito at sa sobrang pagkakasalubong ay nag-isang linya iyon.
"Ano bang nangyari sa 'yo, anak? At anong pangalan mo?" tanong ng Tatay niya sa lalaki.
Hinintay naman nila ang sagot nito. "I don't know," sagot nito habang sapo ang noo. And he looks pain. "And who the hell I am? Bakit wala akong maalala?" wika ng lalaki.
Hindi naman napigilan ni Victoria ang matutop ang bibig sa narinig na sinabi nito.