Oceane
HAWAK ko pa rin ang aking noo habang naglalakad. Sobrang sakit kasi ng pagkaka untog ko kanina. Nabasag yata ang bungo ko. Habang sinusundan ko ang aking mga kaklase, huminto ako sa paglalakad ng mapansin ko ang isang kubo kung saan pumasok ang mga classmate ko. Sa tingin ko ay lumang luma na ito at anytime bibigay na ang bubong at dingding nito. Mukha rin itong maliit at masikip. ‘Paano kami magkakasya sa loob?’
Nakatigil lang ako habang nakatingin sa kubong iyon sa aking harapan. Ilang classmate ko ang halos mabunggo na ako para lang makapasok kaagad sa kubong iyon. Isang tapik sa balikat ang naramdaman ko.
“Bakit nandyan ka pa? Tara sa loob, sabay tayo.” anyaya sa akin ng classmate kong babae.
Bahagya akong ngumiti at sabay kami pumasok sa loob ng kubo, isang malaking garden ang bumungad sa amin. Punong puno ito ng iba’t ibang halamang gamot. Ang iba naman tanim ay mga kakaiba at nakakatakot ang itsura, may parang bonsai na sa isang malaking paso nakatanim.
‘Weird.’
Kinuha ko ang nakaipit na parchment sa librong dala ko. Binasa ko ang schedule ng klase ko buong araw at nakasulat doon na Introduction in Magical Herbal Medicine ang klase namin sa oras na ‘yon. Ibinalik ko sa libro ang parchment.
Tumingin tingin ako sa paligid, wala pa naman ang prof, hindi naman siguro masama kung magmamasid ako sa hardin na ‘yon. Natigilan ako ng mapatingin ako sa harapan ko, isang malaki at maraming baging ang punong pinagmamasdan ko. Sa palagay ko matanda na ang puno, para itong balete tree sa mundo namin.
Napatingin ako sa may paa ko ng may maramdaman akong natapakan ko. May nakasulat sa papel sa loob ng frame, nag-iiba- iba ito ng larawan sa loob. Sa pag titig ko sa frame na ‘yon, para itong information tungkol sa malaking puno sa aking harapan. Lahat ng halaman na naroon ay may magical frame, kaya naisip ko, napaka informative ng garden sa mundong ito. May mga paruparu at iba pang lumilipad sa paligid, naisip ko na lang na mga insekto ang mga iyon.
"Hello everyone, I'm Prof Laryn."
Nagulat ang lahat ng marinig ang boses ni Prof sa kabilang bahagi ng room. Mabilis akong naghanap ng pwesto, dumating na pala ang prof namin.Nagmadali ang lahat na makahanap ng pwestong mauupuan.
"Hello Prof Laryn." sabay sabay namin bati.
“How’s everyone? Siguro naman meron na kayong idea kung ano ang aking ituturo sa inyo?” sabi ni Prof
Wala naman sumagot sa kanyang tanong, pero lahat kami ay nakatingin sa kanya. Mukha kasi siyang excited na magturo sa amin. Napaka alive niya at mukhang masayahin.
“Sino ang pamilyar sa mga halamang gamot? Alam nyo ba ang mga uri at klase ng halamang gamot? Mga dapat at hindi dapat gawin sa paggawa nito?” tanong ulit ni Prof
At syempre wala naman nag react sa kanyang tanong. Kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Ang subject na ituturo ko ay tungkol sa mga Herbal Medicine. Dahil first level pa lang naman kayo, introduction muna ang ituturo ko sa inyo. Mga karaniwang gamot sa karaniwang sakit."
Habang abala si prof sa kanyang pagpapaliwanag tungkol sa aming subject, nakatingin ako sa paligid, ang sarap sa mata ng mga kulay berdeng halaman, napagawi ako sa pwesto sa kaliwa di kalayuan sa aking kinauupuan, napansin ko panay ang tingin ni Zaiden Alfiro sa akin. Nagseseniyas ito na di ko naman maintindihan. Itinuturo niya ang noo niya.
Kumunot ang aking noo at nakatingin lang sa kanya. Pilit kong iniintindi ang kanyang sinasabi.
"Miss Gyresky!" biglang sabi ni Prof
Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko. Nakatuon kasi ang isip at paningin ko sa kalokohan ni Zaiden Alfiro. Tumingin tingin sa klase si Prof, mukhang hinahanap niya ako.
"Ma'am!" dahan dahan kong itinaas ang kamay ko
"There you are..” Prof tiningnan niya ang papel na hawak niya and turned to me with a gaze “You are the only and first student in the Fire Section that came from the other world. Very strange, isn’t it, Miss Gyresky?"
Medyo nagulat ako sa sinabi ni Prof, napatingin ako sa mga kaklase namin. Ngayon ko lang na realized na ako lang ang mulas a kabilang mundo kahit pa nagpakilala na kaming lahat kanina sa subject ni Prof Eara. ‘Seryoso ba talaga?Ako lang ang muka sa kabilang mundo sa Section na ito? As in ako pa lang talaga? Bakit? Paanong nangyari?’
"Opo." sabi ko na lang dahil hindi naman alam kung ano ang aking sasabihin
"Anyway, I can asked you if it is fact or bluff that the earthlings like you, used herbal medicine?" tanong ni Prof.
Lahat ng clasamate ko ay nakatingin na sa akin. Marahil ngayon lang din nila narealized na ako lang ang mula sa kabilang mundo.
"Ahm, It’s a fact Ma’am, most of the people in my world believes the power of herbal medicine. Though, may mga chemical based medicine na napapagaling ang mga sakit, but mas maraming nagtetestify na ang herbal medicine ay mas effective at mas realiable pagdating sa pagpapagaling ng mga sakit." sabi ko naman
Napangiti si Prof sa sinabi ko na para bang proud siya na ginagamit kahit sa kabilang mundo ang herbal medicine. "Good to know that, because in this world, we only believe in the power of magic and herbal medicine. So everyone..."
Habang nagkaklase napapatingin ako sa mga classmate ko. Maslalo kong naramdaman na hindi ako nabibilang sa mundong ito. Tingnan mo naman, ako ang nag-iisa at kauna-unahang hindi pure blood sa Section Fire dahil nagmula ako sa "mortal world". Lahat ng classmate ko pure blood. Anong nangyari? Bakit ako napunta sa Section na ito? Kung pareho naman kami ni Jacob bakit naghiwalay pa kami ng Section? Hindi ko maintindihan.
Tulad ng naunang subject kwentuhan lang ang ginawa namin hangggang maubos ang oras. Hindi kami nagpakilala pa kasi ang katwiran ni Prof Laryn, makikilala naman niya kami sa buong semester.
Kkkrring...
Tumunog na naman ang bell, meaning tapos na naman ang isang subject at kailangan lumipat ng room para sa susunod na subject namin. Katulad ng nauna kong ginagawa, pinalalabas ko muna ang aking mga classmate saka ako lumabas ng aming room. Naglalakad na kami papunta sa library. Katulad kanina, nagpahuli ulit ako lumabas ng silid para susundan ko na lang ang mga kaklase ko kung saan ang susunod namin na subject.
"Oceane.." (sounds "ocean" in tagalog karagatan)
Napatingin ako. Lumapit sa akin ang heartthrob ng Academy, si Zaiden Alfiro.
"Oh-see-yan! Hindi ocean, anong tingin mo sa akin kasing laki ng karagatan ha?" inis kong sabi
"No! kasing ganda ka ng karagatan lalo na kung pagmamasdan." sabi naman nito.
Natahimik ako, hindi ko inaasahan ang sinabi niya at isa pa kung maka hirit siya ng line kinabog ang leading man sa pelikula. Anong meron sa lalaking ito?
"Oh-see-yan.” dahan dahan niyang binibigkas ang pangalan ko. ”Masakit pa ba noo mo? Sorry kanina ha!"
‘Kanina pa nangyari, ngayon lang nag sorry, kumbaga sa pagkain panis na bago pa inilagay sa ref.'
"Medyo. Sana ‘wag na maulit." seryoso kong sabi.
Nagsimula ulit kaming maglakad, ngayon ay halos sabay na kami, kanina kasi nauuna ako sa kanya. Ilang beses siyang sumusulyap sa akin saka ako nagsalita. Tumigil ako at hinarap siya. Tumigil din siya at humarap sa akin.
“You want to say something, right? So what is it?” tanong ko sa kanya
Natigilan siya ng ilang segundo, nabigla siguro sa sinabi ko. “Let it out, don’t be shy.” dagdag ko
Napakamot siya ng batok saka ngumiti. " Do you have your school things yet?" tanong nito
"School things?" maang kong tanong. Nagpatuloy kami sa paglalakad
"Didn’t you read the Requirements?" tanong niya
"Requirements?" napahinto pa ako sa paglalakad.
“Yeah, it was included in the Admission Letter issued before the start of the semester.” Dagdag pa niya
Nakita ko ang parchment na ‘yon pero hindi ko masyadong binigyan ng pansin.
“We need that when the class start tomorrow.” Sabi pa niya
Hindi ko pa pala nabibili ang mga requirements. Hindi ko kasi alam kung saan nabibili ang mga ‘yon.
Umiling ako. “I-I haven’t bought it yet.” Sabi ko
"That’s great, I still don’t have it either. We can go together, I can tour you around at the Night Market.." nakangiting sabi nito
“Night Market?” maang na tanong ko
“Yeah, it only opens at night so it is called Night Market. Everything we need at school is available there, I’m very sure of that. Maganda din ang place atsaka maraming witches at wizard doon. So, you want to go with me later?” tanong nito
Bahagya akong ngumiti. "It looks beautiful there, masyado mo kasi i-promote. Anyway kami na lang ni Jacob ang bibili sa lugar na ‘yon. Everyone will go there naman noh?" sabi ko naman
“Most of the students, I think.” Sabi niya
“That’s great, magkikita din naman tayo doon, sabi mo nga wala ka pa rin school things.” Sabi ko na nakangiti
“Ah yeah!” sabi niya
Napansin ko na parang nadismaya siya sa sinabi ko pero hindi ko na ‘yon pinansin dahil sa kamangha-manghang silid na pinasok namin. Grabe, ang taas ng mga bookshelves at punong puno ito ng mga libro. May mga gumagalaw na hagdan at libro sa ibang shelf na naroon kahit wala naman humahawak dito. Maluwang ang gitna nito, dahil ang mga tables and chairs ay nasa pagitan ng malalaki at mataas na shelf. Mas napamangha ako ng magkakasunod na gumalaw ang mga bookshelves, nag move ito ng isang metro kada shelves kaya naman kung fiction ang shelf na nasa una, mapapalitan ito ng non-fiction. At ang mga naiwang libro sa ibabaw ng mga lamesa, lumulutang ito sa ere at kusang pumapasok sa tamang lagayan. Hindi ba’t ang cool!