KABANATA 4
PAGLABAS NI RAVIA sa silid-aralan nila ay napatigil na lang siya sa pagtakbo sabay taas ng kaniyang kaliwang kilay. Hindi niya inaasahan na sa isang sabi lang ng kaklase niya ay naloko siya. Napaniwala lang naman siya na nag-aaway ang kambal. Pero ang sigurado siya ay walang katotohanan iyon dahil nasa harapan niya ang lalaking mahal. May bitbit pa itong bulaklak at isang teddy bear.
“Darling, sorry for what I have done. I will admit, I was so wrong. Please Darling, I love you,” seryong sabi ni Andrei. Makikita sa mga mata nito ang pagmamahal sa kaniya.
Tumalikod sandali si Ravia at pinigilan ang sarili na ngumiti. Gusto lang niya itago ang kilig na naramdaman sa puso niya. Para sa kaniya, maganda siya kaya hindi dapat muna siya bumigay. Kung makakaya niyang ipakita sa kasintahan ang mataas niyang pride, gagawin niya. Gusto lang niyang ipamukha rito na hindi siya madaling paikutin sa mga kamay nito.
Hindi nagtagal, nagsitayuan na ang mga balahibo niya nang biglang may yumakap sa kaniya. Sa amoy pa lang nito, alam niyang ang kasintahan niya ito. Nang idinampi nito ang labi nito sa leeg niya, hindi na niya napigilan ang pagtatampo at tumawa na siya. Sa isipan niya, sa susunod na away na lang niya itataas ang kaniyang pride. Aminado siya na talo na siya sa gusto niyang mangyari.
“Drei, stop tickling me,” maarteng sabi ni Ravia na hindi rin halatang kinikilig.
“I did not. Idinikit ko lang ang labi ko sa paborito kong parte ng katawan mo,” mahinang sabi ni Andrei.
Napatakip siya sa kaniyang bibig at hinarap ang kasintahan. Pagkatapos, hinampas niya ito sa braso nang mga tatlong beses. Sinigurado naman niya na mahina lang iyon dahil ayaw niyang masaktan ang lalaking itinuring na niyang mundo.
“That’s a revelation. All I thought was my puday.” Inikot niya ang kaniyang mga mata.
“P-Puday? What is that, Darling?”
“Look at my kissable lips,” utos niya.
“Then?” Napakunot na ang noo ni Andrei.
“Again, look at my kissable lips and rotate it vertically.”
Napatitig si Andrei sa kaniyang labi. Sa kaniyang tingin, ginawa na nito ang sinabi niya na iikot paitaas ang labi. Para mas makuha nito nang mabilis ang kaniyang pinahula, inilabas niya ang kunting parte ng kaniyang dila. Nang sa tingin niya ay nakuha na nito ang itsura, hindi na nito mapigilan na pamumula ng mukha.
“A-Ano? Don’t you like it?” pang-aasar niya sa kasintahan.
Napailing-iling si Andrei habang hindi mapigilan na mapangiti. Habang tinitignan ni Ravia ang kasintahan, napatawa na lang siya. Sa tuwa niya, niyakap na niya ito nang mahigpit.
“Darling, I’m so sorry. Please forgive me,” anito.
“Oo na. You are forgiven. Magpasalamat ka! Kung hindi ka lang sayang? Hihiwalayan na kita.”
Inabot ni Andrei ang stuffed toy at bulaklak sa kaniya. “There is an us enternally, okay? Because you are d*mn mine and I am d*mn yours.”
“Too early para ma-horny ako.”
Kinurot ni Andrei ang kaniyang ilong. “Pumasok ka na sa classroom ninyo. Paalala, kahit balak mong maging sikat na model in the near future, don’t forget to study well, okay?”
Nakangiting tumango siya rito. “Yes, mahal ko, Drei, Darling, o kahit ano pa ang tawag ko sa iyo. Okay, papasok na ako muli sa room. At ikaw rin. Maglakad nang matuwid at ’wag ng tumingin sa iba.”
“I will. I love you. Goodbye, Darling. Galingan mo lagi sa school,” nakangiting sabi nito.
Bago umalis si Andrei ay hinalikan siya muna nito sa ilong. Hindi naman niya mapigilan na kiligin lalo pa at mahal na mahal niya ito. Sa totoo lang, kahit matagal na silang magkasintahan ay hindi pa rin nawawala ang kilig na nararamdaman niya rito.
Bumalik na siya sa loob ng silid-aralan nila na bitbit ang yabang sa mukha. Hindi lang niya mapigilan na magmamalaki sa kaniyang mga kaibigan. Nang nagtama ang mga mata niya at ng mga mata ng isa sa kaniyang mga kaibigan, itinaas niya ang kaniyang kaliwang kilay. Pagkaupo niya sa kaniyang upuan, bumuntonghininga siya.
“Ang hirap talaga maging maganda,” sabi ni Ravia.
“Okay na kayo ni Andrei?” tanong ni Angel.
“Sana lahat,” sabi ni Trina.
“Yes, Andrei and I are okay na. Itataas ko pa sana ang pride ko. But bumitaw rin agad noong niyakap na niya ako mula sa likod. Damn! Marupok na kung marupok pero hindi ko talaga matitiis si Andrei,” litanya ni Ravia.
“So nasa mood ka na ngayon?” tanong ni Trina.
Niyakap ni Ravia ang stuffed toy na bigay ni Andrei. “Of course. Should I treat you two?”
“Mukhang gusto ko iyan,” nakangiti na sabi ni Angel.
“That’s mg girl,” sabi ni Trina.
“Small thing, girls,” aniya.
Tumayo muna si Ravia at nilagay muna ang stuffed toy at bulaklak sa likurang parte ng silid aralan nila. Mayroong maliit na cabinet kasi roon na pwedeng paglagyan ng mga bigay sa kaniya ni Andrei. Nang nailagay na niya ang sadya, nilingon na niya ang kaniyang mga kaklase.
“Everyone, listen to me,” panimula niya. “Don’t you ever dare to touch my stuffs. Am I understood?”
Nang tumango ang lahat, iginiya na niya ang tingin sa buong paligid habang nakataas ang kilay. Ninanais lang niya na masindak ito sa kaniya para walang sinuman ang magtangka sa kaniyang mga gamit. Para sa kaniya, ang kaniya ay kaniya.
•••
HAPON NA AT papapunta na si Ravia sa department ng kaniyang kasintahan at matalik na kaibigan. Maraming mga mata ang nakatingin sa kaniya at wala na siyang pakialam doon. Dahil ang pangarap niya ay maging modelo, rumampa siya na parang kasali sa isang beauty pageant. Gusto lang niya na lalong mainis sa kaniya ang mga bashers na nabuo sa loob ng campus.
Napangiti siya nang makitang halos lahat ng nakatingin sa kaniya ay napanganga. Kahit paano, gumaan na ang kaniyang pakiramdam. Iyon lang din naman ang hinahangad niya—ang masira ang araw ng mga ito.
Noong nasa unang baitang siya sa kolehiyo, sinubukan na niyang magpakabait para sana sa kaniyang mga magulang. Pero unang araw pa lang ay nakahanap na siya ng away dahil sa Tan twins. Mabuti na lang talaga ay marunong siyang makipag-away. Sa tingin niya, malaking tulong ang mga kapatid niyang lalaki na halos araw-araw magbugbugan noon sa loon ng mansion nila. Bilang live viewer, na-adapt niya ang mga ugali ng mga ito. Pero kahit ganoon ang mga kapatid niya ay mga mababait din ito. Itinuturing siya nito na prinsesa. Pero hindi siya sigurado kung magtagagal iyon hanggang dulo. Sa tingin niya, may hangganan din ang pasensiya ng mga ito sa kaniya. Pakiramdam niya, naiinis na rin ang mga ito sa kaniyang hindi maiintindihan na ugali.
Pinindot na niya ang elevator at hinintay na lang na bumukas iyon. Hindi nagtagal, tuluyan ng bumukas iyon. Napangiwi naman ang mukha niya nang makitang ang gulo ng mukha ng cheerleader ng campus habang inaayos ang saya nito. Nang nagtama ang mga mata nila, agad itong yumuko.
“Ew!” bungad niya rito.
Natapos niyang sabihin iyon ay pumasok na siya sa elevator kung saan nandoon din ang kaibigang si Adale. May kamalayan siya na kakatapos lang nitong magpalabas ng sama ng libog.
Nang napansin niya ang nakaumbok sa slacks ng kaibigan ay hinampas niya ito ng bag. Napasigaw si Adale sa ginawa niya at napatalikod habang inaayos ang posisyon ng p*********i nito. Sa inis niya, muli niya itong hinampas.
“Kadiri ka talaga! Kung hindi lang kita kaibigan? Ako na talaga ang magsusumbong kina Mami Phia at Papi Marco!” sigaw niya rito.
Nilingon na siya nito. “Nang-iinit lang ako, okay? Nakita mo naman iyon, ’di ba? She is d*mn gorgeous and as hot as fire.”
“As hot as fire? Pwede. . . baka sa katitira mo ay masusunog na iyong oyster ng babaeng iyon!”
Tumawa ito na parang wala lang nangyari. “Hayop ka, Viang!”
“Mas hayop ka! Blessing in disguise na rin talaga na opposite kayo ni Andrei. Baka kung nagkataon na kaugali mo siya? Baka araw-araw akong matamlay.”
Inakbayan siya nito. “Matamlay? Nakaka-boost kaya iyon ng energy. Viang, ang sarap niyon. Makakalimutan mo ang pangalan mo.”
Siniko niya ito. “Ano ba! ’Wag mo akong tuksuhin at baka maging member ako ng mga babaeng yes to premarital sex.”
Napahalakhak ito. “Be a member. First step, bumukaka.”
“Gosh! Stop it. Nakikiliti ang puday ko. Baka kapag makita ko ang kambal mo ay biglang maghuhubad ako.”
“Paano kung isusumbong kita kay Drei na nag-iisip ka ng kadumihan sa kanya?”
“Hey! I cannot. Lagot ako roon. Kakabati nga lang namin kanina,” aniya.
“Nag-away kayo?”
“Oo. Pero siya ang may kasalanan at hindi ako. Nagtatampo ako sa kanya. Ang then he chased me. . . tapos bumigay na agad ako dahil sa halik niya sa leeg.”
Napatawa ito. “Ang marupok mo rin talaga, ’no?”
“Nagmamahal lang. Palibhasa ay hindi mo pa iyon naramdaman. Ang malas ng babaeng destined sa iyo, ’no?”
“Why?” tanong nito.
Bumukas na ang elavator at lumabas na sila. Nilingon ni Ravia ang kaibigan para sagutin ang tanong nito.
“Kasi ang dumi mo na,” pranka na sabi niya.
“Grabe ka sa madumi. Iilan pa lang naman.”
“Duh! Baka purple na iyang d*ckhead mo sa katitira mo.”
Napahalakhak ito. “Hindi, ah. Grabe ka talaga sa akin.”
“Pero bakit ka ba nandoon sa elevator? Aalis ka na?”
“Nope. Tinira ko lang iyon. Grabe makatitig sa akin, e. Dahil giver ako sa magaganda, pinagbibigyan ko na.”
“Capital E and W. Ew!”
“Masasabi mo pa iyan dahil virgin ka pa. Pero kapag isuko mo na ang sarili mo sa kambal ko, alam ko na ikaw na ang maghahanap niyon.”
“I guess so,” nakangiti na sabi niya.
Pagdating nila sa silid-aralan kung saan nandoon pa si Andrei ay napangiti siya nang makitang abala ito sa pagtitipa sa laptop nito. Lumapit siya rito at tinabihan ito. Paglingon ni Andrei sa kaniya, hinalikan siya agad nito sa pisngi
“Busy, ha?” tanong niya.
“Tinatapos ko lang ang report ko for tomorrow,” sagot nito.
“Sa bahay ninyo na lang iyan gawin,” sabi niya.
“Nope. It’s our quality time. Ayaw kong may ibang iniisip when I am with you. Just you know, I love you.”
Hindi niya mapigilang mapangiti nang marinig ang sagot ng kasintahan. Masasabi lang niya na ang sarap maging maganda at minamahal. Sa kabila ng kaniyang ugali, may isang taong iba ang pagmamahal na ipinaras sa kaniya. Wala na siyang ibang mahihiling pa. Si Andrei lang.
“I’m horny,” bulong niya.
Nilingon siya nito at inirapan. “Naughty.”
“I love you. Sige na, tapusin mo na iyan at makipagkwentuhan na lang muna ako sa kambal mong tirador ng magaganda.”
Hindi niya hinintay na sumagot ito at tumungo na lang siya sa kung saan nakaupo ang kaniyang kaibigan. Pagkaupo niya, kinuha niya ang isang air pad nito sa tenga at inilagay niya iyon sa kaniyang kanang tenga. Napangiti siya nang marinig ang kanta. Masaya lang siya na isa iyon sa kaniyang mga paborito. Sinabayan niya ito nang madala siya sa emosiyon. Hindi nagtagal, napahinto siya nang mapansin na pinagtinginan na siya ng lahat ng mga kaklase ng kambal.
“Pwede bang tumahimik ka? Sumayaw ka na lang parang awa mo na,” sabi ni Adale.
Sa inis niya ay siniko niya ito. “No. For me, I have a good voice.”
“Pinagtitinginan ka nila,” asik nito.
“Then? Ang ganda ko para mailang sa kanila,” mayabang na sagot niya. Nilingon niya ito. “Titigan mo ako at ang lakas ng ebidensiya.”
Tinitigan siya nito. “Nakakasawa nga lang.”
Napahawak siya sa mukha niya “’Wag mo akong tinatakot. What if totoo? What if magsasawa sa akin ang boyfriend ko? Saan ako pupulutin?”
Napatawa ito sabay hawak sa kaniyang mukha m. “Biro lang. Next to my mom, ikaw na ang pinakamaganda sa paningin ko.”
Napangiti siya. “Best friend nga talaga kita. Baka si Adale ko iyan.”
“Adale mo ako?” nakangiting tanong nito sa kaniya.
“Adole. Adole. Adole. Happy?” aniya.
Napahalakhak silang dalawa. Napatigil naman sa pagtawa si Ravia nang nilingon siya ng kasintahan. Nang nagtama ang mga mata nila, ngitian siya nito. Ang sagot niya sa ngiti nito ay pagkagat ng kaniyang ibabang parte ng labi. Wala itong nagawa sa kakulitan niya kung hindi ang umiling habang tumatawa.
“Ang sarap ng kambal mo, Dale. Nanggigigil ako,” sabi niya.
“You are horny. Aren’t you?”
“Sobra. Pigilan mo ak—ouch!”
Hinampas niya ito nang binatukan siya. Imbes na mainis siya rito ay napatawa na lang siya nang tumawa ito. Inabot niya ang pisngi nito at kinurot. Nanggigil lang din siya rito.
“Wala kang practice sa football ninyo?” tanong niya.
“Tinatamad ako.”
“Wow! Tinatamad? Pero kung kumaldag?”
Hinawakan nito buong mukha niya at marahan na piniga. “Wala ka ng pakialam diyan.”
“Salamat sa Diyos na hindi talaga ikaw ang nagustuhan ko. Baka kung ikaw. . . housewife na ako.”
“Salamat na lang din dahil hindi kita type. Dahil kung naging type kita at naging tayo? Hindi lang future ang masisira sa iyo. Pati na rin siguro iyong.” Tumawa ito.
Napatawa siya. “Mukhang ganoon na nga ang mangyayari. At least God has a better plan for us.”
“What is that?”
“Ang maging matalik na kaibigan. Mas best friend pa nga kita kay Andrei, e,” natatawa na sabi niya.
“W-What?” bungad ni Andrei.
Napalingon siya rito at napangiti. “Sa wakas at natapos ka na rin. Pero totoo naman ang sinabi ko, e.”
“I knew it. Halika na, Darling. Dale, tara na,” sabi ni Andrei.
Pagtayo ni Ravia, agad kinuha ni Andrei ang bag niya. Pagkatapos, inilagay nito ang kamay nito sa kaniyang bewang. Inabot naman nito ang susi sa kambal nito kaya napangiti na siya. Sa tingin niya, gusto nito na ang kambal nito ang magmamaneho para tabi sila sa likuran.
“Tinatamad ako, Drei,” reklamo ni Adale.
Nilingon niya ang kaibigan. “Hey! Ikaw ang magmaneho!”
“Oo na,” walang nagawa na sagot nito.
Napangiti si Andrei. “Ang galing talaga ng girlfriend ko.”
“Just for you, Drei. I will do everything,” aniya.
Nang nasa sasakyan na sila, hindi niya mapigilan na mapangiti sa posisyon nila. Nasa sa driver seat ang kaniyang matalik na kaibigan dahil ito ang magmamaneho habang silang magkasintahan ay nasa likuran. Nakahiga siya sa binti ni Andrei habang nakatitig sa guwapong mukha nito.
“Drei, kung pwede lang isali ang mukha mo sa seven wonders. Ilalaban kita. Napakaganda mong tanawin,” aniya.
“Thanks, Darling. But I guess, I’m not that handsome. Mas namamangha pa ako sa itsura ni Dale kumpara sa akin.”
“Yes, gwapo ang best friend ko. Pero madumi siya tingnan—haggard,” aniya.
“Baka gusto mong ibunggo ko itong sinasakyan natin?” pagbabanta ni Adale.
Napatawa si Andrei. “Nakatutuwa talaga kayong dalawa. Kaya mahal na mahal ko kayo, e. Thank you, gals, for inspiring me.”
Nang umusog siya nang paatras, nanlaki ang mga mata niya nang may mahigaan siya. Hindi niya inaasahan iyon. Masasabi niya na nakaiilang pala. Pagtingin niya sa mukha ng kasintahan, napanganga ito at halatang hindi makapaniwala. Hindi nagtagal, napanganga siya nang maramdamang may matigas na bagay na dumikit sa ulo niya.
“Ang laki,” aniya sa isipan.
Hinawakan na ng kasintahan niya ang kaniyang ulo at marahan na inalis nito iyon. Inilipat nito pabalik sa binti nito. Pagtingin niya sa mukha nito, namumula na ito. Napangiti naman siya sa naging reaksiyon nito.
“Awkward,” panunukso niya.
“Huwag ka kasing magaslaw,” sagot nito. Hindi siya nito magawang tingnan.
“Ang big. I like it,” pagpuri niya.
Nilingon na siya nito. “Hey!”
Habang tinutukso niya ito ay walang tigil na siya sa katatawa. Masaya lang siya na nawala na ang ilang na nararamdaman niya. Pero mas masaya siya nang makumpirma na malaki ang alaga ng kaniyang kasintahan. Hindi niya tuloy maitanggi sa kaniyang sarili na nanabik na siyang ikasal dito para magawa na nila ang bagay na matagal na nilang pinipigilan.
•••
PAGDATING NILA RAVIA sa tapat ng mansion nila ay huminto na ang sasakyan. Mas una kasi ang mansion nila sa mansion ng mga Tan. Pagbaba niya, naramdaman niyang sumunod ang kaniyang kasintahan. Para mayroong excitement ang kaniyang pagbaba, huminto siya para mauntog ang ulo nito sa kaniyang puw*t. Hindi nagtagal, nauntog na ito kaya natawa siya.
“Darling!” singhal ni Andrei.
Nagpatuloy na siya sa paghakbang hanggang sa makababa. Habang hinhintay na makababa si Andrei, walang tigil pa rin siya sa katatawa. Hindi lang niya makalimutan ang kaniyang ginawa.
Nang tuluyan ng makababa ito, niyakap niya ito. At dahil nakabukas pa ang pinto ng sasakyan, nagpasalamat na siya sa kaibigan na nagmaneho. Pagkatapos, sabay na silang dalawa ni Andrei na pumasok sa mansion nila.
Nang nasa loob na sila, napangiti siya nang makita ang kaniyang ina. Binabati pa lang niya ito pero ang kasintahan niya ay nakipagbeso na rito. Sa kilos na ganoon ng kaniyang kasintahan, hindi niya maipagkakaila na nanghihina siya. Para sa kaniya, ang sarap lang nitong patungan sa sobrang galang nito.
“Mommy Angel Margarette,” sambit niya.
Napalingon ang ina niya sa kaniya sabay taas ng kilay. “Kumpleto talaga?”
Napangiti siya. “Sayang ang ganda ng name mo kung hindi ko bibigkasin.”
“You have a point. Anyway, mag-miryenda na kayo,” anito.
“We will. But mukhang napaaga ka, Mom? Walang pinag-aabalahan?” tanong niya.
Napatango ito. “Yes.”
“That’s good. Drei, dito ka lang muna at magbibihis na muna ako sa itaas. Pero kung gusto mo makita ang katawan ko? You can c*m with me.”
“Itigil mo nga iyang panunukso mo kay Andrei, Via!” suway ng ina niya.
“Mom, but you have said ay gusto mo na ng apo from us,” natatawa na sabi niya.
Napairap ang kaniyang ina. “Kapag nakapagtapos ka na at naikasal na kayong dalawa.”
“Gosh! Ang tagal pa, Mom. I’m so horny!”
Napailing ang kaniyang ina habang walang tigil sa katatawa. Kahit paano, alam na nito ang mga kalokohan niya kaya nasanay na rin ito. Hindi na bago rito na madalas na balahura siya kung magsalita.
“Magbihis ka na nga roon!” sigaw ng kaniyang ina.
“Sure, Mom.” Nilingon niya ang kasintahan. “Halika na, Drei. Spank me.”
Napabuntonghininga na lang ang kaniyang kasintahan kaya napatakbo na siya papunta sa kaniyang kuwarto. Ayaw lang niya na mainis na ito sa kaniya. Para sa kaniya, napasobra na siya sa panunukso rito at malamang kanina pa sumakit ang puson nito dahil sa pagpipigil.
Nang dumating siya kaniyang kuwarto, agad siyang naghanap ng susuotin. Pagbukas niya sa closet, napangiti siya nang makita ang jersey shirt na ibinigay sa kaniya ng kaibigang si Adale. Kinuha niya iyon at isinuot. Para sa kaniya, walang problema iyon dahil hindi naman nagseselos ang kaniyang kasintahan sa kambal nito. Kahit ang mga magulang nilang dalawa ay walang pag-aalala sa kanila dahil alam ng mga ito na malala ang pagkakaibigan nila ni Adale simula noong bata pa lang sila.
Sa pang-ibaba, sleeping pants lang ang kaniyang isinuot. Sa kinis ng kaniyang binti, ayaw niyang matigasan ang kasintahan sa katitig sa kaniya. Mabuti sana kung may mangyari sa kanila pero wala. Sasakit lang muli ang puson nito. Hindi nagtagal, napatawa na siya. Para sa kaniya, ang yabang niya para isipin iyon.
“Lalabas na nga!” sabi niya sa kaniyang sarili.
Paglabas niya ng kuwarto, nagmamadali na siyang bumaba mula sa hagdan. Pero agad din siyang napatigil nang makitang papasok ng mansion ang kaniyang. . .
Tumalikod na siya para bumalik na sana sa kaniyang kuwarto pero huli na ang lahat nang marinig niya ang pagtikhim nito. Nagsitayuan na ang kaniyang mga balahibo. Sa kaniyang tingin, may babae na namang mapapagalitan at ang pangalan ay Ravia Elizabeth Matthew.
~~~