Chapter 4: Kiss

2567 Words
I woke up at around six in the morning kahit na set na ang alarm clock ko at eight pa. I went to sleep last night very early dahil napagod ako dahil kina mom. Yesterday was Sunday and my mom didn’t stop pestering me about having a boyfriend. I told her to stop already kasi nung sabado pa siya paulit-ulit sa mga sinasabi niya pero parang wala siyang narinig sa mga sinasabi ko. We went to church yesterday dahil iyon talaga ang palagi naming ginagawa sa pamilya namin. We have so many blessings in life kaya kahit ilang oras man lang ay makabisita kami sa nagbigay sa amin ng mga biyaya. Dad wasn’t able to join us yesterday because he’s still in Bacolod at bukas pa siguro ang dating niya or baka ma extend pa talaga. So, without dad by my mother’s side, palagi siyang nasa akin at sumasama kung saan man ako pumunta. Kulang na nga lang pumunta din siya sa comfort room kapag pumupunta ako dun eh. Yesterday, halos maubos lahat ng pasensya ko dahil nakakahiya si mom kahapon sa simbahan. “Mira, look at that guy with ablack bucket hat. Isn’t he cute?” bulong ni mom sa akin kahit na nakapikit ako’t nananalangin habang naghihintay kami kay Father. Hindi mo siya pinansin ang nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko. Lord, thatnk you so much for all the blessings that you have bestowed upon us and may you give my dad the proper guidance and protection as he has is doi— “Oh wait Mira! That guy wearing glasses looks like an American. Don’t you think so too? Ang gwapo niya Mira oh.” bulong ulit ni mom ngunit ngayon ay mas malakas ng kaunti ang boses niya. Hindi pa rin ako nagpatinag at nakapikit pa rin habang kinakalma ang sarili ko. —ing. May you forgive my mom and give her wisdom and strength to focus herself on you Lord. Tha— “Hala Mira. Ang gwapo nung kakapasok pa lang dito sa simbahan. Tingnan mo dali. Kita mo yang naka-puting t-shirt na mestisong lalaki? Kunin mo num—” I cut her off because I can’t take her attitude anymore. “Mom will you please stop? Can’t you see that I am praying?” tanong ko sa kanya sa mahinang boses enough para marinig niya ng maayos. “Ay nagdadasal ka pala? Akala ko kasi patulog ka na. Hindi ko naman alam.” tumawa siya ng mahina at nag-peace sign sa akin. “Peace Mira. Sige, ipagpatuloy mo na muna. Ako na bahala maghanap ng lalaki mo.” saad niya sabay tapik-tapik pa sa aking balikat. Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ng ina ko at napag-desisyunan na humarap nalang sa altar sa harap. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Father at nagsimula na ang misa. I sighed in disbelief because of what my mom is doing right now. Lord, forgive us. And that is how my mother always put an end to my happiness everyday that she is with me. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matitiis ang kakulitan at kawalang-malay sa mga bagay-bagay ng ina ko. Kailangan ko na rin sigurong tanungin si dad kung paano pakisamahan si mom lalo na kung ganito siya. I stood up from my bed at deretso ang lakad papunta sa bathroom. Naghilamos lang ako ng mukha at nag toothbrush. Mamaya pa ako maliligo kaya lumabas na ako ng kwarto ko without closing the door of my room. Hindi kasi ako mahilig magsara ng pintuan ng kwarto lalo na ngayon na ako lang naman mag-isa dito sa unit ko. That is also the reason why dinig ko ang katok ni mom sa pintuan ng unit ko last saturday. Why should I close my door kung wala naman akong ibang kasama dito? Dala-dala ko pagbalabas ang ipad ko and I dialed dad’s account on messenger. Ilang rin lang din bago niya sinagot ang tawag ko. “Hello Mira.” bati niya sa akin. I looked at him at mukhang kanina pa siya gising. Nakasuot na siya ng suit at may hawak-hawak na kape sa kamay niya. “Where are you?” tanong ko habang inaayos ang ipad sa likod ng rice cooker ko. Sinandal ko ito ng maayos para makita ako ni dad. “I am in my hotel room right now. Nasa Bacolod ako. Kamusta ang mommy mo?” tanong niya habang inaayos ang mga papel na nakakalat sa mesa niya. “Mom is doing pretty good, as always. Nakakairita nga lang most of the times.” saad ko habang hinahanap ang gatas ko mula sa ref. “You know that your mom is really like that. Intindihin mo nalang siya Mira, okay? Ganyan lang din talaga siya lalo na sa’yo dahil nag-iisang anak ka niya. How are you by the way?” tanong niya. He focus his eyes at me and I looked at him smiling. “I’m doing well din po. Today is the start of my last year in college.” wika ko sabay lagay ng gatas sa bowl ko na may cereals. “That’s good. At least you can’t be with your mom always anymore.” natatawa niyang saad sa akin. Natawa rin ako kasi totoo naman talaga. Kapag nagsimula na akong bumalik sa skwela, hindi na din mag-aabala pa si mama na bisitahin ako palagi dito at may mga pwedeng rason na ako para maiwasan siya. “You bet. By the way, when will you be coming home? Para naman may kasama na si mama sa bahay. Baka sa art room na iyon natutulog kasi wala ka.” I said. “And one more thing, gawan niyo na kasi ako ng kapatid.” nakangisi kong sabi kay dad. Naibuga naman niya ang kape na ininom niya at agad na tumayo para kumuha siguro ng issue. Napatawa naman ako ng malakas dahil ganito talaga palagi ang reaksiyon ni dad kapag nagsasalita ako tungkol sa gusto kong magkaroon ng kapatid. Bumalik agad si dad na may hawak-hawak na isang glass ng tubig at box ng tissue. “Mira you stop joking on something like that okay? It’s not funny.” seryoso niyang sabi sa akin. Sunod-sunod kong isinubo ang cereals na nasa bowl na hawak-hawak ko at nakasimangot na tumingin kay dad. “Why are you looking at me like that? And what are you eating? Cereals again? You know how to cook, bakit iyan pa ang kinakain mo tuwing umaga.” “I’m looking at you with annoyance because first, I am not joking dad, okay? I really want a brother or even a sister to take care of at para naman hindi lang sa akin naka focus ang atensiyon ni mom. And for the cereals, I love eating this. I still have time but I chose not to cook because I wanted to eat this.” “Alright, alright. We’ll give you what you want if it’s God’s plan. You have to pray for it, not talk about that to us always because we feel pressured.” “Okay. Basta bibigyan niyo ako ha?” “Mira, I just told y—” “Yes, yes, yes dad. Okay fine. Hindi na po ako mangungulit. I need to finish my food and prepare for class later. Bye dad!” I wave my hands at him habang nakangiti. “You take care of yourself.” I said as I looked at him directly. “You too. Good bye. If you bump into your mom today, tell her that I will be calling her. I love you.” he said as he took a sip of his water. “I love you too.” the last thing that I said to him as I turn off and drop the call. Tumayo ako mula sa kitchen counter at hinugasan ang pinagkainan ko. Deretso din ang punta ko sa harap ng ref para kunin ang orange squash at inumin ito. As I finished my breakfast, pumasok ako muli sa kwarto at hinanda ang mga gamit at susuotin ko. Deretso ako sa banyo pagkatapos at naligo. Matapos maligo ay umupo ako sa harap ng salamin at nilabas ang make up kit ko mula sa bag. Hindi naman ako heavy maglagay ng make-up. Powder, concealer, eyeliner, mascara, blush at tanging lip balm lang ang nilalagay ko. Ang taas na kasi ng eyelashes ko kaya hindi ko na kailangan pang maglagay. Inilugay ko lang ang buhok ko matapos itong matuyo at tumayo na agad para makapagbihis. I changed into my school uniform and looked at the mirror with great excitement. Natuwa ako dahil sa uniform na suot ko. When I was still a freshman at St. Preston’s University, nagseselos na talaga ko sa uniform ng mga fourth year students. I mean, we have the same uniforms but different colors. From freshman ‘till graduating students. And I was envious of the white motif uniform of the graduating students. Now that I am what I am jealous of, I am so happy and excited. Matapos akong magbihis ay chineck ko ang oras at 7;59 pa pala. Isang minuto ang nakalipas ay nag ring na ang alarm clock ko. Natawa naman ako dahil parang ginawa kong hudyat ang aking alarm clock para pumunta sa skwelahan. Napailing-iling na lamang ako at lumabas na lang sa kwarto. Sinigurado kong sarado ang mga bintana at naka-off lahat ng lights sa unit. Mahirap na at baka masunog pa ang nag-iisang penthouse na meron ako. Bumaba na ako matapos masiguro lahat at deretso ang lakad papunta sa parking lot dala-dala ang nag-iisang bag ko laman ang mga maliit na gamit. I have with me my wooden and mechanical Staedtler pencils, Faber- Castell pens, erasers, and my extra brushes. Some of my stuffs are at the car like hardback sketchbooks, watercolor pape, masonite, canvas, my very favorite mahl stick, acrylics, oil, watercolors, inks, easels, pallets, brushed and my favorite too, varnishes. Kaya masaya din ako na binigyan ako nina mom at dad ng kotse dahil may paglalagyan ako ng mga art materials ko. Kung wala akong kotse ngayon, malamang hindi ko madadala ang mga gamit na iyan. Hindi naman talaga as in kailangan araw-araw magdadala ng napakaraming gamit sa school dahil may iba din kaming subjects at may mga discussions lang pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko kasi minsan, bigla na lang ako magpipinta kapag may nakikita akong mga magaganda. I easily got mesmerized by things that are pleasing to my eyes at agad ko itong ginugunit. Minsan sa sketchbook lang at minsan naman ay digital sa ipad ko. Pagkatapos ay gagawin ko siyang reference para sa canvas. Marami nga ang nagsasabi na bakit daw ang tagal matapos ng mga artworks ng mga artists at bakit ang mahal mahal gayung pintura ay papel o tela lang naman ang ginagamit? Marami kasing mga tao ang mababa ang paningin sa mga artists na katulad ko gayung hindi naman nila alam na ang mahal ng mga art materials at ang effort din namin sa pagpipinta. Lalo na kung wala silang ibinigay na references at concept lang, kami pa ang nag-iisip ng magandang picture para ipinta. Tapos kapag ipinakita na namin sa kanila, pangit daw o di kaya ang raming pinapa-revise. Kaya minsan hindi ako tumatanggap ng mga commission requests ng mga taong hindi ko talaga kilala kasi bala abusin lang ang ginawa ko at i-bash pa ako. Pagdating ko sa parking lot, nakasalubong ko na naman si Manong Erwin at agad ako nagmano sa kanya. “Ang aga mo yata Mira?” tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang mga panlinis at mop. “Hindi naman po. Eight na po at nine ang klase ko. Ba-byahe pa po kasi ako.” sagot ko sa kanya. “Hindi naman malayo ang paaralan mo mula rito. Atsaka, kabisado mo na naman ang mga building doon kasi matagal ka ng nag-aaral dun.” “Oo nga po. Maaga po kasi akong nagasing kaya minabuti ko na lang pong pumasok ng maaga.” Napangiti naman siya sa isinagot ko at tumalikod na at nagpaalam sa akin. Ngunit bago pa man ako makatalikod rin, nagsalita ulit siya. “Ay siya nga pala Mira. Paano pala kung pumunta ang mommy mo dito?” tanong niya. “Alam na pa ni mommy na ngayon na ang pasok ko. Alam naman niya ang passcode ng unit ko kaya hindi na po iyon magtatanong sa inyo.” panigurado kong sabi sa kanya. “Sigurado ka ba ineng? Baka kasi hanapin ako ng mommy mo.” “Hindi na po iyon maghahanap sa inyo manong Erwin. Huwag na po kayong mag-isip.” “Okay sige. Aalis na ako at marami pa akong gagawin sa taas. Mag-iingat ko.” “Opo, paalam po manong Erwin.” I said as I wave my hand at him habang paalis siya. Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad papunta sa kotse ko. Nang makapasok ako, agad ko itong pinaandar at deretso ang punta sa skwelahan. Hindi naman nagtagal ang byahe ko dahil mga ten minutes lang naman ang layo nito mula sa penthouse ko kaya wala akong problema. Tumingin ako sa wristwatch ko at 8:23 na pala. May kalahating oras pa ako siguradong hindi pa open ang classroom sa unang subject ko kasi exactly nine iyon bubuksan kasabay ng pagdating ng professor. Wala akong ibang nagawa kundi ay pumunta sa library sa art student’s building. May gusto kasi akong basahin kaso hindi ako nakapagbasa nung sabado kasi biglang dumating si mama. Ng makita ko ang pintuan ng building ay mabilis akong naglalakad papunta doon at pipihitin ko na sana ang doorknob ng biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako palayo. Wait, what? Sino ba ‘to? Nakatingin ako sa kamay na humawak sa akin at ang higpit naman kasi ng hawak niya. Tumingin ako sa taong nag-kidnap sa akin at sino pa nga ba? Dapat pa ba akong ma shock kung siya na naman? “Seryoso? Hindi mo ba ako bibigyan ng peace of mind sa unang araw ng klase?” matigas kong tanong sa kanya pero wala siyang imik at deretso lang ang lakad niya na halos naging takbo na sa akin dahil ang laki ng mga hakbang niya. Lumiko kami sa kaliwa at alam kong deretso ito sa likod ng building. Te–ka lang naman. Saan ba ako dadalhin nitong lalaking ‘to? “Hoy, saan mo ba ako dadalhin? Start na ng klase ko mamaya. Ano ba?!” nagpumiglas ako ngunit mas bumilis ang paglakad niya at bigla siyang huminto sa likod ng library building at isinandal ako sa dingding nito. Inilapit niya ang mukha niya sa akin na parang sinusuri niya ng maayos ang mukha ko. Nakatitig lang ako sa mga mata niya at hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang umiwas sa mga titig niya. Inilapit niya pa lalo ang mukha niya at dahan-dahang hinawakan ang magkabilang balikat ko. Pinigilan ko ang paghinga at kitang-kita ko ang paglapit ng labi niya sa akin. I close my eyes as I felt his lips and I know he will kiss me and he did.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD