KABANATA 7
“DARLING, I AM here,” sabi ni Andrei.
“Pasok,” sagot ni Ravia mula sa loob ng banyo.
“W-What?” Napatawa na siya nang marinig ang gulat sa boses ng kasintahan.
“Char!” mabilisan na sagot niya rito.
Napahalakhak si Ravia sabay tayo sa inidoro. Pagkatapos, binuksan na niya ang pinto ng banyo habang nakatago ang katawan sa likod ng pinto. Ang kaliwang kamay lang niya ang kaniyang tanging inilabas para tanggapin ang dala ng kaniyang kasintahan. Sigurado siya na kumpleto iyon dahil ganoon siya nito kamahal.
“Thanks, Drei,” aniya nang hawak niya na iyon. Nakalagay ito sa isang paperbag.
Pagsara niya ng pinto, tiningnan niya ang laman ng paperbag. Napangiti naman siya nang makitang kumpleto talaga ang kaniyang mga kailangan. Mula sa boxer shorts, bagong panty, at napkin.
Minuto ang lumipas, nakapagbihis na siya. Pagkatapos, agad na siyang lumabas ng banyo nang may ngiti sa labi. Masaya lang siya sa ginawa ng kaniyang kasintahan. Hindi niya maipagkakaila na handa na talaga itong maging asawa niya.
Nang nakita niyang nakahiga ito sa kama nito, tumabi siya rito at niyakap ito. Isinandal niya rin ang ulo sa dibdib ng kasintahan habang ang kaliwang binti ay nakapatong sa binti rin nito.
“I love you, Drei. Let’s go?” aniya.
Pagtayo nila sa kama, tumungo siya sa kabilang kama kung saan nakahiga si Adale. Hinawakan niya ang mga kamay nito at pinatayo. Wala naman itong nagawa sa kaniyang gusto at napasunod niya lang ito. Para lang din naman sa kabutin nito ang kaniyang ginawa. Ninanais lang niya na gumaan ang pakiramdam nito.
“Viang, halata ba na umiiyak ako?” nag-aalalang tanong ni Adale.
“Nope. But you can’t fake the sadness in your eyes and it is okay,” aniya.
“Dito na lang kaya ako?” sabi ni Adale.
“Ang aga pa para magmukmok. Ang dami mo pang iisipin bago makatulog. Kaya kung ako sa iyo, makipaglaro ka na lang sa mga Kuya ko.”
“Kaya nga, Dale. Tara na,” nakangiting sabi ni Andrei.
Nang nakatayo na si Adale, inakbayan ito ni Andrei. Hindi naman mapigilan ni Ravia ang kaniyang sarili na kiligin sa dalawa. Masaya lang siya na makita na sobrang lambing ng mga ito sa isa’t isa. Ang ipinagdasal na lang niya ay sana hindi na mag-away ang mga ito. Natatakot lang siya na magsusuntukan muli ang mga ito. Kung hindi siya natumba mula sa pag-awat, hindi titigil ang mga ito.
Nang nasa sala na sila, nauna ng lumabas ang kambal. Hindi man lang nagpaalam ang mga ito. Lumapit siya kina Marco at Phia at inalayan ito ng yakap.
“Mi, Pi, sa bahay na muna kami,” sabi niya.
“Salamat sa pagpunta rito, Via. Nasaktan ko na naman ang anak ko,” sabi ni Marco.
“Kaya nga, Pi. Sana dumating ang araw ay mapatawad mo na ang best friend ko.”
“Ewan ko ba. Malakas na rin kasi sumagot kaya nakakainit ng ulo. Wala ng respeto,” anito.
Napabuntonghininga na lang siya. Naguguluhan na siya at hindi alam ang gagawin sa mag-ama. Para sa kaniya, kulang lang talaga ang mga ito ng pagpapakumbaba. Hindi niya alam kung sino ang unang gagawa dapat ng unang hakbang. Ang anak o hindi kaya ang ama? O hindi kaya pareho? Pero naniniwala siya na walang mangyayari kung maghintayan lang ang mga ito.
“Sige na po. Mauna na ako. Pi, Mi, gusto ninyo na ba ng apo?” aniya.
Napatawa si Phia. “Kunwari ka pa. As if hindi ko alam ang pangarap mo.”
“Mi,” natatawa niyang sabi.
“Kahit matagalan pa basta kayo lang ni Drei sa isa’t isa. Masaya na ako,” sabi ni Marco.
“Salamat, Pi. Salamat sa support ninyong dalawa. Kahit ganito ang ugali ko, tanggap ninyo ako para sa matino ninyong anak,” aniya.
“You are a complete package, Via. Beauty, brain, humor, and a good heart. Who are we para hindi ka matanggap sa Andrei namin?”
Napahawak siya sa kaniyang dibdib. “Salamat, Mi. Sige na nga po at aalis na ako. Baka mapagalitan na ako ng dalawa. Ako pa naman ang nag-aya sa kanila sa bahay.”
Paglabas ni Ravia ng mansion ng mga Tan, gumuhit agad sa kaniyang mukha ang saya nang makitang nakasampa si Andrei sa likuran ni Adale. Kinuha niya ang kaniyang cell phone sa bulsa at kinunan ng litrato ang dalawa.
“Dale, harap dito!” sigaw niya.
Nang humarap ang kaibigan, agad niyang kinunan ng litrato ang dalawa. Pagkatapos, napatakbo na siya patungo sa mga ito.
Pagdating niya sa tabi ng dalawa, muli na silang humakbang patungo sa mansion nila. Nang papalapit na sila sa gate, kumuha na naman siya ng litrato. Sa pagkakataong iyon, tatlo na sila.
“Gosh! Day or night my beauty will always shine,” pagmamayabang ni Ravia.
“Na lang,” sagot ni Adale.
Napatawa si Andrei. “Grabe ka, Dale. Pero totoo naman kasi na napakaganda ng girlfriend ko. Natatakot na nga ako na maging model siya at baka maraming aaligid sa kanya.”
“Hindi ko alam kung kikiligin ako, Drei. Pinangunahan mo na ng tawa,” irap na sabi niya rito.
Bumaba si Andrei mula sa pagsampa sa kapatid at pumunta sa kaniyang likuran. Pagkatapos, niyakap siya nito nang mahigpit. Katulad nang inamin niyang kahinaan, hinalikan siya nito sa leeg.
“Naniwala ka na?” bulong nito sa kaniya.
Napangiti siya. “I love you.”
Nang nagsimula na silang maglakad, labis ang kilig na kaniyang nararamdaman nang nakayakap pa rin sa kaniya ang kasintahan mula sa kaniyang likod. Masaya lang siya na may malaking longganisa ang nakadikit doon.
Pagpasok nila ng gate, umayos na ang kaniyang kasintahan. Nahihiya siguro itong makita ng kaniyang pamilya na ganoon ito ka-clingy sa kaniya. Sa kaniyang isipan ay mabuti pa ang lalaki ay nahihiya. Hindi katulad niya na ubod ng kakapalan talaga ang mukha. Mas gusto niyang nilalambing siya kahit saan man sila magpunta. Hindi naman sana siya uhaw ng pagmamahal pero gusto niyang ganoon ito sa kaniya palagi.
Pagdating nila sa sala, nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang pinaypayan ng kaniyang mga kapatid ang kanilang lola. Pagtingin niya sa kaniyang ina, nakikita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Hinanap niya ang kaniyang ama at nagmamadali na itong bumaba mula sa Hagdan nila.
“Marga, tara na! Ryan, alalayan mo si Mommy,” sabi ni Demon.
Hindi makagalaw si Ravia sa kaniyang kinatatayuan habang tinitingnan ang kaniyang lola. Kinakabahan lang siya.
Nang nagtama ang mga mata nila ng kaniyang lola ay napangiti ito. Sa pagkakataong iyon, hindi niya napigilan ang kaniyang sarili kung hindi ang mapahagulgol.
“Lord, kung ano man ang nararamdaman ni Granny ay sana magiging okay siya. Please,” aniya habang walang tigil sa pagtulo ang luha sa kaniyang mga mata.
~~~