KABANATA 13 NANGINGINIG NA ANG mga tuhod ni Adale nang makitang paparating na ang kaniyang pamilya sa kung saan siya nakatayo. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaniyang ama. Nahihiya lang siya rito lalo pa at ilang taon na ang lumipas na nag-usap sila na hindi nag-aaway. Nang papalapit na ang mga ito, napangiti na siya nang marinig ang sigaw ni Ravia. Isinisigaw nito ang kaniyang pangalan. Kahit malungkot siya kanina, hindi niya makakalimutan kung paano nito pinapalakas ang kaniyang loob. Iyon nga lang ay wala rin nangyari dahil lumilipad ang kaniyang isipan. Hindi niya maitatanggi na dahil iyon sa kaniyang ama. Kahit hindi sila magkasundo, umaasa talaga siya na pupunta ito. Hindi ito sumagot sinabihan niya ito kaya nagpakapositibo na lang siya. Napayuko na siya. Nararamdaman