Chapter 2: The Section Sorted Out

1718 Words
Oceane Malinis at mabango naman ang cr, amoy fresh flowers ang loob nito. Malinis ang sahig maging ang sink nito. May walong cubicle ang malaking cr na iyon. Luma na ang loob nito ngunit makikita mong maayos na naalagaan ang bawat parte nito. Matapos kung gumamit ng cubicle, doon ko lang naramdaman na ang iisa pala ako. Dahil maliwanag naman ang lugar na iyon dahil ang sikat ng araw ay tumatama at pumapasok sa loob ng cr sa pamamagitan ng bintana, malinawag ang lugar, hindi nakakatakot kahit pa mag is aka. Sinubukan kong buksan ang gripo, mukhang luma na kasi ito, maghuhugas ako ng kamay. Malakas at malinis ang tubig na dumadaloy sa gripo. Mainit init din ito at tamang tama lang ang init at lamig. At katulad ng ibang cr, may sabon ito sa pinakalababo, may salamin sa harapan ng mga sink kung saan walong sink din ang meron ito. May towel sa bawat sink na iba’t ibang kulay. Inamoy ko pa ang towel bago ko gamitin. Amoy mabango naman at bagong laba kaya ginamit ko na para punasan ang aking kamay. Naglalakad na ako pabalik ng room ng mapansin ko ang magandang tanawin mula sa bintana ng hallway. Saglit akong lumapit doon at sumilip. Hindi pamilyar ang lugar na makikita mula sa bintana. Matatanaw ang malawak na parang lawa, at ang nakakamangha ay may iba’t ibang kulay ang tubig doon sa lawa. “Wow! Ang ganda naman..” sabi ko habang nakangiting nakamasid sa lawa mula sa bintana. May ilang estudyanteng naglalakad, marahil papunta sila sa cr. Kaya muli akong naglakad pabalik sa room namin. Habang papalapit at pabalik ako sa aming room, napansin ko ang isang estudyanteng lalaki sa may pintuan nito. Isa lang ang pintuan ng room, ang isang pintuan ay sarado, malamang ay sinadya itong isara. Hindi niya namalayan ang paglapit ko kaya naman nagsalita na ako. “Excuse me.” sabi ko paglapit ko sa lalaki Nagulat siya ng marinig ako at tumingin siya sa akin, saka bahagyang tumagilid para makapasok ako sa loob ng silid. Dumiretso naman ako sa aking upuan sa dulo malapit sa bintana. "Good day First year.." sabi ng isang tinig matapos kong maupo "Good day!" sagot naman ng lahat Hindi ko napansin na magkasunod lang pala kami ni Prof sa pagpasok sa room. Atleast kahit medyo malayo ang cr, hindi ako late sa unang klase namin. Napangiti ako. Samatala napansin kong nakatayo pa rin sa may pintuan ang lalaki. Busy ito sa pag aayos ng kanyang buhok at robe na suot. "How’s you day guys! By the way, I'm Aleara, I will be your Professor for Spells. You can call me Prof Eara." Sabi ni Prof habang nakatayo sa unahan Mahabang robe ang suot ni Prof. Mahaba din ang kanyang buhok na nakaponytail ng mataas habang ang dulo nito ay nakalaylay sa kanyang balikat hanggang besywang. Mukhang malambot at makintab ang buhok ni Prof. Para bang modelo siya ng shampoo sa mga patalastas sa tv. Di siya ganoon katanggad, tama lang para sa height ng babae, nasa 5’5” siguro siya. Flat din lang ang suot niyang sapatos na para bang doll shoes kung tawagin sa mundo ko. Napansin ko na nakatingin sa may pintuan si prof, nakangiti itong nakatingin sa lalaking naglalakad papasok sa loob ng room. “Mr. Alfiro, right?” tanong ni Prof Huminto sa paglalakad ang lalaki at napalingon kay Prof. Napansin ko na lahat ng classmate ko ay nakatingin sa bagong dating, at siya pala ay kaklase namin. “Yes, prof.” sagot naman ng lalaki “You should introduce your name to your classmate. It would be nice if you could start the getting to know each other class today.” sabi ni prof. Tumigil ang lalaki sa isang bakanteng upuan sa likuran niya, pagkatapos ay lumingon lingon muna sa aming lahat bago siya nagsimulang magpakilala. "Good day everyone, I'm Zaiden Alfiro, 15 years old, and I’m a pureblood. Nice to meet you all." Pakilala niya Tumahimik ang lahat nang siya na ang nagsasalita. Parang may dumaang anghel sa sobrang katahimikan. Napalingon ako sa iba namin kaklase, lahat yata ng babae nakatitig sa kanya. 'Grabe makakuha ng attention ng mga girls ang lalaking ito, napanganga ang lahat!' Pagkatapos magpakilala ng lalaking iyon, sunod sunod na ang mga nagpakilala sa klase, ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana habang nanonood ng mga estudyante na mula sa high level, ang mga estudyante ay may hawak na broomstick habang nasa harapan nila ang isang Prof. Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa unahan kung saan naroon si Prof. "It's your turn.." sabi ni Prof Bahagya pa akong nagulat ng marinig ko ang boses ni Prof Eara makalipas ang ilang minuto. Hindi ko namalayan na tapos na pala magpakilala ang lahat maliban sa akin, kaya naman tumayo ako at nagsimulang magpakilala. "Hrmm..I'm Oceane Gyresky, 15 years old." Sabi ko Iyon lang ang sinabi ko at naupo na ako kaagad. Hindi ako sanay na nakitingin lahat sa akin. Naiilang ako. "Tapos na magpakilala ang lahat, tama ba?” wala naman nag react sa sinabi ni Prof. “I’m hoping you guys get along. You’re only fifteen this year for Section Phoenix." Sabi naman ni Prof Eara Umikot si Prof papalapit sa kanyang table, tumayo siya doon habang ang dalawang kamay ay nakatuon sa lamesa at nakaharap siya sa amin. “Dahil first day today, hindi muna tayo mag start ng klase natin. Pwede tayong mga question and answer, maaring magtanong kayo sa akin o sa mga classmate nyo ng mga gusto nyong malaman, but..” sabi ni Prof na naglakad ulit sa unahan ng kanyang table at isinadal doon ang kanyang balakang. “You will answer or ask the question loud where everyone hears it. Dimpwedeng kanya kanya tayo. Is that clear everyone?” “Yes Prof!” sabi naman ng lahat Isang classmate ko ang nagtaas ng kamay. "Yes?" tanong ni Prof "Prof paano po nalalaman kung saang Section ang bawat estudyante?" tanong ng isa kong kaklase Bahagya akong napangiti, mabuti na lang at may nagtanong, gusto ko rin kasi malaman kung paano, kaso nahihiya akong magtanong. "If you guys remember, a few minutes after you answer the questionnaire form given to you, the mark will be notice on your palm. Those mark will tell you which Section you belong to." Paliwanag naman ni Prof Napatingin ako sa palad ko, hugis apoy ang marka. 'Ah kaya pala sinabi ng lalaki kanina na tingnan ang mga marka namin.' “Prof, bakit po kami nagkaroon ng mark?” tanong naman ng isa ko pa kaklaseng babae. "On the form if you notice, there’s a note that says ‘No Wrong Answer.’ Because, everything you answered on the form is correct. Each question has a connection to your future Section and your answer is the basis. And for the results, you are all here at Section Fire." Paliwanag naman ni Prof Eara 'Koneksyon sa magiging Section? Resulta kaya ako narito ngayon?’ Napatingin ulit ako sa palad ko. " The reason why you are all here at Section Fire because you have the abilities that only the Section Fire deserves to have. What are those abilities? You will know.” Dagdag pa ni Prof Eara ‘Abilidad na nararapat sa Section Fire?' After ng mga tanong tungkol sa aming Section, may nagtanong naman tungkol sa subject na ituturo ni Prof. At sa mga classmate namin sa bawat isa, nagtanong din sila. Masaya ang lahat habang ako nakatingin sa labas ng bintana. Ganoon pa man, mukhang okay naman na teacher si Prof Eara, mahinahon at maayos niyang sinasagot ang tanong ng bawat isa sa maiintindihang pagsagot at kahit nakakapikon na paulit ulit at paikot ikot na tanong ng bawat isa, hindi siya nagagalit, imbes ay dadaanin sa biro ngunit sasagutin pa rin ang tanong sa maayos na paraan. Malaks na tumunog ang bell na parang umeeko sa buong building namin. Nagsimulang tumayo ang lahat isa isang lumabas ng room at lumabas na rin ng room si prof. Naisip ko lang na siguro lilipat kami ng room para sa susunod na subject. Bago ako tumayo sa aking kinauupuan, ang buong akala ko wala ng ibang estudyante maliban sa akin, nagkamali ako. Dahil pagtayong pagtayo ko sa aking kinauupuan at bahagyang lumabas sa walkway ng room isang matigas na bagay ang tumama sa likod ko. "Aray!" Nalaglag sa sahig ang bag na dala ko at isang librong hawak hawak ko. Napaupo din ako sa sahig. Nauntog ako sa pader. Nabangga kasi ako. Hindi ko rin napansin na may makakabangga sa akin dahil nagmamadali na rin ako lumabas ng room. Baka maligaw ako kung di ako makakasunod sa mga kaklase ko. "Ouch!" sabi ng boses sa likuran ko Napatingin ako sa likuran ko habang hawak ko ang aking noo. Bahagya pa akong nagulat ng makilala kung sino ang nakabangga sa akin. Nakaupo din siya sa sahig malapit sa akin. Si Zaiden Alfiro pala, ang heartthrob sa klase namin. "Are you hurt?" biglang tanong nito Tumayo siya at nagtangkang tulungan ako tumayo pero hindi ko tinanggap ang kanyang kamay, imbes ay tumayo ako ng akin. Dahil hindi ko tinanggap ang kanyang tulong, dinampot niya ang aking bag at libro sa sahig, inayos ito at iniabot sa akin. Pahablot kong kinuha ang mga iyon sa kanya. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang kanyang mukha. Makinis ito at para bang walang pores. Mamulamula rin ang labi nito, makinis din ang balat at mabango. Pero hindi koi yon pinansin dahil nagsimulang kumirot ang ulo ko. Nasaktan talaga ako sa pagkakauntog ko. “Are you hurt?” tanong muli nito. "Malamang, umaray ako diba?" inis kong sabi Isinakbit ko ang aking bag sa aking balikat. Iniipit ang aking libro sa aking kilikili habang hawak pa rin ng isa kong kamay ang aking noo. ‘Gwapo sana kaso lampa naman, ang sakit ng noo ko, naalog yata ang utak ko.’ Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, napasimangot ako. “Anong nakakatawa?” inis kong tanong sa kanya "Ibang klase pala talaga kayong mga taga lupa..." sabi niya ‘Taga- lupa?!’ tumaas ang isang kilay ko. “Anong sinabi mo?” tanong ko Parang nagulat siya sa naging reaksyon ko. "Huwag kang nakatingala habang naglalakad." pagkasabi noon ay mabilis na itong umalis. Naiwan akong nag-ngingit-ngit sa sobrang pagkainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD