KABANATA 16 “PUNTAHAN MUNA NATIN sila Dale?” tanong ni Ravia. “Pagkatapos na lang ng gagawin natin,” mahinang sagot ni Andrei. Napatango siya. “Okay.” Hinawakan ni Andrei ang kamay niya habang papasok sila ng mansion ng Tan. Sa tuwing may makasasalubong sila na kamag-anak ni Andrei, panay bati lang siya sa mga ito bilang respeto. Ayaw niya na may masabi ang mga ito sa kaniya lalo pa at halos perpekto na ang kaniyang kasintahan. Aminado siya na may iba pang babae na mas nararapat pa sa kaniyang kasintahan kaya iniiwasan niya na dumating ang araw na makarinig siya ng ganoon mula sa mga kamag-anak o sariling pamilya nito. Pagdating nila sa mansion, agad niyang niyakap ang ina at ama ni Andrei. Hinalikan pa niya sa pisngi si Pia habang isang mahigpit na yakap kay Marco. Binati niya rin an