KABANATA 14 “CONGRATS AGAIN, VIA. We are so proud of you,” sabi ni Marga. Nasa sala si Ravia at nilalambing si Agatha. Masaya lang siya na ipinagmamalaki siya nito. Kanina pa siya nito ipinagmamayabang sa business partners nila lalo pa at nakapagtapos siya ng c*m laude. Wala lang siyang kuwenta kausap pero pagdating sa pag-aaral, seryoso siya. Lumaki siya na natunghayan kung gaano kagaling ang kaniyang mga kapatid kaya pinagsikapan niya na maging tulad ng mga ito. Ayaw niya na matawag na blacksheep kaya todo bigay siya sa mga bagay-bagay. “Welcome, Mom,” nakangiti na sabi niya sabay sandal sa balikat ni Agatha. Naglalambing siya rito. Iniwan na muna ni Ravia ang kaniyang mga pinsan lalo pa at nag-iiyakan ang mga ito roon sa labas. Masasabi niya na iba talaga ang nagagawa ng kapangyari