PROLOGUE
NASA LOOB NG banyo si Ravia nang nakatanggap siya ng mensahe sa hindi pa niya alam kung kanino. Basta’t ang sigurado siya, tumunog lang ang kaniyang cell phone. Hindi niya muna iyon pinansin dahil abala siya sa pag-aahit ng buhok sa gitnang bahagi ng kaniyang katawan. Nakaupo siya sa inidoro at naiiritang ginagawa iyon.
Nang tumunog muli ang kaniyang cell phone, napairap na siya sabay tapon ng pang-ahit. Pagkatapos, nandadabog na siyang tumayo. Walang gana naman niyang kinuha iyon at binasa ang laman ng mensahe.
Nang makita niya kung sino iyon, napangiti siya. Nagmula pala iyon sa ina ng dating kasintang si Andrei.
[Phia: Via, nandito ang bagong girlfriend ng anak ko. Halika, inisin natin.]
[Ravia: Wait, Mami. Magbibihis na muna ako.]
[Phia: K. Via, she's wearing a red dress. Alam mo na ang gagawin.]
[Ravia: Noted, Mami. Hmm? Mas maganda pa ba sa akin?]
[Phia: Sino ba ang makakatalo sa future manugang ko?]
[Ravia: I love you, Mami. Mwah!]
Napangiti na lang si Ravia. Kahit limang buwan na ang lumipas ng paghihiwalay nila ni Andrei, siya pa rin ang gusto ng ina ng binata. Hindi niya rin ito masisisi dahil malapit ang pamilya nila sa isa’t isa.
Binuksan na niya ang paliguan at nagmamadaling maligo. Minuto ang lumipas, natapos na siya. Agad naman siyang lumabas ng banyo at umupo sa harap ng malaking salamin. Pinatuyo niya na rin ang buhok sa pamamagitan ng blower. Nang tumuyo na iyon, nag-ayos na siya sa kaniyang mukha. Sinigurado niya na ang ganda lang niya ang mangingibabaw. Napangiti naman siya sa naging resulta ng kaniyang ginawa. Para sa kaniya, wala ng sinoman ang makatatalo sa kaniyang ganda. Gusto niyang ipamukha sa lahat na isa siya sa highest paid model ng bansa.
“The epitome of beauty,” pagpuri niya sa kaniyang sarili sabay kuha ng pulang lipstick. Naglagay na siya sa kaniyang labi.
Nang natapos siya ay hinubad na niya ang bathrobe at tumungo sa kaniyang drawer. Kinuha niya roon ang isang pulang backless dress. Nang natapos siyang magbihis, bumalik siya sa harap ng salamin. Dahil natural na kulot ang ibabang parte ng kaniyang buhok, pakiramdam niya ay hindi bagay iyon sa suot niyang dress. Ang kaniyang ginawa, itinali niya na lang iyon.
Nang makaramdam na siya ng kasiyahan sa kaniyang ayos, kinuha niya ang 4 inch heels sa shoe rack at isinuot iyon.
“I’m ready,” nakangiting sabi niya. May halong gigil ang titig niya sa kaniyang sarili.
Lumabas na si Ravia ng kaniyang kuwarto, roon sumalubong sa kaniya ang ingay ng mga tao. Nagpakawala siya nang malalim na hininga at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang bumababa siya sa hagdan, nakatingin sa kaniya ang lahat. Hindi mapagkaila na namangha ang mga ito sa taglay niyang ganda.
“What a sh*t day!” bulong niya sa kaniyang sarili.
Nang makababa na siya, sinalubong siya ng kaniyang mga magulang. Niyakap pa siya ng mga ito. Masaya ang mga ito nang masaksihan na lumabas na siya kuwarto. Ang akala ng mga ito ay magmumukmok lang siya buong gabi sa kuwarto.
“Happy birthday, Via. Mabuti lumabas ka na,” sabi ng ina niya.
“Thanks sa effort, Mom. But I need to go.”
“S-Saan ka?” nagtatakang tanong nito sa kaniya.
“Kina Andrei.”
Napabuntonghininga ito. “Again?”
“He's my life, Mom. Anyways, hindi niyo ba inimbitahan si Mami?”
“Nandito sila kanina.”
“Okay. Mauna na ako. Babalik lang ako kapag everything is okay. Again, thank you sa inyo ni Dad. Pakisabi na rin sa mga kapatid ko.”
Naglalakad na si Ravia papunta sa bahay nila ni Andrei. Pagdating niya roon, siya namang pagdating ng kambal nitong si Adale. Pinindot na ni Ravia ang doorbell at hindi na pinansin ang presensiya ng kambal ng dating kasintahan.
Bumaba na sa kotse si Adale at lumapit sa kaniya. Inilagay nito ang jacket nito sa katawan niya.
“Happy birthday, Viang,” sabi ni Adale.
Tinanggal ni Ravia ang jacket at tinapon iyon sa mukha ni Adale. Makikita sa mukha niya ang inis sa binatang nasa kaniyang harapan.
“F*ck you! F*ck you! F*ck you! Kadiri ka!” pagsisigaw niya. Hindi niya kayang pigilan ang kaniyang galit.
“Bakit ka ba galit sa akin? Kung tutuusin ikaw. . . ikaw ang unang naghuba—”
Hindi natuloy ni Adale ang sasabihin nang sinampal niya ito. Awtomatikong nagsipatakan ang luha sa mga mata niya habang tinititigan ang kaibigan. Muli lang nanumbalik ang sakit ng kaniyang naramdaman.
“Lasing ako. Pinagkatiwalaan kita! Bakit paggising ko, h*bad na tayong dalawa!” sigaw niya sa galit. Nanginginig na ang mga tuhod niya habang nakatitig dito.
“Ikaw ang nauna. Ibinigay ko lang ang gusto mo,” giit ni Adale.
“So may nangyari sa inyo?” pagsulpot ng boses ni Andrei mula sa loob ng gate.
Napalingon si Ravia sa gate ng mga Tan habang walang tigil sa pagtulo ang luha ng kaniyang mga mata. Kahit hindi niya nakita ang lalaking mahal, alam niyang nasasaktan ito. Hindi siya manhid, alam niyang pareho pa rin sila ng nararamdaman sa isa’t isa.
Nilingon ni Ravia si Adale at sinampal niya ito. “I hate—.”
Hindi niya natuloy ang sasabihin at napahawak na lang sa kaniyang bibig. Bigla lang siya nakaramdam ng pandidiri. Magsasalita na sana siya pero hindi niya natuloy nang sumuka siya sa harapan ng kaibigan.
“F*ck!” sigaw niya.
~~~