KABANATA 1
“RAVIA ELIZABETH, GISING na,” sabi ni Adale. Niyugyog pa nito ang kaibigan para gumising.
Nang naramdaman ni Ravia na may yumuyugyog sa kaniyang katawan ay dahan-dahan na niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Nang nakita niya kung sino iyon, ipinikit niya muli ang kaniyang mga mata. Naiinis lang siya kung bakit ang kaniyang matalik pa na kaibigan ang unang mukha na nakita. Ang kaniyang gusto ay ang kasintahan na kambal nito. Si Andrei.
“Hoy! Mahuhuli na tayo sa klase!” sigaw ni Adale.
Agad bumangon si Ravia sabay hampas ng unan sa kaibigan. “Oo na! Kasalanan ko na ang lahat!”
“Ang baho naman ng hininga,” natatawang sabi nito sa kaniya.
“Maglapag ka ng taong mabango ang hininga pagkagising!? Wala kang makikitang ganoon. At least, nilaplap ng kapatid mo. Sinipsip. Dila na lang ang tinira dahil kinain niya nang buhay ang mga bacteria sa bibig ko.”
“Kadiri ka talagang babae. Mabuti na lang ay natitiis ni Drei ang ugali mo. Ang opposite ninyo pa naman.”
“Tanggap niya ang mga flaws ko,” pagmamayabang niya rito.
“But you’re perfect to me,” seryosong sabi ni Adale.
“Hindi naman valid ang sinasabi mo. What matters the most to me, ang sinasabi ni Andrei sa akin. Pero dahil best friend kita at mahal kita. . . chance for pete’s sake,” sabi niya sabay kindat sa kaibigan.
“Mukhang ang dami mo ng sinasabi. Maligo ka na nga!” sabi ni Adale sabay gulo ng kaniyang buhok.
“Pero nakakainis talaga ang magulang ko, ’no? Ang laki ng tiwala sa iyo. Pinapasok ka lang naman nila sa kuwarto ko. Hindi ba nila alam na malaki ang ano mo?”
Natatawang itinuro ni Adale ang pinto. “Baliw! Pero nakabukas naman ang pinto.”
“Pero bakit kung kami ang nandito ni Andrei, nakasara ang pinto,” sagot niya. Tiningnan niya nang nakaloloko ang kaibigan. “Ano kaya ang ginagawa namin dito kapag ganoon?”
Umiling-iling na lang si Adale. “Kadiri! Maligo ka na.”
“Andrei. . . I’m c*****g! Urgh!” pagbibiro niya. Tumawa siya sabay talon-talon. “Joke! Practice lang sa future.”
Nang tumakbo na si Ravia sa banyo ay napakamot na lang sa ulo si Adale. Mabuti na lang ay sanay na ito sa kaniyang ugali. Lalo na sa kaniyang bibig na balahura.
Si Ravia Elizabeth Elizalde Matthew ay isang napakagandang babae. Nag-iisang babaeng anak sa tatlong magkakapatid. Siya rin ang bunso kaya kung kumilos siya ay parang may dugong maharlika. Hindi naman siya matapobre. Sadiyang ang arte lang kumilos lalo na sa unibersidad nila. Pero sa harapan ng kaniyang mga kaibigan ay jologs siya. Mabuti na lang ay meron siyang mga totoong kaibigan na naiintindihan ang kaniyang ugali at iyon ang Tan twins.
Si Ravia ay may angking kagandan ng mukha. Matangos ang ilong nito at may malalim na mga mata. Maganda rin ang hugis ng kaniyang labi at mukha. Makapal din ang kaniyang kilay at mahaba ang mga pilikmata. Pero ang mas nagpapalitaw ng kaniyang ganda ay ang kaniyang kulay kayumanggi na kutis. May dugong portuguese kasi ang ina niya at ang kaniyang ama ay kalahating amerikano at pilipino. Ang kinalabasan, nakasisilaw na kutis.
Sa unibersidad na kaniyang pinapasukan ay halos lahat ng mga kalalakihan ay nahuhumaling sa kaniya pero wala lang iyon sa kaniya dahil may naglalaman na ng kaniyang puso. Ang kaniyang matalik na kaibigan na naging kasintahan na si Andrei.
Lumabas na muna si Adale at doon na lang balak hihintayin siya. Pagdating nito roon, sadiyang iyon din ang pagdating ni Andrei. May dala pa itong burger at seryosong kumakain.
“Hoy, bigyan mo naman ako,” sabi ni Adale. Para itong bata kung humingi sa kaniyang kambal.
“Ginawan kita,” seryosong sagot ni Andrei.
“Talaga?” tanong ni Adale habang hindi mapigilan ang sarili na mapangiti.
“Oo. Pero iniwan ko sa bahay.”
“Sh*t! Kaasar naman!” sigaw ni Adale sabay alis at bumalik sa bahay nila.
Si Adale Tan ay ang pinakamalapit na kaibigan ni Ravia. Bata pa lang silang dalawa ay nabuo na ang pagkakabigan nila. Mayaman ang pamilya nito at nagmamay-ari ng mga sikat na Mall sa buong Pilipinas. Hindi lang iyon, mayroon din ang pamilya nito ng mga resorts sa Palawan, Boracay, at Isla ng Samal.
Si Adale ay isang pilyong binata. Pero kahit ganoon ang ugali nito, hindi maipagkakaila na mabuti itong kaibigan sa kaniya. Kapag mga mahal na nito ang usapan, ipaglalaban talaga nito ng duguan. Nasaksihan niya iyon. Wala itong ibang hinahangad sa buhay kung hindi ang maprotektahan ang mga mahal nito sa buhay.
Si Adale ay may taglay na kaguwapuhan. Matangkad ito at may pagka-bad boy ang itsura. May hikaw ito sa tenga nito at tattoo na heartbeat sa dibdib. Maganda rin ang pangangatawan nito kaya maraming patay na patay rito sa unbersidad nila. Mahilig din itong makipagsiping sa mga iba’t ibang babae na pasok sa standard nito.
Si Andrei naman ay ang kakambal ni Adale. Sa dalawang binata, ito ang seryoso ngunit marunong makisama. Kahit malayo sa ugali nito sa kanila ni Adale, hindi iyon naging hadlang para hindi nito kayang pakisamahan silang dalawa. Bagaman minsan, hindi nito mapipigilan na mainis sa kaniya kapag sobra na. Katulad na lang ng kaniyang ugali. Kapag nakukulitan na ito sa kaniya, pinagsasabihan talaga siya nito dahilan para mag-away sila. Pero dahil mapagmahal si Andrei, ito ang gumagawa ng hakbang para mapatawad niya ito. Sa ugaling ganoon ng kasintahan, mas nabihag siya.
Hindi nalilito si Ravia sa dalawa kahit magkamukha ang mga ito sapagkat meron siyang palatandaan. Mas maputi ang kaniyang nobyo kumpara kay Adale. Mahilig kasi si Adale sa outdoor sports kaya madalas itong nabibilad sa init ng araw lalo na isa itong athlete sa unibersidad nila. Ito ay isang soccer player.
Nang natapos si Ravia sa pag-aayos ng sarili, agad na siyang lumabas ng kaniyang kuwarto. Napangiti naman siya nang makita ang bulto ng kasintahan. Nakatayo ito habang nakatalikod mula sa kaniya sa itaas ng kuwarto nila. Nang humakbang na siya sa hagdan pababa, napalingon na ang kaniyang kasintahan nang marinig ang yabag ng takong ng sapatos na kaniyang suot.
Tipid na ngumiti si Andrei at tumango nang makita ang kaniyang ganda. Inilabas naman ni Ravia ang kaniyang dila at kunwaring malandi na natatakam na matikman ang kaniyang kasintahan. Napailing-iling lang si Andrei habang nagkasalubong ang mga kilay. Halatang hindi nito gusto ang kaniyang ginagawa.
“Umayos ka nga,” sabi ni Andrei.
“Tikman mo muna ako, mahal ko,” sagot niya rito.
“Kainis ka talaga.”
Pagkababa ni Ravia, agad siyang tumawa at niyakap ang mahal na kasintahan. Natutuwa lang siya na naiinis ito sa kaniya. Isa kasi iyon sa paborito niyang gawin. Ang inisin ito.
“Ang tagal mo sa loob. Anyway, good morning, Darling.”
“Ang gwapo ng boyfriend ko. D*mn! Kailangan ko talaga maging maganda always.”
“You are beautiful. You are enough.”
“Really? Tikman mo raw ako?” pang-aasar niya.
“Kapag ikaw talaga inaya ko. . . lagot ka.”
Bumuwag siya sa pagyakap at umiling-iling. “’Wag please. . . ’wag mong tagalan.”
“Ang kulit mo,” sabi ni Andrei sabay akbay sa kaniya. “Let’s go?”
“Si Adale?” tanong niya nang mapansin na nawala ang kaibigan.
“Nasa bahay. Kumuha ng pagkain.”
“Amoy burger ka, ha? Lumamon ka naman ba? Pwede bang iba naman kainin mo? Baka magsasawa na ako sa lasa ng bibig mo—burger lang naman always.”
“Magsasawa ka pa ba sa lagay na iyon? Halos sipsipin mo na pati ang dila ko.”
“OMG! Ang sarap mo lang kasi. . . kaya next time, balibagin mo na ako sa kama.”
Huminto sa paglalakad si Andrei at inilapit ang bibig sa kasintahan. “Soon. Pakiramdam ko, hindi pa ako marunong. But no need to worry, Darling, inaaral ko na.”
Nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo. Hindi niya inaasahan na sabihin iyon ng mahal na kasintahan. Ang balak niya sana ay inisin lang ito pero iba ang nangyari.
“Just kidding,” sabi ni Andrei.
Napabuntonghininga siya. “Akala ko totoo. Kinabahan ako, Drei!”
“We are still young for that kaya huwag ka ng magbiro nang ganoon sa akin. Lalaki pa rin ako at natutukso. Kaya if you want to keep your virginity until we get married. Stop teasing me.”
“Oo na. Ayaw ko na. Anyways, I love you.”
Natapos niyang masabi iyon ay inalayan siya ng halik nito sa noo. Napangiti naman siya sabay yakap dito. Masaya lang siya na napunta sa lalaking alam niyang hindi siya sasaktan at ibibigay ang pagmamahal na pangarap ng bawat kababaihan.
~~~