KABANATA 6

1345 Words
KABANATA 6 “G-GRANNY, PUNTAHAN KO muna si Dale. Napagalitan na naman daw ni Papi. Alam ninyo naman ang bibig ni Papi pagdating kay Dale,” nag-aalalang sabi ni Ravia. “Bumalik ka agad. Minsan lang ako rito. Tandaan mo iyan,” sabi nito sa kaniya. Napatango siya. “Salamat. Dadalhin ko na lang siya rito later. Dito ka na lang po matulog. Tabi po tayo.” Nang tumango ang matanda, nagmamadali na siyang lumabas. Habang papapunta sa mansion ng kaniyang kasintahan, tinawagan na niya ito. Sinigurado niya sa kaniyang pagdating ay nakaabang na ito sa kaniya. Pagdating niya sa tapat ng mansion ng mga Tan ay nandoon na ang kaniyang kasintahan. Napabuntonghininga siya nang mapansin ang lungkot sa mga mata nito. “Si Dale?” tanong niya. “Nasa kuwarto,” mahinang sagot nito. Tinapik niya ito. “Puntahan na natin.” Nang nasa sala na sila, nadatnan niya ang galit sa mukha ni Marco. Nakaupo lang ito sa sofa habang hinihimas ang likuran ng asawa nito. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa ina ng kaniyang kasintahan. Gusto lang niyang malaman nito na nandoon siya. Nang nagtama ang mga mata nila, sinenyasan siya nito na puntahan ang kaniyang kaibigan sa kuwarto nito. Tinanguan niya ito bilang sagot bago tumakbo papunta sa ikatlong palapag kung nasaan ang kuwarto nito. Pagdating niya sa kuwarto ng kaibigan kung saan ay kuwarto rin ng kaniyang kasintahan ay agad niyang binuksan iyon. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa nadatnan habang hindi mapigilan na mapanganga. Ipipikit na sana niya ang kaniyang mga mata pero nauna ng natakpan iyon ng kaniyang kasintahan. “Dale, magbihis ka na,” sabi ni Andrei. “D-Drei?” sambit niya. “Oh,” sagot nito sa kaniya habang hindi pa nito tinanggal ang kamay sa kaniyang mukha. “G-Ganoon d-din ba kalaki sa iyo? Kung oo. . . break na tayo. Mamamatay ako. Ang lala.” “Mas,” bulong nito sa kaniya. Sa kaniyang saya ay napasigaw siya. Pagkatapos, hinarap na niya ang kaniyang kasintahan at niyakap ito. Natawa ito sa kaniyang naging reaksiyon pero wala na siyang pakialam doon. “Akala ko ba ay hihiwalayan mo ako?” tanong ni Andrei. “Kakayanin. Pero ang sarap din murahin ng kapatid mo, ’no? Hindi ba uso sa kaniya ang tuwalya matapos maligo?” “Alam mo na. He’s emotional right now kaya lutang.” “Lumulutang nga. Nakakatakot nga lang. Kaya pala parang mababaliw si Trina. Anyways, tapos na ba siya?” “Yes. Tara na sa loob.” Nang muli siyang humarap sa kaibigan, nakasandal na ito sa kama habang nagbabasa ng libro. Muli niyang tiningnan ang kasintahan at sinenyasan na siya nito na lapitan na ang kaibigan. Napangiti siya at binilisan ang hakbang patungo sa kama ng kaibigan. Kahit nakita niya ang alaga nito, hindi na niya inisip iyon. Para sa kaniya, kailangan siya nito. Pagkaupo niya sa tabi nito, niyakap niya ang braso nito. Itiniklop naman nito ang libro na hawak kaya umayos siya ng upo. Tinitigan niya ito at sigurado siya na nasasaktan ito. Nginitian niya ito. “Just try to smile.” Sinubukan nitong ngumiti. Habang nakangiti ito ay nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata nito. Hinawakan niya ang mukha nito at marahan na pinahid ang luha sa mga mata nito. “Iiyak mo lang iyan. No one will judge you here.” “Bakit kaya ganoon si Daddy? Iniisip niya lang ang nawalang investment nang dahil sa akin. Paano kung mawala na lang din kaya ako para maging masaya siya?” “Dale,” sambit ni Andrei. Parang may tumusok sa puso ni Ravia nang marinig ang garalgal ng boses ni Andrei. Kahit hindi niya ito nilingon, alam niya na naluluha na ito dahil sa sinabi ng kapatid. “Dale, ’wag kang mag-isip nang ganyan. Mahal ka ng Daddy mo. Galit lang siya sa iyo dahil doon sa nagawa mo na hindi mo naman sinadya,” aniya. Napabuntonghininga si Ravia. Sa simula pa lang ay alam niya kung bakit nagbago ang pakikitungo ng kaniyang Tito Marco sa anak nitong si Adale. Dahil lang ito sa tatlong investment na naging bula na pinaghirapan nito. Nangyari iyon noong naglakad patalikod si Adale at may nabangga itong isang estudyante. Agad humingi si Adale ng pasensiya rito pero nagalit lang ito. Sa pagkakataong iyon, lumapit si Andrei rito at ito na ang humingi ng patawad. Pero imbes na makinig ito sa kaniyang kasintahan, sinuntok lang nito iyon. Nang nakita ni Adale na may dugong lumabas sa bibig nito, uminit ang ulo nito dahilan para mawala ito sa sarili. Sa galit nito, binugbog nito ang mayabang na estudyante hanggang sa mabasag ang mukha nito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay anak pala ito ng investor na nililigawan ng ama nito. Dahil sa balitang iyon, may iilan din na umatras sa kumpanya ng mga Tan. Dalawang taon na nangyari iyon pero hindi na nagbago ang pakikitungo ni Marco sa anak nito. Bilang kaibigan, masakit para kay Ravia iyon. Kahit anong paliwanag niya sa ama nito, sasabihin lang nito na sagot ang pumatay ng tao bilang ganti. Sa totoo lang, critical ang condition ng estudyante na iyon. “Sinaktan ng g*gong iyon si Drei! Sa tingin mo, ano ang dapat na gawin ko?” inis na sabi ni Adale. Napabuntonghininga siya. “Naiintindihan kita, okay? Nandoon ako. Nakita ko kung saan nanggaling ang galit mo.” “Ilang taon na ang lumipas, pero hindi pa rin siya maka-move on! Gumaling naman ang g*gong iyon at nakabangon na rin naman ang kumpanya. Ano pa ba ang gusto niya!? Ang mawala ako!?” “Shhh. Hindi ganyan si Papi. Mahal ka niyon. Darating din ang araw na magiging mabuti na ang lahat. Kaya ikaw. . . ipakita mo na deserve mo ng second chance.” “I tried for how many times. Ipinalo ko nga ang mga laro ng team ko, ’di ba? Malaki rin ang mga grades ko. Pinaghirapan ko iyon pero hindi man lang siya naging proud sa akin. Kaya nga mas gusto ko pang gumawa ng katarantaduhan dahil doon mas napapansin niya ako,” anito. “Bigyan mo pa ng pagkakataon si Papi. Habaan mo pa ang pasensiya mo.” “Pero pagod na ako.” Kinurot niya ang mga pisngi nito. “Kaya mo iyan. Hindi ganyan ang Adale Ezekiel Tan na kilala ko.” Napabuntonghininga si Adale. “Pasensiya ka na, Viang.” “For what?” “Iyong kanina.” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Pinaalala mo pa talaga. Anyways, nasa bahay na sila Kuya. Makipaglaro ka muna sa kanila para gumaan iyang pakiramdam mo.” “Darling, may tagos ka,” sabi ni Andrei. Napatayo siya. “You sure?” Napatakbo siya sa banyo. Pagdating niya roon, inilabas niya ang kaniyang ulo sa pinto. “Drei, hingian mo ako ng napkin kay Mami,” hiling niya rito. “A-Ano? A-Ayaw ko.” “Bilis!” sigaw niya. Napakamot ito sa ulo. “Oo na.” “Salihan mo na rin ng panty at baka may hindi pa nagamit si Mami. Thanks.” “H-Ha?” Namumula na ang mukha nito. “Drei, napipikon na ako,” pagbabanta niya. “Oo na. Aalis na.” Napangiti na siya. “Good.” Pag-alis ng kaniyang kasintahan ay agad siyang naghubad ng suot. Pagkatapos, hinugasan na niya ang kaniyang p********e habang nakaupo sa inidoro. Habang hinuhugasan ang kaniyang pagkakabae gamit ang bidet, napangiti na lang siya sa sobrang kiliti. “What if dila ito ni Drei?” aniya. Napahalakhak na siya sa kaniyang iniisip. Sa tingin niya ay nasisiraan na siya ng ulo. Hindi nagtagal, napasigaw na siya nang mahigpitan ang hawak. Ang lakas lang ng hampas ng tubig sa kaniyang p********e. Para bang may tinik na pumasok doon. “Gosh! Pero more...” Sa kaniyang palagay ay hindi niya muna ihinto iyon hanggang sa hindi pa dumating ang kasintahan. Nandidiri rin kasi siya sa dugong dahan-dahan na nagsipatakan. Pakiramdam niya ay magiging dahilan lang iyon para mangamoy ang kaniyang p********e. Bilang isang babae, hindi niya hahayaan iyon. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD