6

1195 Words
Joseph POV Hindi ko na sya hinintay pang makapagsalita. Hinila ko sya palabas ng Opisina ni Tyrone. " Wait sir, yung kamay ko po.!" reklamo nya. Masyado palang mahigpit na ng pagkakahawak ko sa kamay nya. " Oh I'm sorry napahigpit ang hawak ko." sabay bitaw ko sa kanya. " San nyo po ba balak pumunta? tanong nya habang hingal na hingal ka susunod sa akin. " I'm sorry again mukhang napagod ka." hingi ko ng paumanhin. " Ang bilis nyo po kasing maglakad Sir alam nyo namang maliliit lang ang biyas ko di kita kayang sabayan." sabay tingin nya sa sandal nyang may 4" yata ang takong. Napangiti ako sa sinabi nya. "Hindi po ako pwedeng sumama sa inyo. Working hours pa, baka magalit si Sir Tyrone." sabi nya pa. Kaya na pa seryoso na naman ako. " Don't worry kung sakaling I fired ka ni Tyrone, kukunin kitang secretary ko." sagot ko naman. " Naku sir sorry po pero kau-umpisa ko palang po dito sa company ni sir Tyrone. Ayokong masira ako sa first job ko." pag tanggi nya sa alok ko. " Sumama ka na sa akin. Looked I'd promised to you na pananagutan ko yung nangyari sa atin. Pero bigla ka nalang na----." " Po??? Anong nangyari sa atin?" Di ko pa natapos ang sasabihin ko pero nagulat ako sa tanong nya. ---- "Hey bro what happening to you?" ngi-ngisi ngising tanong ni Marius. Nandito kami sa Bar para mag unwind. " Kanina pa tulala yan. Mukhang tinamaan sa ganda ng secretary ko." biro naman ni Tyrone. " Talagang nakukuha mo pang asarin ako noh?" Baling ko sa kanya. " Hep-hep mga bro baka magka pikunan kayo." si Greg Mahirap talaga ang magmahal ng sobra. Mabuti nalang nalampasan na ni Marius at Althea to. Si Tryone heto at kasalukuyan palang hinahanap si Beth. Si Greg na ayaw ng magmahal dahil umaasa pa rin na babalikan siya ni Cindy ay mukhang tinamaan rin sa isang pulis na kaibigan ni Chimmy. At ako heto, mukhang kinalimutan pa ni Crystal. Kung kailan pwede ko na syang ipakilala sa mga magulang ko. Naputol ang pag-iisip ko ng biglang magsalita si Tyrone. "Bukas kailangan kong pumunta sa Pangasinan. Ikaw na munang bahala sa Kumpanya ha Joseph." si Tyrone. Biglang nagliwanag ang mukha ko. Masosolo ko si Crystal bukas. " Bro alam ko yang nasa isip mo, and I'm sorry kasi kasama ko bukas si Crystal dun ang province nila kaya isasama ko na sya para madalaw na rin ang mga kapatid nya." si Tyrone ulit " It's fine! Hindi ako interesado sa kanya." kaila ko. Pero sa totoo lang nadismaya talaga ako. Gustuhin ko mang ipagtapat na sa kanila ang sa amin ni Crystal pero nag da-dalawang isip ako. Mukhang walang balak si Tyrone na tantanan ako. Kung alam nya lang, mas nauna pa akong nakilala si Crystal. Mga bro mauna na akong umuwi. Pamamaalam ko sa kanila. Nakatanggap kasi ako ng text mula kay mommy na nasa Mansyon ngayon ang family at ang babaeng pakakasalan ko. My fiance to be. Balak ko pa naman sanang ipakilala na si Crystal sa kanila para di na ako maitali sa iba kaso naunahan nila ako. At ngayong gabi nga ay makikita ko na yung babaeng sinasabi sa akin ni dad. Tumuloy muna ako sa Condo para makapag palit na rin ng isusuot. Bago ako tumuloy sa Mansyon ng mga magulang ko. Pinagbuksan ako ng malaking gate ng mga security guard. " Good evening senyorito!" bati pa sa akin ni Mang Ibo isa sya sa pinakamatagal na naming guard. Halos dito na sya sa amin tumanda. Mula sa Lolo ko ay security guard na namin sya. Nginitian ko lang sya. Nang ma i-park ko ang sasakyan ay sinalubong naman ako ng aking Yaya. " Senyorito nasa loob na sila mommy at daddy mo. Nariyan na rin ang pamilya ng mapapangasawa mo." saka nya kinuha ang dala kong pagkain. Nakasanayan ko na kasing bumili ng favorite ni mommy na cake at donut sa tuwing uuwi ako ng mansyon. " Sumunod ka nalang senyorito. Nasa dining sila." sabay talikod nya sa akin. Napa tango tango na lamang ako. Nang mapalapit na ako ay rinig ko na ang kanilang tawanan. " Hi mom dad I'm here.!" Bati ko sa mga magulang ko. Sabay halik ko kay mom. " Good evening everyone!" magalang na bati ko pa sa kanilang lahat. Una kong nakita ay ang investors ko na taga Pangasinan. " Hey son meet Mr. Hilbora the father of your fiance." Pakilala ni dad. Father??? Akala ko ulila na sa ama yung mapapangasawa ko? Ang sabi ni daddy best friend nya yung ama ng mapapangasawa ko. At ito rin ang nagbuwis ng buhay para kay ate nung minsang na kidnap ito noong bata pa kami? " Son he is my classmate since college." Sabi ulit ni dad. Di nalang ako umimik. Mamaya ko nalang itatanong kung bakit mukhang iba na ang ipapakasal nila sa akin. "Hi Sir I'm glad to see you again." " Hi Joseph nice to meet you too." sabay tayo ni Mr. Hilbora para makipag shake hands. Nakipag beso-beso rin ako kay Mrs. Hilbora. " Son meet Bea their daughter and your wife to be!" si Mommy na proud na proud na ipakilala sa akin ang magiging daughter in-law niya. Nagulat pa ako ng makita ko ang babaeng pakakasalan ko kaya pala pamilyar ang surname. Naging students ko sya nung nasa Pangasinan pa ako nag turo. Siya yung best friend ni Crystal ko??? " Hi Sir Joseph. Nice to meet you again." bati nya sa akin na nakangiti. Ngayon ko lang sya napagmasdan maganda rin pala sya, matangkad at ang sexy pa. " Oh iha magkakilala na kayo ni Joseph?" si Mommy " Yes po tita he is one of our professor in college po." diretsong sagot nya naman. " Joseph iho sa tabi ka na ni Bea umupo. Let's eat first." si daddy Hindi ako makapaniwala na siya ang mapapangasawa ko. Nasa garden ako ngayon ng mansyon habang uminom ng wine. Nagpaalam ako sa kanila dahil di ako makapag isip ng mabuti. Paano nalang kung malaman ito ni Crystal. Mas lalong mawawalan ako ng pag-asa na mapa sa akin sya dahil best friend nya ang itinakda sa akin. Napag desisyunan ko ng umakyat sa aking kwarto. Pero bago pa ako makarating ay nakita ko si Bea na may hinahanap. Dali-dali ko syang nilapitan. "What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Malapit na rin kasi sya sa kwarto ko. " Joseph hinahanap kita. Gusto kitang makausap." sagot nya. " Joseph ha??? Kanina lang Sir Joseph, but now first name nalang." inis na sabi ko. " I love you. And I want to marry you." matapang na pagtatapat nya sa akin. " I'm not going to marry you. May gusto akong iba." Tinapat ko na rin sya para lang di na rin sya umasa. Bigla nalang syang umiyak. Narinig ko rin ang boses ng aking mommy kaya dali-dali ko siyang hinila sa kwarto ko. Ang of course wrong move. Dahil pagbukas ng pinto ni mommy ay nakita nyang nakalapat ang labi ni Bea sa aking labi. Sh*t I'm dead!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD