PAPASOK si Maria Victoria sa kusina nang makasalubong niya si Callum. Palabas naman ito sa papasukan niya sana. Saglit nga silang natigilan pareho mula sa paglalakad. Nagkatitigan nga silang dalawa ng ilang segundo bago nila inalis ang tingin sa isa't isa at parang hindi nagkita dahil nagpatuloy sa paglalakad.
Pansin ni Maria Victoria ang pag-iwas ni Callum sa kanya. Wala naman siyang ideya kung bakit ito umiiwas. Hindi naman kasi nito iniiwasan sina Tatay, Nanay at si Victor. Tanging siya lang ang iniiwasan nito. At aaminin niya, nakakaramdam din siya ng bahagyang kirot sa puso sa pag-iwas nito sa kanya. Kaya minsan para hindi niya iyon maramdaman ay kapag nakikita niya ito ay siya na mismo ang umiiwas dito.
Humugot na lang naman si Maria Victoria ng malalim na buntong-hininga.
Kumuha naman siya ng baso at nilagyan niya iyon ng tubig at saka niya ininom.
At akmang haharap siya sa kanyang likuran ng aksidente niyang natabig ang isang babasagin na baso na nakapatong sa may lababo. Nahulog iyon sa sahig at nabasag. Naglikha nga din ng ingay ang pagkabasag niyon.
"s**t!" Hindi naman napigilan ni Maria Victoria ang mapamura, pero agad din niyang tinutop ang bibig dahil sa pagmumura.
Inilapag naman niya ang hawak na baso sa may lababo at saka niya yumuko para pulutin ang mga nagkapirasong parte ng nabasag na baso.
"Aww!" daing niya nang mahawakan niya ang parte ng matalim na nabasag na baso, nag-iingat na nga siya pero nasugatan pa din siya.
Kinagat niya ang ibabang labi habang nakatitig siya sa dalaring nag-umpisang dumugo. Tumayo siya para hugasan iyon. Ramdam niya ang hapdi sa daliri pero bearable naman ang sakit.
Nang mahugasan ay pinagpatuloy na niya ang paghuhugas. Nagiging clumsy na siya, dalawang beses na kasi siyang nakabasag. Una ay iyong nakita niyang gising na si Callum, pangalawa ay ngayon.
"Anong nangyari, Victoria?" Nag-angat ng tingin si Maria Victoria nang marinig niya ang boses na iyon ng Nanay niya.
Nakita niya itong nakatingin sa kanya habang hawak nito ang isang plato na may lamang sinangag.
"Natabig ko po kasi iyong baso, Nay," paliwanag niya.
"Huwag mong gamitin ang mga kamay mo sa pagpulot ng bubog baka masugatan ka," wika nito, mukhang nahuli ang Nanay niya sa pagbibigay payo sa kanya dahil nasugatan na siya. "Kumuha ka ng walis at dustpan do'n at iyon ang gamitin mo," dagdag pa na wika nito.
"Opo," sagot naman niya.
Kumuha naman siya ng walis at iyon ang ginamit niya sa paglinis sa mga bubog na nagkalat sa sahig.
Nang matapos ay tinulungan niya ang Nanay sa paghahanda sa mesa para sa hagahan nila. Saktong natapos sila ay pumasok si Victor at ang Tatay niya.
"Tawagin mo na si Callum, Victoria," utos naman ng Nanay niya sa kanya.
Pinagdikit naman niya ang ibabang labi bago niya binalingan ang kapatid. "Victor, ikaw na lang ang tumawag kay Callum. Magtitimpla kasi ako ng kape," alibi naman niya.
"Sige, Ate," sagot naman nito.
Nang umalis ito para tawagin si Callum ay nagtimpla na siya ng kape. Pinagtimpla nga din niya ang mga kasama niya, sinali na din niya si Callum. Black coffee dahil wala naman silang creamer.
Nang matapos sa pagtimpla ay inilagay na niya ang mga baso sa mesa.
Sakto namang pagkaupo niya ay ang pagdating ni Victor at kasunod nito si Callum. Umupo na ang dalawa sa harap ng mesa.
"Kain na," anunsiyo ng Tatay niya matapos itong magdasal.
Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya na tumingin si Callum sa baso na may lamang kape. Nakita nga din niyang kinuha nito iyon at ininom.
Lihim niya itong pinagmasdan. At parang natuwa ang puso niya nang makita niyang nasarapan ito sa kapeng tinimpla niya.
"Masarap po itong kape, 'Nay," wika ni Callum.
Hindi napigilan ni Maria Victoria ang pagtaas ng isang kilay niya. Nay? Kailan pa tinawag ni Callum na Nanay ang Nanay niya? At inakala yata nito na ang Nanay niya ang nagtimpla ng kape.
"Hindi ako ang nagtimpla niyan, Callum. Si Victoria," wika naman ng Nanay niya.
Nagkunwari naman siyang abala nang makita niya ang pagbaling ni Callum sa kanya. Pero wala naman siyang narinig na salita mula dito.
Nilagyan na lang niya ng sinangag ang plato at kumuha siya ng ulam. At dahil may sugat ang daliri ay naisipan niyang gumamit ng kutsara kahit na ang gusto niya ay magkamay, may napansin nga din siyang konting dugo sa daliri niya.
At akmang susubo si Maria Victoria ng mapatigil siya nang marinig niya ang boses ni Victor.
"Ate, anong nangyari sa daliri mo? Bakit dumudugo?" Mukhang napansin nito ang daliri niya.
Saglit niyang sinulyapan ang daliri niya bago siya nag-angat ng tingin kay Victor. At dahil katabi ni Victor si Callum ay napansin niya na napatigil din ito sa pagsubo at napansin niyang nakatingin ito sa daliri niyang dumudugo. His brows furrowed and his lips pursed.
"Nasugat lang kanina," sagot naman niya dito. "Maliit lang naman," dagdag pa niya.
"Gamutin mo, Victoria. Bago ka pumasok sa trabaho," wika naman ng Nanay niya.
Tumango lang naman siya bilang sagot. Nagpatuloy naman na sila sa pagkain. Mas naging tahimik din si Callum.
Nang matapos kumain ay tumayo na siya para maghanda na ding umalis para pumasok sa trabaho. Narinig na din niya ang pagbusina ng tricycle sa labas ng bahay nila. At alam niyang si David iyon.
Nagmamadali naman na siya. Hindi na din niya ginamot ang sugat niya sa daliri. Nagpaalam na siya sa magulang bago lumabas ng bahay. Nakita naman niya na naghihintay na sa kanya si David. Ngumiti ito nang makita siya.
Malapit na siya do'n nang mapatigil siya ng may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya.
"Maria."
Lumingon siya sa kanyang likod. At nakita niya niya si Callum na naglalalad palapit sa kanya. Napatingin naman siya sa hawak niya kung naiwan ba niya ang lunch bag niya. Pero dala naman iyon?
So, why is he calling her? Akala niya ba ang iniiwasan siya nito.
Tumingala siya nang huminto ito sa harap niya. He was towering her right now. And his eyes were serious. Seryoso naman lagi ang lalaki. "Bakit?"
"Here," wika nito sabay taas sa hawak nito. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito. At napakurap-kurap siya ng mga mata nang makita na isang band aid iyon.
Saan naman nito iyon kinuha?
"Put it on your finger," he said in a serious voice.
Napalunok naman siya ng maramdaman niya ang pagbilis ng t***k ng puso niya.
Saglit niya iyong tinitigan hanggang sa tanggapin niya. "S-salamat," wika niya dito.
Callum didn't say anything. "S-sige. Alis na ako," wika naman niya. Hindi na niya ito hinintay na magsalita, tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"May sugat ka?" mayamaya ay tanong ni David ng makalapit siya dito. Mukhang nakita at narinig nito ang pinag-uusapan nila Callum.
"Maliit lang," sagot niya sabay taas sa daliri niyang may hiwa.
"Tulungan na kitang ilagay ang band aid sa daliri mo, Victoria," presenta naman nito.
At akmang i-aabot ni Maria Victoria ang band aid kay David ng biglang nawala iyon sa kamay niya. At nang tumingin siya sa kanyang gilid ay nakita niya si Callum. At ito ang kumuha ng band aid sa kamay niya.
Napaawang naman ang labi niya nang makita ang magkasalubong na mga kilay nito. Napansin nga din niya ang pag-igting ng mga panga nito.
Mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya nang kunin nito ang isang kamay. Inalis nito ang balat ng band aid at inilagay nito iyon sa daliri niyang may sugat.
At habang ginagawa nito iyon ay nakatitig siya sa seryosong mukha ni Callum. And she couldn't explain why her heart beats erratically inside her chest.
When he finished putting the band aid on her finger, Callum looked up. "Take care." Callum uttered before he left in front of her.
Napaawang naman ang bibig niya habang sinusundan niya ang papalayong pigura nito.
HUMIKAB si Maria Victoria ng lumabas siya ng kwarto. Matutulog na sana siya ng makaramdam siya ng pagka-uhaw. Nakalimutan kasi niyang magdala ng tubig kanina.
Dumiretso siya sa kusina. Kumuha siya ng baso at nilgyan niya iyon ng tubig at saka ininom.
Nilagyan niya iyon ulit para dalhin sa loob ng kwarto niya.
Papasok na sana si Maria Victoria sa kwarto nang may maaninag siyang nakaupo sa may sala nila. Sumulyap siya do'n at nakita niya si Callum do'n.
Nakaupo ito habang nakapikit ang mga mata.
Bakit naroon ito? Hindi ba ito makatulog?
Saglit naman siyang nakatitig kay Callum. At akmang papasok na siya sa loob ng kwarto ng mapatigil siya. Muli niyang nilingon si Callum at do'n niya napansin na hawak nito ang ulo. Lukot na lukot ang mukha na para bang may masakit dito.
Hindi naman niya napigilan ang makaramdam ng pag-alala sa lalaki. At sa halip na pumasok siya sa loob ng kwarto at nilapitan niya ito.
"Callum..." tawag niya sa pangalan nito.
Dahan-dahan naman itong nagmulat ng mga mata. At napansin niya ang pamumula ng mga mata nito.
"Okay ka lang?" tanong niya dito.
"Go back to sleep," wika naman nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Muli nitong ipinikit ang mga mata habang sapo ba din ang ulo.
Pero sa halip na sundin ito ay nanatili siyang nakatayo sa harap nito. "Callum..." tawag muli niya dito.
"What?" wika nito ng hindi man lang nagmumulat ng mga mata.
"Masakit ang ulo mo?" tanong niya.
Isang mahinang ungol lang naman ang isinagot nito sa kanya. Dahil sa pag-alalang nararamdaman ay umupo siya sa tabi nito. Ibinaba niya ang basong hawak sa gilid niya.
Hinawakan naman niya ang kamay nitong nakasapo sa ulo nito at pinalit niya ang mga kamay do'n.
Sa pagkakataong iyon ay nagmulat ito at agad na nagtama ang mga mata nila. Napansin niya ang mapupungay na mga mata nito habang nakatitig iyon sa kanya.
Napalunok naman si Maria Victoria. "Hmm...m-masahiin ko ang ulo mo, Callum," wika niya sa lalaki.
Hindi naman niya hinintay na sumagot ito. Bahagya siyang tumayo at isang tuhod ay naka-luhod sa upuan. Sa ganoong posisyon ay hindi siya mahihirapan sa gagawin.
Nag-umpisa naman niyang masahiin ang ulo ni Callum. Umaasa na sa pamamagitan niyon ay maalis kahit papaano ang nararamdaman ng pananakit ng ulo nito. Habang ginagawa niya iyon ay ramdam niya ang mainit na titig na pinagkakaloob nito sa kanya.
Bahagya naman siyang yumuko para tingnan ito. "Lagi bang sumasakit ang ulo mo?" tanong niya ng magtama ang mga mata nila.
"No," sagot nito. "It only hurts when I try to remember."
Bumuntong-hininga siya. "Huwag mo munang pilitin ang sarili mo na makaalala," wika niya dito. "S-siguro babalik din ng kusa ang alaala mo," dagdag pa na wika niya. "At pasensiya ka na," mayamaya ay paghingi niya ng paunmanhin dito.
Napansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Callum. "Bakit ka nagso-sorry?" tanong nito sa kanya.
"Kasi...hindi ka namin madala sa ospital," wika niya. "Gipit din kasi kami," dagdag pa niya.
Kung may pera lang sana sila ay pwede nila itong mapadala sa ospital para mapatingin ito sa doctor. Kaso wala, eh.
"You don't have to say sorry to me, Maria," wika nito sa kanya."Honestly, dapat ako ang humingi ng sorry sa inyo dahil naging pabigat ako," dagdag pa na wika nito.
Umiling-iling naman siya. "Hindi ka naman pabigat," wika niya kay Callum. Alam niyang hindi din ganoon ang iniisip ng magulang para dito.
Hindi naman ito nagsalita. Sa halip ay ipinikit nito ang mga mata. Ipinagpatuloy naman niya ang pamamasahe sa ulo nito.
"Masakit pa?" mayamaya ay wika niya kay Callum.
"Not anymore," sagot naman nito sa kanya ng magmulat ito ng mga mata. Sa pagkakataong iyon ay itinigil niya ang pagmamasahe sa ulo nito.
Umayos din siya mula sa pagkakatayo niya sa harap nito. "Matulog ka na. Para makapagpahinga ka na," wika din niya habang sinasalubong niya ang mainit na titig nito.
Kinuha din ni Maria Victoria ang basong may lamang tubig na ipinatong niya kanina. Hindi siya umalis sa harap nito hanggang sa hindi ito tumatayo. At mukhang napansin nito iyon dahil tumayo na din ito.
Sabay naman na silang naglakad na dalawa. At akmang papasok siya sa loob ng kwarto ng mapatigil siya nang tawagin ni Callum ang pangalan niya.
"Maria."
Binalingan niya ito. At agad na tumutok ang mga mata niya sa itim na mga mata nito.
"Thanks and goodnight," wika ni Callum bago ito tuluyang pumasok sa loob ng kwartong tinutuluyan nito.
Naiwan naman si Maria Victoria sa kinatatayuan habang ang puso ay tumitibok ng mabilis.