Chapter 8: The Beautiful Garden

1769 Words
Oceane Pagtapak pa lang ng aking paa sa malambot na hardin na iyon, lumipad papalayo ang mga paruparu na iba’t ibang kulay at hugis. Para silang rainbow na naghiwahiwalay. Maraming magagandang bulaklak at paruparo sa hardin. May mga kakaibang ibon din na maraming kulay, mabango ang simoy ng hangin, isang paraiso ang lugar na ‘yon para sa akin. Napansin kong may kakaiba sa mga ibon na lumilipad sa mga halaman, at maingay ang mga ito. Lumapit ako ng bahagya sa hardin at tinitigan ang mga ‘yon. "What kinds of birds are they?" mangha kong tanong kay Zaiden Alfiro "They aren’t birds. Take a closer look.." sabi nito Tinitigan kong mabuti ang mga ibon. Lumipad ito at ang isa ay malapit lang sa aming dinadaanan, mga isang metro ang layo. Dumadapo ito sa mga bulaklak at nang aking matitigan ay may dala itong maliit na timba. Dala nila ito habang lumilipad at nagpapalipat lipat ng bulaklak. "Woah! Akala ko.." nanlaki ang mga mata ko ng makita ito ng malapitan. "Hindi ba’t ang cute nila? Ang tawag sa kanila ay Flower myrths.." sabi ni Zaiden Kumunot na naman ang aking noo. "Flower ano?" tanong ko kay Zaiden "Flower myrths, they're harmless fairies, and they live in flowers." paliwanag ni Zaiden 'Fairies? Fairies ba ang sinasabi niya?' “Tama ba ang narinig ko? Sinabi mong fairies sila?” tanong ko kay Zaiden Tumango si Zaiden. Muli kong pinagmasdan ang mga fairies na sinasabi ni Zaiden. "Marami pang ibang klase ng fairies, we can meet and greet them sa Elemental Studies." sabi pa ni Zaiden Napalingon ako kay Zaiden. "Meet and greet?" mangha ko naman na tanong “Yeah, we can see them upclose and we can talk to them..” sabi ni Zaiden “Totoo?” tanong ko Napangiti siya. "Oo. Tara na, baka ma-late na tayo.”" Sabi ni Zaiden Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa fairies. Human like creature sila na may pakpak. ‘Ang ganda talaga nila.’ Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Zaiden sa kamay at hinila ako hanggang makapasok kami sa bahay. Bungalow type ito, malinis at maluwang ito mula sa hardin kanina hangang sa loob nito. Ang loob ay parang isang ordinaryong bahay kubo, may sala, may kusina at may banyo. Kumpleto ang gamit sa kusina na yari sa mga kahoy, dahon, stainless steel at bato. Ang lutuan ay ginagamitan ng kahoy, ang usok mula sa lutuan ay parang may sariling buhay na dumidiretso sa itaas kung saan may butas at doon ito lumalabas. Sa isang malaking round table kami nakaupo sa dining area ng bahay. Muli, tumabi sa akin si Zaiden Alfiro. Ngumti lang siya saka ibinaling ang tingin sa bagong pasok na sa tingin ko ay ang aming Prof. "Good day class, nagustuhan nyo ba ang aking hardin?" tanong nito Tumango kaming lahat. "Masaya ako at nagustuhan nyo. Ako nga pala si Wylun at ako ang magiging professor nyo." Hindi katulad sa mga naunang subject, hindi kami nagpakilala. Nakaupo lang kami habang abala sa kusina si Prof Wylun. Ilang minuto pa naming paghihintay may mga tasa siyang inilapag sa aming table. “Paki ayos na lang mga bata, ayan ganyan.. so does everyone have a cup?” tanong niya habang iniaabot ng bawat isa ang tasa sa mga kaklase namin. Si Zaiden Alfiro ang kumuha ng tasa para sa aming dalawa, iniabot ‘yon ng classmate kong babae, sa pagkaka-alala ko si Marie ang pangalan. Nakangiti nitong iniaabot kay Zaiden ang dalawang tasa. At sa tingin ko pa parang nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin kay Zaiden. Bahagya na lang akong napailing. “Thanks.” sabi ni Zaiden na hindi pinansin ang magandang ngiti ng babae. Napasimangot itong bumaling ng tingin kay Prof. “Here.” sabi ni Zaiden sa akin habang inilapag niya sa table ang tasa na para sa akin. “Thank you.” simpleng sabi ko Matapos maipamigay ang mga tasa ay bumalik sa kusina si Prof Wylun, may iniluluto ito habang ang sandok ay kusang gumagalaw at naghahalo. May inilagay na ilang piraso ng dahon at bulaklak si Prof habang kusang naghahalo naman ang sandok. "Weird ang suot ni Prof Wylun, feeling ko hindi siya komportable? Hindi ba siya nahihirapan?" bulong ko kay Zaiden Napansin ko kasi ang suot niya. Mahaba ang manggas nito, maluwag sa kanya, sa tingin ko ay hindi sa kanya ang damit na ‘yon. Masyado itong malaki para sa kanya at hindi ka size ng katawan nito. Color green ‘yon, may kakaiba rin siyang cap na kulay pula at sapatod na kulay brown. “That’s exactly what the Shefro wear." paliwanag ni Zaiden Kumunot ang aking noo."Anong Shefro?" maang na tanong ko na naman "They’re the male fairies. Shefro ang tawag sa kanila." sabi ni Zaiden Nanlaki talaga ang mata ko. “F-fairy? Si Prof Wylun, fairy?” tanong ko kay Zaiden Napangiti si Zaiden. “Actually, Prof Wylun is a half- fairy, his mother is a pure-blood fairy and his father is a normal people like you, an earthling. It is rare for half-blood fairy like him to have a fairy dust and wings.” sabi ni Zaiden “Fairy dust? Wings?” gulat ko na naman na tanong kay Zaiden Narinig kong bahagyang tumawa si Zaiden. "What’s funny?" nagtataka ko naman tanong "You are so cute when you are like that, amazed with different things you see." sabi ni Zaiden Nagblush naman ako. Bukod kay Jacob siya pa lang ang nagsabi na maganda ako. Lumapit si Prof na may dalang tea pot, umuusok pa ang ibabaw nito. Isa isa niyang sinalinan ng tsaa ang mga tasa sa harapan namin. “Para saan po ito Prof?” tanong ni Kleir matapos malagyan ng tsaa ang kanyang tasa Ngumiti si Prof. “To make you feel better, of course. It’s nice to take a walk in my garden when your mind and body are at peace.” sabi ni Prof Matapos niyang maisalin ang tsaa sa mga tasa, nagsimula ng uminom ang bawat isa, kabilang na ako. Mabango ang amoy ng tsaa, parang amoy ng mabangong bulaklak, ang lasa naman nito ay matamis na parang chocolate at may konting bitterness na halos di mo na malalasahan. Naiiwan sa dila ang masarap na lasa ng tsaa. Sobrang ag sarap sa pakiramdam matapos kong maubos ang laman ng tasa. “A-ang sarap naman nito.” mahinang sabi ko Napansin kong napatingin sa akin si Zaiden, ngumiti lang ito saka nagpatuloy sa pag inom ng tsaa. Maya maya ay muling nagsalita si Prof. "Okay students.. sa mga tapos na mag tsaa, feel free to explore my garden.." Halos kalahati ng klase namin ay tapos na magtsaa. Lumabas kami at naglakad lakad sa garden. At ang nakakamangha, sa likod ng bahay kubo kami pinayagang maglakad lakad ni Prof. Mas malawak ito kesa sa hardin na nasa harapan, pagpasok ng bahay kubo. Mas maayos ang mga tanim dito. Sa bandang kanan sa dulo may mga benches doon na sa tingin ko maaring pagtambayan ng mga estudyante. Maganda din itong lugar para makapagbasa ng tahimik. Sobrang ganda talaga dito. Masmarami pang halaman at bulaklak sa bandang kaliwa ng bahay. May balon din sa gitna ng hardin sa medyo likod bahay. Yari ito sa kahoy at bato. Sumilip ako sa balon at muntik na akong mapaupo sa lupa sa sobrang gulat, dahil kusang umaakyat ang timba mula sa loob ng balon at para itong may sariling buhay na nagdidilig ng mga halaman. “Wow.” mahina kong sabi habang pinapanood ang timbang ‘yon na abala sa pagdidilig ng mga halaman. Para akong batang paslit na tuwang tuwa sa panonood sa mga kakaibang bagay sa nasa paligid ko. "Oceane, halika.." tinawag ako ni Zaiden. Lumingon ako sa kabilang bahagi ng hardin kung saan siya naroon. Lumapit naman ako. Bahagya siyang nakaupo nun lapitan ko siya. Unti unti niyang binuksan ang kanyang dalawang kamay, ipinakita niya sa akin ang hawak niya. "Ang flower martis.." sabi ko Natawa naman siya. "Flower myrths... gusto mo hawakan?" tanong niya "Ha?" reaksyon ko habang nakatingin sa kanya at sa fairy na hawak niya. "Don't worry harmless siya." kinuha ni Zaiden ang kamay ko at inilipat dun ang Flower myrths. "Careful, she might get hurt pag mali ang hawak mo." sabi ni Zaiden Inalalayan ni Zaiden ang kamay ko, habang naglalaro sa palad ko ang fairy. Nakapatong ang aking mga kamay sa kanyang kamay. Ang ganda nito, parang pinaliit lang na tao na may pakpak. May mahaba at matulis itong tenga, may korona din itong bulaklak, ang maliit nitong mukha ay para bang may make up dahil sa kutis nilang mamulamula katulad ng kanilang labi. Ang damit niya ay mula sa mga dahon at bulaklak. Ang cute at ganda nilang tingnan. Na o- overwhelm ako sa sobrang excitement. "Ang ganda ganda mo naman.." sabi ko sa fairy Inilapit ko pa ito sa aking mukha para mapagmasdan kong mabuti ang kanyang itsura. Paulit ulit ko sinasabi na ang cute ng fairy na nasa aking kamay. "Tama, maganda nga!" sabi naman ni Zaiden na halos maramdaman ko na ang hininga niya sa aking pisngi. Napatingin ako kay Zaiden at muntik ko na siyang mahalikan. Mabuti na lang at mabilis kong inilayo ang aking mukha. Dahil sa pagkabigla ko na rin muntik na mahulog ang fairy na hawak ko. Agad naman akong inalalayan ni Zaiden para hindi tuluyang mapaupo sa damuhan. “Ayos ka lang? Nagulat ba kita?” nag aalalang tanong nito “A-ayos lang..” sabi ko na lang. Napatingin ako sa fairy na hawak ko. “Ayos ka lang ba? Sorry ha..” sabi ko Nagpaikot ikot sa aking palad ang fairy habang lumilipad ito. Hinawakan lang nya ang thumb ko saka ito lumilad papalayo sa amin. “She said goodbye to you, so she touched your thumb.” sabi ni Zaiden . “They can’t talk, they only make gestures.” “T-talaga?” hindi pa rin ako makapaniwala Kanina lang ay halos lamunin na ako ng lungkot pero ngayon, nagsisimula na akong mamangha sa mga bagay dito sa mundong pinuntahan ko. Ang mga Prof na kakaiba, mga aralin na out of this world ang tema at mga nilalang na sa libro ko lang nababasa, ay nasa harapan ko na. Lahat ng imposible sa akin noon ay possible na ngayon dahil ang magic ay totoo, hindi kathang isip lang na tulad ng alam ko noon. Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin si Zaiden habang pinagmamasdan ko ang napakagandang hardin sa harapan ko. "So, are you not bored and sad anymore?" nakangiti niyang sabi Ngumiti lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD