7

1098 Words
Crystal POV "Bezzzzzzz!!!! Ikakasal na ako!!!" excited na kwento sa akin ni Bea. Bakas sa mukha nya ang saya. " Talaga. Wow congrats Bez! Bakit di ko man lang nalaman na may nanligaw sayo o kaya naging bf mo? Naku ha, nag graduate lang tayo magkaka pamilya kana." "Sino bang malas na lalaki yan? hihi" pang aasar ko pa sa kanya. Nakaka gulat lang kasi pareho kaming NBSB noon pero ngayon mag-aasawa na sya. " Arrange marriage Bez pero ayos lang swerte ko naman dahil ang gwapo nya, macho pa saka Bilyonaryo rin." kilig pang sabi nya. " Hindi ka naman kinikilig sa lagay na yan noh?" tinaasan ko pa sya ng kilay. Parang timang kasi eh halos gumulong pa sa kama nya. Nandito kami ngayon sa condo nya. Ayon sa kanya ay kagabi lang sila nagkita ng fiance nya, nagulat pa nga daw sya dahil matagal nya na daw kilala ito. Pero nakiusap daw na wag muna nyang ipagkakalat kahit kanino if sino sya habang di pa sila naikakasal. Including me... As in kasama ako sa di dapat sabihan. Ang weird nung lalaki. Kinaumagahan sa Office " Hi!" bati sa akin ng baritoning boses Kasalukuyan akong nakatutok sa computer ng may bumati sa akin. Nang itaas ko ang aking paningin ay ang gwapong mukha ni sir Joseph ang bumungad sa akin. Hayst!!! Sobrang gwapo nya talaga. Di ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanya. " Hmp Crystal please close your mouth baka di ako makapagpigil mahalikan kita dito." bulong nya sa akin sabay ngisi Hayyssssttt!!!! Sobrang nakakahiya. Bakit ba naman kasi di nakakasawang pag masdan ang mukha nya at talagang natulala pa ako. " I'm sorry sir. You want coffee?" pag-iiba ko nakakahiya kasi na nahuli nya akong natulala sa kanya kanina. " Yes please! Masarap ang kape mo parang ikaw!" sabay talikod sa akin. Tuluyan na nga syang nakapasok sa Opisina ng boss ko. Ano daw??? Parang sira din eh. Pero hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi nya. May pagkaloko din pala ito. Akala ko si sir Tyrone ang babaero sa magkakaibigan pero parang mas malala pa sya. Dalawang kape na ang ginawa ko, para sa boss ko at kay sir Joseph. 8:30am na kaya oras na rin para sa coffee ni sir Tyrone. Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok. Naabutan ko silang nag-uusap. Napaka seryoso nilang dalawa. Hindi maitatanggi na nag uumapaw ang ka gwapuhan at ka machohan nitong dalawa. Talaga namang pagpa-pantasiyahan ng mga kababaihan dito sa kumpanyang ito. "Crystal wag mo silang pagpantasyahan." bulong pa ng isip ko. Hay naku minsan nga naman nakakabaliw din yung walang mapagsabihan ng nararamdaman, pati isipan ko nag-uusap na rin.hihi "Excuse po! Heto na po yung coffee nyo." saka ko inilagay sa table yung dalawang kape. " Thanks Crystal!" unang nagsalita si sir Joseph sabay higop sa kape. " Crystal pwede ba akong magtanong sayo. About sa asawa ng kuya mo?" si sir Tyrone Nahihiwagaan man ako pero sinagot ko rin lahat ng tanong sa akin about kay ate Thany. Mukhang may something sa kanila ng boss ko. Sa totoo lang nakakapanduda naman talaga ang pagdating sa amin ni ate parang bigla an nalang may asawa na ang kuya ko. Di ko namalayan ang oras. " Hindi ka pa uuwi? " Si sir Joseph " Ah mag aayos nalang po ako ng table ko, uuwi na rin po ako."sagot ko sa kanya. " Hintayin kita sa parking lot, ihahatid na kita." sabay alis nya. Di man lang nya hinintay ang sagot ko na di ako magpapahatid. Nakakahiya naman kasi isa rin siya sa boss ko dito. Nagdadalawang isip ako kung pupunta ba akong parking lot o la labas nalang ng building na ito. Pwede naman akong mag grab. Hanggang sa lumabas nalang ako ng building. Hindi na ko magpapahatid pa, nahihiya talaga ako sa kanya. Besides dati ko rin siyang professor nung college, kahit sabihin na substitute lang sya non as is naging teacher pa rin namin sya. Nagbook na ko ng grab at kasalukuyang nag aabang sa labas ng biglang may humintong kotse sa harapan ko. " Hop in!" sabay bukas nya ng pinto. "Huwag na po sir next time nalang po." pag tanggi ko sa alok nya " Nah!!! Let's go. Wala akong gagawing masama sa iyo. Talagang dadaanan ko lang ang bahay nyo." sabi nya pa. Rush hours kaya naman nagdulot na ng traffic ang paghinto ng sasakyan ni sir Joseph, marami na ang nag bubusina sa kanya. Bakas na rin ang inis sa kanya kaya naman sumakay na rin ako. " Sorry sir." hingi ko ng paumanhin. Alam kong pinipigilan nya lang yung galit nya. " Don't say sorry! No need! Marami lang talagang tao na di makapaghintay. Lalo na sa daan." sabay ngiti nya sa akin. Wow naman, ang bilis magpalit ng mood. " Saan nga pala yung bahay nyo?" tanong nya sa akin ng makalayo na kami, sabay kamot nya pa ng sintido. Sinasabi ko na nga ba eh, sinabi nya lang na madadaanan yung bahay namin kahit hindi naman nya talaga alam kung nasaan. Di ko nalang din sina tinig. Sinabi ko nalang para mahatid nya na rin ako. Malapit na kami sa bahay ng biglang may tumawag sa kanya. "Kanina pa ring ng ring ang phone nyo po!" sabi ko " Not important." maikling sagot nya. Nakarating na kami ng bahay at nagpaalam na rin ako sa kanya. Lalabas na sana ako ng pigilan nya ako. Lumabas rin sya ng kotse nya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto sa side ko. Pinagbuksan nya ako. Wow!!! Add 1 point sa pagiging gentleman. " Naku sir nakakahiya na talaga sayo. Pero salamat po." " Drop "po at saka sir" starting now. Masyadong nakakatanda. Joseph nalang oh kaya baby pwede rin." sabay tawa nya pa. " Duma-da-moves ka sir ah!" di ko na rin napigilang asarin sya. " The moves ba ang tawag dun? Sige makakapaghintay naman ako Crystal. From now on liligawan muna kita." Sabay paalam nya sa akin. Inaya ko pa syang pumasok sa bahay ng tita ko, pero mukhang nagmamadali. Next time nalang daw. Hindi ko maiwasang mapangiti. " Crystal ikaw na ba yan?" si tita Deby ko. Nasa kusina sya ngayon at kasalukuyang nag be-bake. " Opo tita! Wow naman mukhang masarap yan tita pwede po patikim." ang sarap nya talagang mag bake. " Nakita ko yung naghatid sayo. Nobyo mo ba?" seryosong tanong nya sa akin " Naku di po tita. Pero sabi nya liligawan nya daw ako." sagot ko sa kanya. Ng bigla nalang syang tumili. Wwwwoooohhhhh!!!! Yessss!!! Jackpot!!!! Ano raw????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD