Chapter 1: The Academy

1258 Words
Oceane Nakanganga kami ng bestfriend ko sa mataas na gate, as in super taas na gate, literal. Kulay dark brown ito at kakaiba ang desenyo nito. Mag ilang minuto na kaming nakatayo ni Jacob sa lugar na iyon, marami na rin estduyante ang naghihintay na magbukas ang tarangkahan. Ilang sandali pa ay dahan dahang bumukas ang mataas na tarangkahan, bumungad sa amin ang napakalawak na hardin, mabangong simoy ng hangin at ang apat na malalaki at matataas na gusali. Sabay sabay na pumasok ang mga estudyante. Mapapansin ang mga bago at dati ng mga estudyante. Sobrang ganda ng school, masmalawak pa ito sa sikat na university sa mundo namin. Matibay ang pundasyon na ginamit sa mga building, na karaniwang makikita ang mga disenyong ito sa mga lumang gusali na sa pagkakaalam ko ay mga lumang kastilyo na sa mga kwentong pambata ko lang naririnig at nababasa. "Oceane, grabe ang astig talaga ng school na ito. Kakaiba." sabi ng bestfriend ko Hindi ako nagsalita, kahit pa narinig ko ang sinabi niya. Hindi ko kasi maalis ang aking paningin sa napakagandang paraiso na nasa harapan ko. Para itong isang panaginip, kaya ayokong kumurap baka mawala bigla. Sa sobrang lawak ng lugar na iyon, parang maliligaw ako. Tumingin tingin ako sa ibang estudyante na naroon, lahat ay masaya at diretsong naglalakad sa iba’t ibang direksyon. Kami ni Jacob ay nakatayo lang isang haligi. Hindi namin alam kung saan pupunta at kung anong gagawin. Krriiing... Isang malakas na tunog ng bell ang umalingawngaw sa paligid, sumunod ay ang announcement.Naririnig namin ‘yon kahit sobrang lawak ng school. Sinubukan ko hanapin ang mga speakers na nakadikit sa mga pader, ngunit wala akong makita. "Welcome back, students! Welcome newcomers! Please go to the grand hall for our welcoming ceremony before the class starts." Matapos marinig ang announcement, lahat ay pumunta sa grandhall. Kami naman ni Jacob ay sumunod sa mga estudyante. Habang naglalakad, palingon lingon ako sa magagadang mga larawan na nakadikit sa wall ng hallway. Ilang sandali pa ay nasa harapan na kami ng sinasabing grand hall. Pumasok kami ni Jacob at lahat ng naroon ay nakatayo. Marami pa lang estudyante ang nag aaral dito. Nasa harapan ang mga faculty member yata ng school na ito. “Good morning, everyone! Welcome back, students and newcomers; welcome to the Academy of Witchcraft and Wizardry!” Isang lalaki ang nakatayo sa harapan. Hindi ko rin ito masyadong makita dahil sa malayo kami ni Jacob, nasa likuran kaming pwesto. “Bago magsimula ang klase, may mga paalala langmang kaming gustong ipaalam sa inyo, lalo na sa inyo mga new students!” Boses babae naman ang nagsalita. “Ang paglabas sa Academy ay ipinagbabawal kanino man, sa lahat ng Section at lahat ng level. Kung walang mahalagang gagawin, manatili sa loob ng Academy para s ainyong seguridad. At kung may kinakailangang gawin sa labas ng Academy, maaring ipaalam o humingi ng consent letter mula inyong Headmistress at Headmasters. “ “Ipinagbabawal din ang paggamit ng anumang bagay mula sa kabilang mundo upang maiwasan ang anumang pandaraya o pagkaaksidente ng sinumang witch at wizard. Ipinagbabawal din ang paglabas ng Building Section kung walang mahalagang gagawin o oras ng klase. Panatilihin din malinis ang buong paligid, iwasan ang pag iingay at pagtakbo sa hallway.” “Naririnig mo ba Jacob?” tanong ko “Oo, bakit hindi mo ba naririnig? Mga do’s and don’t ng Academy ang sinabi nila.” Sabi ni Jacob Maingay kasi ang katabi kong lalaki, hindi ko maintindihan kung bakit maingay ito, magkaharap lang naman sila ng kanyang kausap. “Ang lahat ng gamit ninyo ay makikita sa loob ng inyong kuarto sa inyong dorm.” Tumahimik ang katabi kong lalaki at narinig ko na lang ang sumunod na sinabi. "Again, welcome back, students! Welcome newcomers! The class starts in ten minutes. Find your Section, and line up correctly while entering your respective room. " Nagsimula lumabas ng grandhall ang lahat ng estudyante. Wala na rin ang mga faculty sa harapan. Napatingin ako kay Jacob habang naglalakad kami palabas ng grandhall. "Ano daw? Ano ang announcement, Jacob?" tanong ko "Hanapin na daw natin ang room natin, saan ba makikita ang section natin?" sabi naman ni Jacob "Hi! First Level, right?" tinig mula sa aming likuran Napalingon kami ni Jacob, isang estudyante ang nakangiting nakatingin sa amin. Sa tingin ko masmatanda ito sa aming dalawa. Tumango kami ni Jacob. "Para malaman kung saan Section kayo, tingnan ninyo ang mark sa palad ninyo." Sabi naman nito Nagkatinginan kami ni Jacob sabay tingin sa mga palad namin. Habang tinitingnan namin ang palad namin, itinuro ng lalaki ang hugis hayop at halaman na marka sa palad ni Jacob. "Sa Earth Section ka." sabi ng lalaki kay Jacob "Earth Section?" tanong naman ni Jacob "Oo. Doon ‘yon sa East building." sabi naman ng lalaki "Ako? Pareho ba kami ng section?" tanong ko naman " No, we belong in the same Section." sabi ng lalaki "Ha? Bakit ganoon? Bakit magkaiba kami?" tanong ko Tumingin ito sa relo niya. Hinarap nito si Jacob. " Bro, you better go to your building, class start soon!" Tumingin sa akin si Jacob saka nakangiting ginulo ang buhok ko. "Oh, mukhang magkaiba tayo ng klase ngayon. Be friendly okay? See you later." sabi ni Jacob. Bumaling siya sa lalaking kaharap namin. “Thanks bro, you really helped.” Mabilis na naglakad papalayo si Jacob, hanggang sa may ilang grupo rin ng estudyante ang sumabay sa kanya sa paglalakad. Nakaramdam ako ng lungkot habang pinagmamasdan si Jacob na papalayo, ito ang unang beses na hindi kami magkasama sa iisang klase. Huminga ako ng malalim saka lumingon sa lalaking nakatayo katabi ko. Nakangiti itong tumingin sa akin. "Let’s go.." Sabay kaming naglakad sa hallway. Tahimik lang ako nagmamasid sa paligid. Hindi mawala ang aking pagkamangha sa mga nakikita ko. Para akong naglalakad sa isang napakalaking palasyo na may magagandang mga hardin at halaman. Maririnig ang mga yabag namin sa buong paligid. Marami din mga estudyante na tumatakbo at naglaakad sa hallway na iyon. May hagdan din kaming inakyat. Sobrang ganda ng building na ito. Kung isa itong panaginip, ayoko na yata magising. Huminto sa paglalakad ang lalaki. Napatingin ako sa kanya, ngayon ko lang natitigan ang kanyang mukha. Makinis ang kutis, mabango at matangkad. Mas cute din siya at hamak na mas gwapo kay Ej Vale ang sikat na heartthrob sa mundo namin. Kaya kung mapupunta ito sa mundo namin malamang marami itong magiging taga hanga katulad ng mga sikat na artista at modelo sa tv at magazine. "Dito ang room ng mga first level." ngumiti ito sa akin Nakaramdam ako ng pag iinit sa aking mukha. Parang umaakyat sa ulo ko ang dugo ko. At para hindi niya mahalata, bahagya kong sinilip ang loob ng room, konti pa lang ang estudyante. "S-salamat!" hinarap ko siya habang nanginginig pa ang boses ko “Okay ka na ba? May maitutulong pa ba ako sayo?” tanong ng lalaki Umiling ako. “Ah o-okay na ako. Salamat ng marami!” sabi ko naman "Enjoy your first day." ngumiti pa siya bago tuluyang umalis Inihatid ko siya ng tingin, hanggang mawala siya sa corridor. Pumasok ako at naupo sa dulo kung saan malapit sa bintana. Lumingon lingon ako sa paligid, abala ang lahat sa pagkukwentuhan. Karamihan sa kanila ay magkakakilala na. Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin si Prof kaya naman naisipan ko muna mag cr. Medyo malayo ang cr sa room namin kaya naman sa palagay ko inabot ako ng five minutes bago nakabalik sa room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD