Chapter 9: The Wishing Fountain

1696 Words
Oceane Naubos lang ang oras namin sa pamamasyal sa garden. Pero para sa akin hindi pa sapat ang dalawang oras na pamamasyal doon. Ngunit dahil may susunod pang subject kailangan na namin umalis. Katulad kanina sa huli kami ni Zaiden, tahimik lang kami naglalakad. Lahat ng aming kaklase ay nauuna o may kanya kanyang kasama, ngunit si Zaiden ay nakadikit lang sa akin, sinasabayan niya ako sa paglalakad. Kinakausap din niya ako na para bang matagal na kaming magkaibigan. Lihim akong tumingin sa kanya saka ngumiti. ‘Hindi ka nga ang best friend ko, pero sa tingin ko, magiging close tayo.’ Napaka gentleman din niya, dahil kapag may tumatakbong estudyante ay agad niya akong hinihila ng maayos para hindi ako mabangga. Tumigil ang lahat ng classmate ko sa pinakadulong room. May pintuan ang loob nito ngunit sasalubungin ka ng itim na kurtina pagpasok mo. Pagpasok sa namin sa loob ng room, mamamangha ka sa ganda nito dahil para kang nasa outer space. Bewitched daw ang mga stars at planets na images sa loob. Sabi pa ni Zaiden, maliit lang daw talaga ‘yon room, kaya lang mukhang malaki dahil sa magic nito, para ka talagang nasa outer space. Maging ang mga kurtina, wallpaper, lamesa at upuan ay kakaiba din. May mga zodiac stars, may galaxy, basta lahat ng pwede mong makita sa universe ay nandito na, including ufo's, spaceships at satellites na likha ng mga tao. Natawa ako ng makita ang inventions ng mga katulad kong earthlings. “Talagang may mga ufo’s pa ha! Kumpleto ang universe!” natatawang sabi ko Napalingon sa akin si Zaiden. "We actually admire your inventions, most of your useful things is really amazing." sabi pa ni Zaiden. “Especially the rectangular box!” Kumunot ang aking noo. “Anong rectangular box?” “I have read it in the book about your world, there this rectangular box…” sabi ni Zaiden ngunit nahinto ang kanyang kwento ng may magsalita. "The current moon phase for tonight's moon is waxing gibbous." (Full Moon) Isang gwapo ngunit matanda ng lalaki ang lumabas mula sa kung saan. Nakangiti itong lumapit sa amin. Mahabang dress robe ang kanyang suot. Kulay asul at itim ito at ang mga printed na stars dito ay kumikinang na para bang mga totoong bituin sa langit. "Ako ang Astronomy Professor nyo, ako si Zeveray! Mula sa angkan ng mga Seer. Ituturo ko sa inyo kung paano makikita ang nakaraan at ang hinaharap. Kung paano maiiwasan ang mga bad lucks, paano maipapaliwanag ang isang panaginip..." 'Grabe, mukhang start na ng klase ah.' “Magstart na agad ang klase?” bulong ko kay Zaiden Napangiti naman si Zaiden. “Ganyan talaga ang mga katulad ni Prof,” sabi ni Zaiden “Bakit ano ba siya? Fairy din?” tanong ko kay Zaiden “Isa siyang seer..” sabi ni Zaiden “Seer? You mean the one that can fortell the future?” tanong ko kay Zaiden “Exactly!” sabi ni Zaiden Hindi ako makapaniwala. Ang akala ko mga fake ang ganyan, manghuhula at fortune teller, kung meron dito sa Wizarding World, ibig sabihin totoo sila, totoo ang sinasabi nila. Iyon nga, nagstart nga kami ng lesson agad agad. Hindi katulad sa ibang subject na may introduction, sabagay ilang subject ba naman namin ang walang ginawa kundi magpakilala, imposible na hindi pa namin makilala ang isa’t isa. After class, di ko alam ang susunod na gagawin wala na kasi klase, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala si Zaiden ng mga oras na ‘yon, isang grupo kasi ng mga babae ang humarang sa amin kanina at naiwan siya doon, ang totoo iniwan ko siya. Hindi ako sanay na napapalibutan ng maraming tao, kaya naman iniwan ko na lang siya at naglakad lakad hanggang sa marating ko ang lugar na ito. Naupo ako sa bench malapit sa may garden, nakatitig ako sa fountain. Infairnes, sa fountain na ito, asul ang tubig, tapos ‘yon building ng bawat section ang dinadaluyan ng tubig. ‘yon section namin Fire Phoenix ang nasa taas. Iyon Section Water Dragon ang nasa mismong tubig. Ang Section Earth Lion naman ay nasa bandang kanan, at ang Section Wind Eagle naman ang nasa kaliwa. At sa tabi ng bawat section ay ang mga sumunod na Section mula sa First Level hanggang sa Forth Level. Prioritize ng Academy ang Apat na Animals na kumakatawan sa Four Elemental Orbs. 'This world is really amazing' "Want to make a wish?" Bahagya akong nagulat, paglingon ko si Zaiden nasa likuran ko. Nakangiti ito. Tumabi siya sa akin at humarap din siya sa fountain. “Sorry kanina, I’m not used to a bunch of people.” sabi ko. “Iniwan kita don.” “Okay lang. May itinanong lang naman sila sa akin.” Sabi niya “Nainip ka ba?” tanong ni Zaiden Bahagya akong natawa. “As if naman na hinintay kita talaga diba?” “Why? Hindi ba?” maang na tanong ni Zaiden Umiling lang ako at hindi na ako nagsalita at ganoon din siya. Muli kong ibinaling sa fountain ang tingin ko. Nakangiti akong pinagmamasdan ang bawat bagay na naroon. Ang sarap sa mata ng kulay mula sa fountain, kumikinang ang tubig dahil sa liwanag at mga kulay na naroon. "Want to make a wish?" tanong ulit ni Zaiden. “Wishing fountain ‘yan.” Napatingin ako sa kanya. “Talaga?” “Sabi ng isang kakilala ko, halos lahat daw ng wish sa fountain na yan, natupad ang mga wishes. Why don’t you try it, malay mo matupad din ang wish mo.” Sabi ni Zaiden “Have you tried it?” tanong ko sa kanya Umiling si Zaiden. “Wala pa naman akong gustong hilingin.” Sabi niya “Then how did you know na tumutupad ng wish itong fountain?” tanong ko “Because my Mom wished there too.” Sabi ni Zaiden “At siya ang sinasabi mong kakilala mo?” tanong ko. Bahagyang tumango si Zaiden. “So what did sh wished for?” “Dad.. hiniling niya na makita niya ang Dad ko.” sabi ni Zaiden “What do you mean makita? Hindi sila magkakilala that time? Or hiniling niya na makita niya ang magiging future husband niya?” sunod sunod kong tanong kay Zaiden Napangiti si Zaiden. “Hiniling niya na makita ni Dad kung sino siya talaga, si Mom. They’re friends, actually, according to Mom, may crush na siya kay Dad, kaya lang, Dad’s interest isn’t in her, but to the other girl, which is their friends too. So, nun pumasok siya dito sa Academy, kasama yun isa pa nilang girl friend, sinabi nito na wishing fountain ito, so she tried, she wished and after ng graduation nila, Dad, ask her to marry her.”kwento ni Zaiden “Wow…” sabi ko. “But never na naging sila?” “Yeah, hindi naging sila, but hindi alam ni Mom na Dad wanted her for a long time, Mom didn’t notice kasi she’s focused on what she believe that Dad is inlove with other girl.” Sabi ni Zaiden “So, para wala ng atrasan, inaya na ni Dad mo na magpakasal si Mom mo kahit hindi sila naging mag boyfriend girlfriend?” tanong ko kay Zaoden “Parang ganoon na nga.” Nakangiting sabi ni Zaiden. “Ikaw, mag wish ka na rin.” "Paano?" tanong ko. “What should I do?” "Just close your eyes." sabi lang niya. “Then whisper your wish.” Kumunot ang noo ko. "Ganoon lang? Walang baryang ihahagis sa tubig? Or anything na dapat gawin?" tanong ko "Is there any sense of throwing coins into the water?" kumunot ang noo ni Zaiden. “Ginagawa nyo ba yan sa mundo nyo?” Tumango ako. "Sa mundo namin, naghahagis ng barya para matupad ang wish." Biglang tumawa si Zaiden, kaya naman kapansin pansin ang dalawang malalim nitong dimples sa magkabilang pisngi. Ang cute niya habang tumatawa pero nakakainis kasi pinagtatawanan niya ako. 'May nakakatawa ba sa sinabi ko?' Tumigil ito sa pagtawa. Nahalata niya siguro na napipikon na ako. "Sorry nakakatawa kasi ang sinabi mo." Sabi ni Zaiden. “Hindi ko lang ma gets kung anong kinalaman ng coins sa wish mo?” "Walang nakakatawa sa sinabi ko." supladita kong sabi. “At isa pa, paniniwala yon sa mundo ko, hindi imbento lang.” "Okay, I’m sorry, bago lang talaga sa pandinig ko ang sinabi mo. Sige na mag-wish ka na. We will never know, baka bukas matupad na ang wish mo." sabi naman niya “Talaga?” di makapaniwala kong sabi “As in ganoon kabilis ang pag grant ng wish, dito sa fountain na ito?” “Yeah, as you can see, ang mga nanjan sa fountain ay mga elemental guardians, they have powers to grant your wish, lalo na kung tama ang motibo mo sa pag wish, basta walang masasaktan na ibang nilalang, your will be granted.” “Okay sige mag wiwish ako.” Sabi ko Ngumiti siya. Tiningnan ko muna siya bago ako humarap ulit sa fountain. Saka ko ipinikit ang mga mata ko. Sa tingin ko tumagal ng ilang Segundo ang aking pag wish sa fountain. Medyo nagulat pa ako ng idinilat ko ang mga mata ko, nakangiti si Zaiden sa akin. "Bakit ganyan ka naman makatingin?" tanong ko "Wala." sabi nito sabay kamot sa batok. “So nakapag wish ka na?” “Yeah.” Sabi ko naman “What is your wish?” tanong niya “Should I tell you ba? Magkakatotoo ba kung sasabihin ko sa’yo?” maang kong tanong Bahagya siyang tumawa. “Okay fine, curious lang naman ako sa wish mo.” Dagdag niya “Curious? Why? Domyou think mag wiwish din ako gaya ng Mom mon a makita ko rin ang magiging future husband ko?” nakangiti kong sabi “Siguro, kasi most of the girls ganyan ang mga wishes…” sabi ni Zaiden “So naiiba na naman ako kasi hindi ganyan ang wish ko.” sabi ko naman “Why you always said that you’re different?” tanong ni Zaiden “Because I know I am..” sabi ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD