Chapter 9

1882 Words
NAGDIDILIG si Maria Victoria ng mga tanim nila sa bakuran ng mapatigil siya ng may tumawag sa pangalan niya. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Agnes sa labas ng bakod nila. Nakita niyang nakasuot ito ng short na litaw ang legs nito. At isang puting T-shirt na hapit sa katawan. Maganda si Agnes. Sa katunayan ay ito nga ang nanalong Binibining Isla Azul noong nakaraang taon. Kapag may liga din ay ito ang kinukuhang muse. Well, kinukuha din siyang maging muse para sa liga pero lagi siyang tumatanggi dahil hindi naman niya iyon forte. Gusto din siyang ilaban noon bilang Binibining Isla Azul pero tinanggihan din niya. Marami din kasing nagsasabi na maganda siya. Maputi siya kahit nasa isang Isla sila. Hindi naman siya katangkaran, pero hindi siya maliit. Sakto lang ang height niya. Maganda din daw ang hubog ng mukha niya. Pero ang nagpaganda daw lalo sa kanya ay ang mga mata niya na kulay brown na kung ngingiti siya ay parang kumikislap ang mga iyon. Marami ngang pumipilit sa kanya na lumaban noon sa pageant pero lahat ng pumipilit ay tinanggihan niya. Muse nga ay hindi niya forte, sumali pa kaya sa pageant na iyan. Mas gusto na lang niyang manuod kaysa siya ang panuorin. "Bakit, Agnes?" tanong naman niya sa babae ng magtama ang mga mata nila. Nakangiting lumapit naman ito sa kawayang bakod nila para maharap siya. Napansin nga niya ang pagsulyap nito sa bahay nila bago nito ibinalik ang tingin sa kanya. Nang mapansin niya iyon ay nagkaroon agad siya ng ideya kunt bakit ito naroon. "N-nandito ba si Callum?" tanong nito sa kanya. Sabi na, eh. "Wala dito, eh," sagot ni Victoria kay Agnes. Napansin naman niya ang disappointment sa mga mata nito sa naging sagot. Hindi naman sa tinatago niya si Callum dito, wala talaga do'n ang lalaki. "Gano'n ba," wika nito. Para ngang may gusto pa itong itanong sa kanya pero itinikom na lang nito ang bibig. "Oo. Sumama kasi siya kina Tatay sa dagat" imporma niya sa babae. Sumama si Callum sa Tatay niya kaninang umaga. Kasama din ng mga ito si Victor dahil walang pasok ang kapatid niya. Manghuhuli ang mga ito ng isda na kakainin nila mamayang tanghali. "Sige. Balik na lang ako mamaya. Thanks, Victoria," wika nito. Mukhang may gusto ito kay Callum. Nginitian lang naman niya ang babae. Nang umalis ito ay pinagpatuloy na niya ang pagdidilig sa mga tanim nilang gulay. Kailangan din kasi iyong alagaan dahil malaki din ang tulong ng tanim nilang gulay para sa kanila. Nakaka-libre sila ng gulay. Mabuti na lang at magaling ang Tatay niya na magtamin, hindi lang pangingisda ito expert. Nang matapos niyang diligan iyon ay binunot din niya ang mga damong tumutubo do'n. Nasa ganoon siyang posisyon nang marinig niya ang boses ng kapatid niya. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang mga ito. Pinunasan niya ang kamay bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niya. Humakbang din siya palapit sa mga ito. At hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makitang basang-basa si Callum. He is dripping wet. Napansin niya ang pagbakat ng matipunong dibdib nito sa basang T-shirt na suot nito. "Oh, anong nangyari, Callum? Bakit basang-basa ka? Naligo ka ba sa dagat?" Napatingin si Victoria sa gilid niya ng marinig niya ang boses na iyon ng Nanay niya. Kakalabas lang nito sa bahay nila. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Callum at napansin niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nito. Lalo yata iyong namula nang tumawa ang kapatid niya. "Paano kasi, Nay. Ang sabi ni Tatay tulungan siyang hawakan ang lambat para mahuli ang mga isda. Pero si Kuya Callum, imbes na hawakan, tumalon siya sa dagat para huliin ang isda," natatawang wika ni Victor, ito na din ang sumagot para kay Callum. Narinig nga din niya ang pagtawa ng Tatay at Nanay niya. "May nahuli ka bang isda sa pagtalo mo, Callum?" natatawang tanong ng Nanay niya, mukhang inaasar si Callum. "Wala po, Nay. Lumangoy po paalis ang mga isda?" sagot ni Callum na patanong, napansin nga din niya ang pagkamot nito sa batok. Sa pagkakataong iyon ay hindi naman niya napigilan ang sarili na matawa. Hindi kasi niya ma-imagine ang ginawa nito. Talagang tumalon ito para huliin ang mga isda? Mula nga sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang pagsulyap ni Callum sa kanya. Napansin nga din niya ang bahagyang pag-angat ng isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sarili na matawa, but a soft chuckle escaped from her lips. "Sorry," hingi niya ng paunmanhin pero natatawa pa din. At mayamaya ay napakurao-kurap siya nang makita niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito tanda ng pag-ngiti nito habang nakatingin ito sa kanya. Totoo ba ang nakita niya? Ngumiti ba si Callum o namamalikmata lang siya? Sa loob kasi ng ilang linggo na nakatira ito sa kanila ay never pa niya itong nakitang ngumiti. Seryoso lagi ang ekspresyon ng mukha nito. "Callum, magpalit ka na ng damit mo. Baka magkasakit ka pa," mayamaya ay wika ng Nanay niya sa lalaki. "Maligo muna ako, Nay," sagot naman nito. At bago umalis si Callum ay sinulyapan pa siya nito dahilan para umayos siya mula sa pagkakatayo. Hindi naman niya napigilan ang sarili na sundan ito ng tingin. At sa halip na sa loob ng bahay ito dumiretso at sa may poso ito nagtungo. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang tinanggal na nito ang suot nitong basang T-shirt. Tumambad tuloy sa mga mata niya ang matitipunong dibdib nito at ang six pack abs nito. Kitang-kita niya kung gaano katikas ang katawan ito. At mukhang naramdaman nito na may nakatingin dito dahil sumulyap ito sa gawi niya. At agad na nagtama ang mga mata nila. Mabilis namang iniwas ni Victoria ang tingin sa lalaki. At kahit na hindi siya makatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula ang magkabilang pisngi niya dahil sa hiyang nararamdaman. SI MARIA Victoria ang nag-presenta na magluto sa ng nahuling isda nina Tatay. May malaking pusit din ang nahuli kaya balak niya iyong ihawin. Sinimulan naman ni Victoria na linisin ang mga isda, sinunod naman niyang nilinisan ang malaking pusit. Nang matapos ay inihanda na din niya ang ipapalaman niya sa loob ng pusit. Naghiwa siya ng sibuyas, sinunod niya ang kamatis na pinitas niya kanina sa bakuran nila. Kinuha naman niya ang container kung saan nakalagay ang pampalasa. Pero nang tingnan niya iyon ay wala nang laman. Nag-angat siya ng tingin patungo sa cabinet. Binuksan niya iyon at kinapa niya ang stock nila. Alam niyang mayro'n pa dahil noong huling nagsahod siya ay bumili siya ng mga kailangan nila sa bahay. Tumingkayad si Victoria nang hindi niya makapa ang hinahanap. At nang hindi pa din niya makita ay napag-desisyonan niyang humila ng monoblock chair. Tumungtong siya para makita niya ang hinahanap. Nakita naman niya kaya agad niyang kinuha pero hindi niya inaasahan na gagalaw ang kinatutungtungan na monoblock dahil sa edge pala siya nakatungtong. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng mahuhulog siya. Pero bago pa siya tuluyang mahulog sa matigas na semento ay may matitipunong braso na sumalo sa kanya. At nang tingnan niya kung sino iyon ay agad na sumalubong ang itim na mga mata ni Callum. "You okay? " He asked her in a deep and baritone voice. Victoria wanted to close her eyes when Callum's hot and fragrant breath hit her face as he spoke. And she couldn't understand why her heart suddenly beat differently. At dahil natatakot siyang maramdaman o marinig nito iyon ay dali-dali siyang bumaba mula sa pagkakabuhat nito sa kanya. Pero sa paggalaw niya ay hindi niya inaasahan na ma-a-out of balance si Callum. Huli na para ma-ibalance nito ang katawan dahil pareho silang bumagsak na dalawa, huli na para mabalanse nito ang sarili. At bago pa tumama ang katawan niya sa matigas na sahig ay naging mabilis na pinagpalit ni Callum ang posisyon nila. He hugged her. He also protected her head until they both lay on the hard floor. Nagliha nga ng malakas ka kalabog ang pagbagsak nilang dalawa ni Callum sa sahig. She heard him hissed. Wala naman siyang naramdaman na sakit dahil sa ginawang pagpo-protekta ni Callum sa kanya at saka nakaibabaw siya dito. Bahagya naman niyang inangat ang ulo mula sa pagkakasubsob siya sa dibdib nito para masulyapan niya ito. At ganoon na lang ang pag-alalang nararamdaman niya nang makita niyang nakapikit ito at bahagyang nakangiwi. Parang may iniinda itong sakit. Hindi nga din niya maintindihan ang sarili, pero parang may malaking kamay na sumakal sa puso niya dahil hindi siya makahinga. Mabilis naman siyang umalis mula sa pagkaibabaw niya sa lalaki. Mabilis din niyang hinawakan ang kamay nito para tulungang bumangon. Dahan-dahan nga ang paghila niya dito para bumangon mula sa pagkakahiga nito sa sahig. Sa sandaling iyon ay nakamulat na ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Nakaluhod naman si Victoria sa harap ni Callum habang nakatitig siya dito. Nakita nga din niya ang pag-angat ng isang kamay nito para haplusin ang ulo nito, mukhang nasaktan iyon sa pagkakabagsak nilang dalawa. Bigla din siyang nakaramdam ng kaba sa puso niya baka nadagdagan ang injury nito sa ulo dahil do'n. Mas lalo yatang sumakit ang puso niya. And she couldn't explain why she felt that. "Are you okay, Maria?" tanong ni Callum sa kanya. Kinagat naman niya ang ibabang labi habang sinasalubong niya ang matiim na titig nito sa kanya. Ito ang nasaktan pero siya pa ang tinatanong nito, siya pa ang inaalala nito. Hindi nga din niya maipaliwanag, pero pakiramdam niya ay may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Mayamaya ay may nabasa siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Napansin din niya ang paglukot ng mukha nito na para bang may nakita itong hindi nito nagustuhan. Tumaas naman ang isang kamay nito patungo sa pisngi niya at may pinunasan ito do'n ng kung ano. "Why are you crying?" tanong nito sa seryosong boses. Napaawang ang labi niya. Dahil sa nararamdaman ay hindi niya namalayan na may luha na palang pumatak sa mga mata niya. "Are you hurt, Maria?" He asked as he wiped the tears from her cheeks. Suminghot siya. "B-bakit ako ang tinatanong mo? Eh, ikaw itong nasaktan?" tanong niya kay Callum. Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "Okay ka lang ba?" tanong niya dito sa masuyong boses at kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang kitang-kita niya ang pag-alala sa mga mata niya. Napansin niya ang paglambot ng ekspresyon ni Callum habang nakatingin ito sa kanya. "I'm okay, Maria." wika nito habang titig na titig sa kanya. "S-sigurado ka? Nakita ko na hinawakan mo ang ulo mo?" May agam-agam pa din siya sa puso niya. "You have nothing to worry, Maria. I'm really okay, hmm?" At para patunayan na okay lang ito ay nginitian siya ni Callum. Natigilan siya nang makita niya ang ngiti nito. Napatitig din siya sa lalaki. At sa muling pagkakataon ay muli na namang nag-iba ang t***k ng puso niya. Bigla na namang bumilis ang t***k niyon. Darn. Bakit ganoon ang nararamdaman ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD