Zaiden
Sa may pintuan ng dining hall, agad kong napansin si Oceane, marahil dahil nauna ako sa loob, inaabangan ko siya pumasok. Kahit masarap ang iba’t ibang pagkain sa aking harapan, hindi ko ito napapansin. Isang lalaki ang lumapit sa kanya ito ang lalaking kasama niya kanina sa grandhall at agad naman niyang niyakap ito. Nakangiti ang lalaki at nakasimangot naman si Oceane, inakbayan pa siya ng lalaki. Sabay silang pumasok sa loob ng dining hall, kapansin pansin ang pagkamangha sa kanilang mga mukha. Nakatayo pa sila makalampas lamang ng ilang metro sa pintuan ng dining hall. Tumingin tingin sila sa paligid. Hindi naman sila pinapansin ng ibang estudyanteng dumadaan. Sumimangot si Oceane ng mapansin mga upuan at estudyante sa loob. Sorted ang mga tables at chairs dito base sa Section at Level. Ilang sandali pa ay iniwan na siya ng lalaki at lumapit na ito sa kabilang table, sa Section Earth.
Malungkot na naglakad papalapit sa table namin si Oceane, tinawag siya ng mga classmate namin, tumingin naman ako sa kanya at ngumiti. Alam ko ang nararamdaman niya, dismayado siya. Hindi ko akalain na sa tabi ko siya mauupo, bahagya pa akong nagulat.
Maingay ang buong dining hall dahil sa tawanan at kwentuhan ng mga estudyante at guro. Lahat ay masaya maliban sa kanya. Napansin kong di kumakain si Oceane, nakatingin lang ito sa kabilang table. Halos ilang minuto na siyang nakaupo doon, malapit na rin matapos ang meal hours ay hindi pa rin kumakain si Oceane.
" Why aren’t you eating?" tanong ko
"Wala akong gana." walang buhay niyang sabi
"Kumain ka na." nakangiti kong sabi. “Masarap ang pagkain, you’ll like it.”
Hindi siya sumagot, nilalaro lang niya ang pagkain. Napalingon ako sa unahang table kung saan nakaupo ang mga Prof. Mabuti na lang at busy ang mga ito sa pagkukwentuhan.
"It’s forbidden, to play with your food. If someone sees you, you will be punished." bulong ko sa kanya
"I don’t care if they punished me. I’m not happy with this place anyway." sabi niya
Kinuha ko ang kubyertos na pinaglalaruan niya kanina pa. Inilagay ko ito sa tabi ng kanyang plato.
“Hindi ba ganito sa mundo niya kapag first day ng school semester?” tanong ko
Hindi naman siya sumagot. Tiningnan lang ako sandali tapos ay agad din binawi.
"In this world, first day is always the best!” sabi ko
“Talaga lang ha!” sabi niya na hindi man lang ako tinitingnan.
“Yeah! Kasi bukod sa mga Earthlings na sobrang amazed dito sa Academy, masasarap ang mga pagkain kapag first day. Ang the best, may mga pagkain na mula pa sa mundo niyo.” Kwento ko
“Oh tapos?” sabi naman niya na hindi pa rin ako nililingon man lang
“This is our way para maparamdaman namin sa mga earthlings at newcomers na masarap mag aral sa Academy. At sa mga katulad mo, masarap magstay sa mundo namin. We did our best as much as possible na maging comfortable kayo dito, alam mo yon, feel at home kayo.“ sabi ko
Kunot ang noo niyang tumingin sa akin. “Earthlings? Why do you call us that?”
“Because you come from the normal world, you have no blood of a witch or wizard.” sabi ko naman
“Fine.” sabi naman niya. “Paniniwala nyo ‘yan, I don’t care.”
Kumuha ako ng pagkain sa aming harapan at inilagay ko ‘yon sa kanyang plato. Napatingin siya sa ginagawa ko habang inayos niya ang kanyang pagkakaupo.
“You have to eat, if your friend aren’t here, I'm here. We can be friends you know." sabi ko. “Hindi mo kailangan maging malungkot.”
“I don’t want to make friends with others.” Sabi niya na nakasimagot
“Why? Masaya ang maraming kaibigan.” Sabi ko
"Ang totoo, hindi ako sanay na hindi ko kasama ang bbf ko.." (boybestfriend)
'Ano daw ‘yon? Bbf? Ano ibig sabihin non?'
“Actually, Oh-see-yan..” panimula ko
"You can call me anything para kasing nang aasar ka lang sa tuwing dahan dahan mo sinasabi ang pangalan ko." bahagya siyang ngumiti.
'So pwede na kita tawaging "MINE"' Alam ko di pa pwede, darating din tayo dyan.’
Napangiti ako. "Okay to make things clear to you I will explain it. This Academy built centuries ago, so the rules here are also old but still implemented. All Sections are sorted. So for sure, you and your boyfriend will only see each other here in the dining hall every meal hour.” sabi ko
"He’s not my boyfriend, he’s my boy best friend…” sabi naman niya
‘So that’s what it means bbf.. now I know.’
“And what are you saying na sa break lang kami magkikita?” tanong niya “Hindi ba tayo allowed na makipag usap sa kanila kahit hindi meal hours?”
"This academy consists of four sections every year. Which means, each Sections has different capabilities and abilities. Each Sections has its own class schedule and activity schedule, it means when there are a special occasions like holidays and every day meal hours, and you can only meet your friend. When we are allowed to go outside the Academy, there’s a chance you can meet your friend.." paliwanag ko naman
“Your rules are so annoying! I thought I’m here to learn but this place is like a jail." sabi niya. “Ang daming rules, ang daming arte. Ang daming bawal!”
"It’s not like what you think. There are reasons why the students are divided into four Sections." Sabi ko naman
“What about people like me? My bestfriend went to other Sections, the only friend I have, the only friend I know. So is that it? We’re stuck in our Sections, we only meet people with the same Sections. We can only be friend with the same Sections? How can we grow?” inis niyang sabi
“You can’t even grow if you are stock in your friend’s shadows!” sabi ni ko. Tiningan niya ako ng masama.
“You know why this place is called Academy? It means we should start new life, we should gain more friends, we should have fun while learning.” sabi ko naman
Hindi na siya sumagot. Hindi din siya kumain. Napatingin ako sa kaibigan niya, and well, he's too busy flirting with Alyssa. Masaya silang nagtatawanan habang kumakain. Napalingon muli ako kay Oceane, nakasimangot pa rin siya habang nakatingin sa kanyang kaibigan.
Muling tumunog ang bell after lunch ibig sabihin new subject naman. Ang next subject namin Elemental Studies.