8

1029 Words
Joseph POV " Dad di ba ang sabi mo sa akin anak ng taong nagligtas kay ate ang pakakasalan ko. Bakit iba ang pinakilala mo?" Nandito kami ngayon sa mini bar sa Mansyon nila daddy. " Hindi ko na siya makita son pero may naitago naman akong picture nyan she was child but I cannot remember if saan nailagay. Ayaw mo ba kay Bea? Ang ganda nya at mukhang inosente pa. Gusto rin sya ng mommy at ate mo para sayo. Mabait rin sya, tiyak na di ka mahihirapang mahalin sya." mahabang pahayag pa ni daddy sa akin. Hindi nalang ako umimik. Si Crystal ang gusto ko, sya ang gusto kong iharap sa altar. Inubos ko nalang ang laman na alak ng aking baso bago ako nag pa alam na aalis na. ------- " Hi Crystal for you!" sabay abot ko ng bouquet of flowers sa kanya. " Thank you sir." tinanggap nya naman. " Joseph nalang!" sabi ko pa " Okay lang ba kung sa labas nalang kita tawagin sa pangalan mo. Kapag nandito tayo sa kumpanya isa ka rin sa mga boss kaya nakakahiya na di kita tawaging sir." si Crystal Yun pala ang dahilan nya. " Okay sure no problem. Day off mo naman bukas baka pwede tayong mag date." pa anyaya ko sa kanya. " Ahhhh... kasi....---! " Tomorrow morning I'll text you kung saan." Sabi ko pa. Tatalikod na sana ako ng maalala kong wala pala akong number nya. " Where's your phone?" tanong ko " Bakit sir?" tanong nya pa " Huwag ng maraming tanong!" Sabay lahad ko ng aking kamay. " Heto po!" sabay abot nya naman sa akin. Walang password ang phone nya at ang screen wallpaper ay nung bata pa sya, sobrang cute nya pala nung bata pa sya. Kinuha ko ang phone ko at pinicture-an ang screen nya. Saka ko dinaial ang number ko. Nang lumabas ang number nya sa phone ko ay saka ko lang binalik sa kanya ang phone. Lihim naman akong napangiti. Pumasok na ako sa Opisina. Ako ngayon ang in charge sa kumpanya dahil nasa Hospital pa si Tyrone. Ilang buwan nya na rin alam kung nasaan si Beth at ang anak nila. Nasa poder pala ng kuya ni Crystal. Ring ng phone ko ang nagpabalik sa malalim kong pag-iisip. Si Mommy!!! " Yes mom why?" " Son i date mo naman si Bea bukas." " Date tomorrow with Bea.? Mom please hayaan nyo akong dumiskarte." " Diskarte? Parang di ka naman gumagawa ng paraan para magkakilala kayo." " Okay okay I'll text her." mahirap na magtampo si mommy sa akin masyado na silang matanda para saktan ko pa ang damdamin nila. Kinabukasan " Hi good morning!" si Bea. " Bakit? I mean paano mo nalaman ang condo ko pati password?." Kagigising ko palang at iinom sana ako ng tubig ng mapansin kong may tao sa sala Sa pagkaka alala ko hindi ko naman sya tinext kundi si Crystal. Hindi sya nakaimik. " Alam mo bang pinaka ayaw ko ay yung pumapasok sa terotoryo ko without my permission.?" nakalapit na ko sa kanya at alam kong dama nya ang galit ko dahil sa panginginig ng kamay nya. " I'm sorr----" " Hey Bea wag kang mag sorry sa kapatid ko. Besides fiance ka nya." si ate kasama nya pala, nag CR lang kaya di ko agad nakita. " Joseph wag mo namang takutin si Bea, mommy told me na may date kayo kaya sumama na rin ako dito.." "Kailan pala ang kasal nyo???" si ate ulit Di na ko nakapag salita. Sa totoo lang malaki ang respeto ko sa ate ko kaya di ko sya kayang sagutin ng pabalang. Nag lu-lunch kami ng biglang tumunog ang phone ko. Baby ko: Nandito na ako saan ka na? Sh*t oo nga pala may usapan kami ni Crystal ngayong lunch. Dali-dali ko ng tinapos ang pagkain saka ako nagpaalam kanila at na may pupuntahan ako. Balak nya pa ngang ipasama si Bea kaya lang tumanggi ako. Nangako akong sa susunod nalang. Mag a-alas dos na ng makarating ako sa tagpuan namin. Nakita ko syang kumakain ng cookies. " Crystal I'm sorry." hingi ko agad ng paumanhin. Ngumiti muna sya bago sumagot. " Ayos lang!" napaka haba ng pasensya nya. Kaya mas lalo akong nagkakagusto sa kanya. " Alam kong gutom ka na. Let's eat." sabay hila ko sa kamay nya. Sa park kasi napagkasunduan naming magkita. Ngayon nga ay narito na kami sa isang Korean restaurant. Habang naghihintay kami ay bigla nya akong inalok ng cookies. Siya daw ang nag bake. Nagpaturo sya sa tita nya. " Di ganun ka perfect pero pwede na pag tiyagaan." Sabi nya pa. Tinikman ko. At nagustuhan ko. " Masarap!" komento ko Nakita ko na naman na ngumiti sya. Iba talaga ang epekto sa akin ni Crystal. Talagang mahal na mahal ko sya. Kumain na kami ng dumating ang mga orders namin. Namasyal din kami sa park. Iba pala kapag mahal mo ang kasama mo. Parang kulang ang isang araw na magkasma kayo. Crystal POV 6 months later " Huhuhu....huhu.... Ang sakit sakit bez ma reject. After how many months saka nya sasabihin na ayaw nyang magpakasal dahil sa babae nya." si Bea " Maganda naman ako diba?" sabay lagok nya ng Tequila. Narito kami sa condo nya dahil tinawagan nya akong uminom kaso ayoko sa bar kaya dito nalang kami. " Oo naman maganda ka. If di nya makita yun sayo at talagang ayaw ka nya edi hayaan mo na sya. Huwag mo syang hahabulin." payo ko naman sa kanya. Hindi ko naman kilala kung sino yung lalaking yun. " Huwag mo syang pag aksayahan ng panahon bez. Ang tanga nya para pakawalan ka pa. " dugtong ko pa " Mahal na mahal ko na sya bez. Tulungan mo akong alamin kung sino ang babae nya please " pagmamakaawa nya pa sa akin. " Eh paano naman kitang matutulungan kung di ko kilala yung pinagpapantasyahan mo. Este yung siraulong ex fiance mo." sagot ko sa kanya " Joseph! Si Sir Joseph!" " Uy Bea sino ulit??? Uyyyyy..." hay naku tinulugan na naman ako. Ang lakas mag-aya uminom ang bilis naman malasing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD