Chapter 8

2306 Words
"VICTORIA." Tumingin si Maria Victoria sa kanyang likod ng marinig niya ang boses na iyon ng matalik na kaibigan at ka-trabaho na si Yngrid. "Bakit?" tanong niya dito nang magtama ang mga mata nila. "OT daw tayo mamaya. May darating daw na delivery, kailangan daw nating i-inventory," sagot nito sa kanya. Kapag may delivery sa kanilang dalawa ni Yngrid pinagkakatiwala ng may-ari ng pinagta-trabahuan ang pagbabantay at ang pag-i-inventory. Malaki din kasi ang tiwala nito sa kanilang dalawa ni Yngrid. "Hanggang anong oras daw tayo?" tanong naman niya sa kaibigan. "Tatlong oras lang daw tayo mag-O-OT," sagot naman nito. Alas sais ang out nila sa pinagta-trabahuan, ibig sabihin ay makakauwi siya sa kanila ng alas nueve o lagpas pa. Ang ikinababahala lang niya ay kung may masasakyan pa siya pauwi. Kung mayro'n man ay baka mahal ang singil sa kanya. May bayad naman ang pag-o-overtime nila, iyon lang nasasayangan din siya sa pamasahe. At mukhang nabasa ni Yngrid ang nasa isip niya dahil nagsalita ito. "Susunduin ako ng boyfriend ko. Ihatid ka namin sa inyo," wika nito sa kanya na ikinangiti niya. "Okay," sagot niya sa kaibigan. May boyfriend kasi ito na may motor, lagi ding sinusundo ng lalaki si Yngrid kapag alanganing oras. "Siya nga pala, kamusta iyong lalaking nakatira sa inyo? May naalala na ba?" mayamaya ay tanong ni Yngrid sa kanya, tinutukoy si Callum. Alam nito ang tungkol sa lalaki dahil na-ikwento na niya iyon dito. Umiling naman siya. "Wala pa," sagot niya sa kaibigan. "Napapansin ko din na gusto niyang makaalala pero sa tuwing pinipilit niya ay sumasakit ang ulo niya," dagdag pa na wika nito. Naalala kasi niya ang nangyari noong isang gabi, iyong nakita niya ito sa may sala habang sapo ang ulo. Sumasakit daw iyon dahil sa pagpipilit nitong makaalala sa naging buhay nito noon, kung sino ito. At sa totoo lang ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pag-alala sa lalaki dahil wala siyang magawa para tulungan ito. "Sino kaya siya 'no?" mayamaya ay wika naman ni Yngrid sa kanya. Dahil walang masyadong customer ay nagkaroon sila ng pagkakataon para mag-kwentuhan na dalawa. Nagkibit-balikat naman si Victoria. "Pero sa tingin ko ay galing siya sa mayamang pamilya," wika niya kay Yngrid. "Paano mo nasabi?" tanong naman nito. "Maganda kasi ang kutis niya, hindi din siya sanay sa trabaho, parang hindi din siya sanay kumain ng mga pagkain natin at magali pa siyang mag-english," dagdag pa niya. Kapag kinakausap kasi sila nito ay hindi nito maiwasan ang magsalita ng english. Mabuti na nga lang at naiintindihan niya ang sinasabi ni Callum kapag nagsasalita ito ng english. Hindi naman siya masyado matalino, pero hard working siya noong panahon na nag-aaral siya. Walang internet sa kanila pero mahilig siyang magbasa ng libro sa library noon. "Kung mayaman nga siya? Bakit hanggang ngayon ay wala pa din pamilya na naghahanap sa kanya?" tanong naman ni Yngrid. Bubuka sana ang bibig ni Maria Victoria para magsalita ng mapatigil siya ng may dumating na customer. Doon na din naputol ang pagku-kwentuhan nilang dalawa dahil sunod-sunod na din ang mga customer na pumapasok. At gaya ng sinabi ni Yngrid, dumating nga ang delivery ng alas sais ng gabi. Marami silang i-inventory ngayon dahil noong isang buwan pa noong huling may delivery sila. Pagod na pagod nga sila ni Yngrid ng matapos. Nagpahinga nga sila saglit hanggang sa nagkayaan na nga sila na umalis. Nang makalabas nga sila ng pinagta-trabahuan ay nakita nga nila ang boyfriend ni Yngrid, naghihintay. Nakaangkas ito sa motor nito. Kumunot nga din ang noo niya nang makita kung sino ang katabi ng motor nito. Si David, nakaangkas din ito sa tricycle nito. "Oh, bakit nandito pa si David?" takang tanong naman ni Yngrid sa kanya. Nagkibit-balikat naman si Victoria. Dahil pati siya ay hindi niya alam kung ano ang ginagawa ni David do'n. Nagpatuloy silang dalawa ni Yngrid sa paglalakad hanggang sa makalapit sila. Nakita naman niya ang ginawang paghalik ni Yngrid sa boyfriend nito. "Anong ginagawa mo dito, David?" tanong niya sa lalaki. Bago naman sumagot si David ay naunahan na ito ni Carlito--boyfriend ni Yngrid. "Ano pa nga ba, Victoria? 'Di hinihintay ka," wika ni Carlito sa kanya. Nakita naman niya ang pagkamot ni David ng batok. Bumuntong-hininga naman siya. "Hindi mo naman kailangan na hintayin ako, David," wika niya sa lalaki. "Okay lang, Victoria. Wala naman kasi akong gagawin," sagot nito. "Sa susunod ay huwag muna akong hintayin, ha," wika niya sa lalaki. Isang tango lang naman ang sinagot ni David sa kanya. "Victoria, kay David ka na makikisabay?" tanong ni Yngrid sa kanya mayamaya. Tumango siya. "Oo," sagot niya. No choice na din naman siya, naghintay na sa kanya si David ng matagal. "Sige," wika ni Yngrid. Pagkatapos niyon ay sinulyapan nito si David. "I-uwi mo siya ng ligtas, David, ha," bilin nito sa lalaki. "Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala kay Victoria. Sa takot ko lang kay Tatay Vicente," natatawang wika ni David. Sumakay na si Victoria kay David nang makapagpaalam siya kina Yngrid. "Nag-OT kayo?" tanong ni David habang nasa biyahe sila. "Oo. May mga delivery kasi," sagot niya sa lalaki. "Galit ka ba?" mayamaya ay tanong ni David sa kanya mg sulyapan siya nito sa loob ng tricycle. Bahagya namang kumunot ang noo niya. "Ha?" "Galit ka ba sa akin dahil hinintay kita?" tanong nito sa kanya habang ang mata ay nakatutok sa daan. "Hindi naman ako galit, David. Nahihiya lang ako sa 'yo dahil naghintay ka pa sa akin. Kung umuwi ka na, 'di nakapagpahinga ka sa inyo," sabi niya. "Okay lang talaga, Victoria. Saka nakapagpahinga naman ako noong hinintay kita," wika nito. "Basta sa susunod, huwag mo na akong hintayin," wika niya dito. "Oo," sagot naman nito. Hindi naman nagtagal ay hininto ni David ang minamaneho nitong tricycle sa tapat ng bahay ng makarating sila do'n. Kumuha naman siya ng seventy pesos na pangbayad niya sa lalaki. Nahihiya naman siya kung beinte pesos lang ang pamasahe niya. "Oh," wika niya dito. "Huwag na, Victoria," tanggi ni David. "Kunin muna, David. Magagalit ako kapag hindi mo kukunin ang pamasahe ko," wika niya dito. Humugot naman si David ng malalim na buntong-hininga. Wala din itong nagawa kundi kunin ang pera dito. "Pasok na ako, David," mayamaya ay paalam niya sa lalaki. "Salamat. At mag-ingat ka pauwi," wika niya dito. Ngumiti naman ito. "Sige," sagot din niya. Hindi naman siya umalis sa kinatatayuan hanggang sa hindi pa nakakalis si David. Kumaway pa nga siya ng paandarin nito ang tricycle paalis. At nang hindi na niya matanaw si David ay humakbang na siya para pumasok sa loob ng bahay nila. Napansin niyang nakapatay na ang ilaw, mukhang tulog na ang mga kasama niya sa bahay. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. "Why did you just come home now?" Napatili naman si Maria Victoria dahil sa gulat nang may biglang nagsalita sa gilid niya. Dahil sa gulat ay napahawak siya sa kaliwang dibdib, ramdam nga niya ang kabog do'n. Lumingon naman siya sa kanyang gilid, wala siyang makita dahil madilim sa parteng iyon. At mayamaya ay napansin niya ang isang bulto na palapit hanggang sa makita niya si Callum. At ngayon ay malinaw na ang mukha nito ng tuluyan itong makalapit. His cold eyes were intently looking at her. His eyebrows were single line, and his lips were pursed. Is he mad? "Ikaw pala, Callum-- "Why did you just come home now? Don't you know what time it is?" Putol ni Callum sa iba pa niyang sasabihin. "Hindi mo ba alam na may taong naghihintay sa 'yo? Hindi mo ba alam na may taong pwedeng nag-aalala sa 'yo?" wika ni Callum sa seryosong boses. "Hindi mo ba kino-konsidera ang mga taong nag-aalala sa 'yo dahil hindi ka pa umuuwi at hindi nila alam kung nasaan ka?" dagdag pa nito. Hindi naman magawang makapagsalita ni Maria Victoria dahil natuon ang atensiyon niya sa sinasabi nito at sa inis na mababakas sa mukha nito. Hindi nga din niya mapigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Alam ng mga magulang niya na kapag late siyang umuwi sa trabaho ay alam ng mga ito na may-OT sila sa trabaho. Nabanggit na kasi niya iyon sa mga ito, hindi din kasi niya ma-text kapag may biglaan na delivery dahil wala siyang cellphone, walang ding silbi niyon dahil wala namang signal sa Isla Azul. Tinutukoy ba nito ay ang sarili? Ito ba ang nag-aalala para sa kanya? Hindi naman niya namalayan na naitanong na pala niya kay Callum ang nasa isipan. Napansin naman niya na natigilan ito sa naging tanong. Napansin din niya ang pagbuka-sara ng bibig nito. Napansin niyang hindi nito alam kung ano ang isasagot sa naging tanong niya. And instead of answering her, Callum turned his back and went inside the house. "VICTORIA, anong oras ka nakauwi kagabi?" Nag-angat ng tingin si Maria Victoria sa Tatay niya ng marinig niya ang tanong nito. Mula naman sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya na natigilan si Callum sa pag-inom nito ng kape sa hawak nitong baso. Kagabi ay hindi na siya nakapag-explain kay Callum dahil tinalikuran at iniwan na siya nito. Hindi din nito nasagot ang tanong niya kung ito ba ang nag-aalala sa kanya. And Maria Victoria couldn't explain why her heart beats fast thinking he was worried about her. "Alas nueve po, 'Tay," sagot naman niya dito. "Marami bang delivery?" "Marami-rami din po," sagot niya. "Kasama mo ba si Yngrid na nag-over time? Inihatid ka na nila dito?" "Opo, Tay. Kasama ko si Yngrid kagabi," sagot niya. "Pero hindi po siya ang naghatid sa akin," sagot niya, tahimik lang naman si Callum pero alam niyang nakikinig ito sa pinag-uusapan nila ng Tatay niya. "Sino?" "Si David po, Tay." "Si David?" Tumango siya. "Nanliligaw ba sa 'yo si Kuya David, Ate?" Nanlaki naman ang mga mata niya ng marinig niya ang tanong na iyon ni Victor. Marahas din ang pagbaling niya sa kapatid. At dahil katabi nito si Callum ay napansin niya ang pagkunot ng noo nito. "H-hindi naman siya nanliligaw," sagot niya dito. "Pero gusto ka niya?" tanong ni Victor. "Hindi ko alam. Bakit ako ang tinatanong mo, si David ba ako?" nakangusong wika niya sa kapatid. Tumawa si Victor, isang irap lang naman ang sinagot niya dito. "Wala naman sa akin kung liligawan ka niya o hindi kaya ay may gustong manligaw sa 'yo, Victoria," mayamaya ay wika ng Tatay niya. Kinagat niya ang ibabang labi ng sumulyap siya sa Tatay niya. "Hindi naman po nanliligaw si David, Tay. Kaibigan ko lang siya," sabi niya. Hindi naman talaga nanliligaw si David sa kanya, mabait lang talaga ang binata. "Pero kung sakaling balak niyang manligaw o may balak na manligaw sa 'yo ay sabihin mong magpaalam siya sa akin. Humarap siya sa akin," wika ng Tatay niya. "Gaya noong ginawa ko no'ng liligawan ko ang Nanay mo. Nagpaalam ako sa Lolo at Lola mo kahit na hinabol ako ng itak," natatawang wika ng Tatay niya. Natawa nga din ang Nanay niya sa sinabing iyon ng Tatay. "Hinabol po kayo ng itak ni Lolo, Tay?" tanong ni Victor, hindi din niya alam ang kwentong iyon. Natatawang tumango ang Tatay niya. "Paanong hindi hahabulin ng itak ang Tatay mo, Victor? Nagpaalam nga siya na liligawan ako pero sinabi din niya sa mga magulang ko na buntis ako." Ang Nanay niya ang sumagot sa tanong na iyon ni Victor. "Oh," halos magkasabay na sambit nilang dalawa ng kapatid. Akmang magsasalita pa si Victor ng mapatigil ito ng may marinig silang tao sa labas. "Tao po, Tatay Vicente!" Narinig nilang sigaw mula sa labas. "Ako na po, 'Tay," presenta naman ni Victor para labasin kung sino ang nasa labas ng bahay nila. Tumayo ito at lumabas ng kusina. At hindi naman nagtagal ay bumalik ito. "Oh, sino ang tumatawag, Victor?" tanong ng Nanay niya. "Si Ate Agnes po, 'Tay." Kumunot ang noo niya ng marinig niya ang pangalan na binanggit nito. "Bakit daw?" Bago naman sumagot at sinulyapan nito si Callum. "Hinahanap niya si Kuya Callum." Napatingin siya kay Callum. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito. "Bakit niya ako hinahanap?" "May ibibigay yata," sagot ni Victor. Saglit naman hindi nagsalita si Callum pero mayamaya ay tumayo din ito. Tumayo nga din ang Tatay niya para sundan si Callum. Nanatili naman si Maria Victoria sa may kusina. Gusto niyang sumunod dahil gusto niyang malaman kung ano ang ibibigay ni Agnes dito. At nang hindi siya makatiis ay tumayo din siya at sumunod sa mga ito. Agad naman niyang nakita si Agnes. Nakangiti ito kay Callum, napansin niyang ayos na ayos ito. Nakita nga niyang nakusuot ito ng bulaklakin na bistida na sinusuot lang nito kapag pumupunta ito sa chapel. "Why are you looking for me?" tanong ni Callum sa babae. Nakita ni Victoria ang bahagyang pagkagat ni Agnes sa labi nito. "Mukhang crush yata ni Ate Agnes si Kuya Callum," bulong ni Victor sa kanya. Hindi naman siya sumagot, pero sinang-ayunan niya ang sinabi nito sa isipan. "Nag-aayos kasi si Tatay Allan ng mga gamit niya. At may mga damit na hindi na niya sinusuot. At sa tingin niya ay kasya naman daw sa 'yo kaya naisipan niyang ibigay na lang sa 'yo," wika nito sa sadya nito sa lalaki. Inabot din nito ang hawak nitong plastic na may lamang mga damit. Saglit namang tiningnan iyon ni Callum bago nito inabot. "Malinis na ang mga iyan. Nilabhan ko na," wika pa nito, nginitian pa nito si Callum. "Pakisabi sa Tatay mo, salamat," wika ni Callum sa babae. "Makakaasa kang makakarating," sagot ni Agnes, umaasa pa din yata ang babae na kakausapin pa ito ni Callum. Knowing how snobbish Callum is, sa halip na kausapin pa nito si Agnes ay tumalikod na ito at umalis na sa harap ng babae. Ewan ni Maria Victoria pero hindi niya napigilan na lihim na mapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD