KABANATA 3

1373 Words
KABANATA 3 HABANG NAGLALAKAD SI Ravia sa hallway ng department nila, biglang may bumangga sa kaniya. Napataas ang kilay niya dahil alam niyang may mang-aaway na naman sa kaniya. Wala naman siyang problema roon dahil kaya niya ang sarili niya. Ipinalaki siyang matapang ng kaniyang ama. Bumuntonghininga siya sa sobrang inis. Alam niya ang totoong rason kung bakit maraming nagagalit sa kaniya. Maliban sa maarte siya, nagseselos ang mga ito dahil malapit sa kaniya ang Tan twins (na artista kung ituring sa unibersidad). Nilingon niya ang mga babae sa kaniyang likuran. Katulad niya ay nakataas din ang kilay ng mga ito. Imbes na matakot siya sa mga ito, nginitian lang niya ang mga ito. “Ang linis ko para lapitan ng langaw,” irap na sabi ni Ravia sabay titig isa-isa sa mga babae. “Kami ba ang tinutukoy mo?” sagot ng isang babae. “Sino ba ang mukhang langaw?” mataray na sagot niya sabay sipa sa puson ng babae. Napasigaw ang babae sabay hawak sa puson nito. Nang susugurin sana siya ng dalawa pang babae ay dinuraan niya ang isa kaya napahinto ito para punasan ang mukha. Hindi pa man nakadapo ang kamay ng isa pang babae sa kaniya ay nahawakan niya na iyon. Pagkatapos, sinubukan niyang baliin iyon kaya napaiyak ang babae sa sobrang sakit. Binitawan niya ang kamay ng babae... “Hindi ba dumating ang balita sa inyo na kahit maganda ako? Black belter ’to? Next time. . . ’wag ako! Or else, you all die,” matapang na sabi niya. Nang aalis na sana ang mga babae... “Sandali,” mataray na tugon ni Ravia. Hindi pa siya tapos. Paglingon ng mga babae, lumapit si Ravia sa mga ito. Nang nasa tapat na siya ng mga ito, pinag-untog niya ang ulo ng mga ito. Nang nakaramdam na siya ng satisfaction, napangiti na siya nang malapad. “Ipagdasal ninyong walang gasgas ang bag ko na mas mahal pa sa buhay ninyo. Dahil kung meron? Babalikan ko kayo para sirain ang buhay ninyo. Hello? Hindi lang ako si Ravia na malandi na ipinagkalat ninyo rito. I am Ravia Elizabeth Elizalde Matthew, the only daughter of Demon King and Angel Margarette Matthew. To make my statement strong, I am an heiress of a billionaires.” Natapos masabi iyon ni Ravia ay agad napaluhod ang tatlong babae para humingi ng patawad. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang bumungad sa likuran ng mga babae ang kasintahan niyang si Andrei. Ang kaniyang ginawa ay nagmadali siyang lumapit dito. “Hey! Too early para bumisita ka,” giit ni Ravia. Hinawakan niya ang kamay nito. “Let’s go? Alis na tayo. Ihahatid na kita sa baba.” “Nang-aaway ka naman ba?” tanong ni Andrei. Napabitaw siya sa kasintahan at tiningnan ito. “When is the time na ang itanong mo sa akin ay inaway ka na naman ba? Instead nang-away ka naman ba? Mabuti pa si Dale sa iyo, e! He knows me better!” Natapos niyang masabi iyon ay nagsimula na siyang humakbang pabalik ng silid-aralan nila. Wala namang nagawa si Andrei kung hindi ang bumuntonghininga at sundan ang kasintahan. Hindi pa man nakarating si Ravia sa silid-aralan nila ay nahawakan na ng kasintahan ang kaniyang kamay. Gustuhin man niyang magmamatigas pero hindi niya kaya. May kamalayan naman siya na iba ang lakas ng lalaki kumpara sa kaniya kahit black belter pa siya. Hindi rin naman niya pwedeng karatehin ito sapagkat mahal niya ito kahit nagtatampo siya. Para sa kaniya, nakarami na ito. Palagi lang siya ang sinisisi kung may gulo na sangkot siya. Kung tutuusin, napapa-away lang naman siya dahil sa kasintahan at kaibigan siya nina Andrei at Adale. “Darling, I am sorry,” paghingi ni Andrei ng paumanhin. “Do you really think na ako lagi ang nangunguna? Ganyan ba ako kasama for you? Wala nga akong pakialam sa mga hampaslupa rito. For your information, sila ang may care sa akin because girlfriend mo ako.” “Sorry,” seryosong sabi ni Andrei. “Umalis ko muna. Umiinit ang ulo ko sa iyo.” Bumuntonhininga si Andrei. “Sige, kung iyan ang gusto mo. Hintayin mo ako sa lunch, ha? Pupuntahan kita after—” Hindi na pinatapos ni Ravia ang sasabihin ng kasintahan at nagsimula na siyang humakbang papasok sa silid-aralan nila. Ayaw na niya munang maka-usap ito. Naiinis siya rito. Ang kailangan niya muna ay kapayapaan. Pagpasok ni Ravia sa silid-aralan nila, agad lumapit sa kaniya ang kaibigang si Trina. Hindi niya ito pinansin at inirapan lang. Wala siyang gana para makipag-usap dito dahil nagtatampo siya sa kasintahan. Tumabi naman sa kaniya ang isa pang kaibigan na si Angel. Napataas naman ang kilay niya nang napansin na nakatitig sa kaniya ang mga kaibigan. “Ano ba! You two, leave me alone!” naiiritang sabi ni Ravia. Napangiti si Angel. “Si Andrei na naman ba?” “Panget naman kung si Adale ang pinoproblema ko,” sarkastikong sagot ni Ravia. Napangiti si Trina. “Andrei Ezekiel Tan again.” Napataas ang kilay ni Ravia. “Sino bang hindi maiinis? Pinagbibintangan ba naman ako na ako ang nangunang umaway sa mga babae na iyon!” “May kontrabida na naman?” tanong ni Angel. “Palagi naman, ’di ba? Ang hirap maging maganda,” sabi ni Ravia. “Sabihin mo, ang hirap magkaroon ng Tan Twins sa buhay,” sabi ni Trina. Nilingon ni Ravia si Trina. “Nahirapan ka pa niyan?” “Of course. Dahil nakuha na ako ni Dale, my next goal is to become his girlfriend.” “Asa. Masasaktan ka lang. Saksi si Angel, wala akong pagkukulang sa pagpapa-alala sa iyo. Kung masasaktan ka lang diyan kay Dale, walang kaibigan na dadamay sa iyo. Tanga!” Napatawa si Angel sa sinabi ni Ravia habang si Trina ay napanganga na lang. Wala naman itong reklamo sa sinabi ng kaibigan dahil alam nito na nag-aalala lang ito sa katangahan nito. Pero wala naman itong magagawa para sa nararamdaman kay Adale dahil gusto nito ito lalo pa at ito ang naka-una rito. Umaasa pa rin ito na matutunan itong mahalin nito. “Nagsasawa na raw siya sa iyo. He admitted it to me kanina lang,” sabi ni Ravia sa kaibigan. “Tingnan mo, Via. . . parang wala lang narinig,” natatawang sabi ni Angel. Bumuntonghininga ito. “Ano ba ang meron sa mga Tan na iyan? Wala namang special sa dalawa. Hello? Ang ganda natin para sa kanila.” Magkasabay na nilingon nina Ravia at Trina si Angel. Hindi pa man nakapagsalita si Angel, hinablot ni Ravia ang buhok nito. Nang binitawan na ni Ravia ang buhok ng kaibigan, si Trina naman ang humila niyon. “Aray! Grabe kayo!” reklamo ni Angel. “FYI, Angel Dela Vega! The Tan twins are rare gem. Magkakaganito ba ako ngayon kung hindi special si Andrei?” sabi ni Ravia. “Agreed,” pagsang-ayon ni Trina. Nilingon ni Ravia si Trina. “Kung maka-agreed ka riyan. Akala mo talaga mahal ka ni Dale. Again, hindi ka niya mahal.” Bumuntonghininga si Trina. “Give me another chance, please? Kapag iiyak ako muli dahil kay Dale ay susuko na ako. Promise ko iyan.” “Pang ilang promise mo na iyan,” magkasabay na sabi nina Ravia at Angel. “Kailangan ba talagang unison?” nakasimangot na tanong ni Trina. “Tanga ka kasi,” sabi ni Ravia. “Tama,” pagsang-ayon ni Angel. “Bahala kayo riyan. Basta I love my life,” pagmamatigas ni Trina. Hindi na sumagot si Ravia at napairap na lang. Para sa kaniya, imbes na problemahin pa niya ang kaibigan at magpokus na lang siya sa kaniyang sarili. Iidlip na sana siya para makalimutan sandali ang pagtatampo sa kasintahan pero hindi niya nagawa nang may tumawag sa kaniyang pangalan. Paglingon niya, ang kaklaseng lalaki. “Ano!?” irap na tanong ni Ravia. “Nagsuntukan daw sa field sina Adale at Andrei!” sabi ng isang sa mga kaklase nila. “A-Ano?” Nanlaki ang mga mata ni Ravia. Hindi siya makapaniwala. Ang ginawa niya, napatayo sa kaniyang kinauupuan para puntahan ang mga ito. “F*ck! Ano na naman ba pinag-aawayan ninyo!” inis na sabi ni Ravia sa isipan. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD