Zaiden
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masyado akong attached kay Oceane kahit ngayon pa lang kami nagkakilala, kahit sinusungitan niya ako at sinusupladahan, hindi ko magawang dedmahin siya o pabayaan siya. Para bang may koneksyon kaming dalawa.
Kanina habang nakapikit siya sa harap ng fountain, malaya kong napagmasdan ang kanyang magandang mukha. Hindi ko alam kung bakit at paano nakuha ng babaeng ito ang aking atensyon. Marahil dahil hindi siya nagpapakita ng interes sa akin simula ng magkita kami katulad ng iba. At isa pa, may something sa kanya, I just don’t know kung ano. Napangiti ako.
Agad akong naligo, matapos ay pumili ako ng maayos na damit. Marami akong dalang damit, pero ang paborito ko ang aking isinuot. Nagpabango rin ako. Matapos makapagbihis ay tumingin ako sa salamin. Kinausap ang sarili.
“Sa tingin mo ba, mapapansin niya ako?”
“Oh baka naman masyado ako aggressive at feeling close kaya ayaw niya sa akin?”
Kinuha ko ang papel, listahan ‘yon ng mga requirements. Bukod sa dala kong bag, nagdala rin ako ng extra baka wala siyang dala, mabuting may maiabot ako sa kanya. Dinala ko rin ang pouch ko na may extra money, kasama si Tim kaya siguradong, magpapalibre na naman yon.
Oceane
The room is small. Tama lamang para sa isang tao. It has a single sized bed na may makapal at malambot na kumot at foam, malambot din ang unan, may study table beside the window. Sumilip ako sa labas ng bintana. Mula doon nakikita ko ang bungalow house ni Prof Wylun pati na ang garden niya. Nakikita ko rin dito ang iba pang room namin. Pero ang ibang building ay hindi na. May malaki kasing puno dalawang metro lang ang layo sa bintana ko.
Nakita ko na lang ang malaki kong bag na nilalagyan ko ng aking mga damit at iba pang gamit sa gilid ng drawer. Nandoon na pala ito at nauna pa sa akin. Agad kong kinuha ang bag at inilapas ang mga laman doon. Naupo ako sa kama at inayos ko ang mga damit at uniform ko sa cabinet. Maayos koi tong ini hanger doon. Iyong tatlong pares ng robes ay libre galing school. Ganoon din ang mga libro ko. Kakaiba talaga ang school na ito dahil libre lahat ng gamit ko at pagkain ko. Wala man lang akong gagastusin maliban sa mga school requirements na pansarili naman talagang gastos. Kaya kahit konting halaga lang ang dala ko, galing pa sa alikansya, makakatapos ako ng pag aaral. Di nga lang isang Professional, kundi isang witch.
Matapos kong maligo at magbihis. Naupo ako sa kama. Kinuha ko ang papel at saka inilagay ko sa bulsa ko. Naka jeans ako at tshirt. Tapos isang extra robes ang ibinigay sa amin ni Jacob, para siguro maisuot namin paglalabas kami ng school. Cologne lang ang gamit ko dahil di naman talaga ako mahilig magpabango.
Toktok Toktok
Katatapos ko lang mag-ipit ng aking buhok ng may kumatok sa aking silid. Mabuti na lang at mahaba ang oras kanina, nakapag-ayos pa ako ng mga gamit, at nakapaligo pa. Binuksan ko naman ang pintuan.
“Good Evening!” nakangiting bati ni Zaiden nang mabuksan ko ang pintuan ng aking silid. "Are you ready?"
Lumabas na ako ng kuarto at isinara ang pinto. “Oo, ready na ako. Si... ‘yong friend mo?" tanong ko ng hindi ko makita ang kaibigan niya.
"Ah, nasa baba na, hinihintay tayo." sabi naman ni Zaiden
"Ah ganoon ba? sige tayo na." anyaya ko naman
Kahit sabay kaming naglalakad ni Zaiden papalabas ng dorm, hindi kami nag uusap. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya na maunang magsalita. Ako naman ay hindi talaga palakausap dahil nahihiya akong mag umpisa ng pag uusapan. Iniisip ko kasi na baka hindi ako kausapin o dedmahin ako. Tahimik lang si Zaiden habang nakangiti.
‘Ano kayang iniisip nito at nakangiti?’
Pagbaba mismo ng dorm, napansin ko na si Tim.Nakasandal ito sa isang pillar ng hallway habang kausap ang dalawang babae. Nang mapansin niya kami ay kumaway ito. Pareho sila ng suot ni Zaiden. Ibang itsura ng robe na suot ko sa suot nila.
“Sige, mamaya na lang girls..” sabi ni Tim sa dalawang babae
“Hi Zaiden!” sabay na sabi ng dalawang babae na kausap ni Tim.
Simpleng ngiti lang ang iginanti ni Zaiden sa bati ng dalawang babae pagkatapos ay umalis na ang mga ito.
“Ibang klase talaga ang charm mo, Zaiden.” Sabi ni Tim. “Kausap na ako, talagang binati ka pa nila noh? Siguro nga masmagandang lalaki ka sa akin.” Biro pa ni Tim
“Oh Tim, stop it! Hindi bagay sa’yo.” Sabi naman ni Zaiden
Bumaling ng tinigin sa akin si Tim. “Wow ang nice tingnan sayo ng robe, bumagay ang kulay.” Sabi ni Tim habang nakangiting nakatingin sa akin
“Yeah! Mas okay kung may pink color sana.” Nakangiting sabi ko
“Dark colors lang ang allowed dito sa Academy, but seeing you in a pink dress, siguradong maganda ka doon.” Sabi ni Zaiden
Natawa naman si Tim sa sinabi ni Zaiden. “What?” maang na tanong ni Zaiden
“Wala lang! Natawa lang ako.” Sabi ni Tim. Saka siya tumingin sa akin. “Pero Oceane, tama si Zaiden, bagay sayo ang pink.”
Napangiti lang ako sa sinabi ni Tim. “Bakit kailangan mag robe pa tayo? Malamig ba sa labas ng Academy?” tanong ko
Bahagyang tumawa si Tim. "Ito ang required suotin ng mga estudyante paglalabas sa school." paliwanag ni Tim “Para ma identify nila kung anong year level, kung di mo alam, maraming nakamasid sa atin ngayon dahil mga first level ang karamihan na lalabas sa Academy.”
“What do you mean nagmamasid?” tanong ko
“You know, yung mga matang nakatingin sayo..” sabi naman ni Tim
“Uso rin pala ang cctv dito?” natatawa kong sabi
“Cctv?” sabay na tanong nina Zaiden at Tim
Natawa ako sa itsura nila. “Wala yon, useful invention lang yon ng mga earthlings.”
“You mean may mga owls or cats na nakabantay sa mundo nyo?” gulat na tanong ni Tim
“What? Anong cats and owls?” maang na taong ko
“Ah, dito kasi may mga taga Academy at taga Ministry ang kayang mag transform to animals, minsan aakalain mo na simpleng ibon lang yun pala, taga Ministry na.” paliwanag ni Zaiden
“They can transform? From human form into animal form? Seriously?” tanong ko
“Yes! Ituturo sa atin one of these days.” Sabi ni Zaiden
Hindi na naman ako makapaniwala, pwede pa lang mag transform from human to animal parang kwento lang. Sa mundo namin ang mga ganyang nilalang ay tinatawag na aswang. Mga cannibals sila mula sa kadiliman. Nagsimula kami maglakad sa hallway ng grand hall papalabas sa Academy. Nakatingin ako sa dalawang lalaki sa unahan ko na masayang nagkukwentuhan. Kaya pala pareho kami ng mga suot na robes, iba lang ang kulay ng sa akin, dark green.
“So anong nagagawa ng cctv?” tanong ni Tim
“Ha?! Ah, isa siyang sourveilance camera. We usually used it to protect houses and stabilishments.” Sabi ko naman. “Unlike sa dito we used technology na maliit or sometimes malaki, meron pa nga nagsasalita at naglalakad.” Naalala ko bigla ang mga tsimosa kong kapitbahay na kung tawagin namin ni Jacob ay cctv.
“Talaga? Paano nyo ginagamit?” tanong muli ni Tim .”Katulad ba yan ng TPhone?”
“TPhone? You mean telephone?” tanong ko kay Tim
“I don’t know what they called it basta, nun ginamit ko yon, someone from the curved shape thing, I heard a voice.. and it’s a girl. And she said to me, “the number you have dial is incorrect”.” Sabi pa ni Tim na nagboses babae pa
Natawa ako sa sinabi ni Tim, alam ko na sinasabi niyang babae, operator ng telecom company.
“Tinatawanan mo ako..” sabi pa ni Tim
“Okay, sorry, to answer your question we used monitor, diba yun camera..” sabi ko. “Tim sorry pero mahina ako sa explanation, will just stop asking?”
Natawa naman si Tim. “Sorry, na curious lang ako. Camera, monitor..Where did you get the idea, sinong mga gumagawa?”
“Tim, sabi niya stop na diba? Why you still keep on asking?” sabi ni Zaiden
Tumawa si Tim. “Okay! I will stop! Ibang klase, may knight in shining armour ka na, Oceane!”
Tiningnan ni Zaiden ng masama si Tim tumawa lang naman si Tim at ganoon din ako.
Lumabas kami mula sa malaki at mataas na gate, na kaninang umaga lang ay nakatayo kami ni Jacob. Maliwanag ang buwan, may mga kakaiba rin ilaw sa paligid na siyang nag bibigay ng liwanag sa mga estudyanteng naglalakad. Sa mabangong kakayuhan naglalakad ang lahat ng estudyante. Sa isang matanda at malaking puno humihinto ang mga estudyante pagkatapos ay pumapasok sila at bigla na lang nawawala. Kaya naman ng makalapit kami sa isang matadang puno kung saan lahat ay doon dumadaan napatingin ako kay Tim.. Itinutok ni Tim ang palad niya na may mark sa malaking puno. Nagkaroon ng butas ang puno, unang pumasok si Tim.
"Pumasok ka na." sabi ni Zaiden
Tumayo ako sa may butas na ‘yon ngunit hindi ako kumikilos para pumasok. Natatakot ako, baka kung saan lugar ako mapunta.
“Why?” tanong ni Zaiden
“N-natatakot ako eh, hindi ko alam kung saan ako mapupunta after nyan. Paano kung magkaiba tayo ng lugar?” sabi ko naman
Tumabi sa akin si Zaiden. “Sabay tayo.” hinawakan na naman ni Zaiden ang kamay ko at sabay kaming pumasok.