Chapter 1

1294 Words
FRANCIS DANIEL brows furrowed when he heard the sounds of his intercom. Mahigpit ang bilin niya sa secretary niya na huwag siya nitong istorbohin dahil marami siyang gagawin. Kailangan kasi niyang tapusin ang lahat ng trabaho niya ngayong araw dahil may pupuntahan siya mamaya. Mag-o-ocular visit kasi siya sa lugar na balak niyang pagtayuan ng panibagong branch ng De Asis Bank. De Asis Bank is one of the many businesses of De Asis Empire. And his father, Franco De Asis is the one who build the empire. And when he stepped down from his position as CEO, he took over his position. Dahil siya ang panganay na lalaki ay siya ang gusto ng ama na pumalit sa posisyon nito. Wala namang sinabi ang mga kapatid niya, hindi nagselos ang mga ito kung siya ang napili ng ama nila na mag-manage ng De Asis Empire. They supported their father's decision and him, too. The Board of Director has high expectations of him. He surpassed their expectations. At sa loob lang ng dalawang taon simula noong siya ang mamahala ng De Asis Empire, mas lalong lumago ang kompanya. Mas nadagdagan pa nga ang branches ng mga business nila, hindi lang iyon, mas dumami din ang mga investor nila. Mas bumilib nga din ang mga Board of Directors sa kanya. Sinabi ng mga ito na namana daw niya sa ama ang galing niya sa pagma-manage ng kompanya nila. They said, he was like his father before. Both of them is monster in the business world. Takot daw kasi ang ibang kompanya na kalabanan sila dahil sa posible nilang gawin. Pero ang sabi ng ama sa kanya ay magaling talaga siya. Mas lalong naging successful ang De Asis Empire hindi dahil dito, kundi dahil sa kakayahan niya. And his father is very proud of him. Well, hindi lang naman sa kanya, pati na din sa mga achievements ng mga kapatid niya. Their parents are very proud of them. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Francis nang angatin niya ang intercom. "What did I tell you, Donna?" he asked his secretary in a cold voice. Hindi na din niya ito hinintay na magsalita ng angatin niya ang intercom. "P-pasensiya na, Sir Francis," halos manginig ang boses nito ng magsalita ito sa kabilang linya. At kahit na hindi niya ito nakikita ay alam niyang mababakas na ang takot sa mukha nito. Dapat lang dahil hindi nito sinunod kung ano ang inutos niya dito. Well, Donna knows him better. Sa halos isang taon nitong pagta-trabaho sa kanya bilang secretary ay kilala na nito ang ugali niya. Ayaw niyang hindi nasusunod ang utos niya. At sinabi niya dito na huwag siya nitong istorbohin dahil busy siya. Pero sinuway nito ang utos niya. "N-nandito po kasi si Miss Eliz. Kinukulit po ako, hindi daw po siya aalis hanggang sa hindi niya kayo nakakausap," imporma sa kanya ni Donna. Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig na sinabi nito. Kilala niya si Eliz. Ex-girlfriend niya ang babae. Halos tatlong taon din ang naging no string relasyon nilang dalawa hanggang sa tapusin niya iyon. Eliz is a famous model here in the Philipinnes. She's from the prominent family. Isa ito sa mga modelo ng pinsan niyang si Chelsea na isang fashion designer. At nagkakilala silang dalawa noong dumalo siya sa fashion show ng pinsan. Eliz is indeed beautiful and sexy. And she had to admit, she caught his eyes. At siya iyong tipo ng isang lalaki na kapag nagustuhan niya, talagang mapapasa-kanya. At hindi naman niya kailangan mag-exert ng effort dahil gusto interesado din sa kanya ang babae. Who wouldn't? He is Francis Daniel De Asis. His name is a popular in business world. Ang mga babae nga ang unang lumalapit sa kanya at nagbibigay ng motibo. Wala na ngang ligawan na nagyari sa kanilang dalawa ni Eliz. They begin their relationship with no string attached. Yes. Girlfriend niya ito pero hanggang doon lang iyon. He likes her but he never said he loves her. And vice versa. Mabigat ang salitang mahal para sa kanya. He has never been in love in his entire life. Well, he loves his family. Pero sa ibang depinasyon? Hindi pa. And he's not in a hurry. Cupid has not yet shot his heart. But if he did? He just shrugged his shoulder. Francis took a deep breath what Donna informs him. "Okay. Let her in and I will handle her by myself," wika na lang niya. Two months na niyang tinapos ang relasyon nilang dalawa ni Eliz. Nagtagal ang relasyon nila dahil hindi ito gaya ng babaeng dumaan sa buhay niya. She's not clingy. Hindi ito humihingi ng oras sa kanya. Sapat na dito ang oras na naibibigay niya. But year passed. Napansin niya ang pagbabago nito. Eliz became the women whom he disliked. She becomes demanding, she gets annoyed when he doesn't give his time. Sinabi din nito sa mga press na engaged na silang dalawa at halos naging laman iyon ng balita. Halos hindi din siya tinantanan ng press para itanong kung kailan ang kasal. And that was his last straw. So, he just finished what they had. Pero hindi pumayag si Eliz. And she said, she loved him and she wants him back. At hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagpunta si Eliz sa opisina niya pagkatapos niyang tapusin ang relasyon nila. Hindi lang iyon, pati na din sa penthouse niya. Sinusubukan na kausapin siya para makipagbalikan. Mayamaya ay may bumukas ang pinto sa opisina niya. At pumasok do'n si Eliz. She was wearing a black bodycon dress. And it highlights the curves in her body. Mahaba din ang kulay tsokolateng buhok nito. "What are you doing here, Eliz?" he asked her in a cold voice. "You know why I'm here, Francis," wika naman ni Eliz habang titig na titig sa kanya. Her voice is also filled with desperation. Francis didn't speak. He just arched his brow. "I love you, Francis. And I want you back," wika ni Eliz sa seryosong boses. He took a deep breath once again. Isinandal din niya ang likod sa swivel chair. "I don't love you, Eliz," he said in a serious voice with a stern look. He was blatant man, sasabihin niya kong ano ang gusto niyang sabihin kahit na nakakasakit iyon. "Right from the beginning, you knew what I could offer to our relationship. And I can't give my heart to you. Because love is not my thing," dagdag pa na wika nito. "But if you give me chance to love you. Baka mahalin mo din ako," giit nito. "Please, Francis. Give me a chance to. Promise, you will love me back-- Hindi na nito natapos ang iba pa nitong sasabihin ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Kunot pa din ang noo na dinampot niya ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng executive table niya. Nakita naman niyang si Captain Valdez ang tumatawag sa kanya. He answered the call. "Sir Francis, the chopper is ready," wika nito sa kanya. Ang chopper kasi ang sasakyan niya para mag-site visit. Less hassle for him. Ayaw din kasi niyang ma-traffic sa daan kung ang kotse niya ang gagamitin niyang magsa-site visit. At kailangan niyang makauwi agad dahil may family dinner sila sa mansion. Tumawag kasi ang Mommy Dana niya para i-inform siya tungkol sa family dinner. Sigurado din niyang naroon din lahat ng kapatid niya. Gusto kasi ng Mommy Dana niya na kompleto sila paminsan-minsan kahit na pareho silang busy. "Okay. I'll be there in a minute," wika naman niya. He gathered his thing. And he prepared to leave. "Francis..." tawag naman sa kanya ni Eliz. "I'm sorry, Eliz. But I can't give you what you want," he said before he left her in his office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD