KABANATA 15 “WE ARE DEAD,” kinakabahan na sabi ni Andrei. “Tara,” sabi ni Ravia sabay hawak sa kamay ng kasintahan. “W-Where?” nagtatakang tanong ni Andrei. “Sa surveillance room. Burahin natin ang nakuhang video.” Napangiti ito. “Galing. Let’s go.” Pagtayo ng dalawa, nagmamadali na silang pumunta sa ikaapat na palapag ng mansion kung saan matatagpuan ang surveillance room. Habang naglalakad sila, napatigil si Ravia nang hinigpitan ni Andrei ang hawak nito sa kaniyang kamay. Napalingon siya rito nang may katanungan sa kaniyang mukha. “Act normal as if walang nangyari. Alam mo na, baka magduda sila sa atin,” sabi ni Andrei. Napangiti siya. “Ang talino talaga ng magna c*m laude ko.” Inakbayan siya nito. “Nag-iingat lang para makaisa.” Napangiti siya. “Iyon pa rin ang nasa isip mo