KABANATA 5
“AT SAAN KA pupunta, my precious grandchild?” tanong ng lola ni Ravia na si Doña Agatha.
Napailing na si Ravia. Hindi niya maipagkakaila na may nakarating na namang balita sa kaniyang mahal na lola. Mahal siya nito pero alam niya na hindi nito pinalalampas ang mga karantaduhan na ginawa niya sa kaniyang buhay. Natatakot siyang lingunin ito kaya hindi na niya alam kung ano ang dapat na gawin. Hindi rin naman puwede na hindi niya ito harapin dahil mas malalagot siya rito.
Hinampas na ni Doña Agatha nang tatlong beses ang tungkod nito kaya nagsimula ng manginig ang kaniyang mga tuhod. Sa kaniyang isipan ay wala na talaga siyang takas dito. Hindi niya na ito mapipigilan.
“Mom,” sambit ng kaniyang ina.
Napangiti na siya sabay hakbang para tumakas na lang sana pero agad din siyang napatigil nang muling hinampas ng matanda ang tungkod nito nang mga tatlong beses. Humugot siya nang malalim na hininga bago nilingon ang matanda. Napangiti siya at nagkunwaring masaya na makita ito.
“Granny!” masaya na sabi niya.
Tinaasan siya ng kilay ng kaniyang lola kaya nagdasal na siya sa kaniyang isipan. Habang humahakbang pababa, napakamot na siya sa kaniyang ulo nang makalimutan ang ilang pangungusap ng dasal na binabanggit niya sa kaniyang isipan. Nakaramdam tuloy siya ng kahihiyan sa kaniyang sarili. Para sa kaniya, dasal lang naman sana iyon pero nagkamali pa siya.
“Gosh! I need a holy water,” sabi niya sa kaniyang isipan.
Nang nasa sala na siya, sinubukan niya na maging mahinahon kahit ang totoo ay para na siyang mamatay sa kaba. Ayaw niyang ipakita sa matanda na natatakot siya rito. Magsasalita na sana siya pero napatigil siya nang makitang papabuka na ang bibig nito.
“Give me your hands,” maawtoridad na sabi nito.
“Mom, did she do anything wrong?” nagtatakang tanong ng ina niya. Sa boses ng kaniyang ina, alam na nito na papagalitan siya.
“G-Granny,” nauutal na sambit niya. Nginitian niya ito.
“Give me your hands,” pag-ulit ng matanda.
“G-Granny, no!” Napailing na siya.
“Isa...”
Napabuntonghininga siya sabay buka ng kaniyang kamay. Wala na siyang magagawa kung hindi ang hayaan na paluin nito ang kaniyang mga kamay. Hindi nagtagal, napasigaw na siya nang pinalo talaga nito ang mga iyon.
“M-Mom,” suway ng kaniyang ina.
“Shut up, Marga! Baka ikaw ang hampasin ko!? Hindi mo ba alam na may muntikan ng binalian ng kamay ang anak mo?” inis na sabi ni Doña Agatha.
“W-What!?” Hindi makapaniwala ang kaniyang ina. Nilingon siya nito. “Via, what happened?”
“Syempree kwento niya iyon kaya ako ang masama roon,” giit niya rito.
“Sumasagot ka pa talaga,” sabi ng kaniyang lola sabay palo muli sa kaniyang mga kamay.
“Granny! Kwento nga niya iyon! Syempre ako ang masama roon,” paliwanag niya. Inulit lang niya ang kaniyang dispensa.
“At hindi iyon excuse. Paano kung nabalian mo ng tuluyan iyon? Kaya mong ipalit ang kamay mo? Being violent is not an act of bravery, Apo! Isumbong mo lang sa guidance council and that’s it.”
“Gosh, Granny! I’m not weak para magsumbong,” aniya.
“Granny, I’m so sorry for what happened. We were the reason kung bakit nagkaganoon ang babaeng mahal ko. Though hindi rin ako favor sa ginawa niya, but I know she did those thing para hindi na iyon maulit pa. One thing I am sure of, she will not do it again,” paliwanag ni Andrei.
“Oh, that is my man. May hellicopter ride ka sa akin mama—ouch!”
Napasigaw na lang si Ravia nang muling makatikim ng palo sa matanda. Hindi niya tuloy mapigilan na mainis sa kaniyang sarili kung bakit naka nakabandera pa ang kaniyang mga kamay sa tapat nito. Sa pagkakataong iyon, itinago na niya ang mga kamay niya sa kaniyang likuran.
“Napakalaswa talaga ng bibig mo! Saan ka ba nagmana? Hindi ko ganiyan pinalaki si Marga,” sabi nito.
“Baka po kay Dad, Granny? Hula lang po,” sagot niya.
Napabuntonghininga na lang ang kaniyang lola. Para mawala ang inis nito, niyakap na lang niya ito. Ipinaramdam niya rito na mahal niya ito.
“I love you, Granny. Sorry, okay? Promise, hindi ko na uulitin iyon. Tinawag kasi nila akong malandi at kung anu-ano pa. Like hello? Ako lang po ito? Si Ravia Elizabeth.”
“Ipangako mo, Apo. Alam mo ba na apo ng business partner natin ang muntikan mo ng balian?” sabi nito.
Nanlaki ang kaniyang mga mata sabay buwag mula sa pagkayakap sa matanda. Pagkatapos, tinitigan niya ito. Makikita sa mga mata niya ang pagkagulat sa narinig.
“S-Seryoso?” aniya.
“Bigyan mo muna ako ng sagot kung bakit ako magbibiro?” mataray na sagot nito.
“Wow! Big time pala ang babaeng iyon. Sayang hindi ko natuluyan,” aniya.
Papaluin na sana siya ng kaniyang lola pero may isang tagapaligtas na sumalo niyon—si Andrei. Habang nakanganga ang kasintahan sa kaniyang harapan, hinalikan na lang niya ito. Ninanais lang niya na mapalitan ang sakit na naramdaman nito nang init ng kaniyang pagmamahal.
“Granny, masyado ka ng violent. Now I know, sa iyo ako nagmana,” sabi ni Ravia matapos niyang halikan sa labi ang kasintahan.
Napatawa ang kaniyang ina. “Mom, ano ang sagot mo? May pasugod-sugod ka pa rito, ha? Sa iyo lang naman pala nagmana ang anak ko.”
Napabuntonghininga na lang si Doña Agatha. “Timplahan mo ako ng kape, Marga.”
Inalalayan ni Marga ang ina. “Sure, Mom. Via, Drei, sumunod lang kayo sa amin doon sa kusina. Nakahanda na ang pagkain.”
Nang nawala na sina Marga at Doña Agatha sa tapat nina Ravia at Andrei, umaarteng malungkot si Ravia habang ipinakita ang mga palad sa kasintahan.
“Halikan mo, Drei. It really hurts,” aniya.
Napatawa si Andrei. “Ang arte mo. Ayusin mo nga iyang mukha mo.”
“Kiss mo muna ang hands ko,” tunog bata na kaniyang sabi rito.
Hinawakan ni Andrei ang mga kamay niya at marahan na hinalikan ang mga iyon. “Is it okay, Darling? I love you.”
“Ipasok mo sa loob ng pants mo, Drei. Papisil ng ahas mo,” aniya.
“Ipapasok ko. Gusto mo ba talaga?” malanding bulong nito sa kaniya.
“No!” sigaw niya.
Napatawa na lang siya sabay yakap nang mahigpit sa kaniyang kasintahan. Hindi niya lang mapaliwanag ang kaniyang nararamdaman sa tuwing sumasabay sa mga maduduming biro niya ang kaniyang kasintahan. Para sa kaniya, nakikiliti iyon sa kaniyang p********e. Para bang may likidong lalabas doon? Ganoon ang palagi niyang nararamdaman.
“Akala mo, ha?” natatawa na sabi ni Andrei.
“Tatahimik na ako for this day, Drei,” aniya.
“Mabuti. Tara na sa kusina ninyo? Nagugutom na ako bigla.”
Pagdating nila sa kusina, agad tumabi si Ravia sa kaniyang lola. Nasa kaniyang tapat ang kasintahan at ang katabi nito ay ang kaniyang ina. Sinigurado niya na magkaharap sila para madali lang sa kanila ang magsubuan.
“Apo, aside sa pagiging bayolente. May maipagmamayabang ka pa ba?” tanong ni Doña Agatha.
“Yes, Granny. Malaki ang grades ko. Nakasabit pa rin ako sa dean’s lister,” kalmadong sagot niya.
“Mana ka nga kay Granny,” sagot nito.
Napangiti siya sabay sandal ng ulo sa balikat ng kaniyang lola. “Of course, Granny. Kaya nga ako ang paborito mong apo, ’di ba?”
“Anong ikaw? Mahiya ka sa mga Kuya mo na ipinalaki ko,” aniya.
Napaayos siya ng upo. “Granny, Kuya is a bit older na. Ako na lang ang natitirang nag-aaral pa.”
“Bente siyete at bente sais pa ang mga Kuya mo. Grabe ka kung makatanda riyan,” reklamo ni Doña Agatha.
“Aw. When mo ako maging favorite, Granny?” tanong niya.
“Kumain ka nga riyan. Ang dami mong sinasabi,” reklamo nito.
“Oo na. Pero dapat ako ang mahal mo kasi ako lang ang nag-iisang babae na apo mo. Mga pinsan ko sa Elizalde side ay mga lalaki rin. Granny, ako na lang ang favorite mo,” pamimilit niya sa matanda.
“Tatahimik ka o hahampasin kita?” pagbabanta ni Doña Agatha.
“Tatahimik of course,” aniya.
Napalingon siya sa kaniyang kasintahan at tinawanan lang siya nito. Hindi rin halata na tuwang-tuwa ito na makita na ginigisa siya sa sariling mantika ng kaniyang lola. Para tumahimik ito, kinilabit niya ang itlog nito gamit ang kaniyang paa.
Nanlaki ang mga mata nito kaya siya naman ang tumawa. Natutuwa lang siya sa kaniyang ginawa. Isa sa kaniyang gusto na madalas masaksihan ay kung gaano ito kainosenteng binata.
“You want more? I’ll give you more?” pang-aasar niya rito.
Hindi na ito sumagot sa kaniya at nagpatuloy na lang sa pagkain. Hindi pa man sila natapos kumain ay biglang dumating si Adale. Napataas ang kilay niya nang bigla itong sumigaw nang makita ang kaniyang lola. Para sa kaniya, kung makaasta ito ay parang apo ng matanda.
“Our gorgeous granny!” sabi ni Adale.
Lumapit si Adale sa kaniyang lola at hinalikan ito sa pisngi. Pagkatapos, lumipat ito sa kaniyang ina at ito na naman ang hinalikan. Habang tinitingnan ang matalik na kaibigan, hindi niya mapigilan na mapangiti. Masasabi niya na ang kakapalan ng mukha ni Adale ang hindi magagaya ni Andrei rito. Kaya hindi niya masisisi ang kaniyang pamilya kung bakit mas malapit ito sa kaniyang kaibigan kumpara sa kaniyang kasintahan.
“Is it okay na makikikain ako, Ma?” tanong ni Adale. Mama ang tawag nito sa kaniyang ina.
“Of course, ’Nak,” sagot ni Marga. Anak din ang tawag nito.
“The unbiological mother and son tandem. Gosh!” nakairap na sabi ni Ravia.
“Ikaw nga feeling asawa ng kambal ko. Hindi naman siya nag-propose,” sagot ni Adale.
“Kaya apo kita, Dale,” sagot ni Doña Agatha. Napatawa pa ang matanda.
“G-Granny!?” Napataas na ang kaniyang kilay.
Nilingon siya ng kaniyang lola. “Naninigaw ka na?”
“Vocalizations lang po. I’m just preparing my throat for the massive blowj*b later.”
Napatawa siya sa kaniyang sinabi sabay layo sa kaniyang lola. Alam niya na hahampasin siya nito kaya inilayo na niya ang kaniyang sarili rito. Ayaw na niyang dumapo ang kamay nito sa kaniya.
Mas napatawa naman siya nang hangin na lang ang nahampas ng kaniyang lola. Habang tinitingnan niya ito, hindi niya mapigilan na magdiwang. Parang nanalo na rin siya ng lotto sa kaniya ginawa.
Lumipat na siya ng puwesto at sa tabi na siya ni Andrei. Pagkaupo niya, kinindatan niya si Doña Agatha. Hindi na ito sumagot sa kaniya at inirapan lang siya. Hindi nagtagal, inilayan niya ito ng flying kiss.
“Ang hilig mo talagang mang-asar, ’no? Pikonin ka rin naman,” sabi ni Adale sabay upo sa kaniyang tabi.
Nilingon niya ito. “Pake mo ba?”
Napangiti ito. “Bagay sa iyo ang jersey shirts ko. Iyan pa naman ang isinuot ko noong last game na naipanalo ko.”
Kinurot niya ang pisngi nito. “At sobrang proud namin ni Andrei sa iyo.”
“Pero kayo lang,” mahinang sagot nito.
Napatingin si Ravia sa kaniyang ina at lola nang marinig ang sagot ng kaibigan. Sa tono ng pananalita nito, alam niyang nasasaktan na naman ito nang maalala na sila lang dalawa ni Andrei ang nandoon sa pinakamahalagang laro nito sa football.
Napabuntonghininga si Ravia. Hindi niya alam ang sasabihin para gumaan ang pakiramdam nito. Kahit din siya ay nasasaktan para rito. Kaibigan niya ito kaya mahirap sa kaniya na ganoon kung tratuhin ito ng mga magulang nito.
“Ang sarap ng brownies, Ma. Gawa ninyo po ba?” sabi ni Adale habang hindi nakatingin sa kaniyang ina.
“Yes, ’Nak. Thank you.” Kinindatan siya ng kaniyang ina sabay abot ng plato na puno ng brownies. “Via, bigyan mo pa si Dale.”
Tinanggap niya iyon at nilagyan ng isa ang platito ng kaibigan. “Kumain ka pa, Dale. Masarap talaga iyan dahil ako nagturo kay Mom kung paano iyan gawin.”
Nilingon siya nito. “Hindi nga masarap sa iyo. Matabang na nga, may kasama pang buhok.”
Nagsitayuan ang mga balahibo niya nang marinig ang pagtawa ng lahat. Hindi niya maipagkakaila na nahihiya sa sinabi ng kaibigan. Ang buong akala niya ay magaling siya pero matabang lang pala para rito.
“But it was just a joke. Anyways, you are excellent, Viang,” nakangiting sabi ni Adale.
Napabuntonghininga siya sabay sandal sa balikat ng kasintahan. Para siyang nabunutan ng tinik sa pagbawi nito. Aminado siya na sensitibo siya pagdating sa kaniyang mga niluluto na cookies, brownies, at cake. Para sa kaniya, roon lang talaga siya kampante na magaling maliban sa modeling.
•••
GABI NA AT kasama ni Ravia si Doña Agatha. Pinaparangalan siya nito kaya nakikinig lang siya rito. Kahit paano, seryoso ang pag-uusap nila. Katulad na lang na dapat maipagpatuloy niya ang legacy ng kanilang pamilya. Sinabi rin nito sa kaniya na wala na itong mahihiling pa na lalaki sa kaniya kung hindi sina Andrei at Adale lamang. Napataas na lang ang kaniyang kilay nang sinali pa si Adale sa pinagpipilian nito. Sa kaniyang isipan, kung alam lang nito na gasgas na ang p*********i ng kaniyang matalik na kaibigan ay hindi na masasabi ng kaniyang lola na bagay rin sila ni Adale.
“Thanks, Granny. I appreciate every word that came out from your mouth. Pero kailan po kayo uuwi?” tanong niya rito.
“Papauwiin mo na ba ako? Hindi pa nga dumating ang manugang at mga apo ko,” sabi nito.
“Sorry. Namiss ko lang kasi ang boyfriend ko.”
“Minsan lang ako namamasyal dito tapos papaalisin mo na ako? Iyong boyfriend mo ay araw-araw mong nakikita rito tapos miss mo na? Tama ang kutob ko na wala kang kuwentang apo,” irap na sabi nito.
Napaismid siya. “Ganyan ang nararamdaman ko kapag sinabi mong sina Kuya ang favorite mo na dapat ako.”
Napailing si Doña Agatha. “Napakasarap mo talagang kausap, Apo. Ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko.”
Napatawa siya. “Grabe ka, Granny. Basta mahal kita, ha? Kahit madalas mo akong sinusungitan ay hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo.”
“Alam ko. Kasi kung hindi mo ako mahal, wala ka rito sa tabi ko.”
Napangiti siya. “Napipilitan lang po.”
“Mom, hayaan mo na ang apo mo. Kahit ganyan ang ugali niyan, mabait iyan,” sabi ni Marga na kakarating lang galing sa kusina.
Nang may busina ng sasakyan, napangiti siya sabay tayo. Inalayan niya rin ang kaniyang lola. Gusto lang niya na salubungin ang mga ito sa labas. Dahil hindi mahilig ang mga kapatid niya sa babae, palagi ang mga ito na kasama ang ama nila.
“Via, pakisabi sa Daddy mo na dumiretso na sila sa kusina, okay? Tutulungan ko muna sila Manang doon,” sabi ni Marga.
Napatango siya. “Okay, Mom.”
Pagdating nila Ravia sa labas ng mansion nila, papasok na ang van ng pamilya nila. Kumakaway na ang kaniyang lola roon. Dahil naiingget siya sa atensiyon na binibigay nito sa kaniyang mga kapatid, hinawakan niya ang kamay nito at ibinaba. Hindi nagtagal, napanganga siya nang inapakan nito ang kaniyang mga paa.
“G-Granny!” reklamo niya.
“Tumahimik ka,” inis na sabi nito.
Muling kumaway ang kaniyang lola hanggang sa tumigil na sa parking lot nila ang sasakyan. Pagbaba ng kaniyang mga kapatid, tumakbo ang mga ito sa kaniyang lola. Pinalibutan ng mga ito iyon kaya napanganga na lang siya sa gilid.
Nilingon niya ang kaniyang ama. “Dad, look what they are doing. . . left out na ako.”
Inakbayan siya ng kaniyang ama. “Hayaan mo na ang mga lola’s boy na iyan. Mahal lang talaga nila ang lola nila.”
Napabuntonghininga siya. “Ano pa ang magagawa ko? Duh!”
Nauna na silang pumasok ng kaniyang ama. Hindi pa man nakapagbihis ito ay dumiretso na ito sa kusina. Hindi rin halata na gutom na ito. Sa kaniyang isipan ay maaaring napagod ito sa trabaho.
Habang naglalakad sila ng kaniyang ama, tumunog ang kaniyang cell phone. Pinauna na niya ang kaniyang ama para sagutin muna ang sigurado siyang tawag na mula sa kaniyang kasintahan.
Pagtingin niya sa kaniyang cell phone, hindi nga siya nagkamali roon. Ang kaniyang mahal na kasintahan ang tumatawag. Napangiti siya at umupo na muna sa sofa bago sinagot ang tawag.
“Yes, Drei?” aniya.
“Nag-away na naman sina Dale at Daddy. Puntahan mo muna si Dale rito. Alam ko na ikaw lang ang magpapagaan ng loob niya,” sabi nito.
Napabuntonghininga siya sabay tayo sa kaniyang kinauupuan. Wala na siyang ibang maisip na gawin kung hindi ang patahanin ito. Kilala niya ito, umiiyak lang ito kapag nasasaktan na naman ng mga salita na lumabas sa bibig ng ama nito.
“Bakit ba palaging sinisisi ni Tito ang kaibigan ko? Hindi niya ginusto ang nangyari!” inis na sabi niya sa kaniyang isipin.
~~~