Chapter 3: First Encounter

1695 Words
Zaiden YES, I'm Zaiden Alfiro. I am a pure blood, meaning, both of my parents and our ancestors are witches and wizards. Here in our world, malaki ang respeto ng lahat sayo kapag pureblood ka, lalo na kung mayaman ka. Karamihan kasi sa mga pureblood ay may kaya sa buhay, may mga sariling negosyo o kaya naman may matatag na trabaho sa Ministerium. At karamihan din sa pureblood ay tagasunod ng Dark Sorcerer. At isa na doon ang aking pamilya. First day ko sa school as student. Dito din nag aral ang kuya ko, si Justin. Last year siya nagtapos at ngayon katulong na siya ni Dad sa business namin. And I’m so proud of him, siya ang Best Striker of three consecutive years sa Wizard Tri-Pentsphera noong nag aaral pa siya dito sa Academy. Siya din ang may pinaka mataas na marka sa Wizards Licensing Exam kaya naman maraming mga nag aalok sa kanya ng mataas na posisyon sa trabaho, ganoon pa man, wala siyang plano mag trabaho sa Ministerium kahit pa mataas na posisyon ang inaalok sa kanya ng mga Dark Wizards na nagtatrabaho doon. Tama, may mga Dark Wizards sa Ministerium, at may kanya kanya silang departmet para sa kanilang mga project para sa Wizarding World. Sa Against the Dark Arts may pro’s and anti doon, paano nangyari? Walang umaamin na sila ay mga Dark Wizards, ang iba tinatakot ang mga nasa posisyon para makaupo doon. As you can see, magulo ang Wizarding World, dahil masmaraming kumakampi na lang sa Dark Sorcerer kesa mamatay sila. Pinili ni Kuya na magtrabaho sa negosyo namin kasama si Dad. Earlier Nakasandal ako sa isang pillar malapit sa hallway ng grandhall na siyang tanging hallway papunta apat na building. Masaya akong nagmamasid sa mga bagong estudyante lalo na ang mga first level na papalabas sa loob ng grandhall matapos ang welcoming ceremony.Bakit masayang pagmasdan ang mga newcomer? Bukod kasi sa mga inosente ang mga first level, masayang panoorin ang mga taga lupa. Taga- lupa o earthlings ang tawag sa mga taong walang dugong witch o wizard gaya ng mga taong mula sa kabilang mundo. Ang mundo ng mga normal na tao. Half- Mag naman ang tawag sa mga taong may dugong wizard at dugong normal. Marami na rin kasing mga wizard ang nakapag-aasawa ng normal na tao dahil tumatawid sila sa kabilang mundo. Maraming witches at wizards na ang naninirahan sa mundo ng mga normal, at hindi ko lang sigurado kung marami ng normal na tao ang nakaalam ng tungkol dito. Isang tapik sa balikat ang nagpabalik sa aking presensiya. Napalingon ako sa may ari ng kamay. Napangiti ako ng makilala kung sino, ang kababata ko pala si Tim. Actually, hindi kami magka- edad, matanda siya ng isang taon sa akin, at katulad ko, kabilang ang kanilang pamilya sa mga tagasunod ng Dark Sorcerer. Isa rin silang Dark Wizards. Habang nakatingin ako sa mga estudyante, isang babae ang kumuha ng interes ko at nagpakaba sa akin ng sobra. Katabi siya ng lalaking mula sa kabilang mundo. Mapapansin sa mukha ng dalawa ang pagkamangha sa loob ng Academy. Paikot ikot sila ng tingin sa bawat bagay na naroon. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdaman ako ng ganito. Napahawak ako sa dibdib ko, bumilis kasi ang t***k nito na para bang tumakbo ako ng malayo at ngayon ay pagod na pagod.Nang marinig ko ang kanilang usapan, agad ko kinausap si Tim para tulungan ang dalawang estudyante na pumukaw sa aking interes. Pumayag naman si Tim sa aking pakiusap, nilapitan sila ng kaibigan ko. Bakit hindi ako ang lumapit? Hindi ko alam, marahil dahil sa bago kong pakiramdam, nawalan ako ng lakas ng loob na kausapin ang ababeng iyon. Habang kausap sila ni Tim, nakatitig lang ako sa kanila. Natuon ang aking paningin sa babae, pakiramdam ko para bang ang lahat ay slow motion, bawat galaw niya, kisap ng maganda niyang mata. Grabe, love at first sight ba ito? Para akong nagising sa isang mahimbing na pagtulog ng mabangga ako ng isang estudyante. Wala na sina Tim at ang dalawang newcomer,hindi ko na sila makita, marahil ay umalis na sila tumutunog na rin pala ang bell, kailangan ko nang pumasok sa aming klase. Nagmamadali akong naglalakad sa hallway ng grandhall nang makasalubong ko si Headmistress Alyora. Siya ang Head ng Academy at siya rin ang head ng aming Section, ang Fire Section. Kilala niya ako na anak ni Valkoor Alfiro, marahil ay dahil dito nagtapos si Mama at si Kuya, bukod pa sa malaking donasyon ni Dad sa Academy. Sabi ni Dad, hindi siya pinayagan nang Dark Lord na mag aral sa Academy, maging ang tunay na anak nito. Dahil na rin siguro sa galing at husay na ipinakita ni Kuya noong nag aaral pa siya kaya naman kilang kilala kami ni Headmistress. At syempre katulad ng inaasahan ko, hindi magiging madali ang pagpasok ko dito. Hindi kasi ako kasing husay ni Kuya, kaya siguradong may comparison na mangyayari kung sakaling magkamali ako. Matapos ipakilala ni Headmistress Alyora ang kanyang sarili, nagpaalam na rin ako sa kanya. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin pa ni Headmistress, mabilis na akong umalis papalayo. Medyo malayo layo rin ang unang room namin para sa Basic Spell, mahaba pa ang tatakbuhin ko. Tumigil ako sa pagtakbo sa tapat ng room namin. Medyo maingay sa loob, marahil wala pang prof. Sumilip ako ng bahagya sa loob, nawala ang excitement ko ng mapansin ko na hindi pala kami magka Section ng babaeng nakita ko sa hallway. Naisip ko na lang ‘Baka sa ibang section siya, sayang naman.’ Dahil mukhang maaga pa naman, tumambay muna ako sa labas ng room. Maraming babae sa loob at siguradong magpapapansin na naman sila sa akin oras na makita nila ako katulad na lang kanina, nagmukha akong information personel dahil halos karamihan ng babaeng estudyante ay sa akin nagtatanong kung saan ang kanilang room, anong Section sila at kung ano ano pa. Makalipas ng limang minuto, papasok na sana ako sa loob ng room ng may makipag sabayan sa akin sa pintuan. “Excuse me.” sabi nito Napatingin ako sa nagsalita, natigilan ako ng makilala ko siya. 'Siya nga… ang babaeng taga lupa.. nandito siya.. magka section kami..magkaklase kami.' Bahagya akong tumagilid para makapasok siya sa loob. Sarado kasi ang isang pintuan sa kabilang side. Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng room at naupo sa pinaka dulong upuan malapit sa bintana. ‘Bakit doon siya naupo?’ Nagtataka ako kasi doon siya naupo sa pinakadulo, kung saan dalawa lang sila na nakaupo doon. Naisip ko na lang na baka nag aadjust pa siya sa mga classmate namin. Mukha kasi siyang tahimik at di makwento kaya, naninibago siya sa mga classmate namin na halos maingay. Napangiti ako, inayos ko pa ang aking buhok at inamoy ang aking hininga. Lalapitan ko sana siya ng bigla akong tawagin ni Prof. Napatingin ako sa unahan, nakatayo si Prof sa bandang kaliwa sa unang row. Hindi ko napansin na nag start na pala ang klase, maingay kasi kanina kaya ang buong akala ko, wala pang prof. Wala akong nagawa ng sabihin ni Prof na ako ang magsimula ng aming pagpapakilala. Inilapag ko ang aking gamit sa table sa harapan ko. Tumingin pa ako sa paligid, nakatingin sa aking lahat, maging si Miss Beautiful ay nakatingin din. After ko magpakilala, sunod sunod na ang nag pakilala ng kanilang sarili, nakatingin lang ako kay Miss Beautiful na nakatingin namans a labas ng bintana. Sa kabilang panig ng building kung saan kami naroon, matatanaw ang field kung saan nag aaral ang mga high level ng wastong pag gamit ng broomstick, meaning para makakuha sila ng lisensiya, kailangan nila malaman ang do’s and don’t. Kasama sa curriculum namin ang pagkuha ng lisesniya para makagamit ka ng broomstick, kasama kasi ito sa requirements para makagraduate ka. Paminsan minsan ay sumusulyap siya sa unahan kung nasaan si Prof, pero masmadalas ang pagtingin niya sa bintana. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya hanggang sa tawagin na siya ni Prof para magpakilala. After niyang magpakilala, dahil last siya, nagsimula na rin ang question and answer nila, Ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanilang habang paminsan minsan ay sumusulyap kay Oceane, oo yun ang pangalan niya. Kakaiba pero maganda. Muling tumunog ang bell matapos ang isang oras. Kailangan na namin lumipat ng ibang room para sa susunod na subject. Okay lang kahit hindi ako nakinig kanina, hindi pa naman start ng klase namin. Nagsimulang magkagulo ang lahat para lumipat sa ibang room. Lahat ay lumabas na ng room maliban kay Oceane. Nakatingin naman ako kay Miss Gyresky, hindi pa siya tumatayo sa kanyang kinauupuan. Nang halos makalabas na ang mga classmate namin saka siya nagmamadaling tumayo. Moment ko na ito, kakausapin ko na siya. Pero parang natapakan ko ang rotten pumpkin, nadulas ako habang papalapit sa kanya. Kaya naman.. I hit her and accidentally pushed her behind so her head hit the wall. Natumba kami pareho at ang kanyang bag at libro ay bumagsak sa sahig. Tumingin siya sa akin habang hawak ang kanyang noo. Gusto ko sana siya tulungan kaso mukhang nagalit siya, hindi niya tinanggap ang kamay ko para tulungan siyang tumayo, kaya dinampot ko na lang ang kanyang bag at libro at iniabot iyon sa kanya. Pahablot niya itong kinuha sa akin, na parang sinasabing galit talaga siya sa akin. Hindi ko alam ang aking sasabihin kaya tinanong ko siya kung nasaktan siya kahiht pa obvious naman na nasaktan ko siya. Napagmasdan ko ulit ang mukha niya. Mamulamula ang kanyang pisngi at labi, makinis ang kanyang balat at ang amoy niya feminine scent. Napansin niya na nakatingin ako sa kanya kaya lalo siyang nainis sa akin. Wala akong ibang masabi, kaya kung ano na lang ang lumabas sa akin bibig. At dahil nga napansin ko na kumukunot na ang kanyang noo, mabilis akong lumabas ng room, sa itsura niya kasi pakiramdam ko masasaktan ako ng malupit pag kinulit ko pa siya. Pasimple akong lumingon habang naglalakad, napangiti ako ng makita ko siyang di kalayuan sa aking likuran. Hawak pa rin ang kanyang noo habang palingon lingon sa kapaligiran. ‘Babawi na lang ako later.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD