Chapter 5: Sorted By Table Section

1720 Words
Oceane Nakatayo kami sa harapan ng isang maliit at matandang lalaki. Sa palagay ko ay nasa three feet lang ang taas nito, medyo mahaba at matulis ang tenga nito ngunit normal na lahat sa kanya na parang ordinaryong tao. Nakasuot din ito ng robe na sumayad na sa sahig. "Good day class! I'm Corvan your History professor.” sabi nito “Good day, Sir!” sabay sabay na sabi namin lahat “Okay class, sit down, sit down everyone..” sabi nito Walang upuan sa paligid kaya maraming nagtataka kung saan mauupo. Pero imbes na maupo nanatiling nakatayo ang mga estudyante. “Oh bakit kayo nakatayo, sit everyone!” sabi ni Prof Isang estudyante ang naglakad papalayo para kumuha ng upuan sana ngunit pinigilan siya ni Prof. “No! No! You don’t need chair to sit, all you need is a place to sit, am I right?” nakangiting sabi ni Prof Kahit nagtataka kami, sumunod kami sa utos ni Prof Corvan. Naupo ako sa bandang harapan kung saan mas madali ko siyang makikita at maririnig. Tumabi naman sa akin si Zaiden. Napangiti ako ng maalala ang mga batang tinututruan ko sa mundo ko, ganitong ganito ang itsura nila kapag nag kukwento ako. Nakaupo ako sa unahan at sila naman ay nakaupo sa harapan ko, nakaupo sila sa sahig habang nakatingin sa akin. Matapos maupo ng lahat, nakatayo naman si Prof sa isang box sa aming harapan. May dala siyang makapal na libro na para bang hirap na hirap siyang hawakan dahil masmalaki pa halos ito sa kanyang katawan. “Isn’t he very cool?” bulong ni Zaiden Napalingon naman ako kay Zaiden. “Most students said that history is so boring, so in order for them to have an interest in history, Prof Corvan change his style of teaching. Like this, storytelling, students can easily remember the important dates, names and numbers in history. And he succeeded” paliwanag ni Zaiden. “He’s everyone’s favorite now.” “Yeah, he’s cool! At sa tingin ko, sobrang effective talaga ng ganitong way of teaching.” Sabi ko “Do you find history is boring?” tanong ni Zaiden “No!” napangiti naman ako. “I love history..” Ngumiti din si Zaiden sa akin. “Great, I love to read..” Katulad ng mga naunang subject, konting pagpapakilala ang ginawa namin hanggang matapos ang oras. At infairness naman kay Prof Corvan, hindi siya masyadong seryosong teacher, may pagka komedyante din siya. Walang estudyanteng nakasimangot ang lumabas ng kanyang klase. Very effective talaga ang naisip niyang way, saan kaya niya nakuha ang idea na ganito? Krrrring... "Students, you may have your one hour lunch break. All were forbidden to go out of school if you have not finished your whole day class. Noise is prohibited in the corridors." Lumabas ako ng library, kasunod ko si Zaiden. Syempre, nagpahuli ulit ako, iwas ligaw na rin ito, sa lawak ba naman ng Academy na ito, siguradong wala pang five minutes maliligaw na ako. Bukod sa magkakalayo ang mga rooms para sa next subject, halos parepareho ang itsura ng hallway na dinadaanan ko. Bahagya akong nagulat ng tumabi sa akin si Zaiden Alfiro "Sabay na tayo maglunch Oceane.." sabi pa nito Magkasabay na naman kami naglalakad, sa ngayon ay lunch break na kaya naman sa dining hall kami pupunta. "Good, tama na ang pag pronounce mo sa name ko. Anyway, may kasabay na ako magla-lunch so I’m turning you down." pagsusuplada ko Ngumiti ito. "Ok sige, see you later." nauna na siyang maglakad pagkasabi noon Go with the flow ako sa mga estudyanteng naglalakad sa hallway hanggang makarating sa dining room. Lahat ng mga estudyante ay magkakasunod na pumasok doon. Bahagya akomg sumilip sa loob, wala pa doon si Jacob kaya naghintay pa ako sa labas ng dining hall. Mayamaya pa narinig ko na ang sumisigaw sa di kalayuan. "Oceane.." isang sigaw mula sa di kalayuan Napatingin ako sa tumatakbong lalaki. "Jacob.." Agad ko siyang niyakap ng magkalapit kami, sandali lang ‘yon mga five seconds lang. Nasabik lang ako na makita siya na halos kalahating araw walang di man lang nagkakausap. Ito ang unang pagkakataon. "Oh bakit?" nag-aalala nitong tanong matapos niya akong bitawan "Wala! Namiss lang kita.." malambing na sabi ko Inakbayan niya ako. "Kamusta ang first day?" tanong niya. “Masaya ka ba?” "Boring!" tumatawa kong sabi “Boring? Talaga? Bakit naman?” tanong ni Jacob “Oo. Ikaw, kamusta ang first day mo?” tanong ko naman imbes na sagutin ang kanyang tanong Lumawak ang ngiti niya. “Great! Ang saya mag- aral dito. Marami na akong nakilala at mga bagong kaibigan. At ang mga Prof at rooms, grabe ang astig. I still can’t believe this is all true! Parang isang panaginip pa rin!” masayang kwento ni Jacob Nakangiti lang ako habang nakikinig sa kanya. Nagustuhan niya kaagad dito sa Academy kahit kalahating araw pa lang kami namamalagi dito. Hindi naman nakapagtataka na magkaroon siya ng mga bagong kaibigan. Kahit sa mundo namin, marami siyang kaibigan, samantalang ako, siya lang! “Marami ka na ba mga kaibigan sa class nyo?” tanong ni Jacob sa akin Bahagya akong ngumiti. “Yeah!” sabi ko, naalala ko kasi si Zaiden na masmadalas ko nakakausap. “I have one.” “One? As in isang kaibigan lang? Why?” sabi niya. “Panget ba ugali ng mga classmate mo?” “No! Hindi naman sa ganoon. Kilala mo naman ako, hindi ako mahilig makipag socialize sa ibang tao.” paliwanag ko. “Hindi ako komportable!” “You have to, Oceane. Ibang mundo ito, hindi natin kilala ang mga katulad nila kaya dapat matuto kang makipag kaibigan.” sermon ni Jacob. “Magugustuhan mo sila, they are friendly at alam mo ba, sobrang curious sila sa mundo natin! Minsan nga nauubusan na ako ng sagot sa mga tanong nila.” “Anong mga tanong?” tanong ko kay Jacob “Kung ano yun email, at saka yun cellphone.” Natatawang kwento pa ni Jacob “Ano naman isinasagot mo?” tanong ko ulit kay Jacob “Ineexplain ko sa kanila na ang email ay ganito ganyan, ang cellphone, ganito ganyan.. hindi ko pa tapos sabihin may itatanong na ulit sila. Nakakatawa talaga!” sabi ni Jacob. “Sobrang fond sila sa mga ginawa ng mga earthlings para bang tayo na super amazed naman sa kanilang mga magic.” Ngumiti lang ako, mukhang nag eenjoy talaga siya sa mundong ito. “Jacob, diba wala ka pa rin naman school things?” tanong ko “Yeah!” sabi niya “So pwedeng dabay tayong dalawa na bumili mamaya sa Night Market?” nakangiti kong tanong pero hindi siya ngumiti “Ahm kasi Oceane..” nag aalangan siyang sabihin sa akin “Why? Hindi mo ako sasamahan?” tanong ko Bahagyang tumango si Jacob. “Why? Bakit hindi mo ako pwedeng samahan?” “I’m sorry, Oceane nag usap usap na kasi kaming magkaklase na sabay sabay kaming pupunta sa Night Market later.” Sabi niya Tumahimik ako. Nakapagdesisyon napala siya, samatalang ako umaasa na magkasama kaming mamimili sa Night Market. “Gusto kita i- invite kaso I know na hindi ka naman sasama sa akin if I’m with them..” sabi ni Javob “Yeah, hindi nga. Okay lang, baka ma out of place lang din naman ako kapag sumama ako sa inyo. Alam mo na ibang Section ako..” sabi ko “Subukan mong makipagkaibigan sa mga classmate mo.” Sabi niya. “Sure naman na pupunta din sila sa Night Market mamaya, may makakasama ka.” Hindi ako nagsalita kaya hinawakan niya ako sa balikat. “Make friends, marami kang matututunan at ma eenjoy if you start making friends.” Sabi pa ni Jacob Nakasimangot ako. “I’m trying, okay? But don’t force me. Just give me time and confidence, magagawa ko rin yan. But for now, just don’t force me..” reklamo ko Tinapik tapik ni Jacob ang aking ulo. "Hindi kita pinipilit, I’m just reminding you. Tara na nga muna kumain.." Sabay kami pumasok sa dining hall. Nganga na naman kami ni Jacob sa laki ng dining hall, para itong isang napakalawak na football field at may mahabang mahabang mga lamesa, dalawang malalaking bus yata katumbas ng isang mesa, at ang nagpatulo laway talaga sa amin ang dami ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mahabang mahabang table. Lahat ng estudyante maging mga guro ay masayang kumakain. Napatingin naman ako sa itaas, makikita ang kulay asul na langit, at ang amoy ng hangin ay sobrang bango, bukod sa malamig na simoy nito. Kung nakapikit ka, hindi mo maiisip na nasa loob ka ng isang malaking building, kundi nasa isang malawak na hardin na punong puno ng halaman at bulaklak. Pakiramdam na parang nagpi- picnic ka. May apat na mahahabang table sa loob at bawat table sa bawat section at level. Dining Hall Table Arrangement Table by Section 1st Level 2nd Level 3rd Level 4th Level Table 1 Fire Phoenix Fire Falcon Fire Hawk Fire Raven Table 2 Water Serpent Water Dragon Water Shark Water Seal Table 3 Wind Crow Wind Sparrow Wind Eagle Wind Vulture Table 4 Earth Tiger Earth Panther Earth Jaguar Earth Lion Tumingin sa akin si Jacob. Napansin niya na nakasimangot ako. Tinapik niya ang aking balikat. "Magkaiba pala tayo ng upuan Jacob." malungkot kong sabi "Yeah." sabi na lang niya. “Wala tayong magagawa, they have rules, sundin na lang natin. Magkikita pa naman tayo, you just have to enjoy your stay here, okay? Ienjoy mo lang baka di mo mapansin, feel at home ka na sa mundong ito.” “Ano pa nga ba..” sabi ko naman “Kumain ka ng mabuti.” sabi ni Jacob. “And, please, Oceane, make friends okay?” Ngumiti lang ako sa sinabi niya hanggang sa naglakad na siya papalapit sa mga estudyanteng kanina pa siya tinatawag. Paglapit niya sa table lumingon pa siya sa akin, ngumiti at sumenyas na maglakad na ako papalapit sa table ng Section ko. Ang mga first level ay sa pinaka unang upuan malapit sa table ng mga school Prof. Nakangiti at kumakaway na sa akin ang mga classmate ko, nakatingin lang sa akin si Zaiden Alfiro, medyo nagulat pa siya ng maupo ako sa tabi niya at saka ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD