KABANATA 2

1574 Words
KABANATA 2 “DALE, PAHINGI NAMAN,” sabi ni Ravia nang makita ang kaibigan na lumalamon ng burger sa kaniyang likuran. Papapunta na silang tatlo sa unibersidad kung saan sila nag-aaral. Si Andrei ang nagmamaneho ng sasakyan at nasa tabi siya nito. Habang si Adale ay nasa likuran nilang magkasintahan. “Pinaghirapan ko itong inuwi sa bahay tapos hihingiin mo lang? Ano ka? Lucky me pansit canton?” sagot ni Adale na may pang-aasar ang tunog ng pananalita. “No need to worry, Darling. I have mine here. Nasa loob ng bag ko. If you are hungry, kainin mo na,” sabi ni Andrei. Nang narinig ni Adale ang sinabi ng kambal ay agad napataas ang kilay nito. Ngumuso pa ito at halatang hindi gusto ang narinig. Nagseselos ito dahil parang mas mahal pa ng kambal ang kasintahan nito kaysa rito na kambal nito. “Hoy! Kambal mo ako! Humingi ako sa iyo kanina, pero pinauwi mo lang ako sa bahay. Kainis ka, Drei!” nakabusangot na sabi ni Adale. Napangiti na lang si Andrei at hindi na sumagot. Lalo na si Ravia na kinuha na na ang burger sa loob ng bag ng kasintahan. Pagkatapos ay nilingon niya ang kaibigan sa likod at dinilaan. “Mas mahal ako ng kambal mo,” pang-aasar niya rito. “Duh! Wala akong pakialam. Panget ka! Flat!” “Dale,” mahinahong suway ni Andrei. Napatingin si Ravia sa kaniyang dibdib. Pagkatapos, tiningnan niya ang nagmamanehong kasintahan nang may katanungan sa mukha. “Hawakan mo nga, Drei. Maliit daw,” sabi ni Ravia. Napahalakhak si Adale sa kanilang likuran habang si Andrei ay hindi mapigilang mamula ang mukha. Halatang minsan ay hindi na nito kaya ang kaniyang bibig. Pero kahit ganoon, abot langit ang pagmamahal nito sa kaniya. Malaki pa rin ang respeto nito kahit minsan ay napapansin niyang natutukso ito sa kaniyang alindog. Ang sigurado siya ay nagpipigil talaga ito. “Grabeng bibig iyan,” sabi ni Andrei. “Sorry na. Kapatid mo kasi... ang feeling! Akala mo talaga... basta!” Natapos iyon masabi ni Ravia ay kinain na lang niya ang burger na kinuha sa bag ng kaniyang mahal. Habang nilalasap ang sarap ng burger, napapikit pa siya na parang ewan. Nang nakita iyon ni Andrei, hinampas nito nang mahina ang kasintahan sa hita. “Umayos ka nga, Via,” muling suway ni Andrei. “Panira ka talaga always, Drei. Pero oo na, titino na. Baka hiwalayan mo pa ako dahil sa kabaliwan ko. Hindi ko pa naman kaya na wala ka sa buhay ko.” “Ang cringe, ha?” natatawang sabi ni Adale. “Shut up! Hindi ka pa kasi nagmahal kaya ganyan ka. Lahat sa iyo, laro. Pati mga babae sa campus hindi mo pinatawad. Sa tingin mo, may magseseryoso sa iyo, ha?” “Meron kaya. Iniyakan pa nga ako,” pagmamayabang ni Adale. “Hindi naman pagmamahal ang habol ng Trina na iyon sa iyo, e! Iyong malaki mong bura—sorry, God.” “Hoy! Grabe ka sa best friend mo!” natatawang sabi ni Adale. “Totoo naman kasi... ang laging bukambibig ng babaeng iyon. Ang sarap ni Adale grabe! Ang galing! Nakakaduling! See? Walang love roon, e. Nasa bura—iyon na iyon.” “Small thing. Gwapo problems,” anito. “Proud ka pa roon? Walang commitment? Gayahin mo kaya si Andrei. Kahit maghubad pa ako sa harapan niya, sigurado akong wala siyang gagawin. Kahit bastos ang bibig ko, hindi siya nag-take advantage sa akin. Kahit minsan gusto ko na—sobra.” Napalingon si Andrei sa kaniya. “Ano?” “Joke lang, Drei. ’Wag ka ng magalit, please? Kiss kita mamaya. Roarrr!” sabi niya sabay tawa. Napailing-iling na lang si Andrei. Si Ravia naman ay isinandal ang kaniyang ulo sa balikat ng kasintahan. Kahit nagmamaneho ito, wala siyang pakialam. Mahal siya ng tao kaya sigurado siyang kahit makulit siya ay pokus pa rin ito sa pagmamaneho. “Drei, may H2O ka?” tanong ni Adale. “Sa tumbler ko. Kunin mo lang sa bag,” sagot ni Andrei. “Thank you. Love-love from Dale.” Napangiti si Ravia sa narinig. “Ang corny mo, best friend.” “Mahal ko naman talaga si Andrei. He’s my life.” Tipid na ngumiti si Andrei. “May hihingiin. Tama ba?” “Oo. Paubos na kasi pera ko. Alam mo na, mapapagalitan ako kapag hihingi pa ako sa parents natin. Kaya I have no choice kundi ang lambingin ka.” “Harap-harapang pag-amin, ha? That’s my twin,” sarkastikong sabi ni Andrei. “Iyon ang sabi mo, e. At isa pa, ang pinakaayaw mo sa lahat ay iyong sinungaling. Kaya ikaw, Viang, umayos ka. Tarantadong babae ka pa naman.” “Grabe ka sa akin, Dale!” sigaw niya habang hindi pa rin bumibitaw sa braso ng kasintahan. “Nagsasabi lang po ng totoo. Pinapaalahanan lang kita.” “Never naman siguro ako nagsinungaling sa kambal mo. Lahat ng sinasabi ko. Walang filters. Hindi ba, Drei?” “Yes, Darling. Kahit ang iba, balahura na. Pero dahil mahal kita. Tanggap ko pa rin iyon.” “Ang cringe niyo nga talaga. Dapat sanay na ako, e. Kainis!” “Inggitero talaga! Magseryoso ka nga sa buhay mo. ’Wag turok nang turok. Hindi ka doctor!” “Nope. That is my happiness. Hindi mo iyan maiaalis sa akin.” “Be it. Tarantadong buhay mo iyan. Mabuti na lang mahal ka ni Mami Phia. Ekis ka pa naman kay Papi Mar—” “Ravia,” sambit ni Andrei. Sinuway na siya nito. “Sorry,” sagot niya. Umayos siya ng upo sabay lingon sa likuran. Nakita niya ang paglungkot sa itsura ni Adale. Ang kaniyang ginawa para makahingi ng kapatawaran ay lumipat siya sa likuran. Tinabihan niya ito at hinawakan ang mukha. Pinatingin niya ito sa kaniya ngunit hindi siya kayang tingnan nito. “Sorry. I’m so insensitive,” taos pusong paghingi niya ng paumanhin. “Totoo naman ang sinabi mo. Ekis nga ako,” nalulungkot na sagot ni Adale. “Pero, Dale, best friend, biro lang iyon. ’Wag ka ng magtampo sa akin. Sayang kaguwapuhan mo, oh.” Ngumuso ang binata. “Sinabi mo lang iyan kasi iisang mukha lang kami ni Andrei.” Tipid na ngumiti si Ravia. “Totoo naman talaga. Papatulan ko ba ang kambal mo kung hindi siya pang-squirting? Pang-orgasm?” Napatawa si Adale sa kaniyang sinabi at hindi na napanindigan ang pagtatampo. Nakaramdam naman siya ng kaginhawaan nang tumawa na ito. Akala niya ay tuluyan ng magtatapo ang kaibigan niya sa kaniya. Hindi pa naman siya sanay na maiinis ito sa kaniya. Buong buhay niya, nasa tabi niya ang kaibigan na palaging kalasag niya sa lahat ng bagay. Simula bata pa lang sila, walang sinuman ang nagtangkang umaway sa kaniya dahil dito. Malapit siya sa away noon. Marami kasing naiinis sa kaniyang bibig at kilos. Para sa iba, nag-iinarte lang siya ngunit ang hindi nila alam ay natural lang ang lahat ng iyon. “Oo na. Naniniwala na ako. Pero baliw ka talaga! Pasalamat ka dahil best friend kita. ’Wag mo ng ulitin iyon, ha? Alam mo naman kung gaano ako ka sensitive pagdating sa daddy ko.” “Alam ko iyon. Aminado akong minsan wala talagang kwenta ang mouth ko. Sorry, best friend. I did not mean it talaga.” Inakbayan siya nito. “Okay na ako. Basta ’wag mo ng ulitin iyon, ha? Masasaktan ako.” “Pero hindi pa rin kayo okay ni Papi?” “Never naman kami naging okay. Hindi na rin magbabago ang pagtingin niya sa akin. I’m always a failure and curse to him.” “Hayaan mo na si Papi. Nandiyan naman si Mami na malaki ang tiwala sa iyo. Ewan ko ba roon, bakit pinipilit ka niyang maging si Andrei. Magkaiba naman talaga kayong dalawa. Meron ka rin namang nagagawa na hindi kaya ng lalaking pipiga sa akin soon.” “Via,” suway ni Andrei. “Sorry. Excited lang. Roarrr!” “Napakalaswa mo namang babae, Viang!” sabi ni Adale. “Hiyang-hiya naman ako sa ginamitan mo ng kutsara ang pempem ni Trina. Yucks!” Napatawa si Adale nang naalala ang pangyayaring iyon. Totoong ginamitan nito ng kutsara ang dalaga para makuha lahat ng katas nito. Pagkatapos, kinain nito iyon nang walang pagdadalawang-isip. “Kadiri ka, Dale. Feeling ko, inalala mo iyon,” sabi ni Ravia. “Pero hindi na iyon mauulit. Nagsasawa na ako sa best friend mo.” “Ang sama mo! Mabaog ka san—’wag na lang pala. Baka mas magalit pa si Papi sa iyo.” “Tama. Baka ang maging anak ko pa ang dahilan para bumait siya sa akin. Pero sana kung makabuntis ako, sa babaeng kaya kong mahalin o hindi kaya mahal ko talaga.” “Dapat sa mahal ninyo ang isa’t isa. Ganoon dapat. Ang hirap magmahal ng hindi balanse. Tingnan mo kami ni Andrei, mahal namin ang isa’t isa. Dilaan na lang nga lang ang kulang. Pak! Ungol!” “Ravia Elizabeth Elizalde Matthew, isa na lang. . . pababain na kita. Hindi ako nagbibiro,” pagbabanta ni Andrei. Nagpakawala na lang nang malalim na hininga si Ravia. Pagkatapos, umarteng isinara ang kaniyang bibig na parang isang zipper. Nilingon niya ang kaibigan sa tabi at pareho silang namumula habang nagpipigil sa tawa. Hindi nagtagal, sumabog na silang dalawa at humahalakhak na parang mga bata. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD