18

935 Words
Ja-ir POV " What are you doing here?" nandito na naman kasi si Caila, ang pinsan kong walang ginawa kundi hingan ako ng pera. " Allowance ko Brent." sabay lahad nya pa ng kamay. " I told you don't mention that name.! Damn!!! Patay na yung pinsan mo na yun. Call me Ja-ir." sigaw ko sa kanya. Nakakaubos talaga minsan ng pasensya at nakakakulo ng dugo ko itong pinsan kong ito. Matagal ko ng kinalimutang maging masama pero kapag sya ang kasama ko lumalabas pa rin ang pagiging masama kong tao. " Hey don't be mad. Dinala ko na nga dito ang anak mo tapos ganyan ka pa." sabay ngisi nya pa. " Ano bang pinagsasabi mo?" takang tanong ko. " Oh my!!!" sabay takip nya pa sa bibig nya. " Caila kung wala ka ng sasabihin then you may go. I'll send you later your f*cking allowance. Huwag na huwag mo lang mababanggit sa talunan mong kapatid ang tungkol sa anak namin ni Crystal." Sabi ko pa. Sa totoo lang sobra ang takot ko na baka mawala sa akin si Jian. Mahal na mahal ko ang bata at ayokong malayo sila sa akin. Ilang taon na rin akong masaya ng dahil sa kasama ko sila. " Deal cous don't worry." sabay tayo niya. Aalis na ako dito sa office mo but I think mga 1 week pa kami dito sa Island mo. " What do you mean na kayo? May kasama ka?" takang tanong ko. Lagi kasing umaalis sya na mag-isa, ayaw ding mag-asawa dahil ayaw ng commitment. Lalong lalo na ayaw sa bata. Kaya nga nagtataka ako bakit lagi nyang pinupuntahan ako para makita si Jian eh di nya naman nilalapitan. " Yes!!!! Si Joseph with his beloved wife and daughter." sabay ng pagsarado ng pinto ng office ko Dali-dali akong bumaba para puntahan sa canteen si Crystal at si Jian. Ayokong magkita sila ni Joseph. Alam kong mahal pa rin sya ni Crystal kaya nga hanggang ngayon ay di ko pa rin makuha ang pqg-ibig ni Crystal. Tinawagan ko rin ang mga tauhan ko sa resort para hanapin si Jian, madalas kasing nasa dalampasigan lang sya at naglalaro ng buhangin. " Boss naglalaro po si young master at may kasamang batang babae." Sabi nya sa kabilang linya. " Ah okay bantayan nyo lang sya." sabay baba ko ng tawag. Hindi alam ni Jian na sa akin itong Isla, ang alam nya lang ay dito ako nag tatrabaho. Nakiusap rin kasi sa akin si Crystal na wag palakihin ang anak nya sa karangyaan kahit kaya ko namang ibigay yun sa kanila. Pero masaya rin ako dahil lumalaking mabuting tao ang anak namin. " Hi anak!" Bati ko kay Jian. " Tatay!" sabay yakap nya sa akin. " Tatay meron nga pala akong bagong kaibigan si Bubbles po." masayang pakilala sa akin sa batang babae na kalaro nya nga ngayon. " Hi Bubbles!" bati ko sa bata. Sabay upo ko para mapantayan sila. Nahihiya namang kinaway ang maliliit nyang kamay sa akin. " Hello!" sabay ngiti. " Ang ganda mo naman Bubbles. Saan ang magulang mo?" tinuro ang di kalayuang lalaki na may katawagan sa phone. Nakatalikod ito kaya di ko makita ang itsura. Pero may hinala na ako kung sino. " He is my daddy Joseph!" biglang nawala ang ngiti ko sa aking mukha Bea POV Masaya kami ngayong pababa sa elevator ng aking anak at Yaya nito... Marami kasing kwento ang anak ko tungkol sa babaeng nagtitinda sa canteen. Di na rin ako makapaghintay na makilala ko sya para na rin magpasalamat sa kabaitan nya sa anak ko. Ngunit ng nakapasok na kami sa loob ng canteen ay sobrang daming tao. Nakahanap na rin ng mauupuan si Yaya para sa amin. Wala pa si Joseph kaya naman di pa kami nagpupunta sa harapan para pumili ng kakainin for lunch. Kinalabit ako ng aking anak para ituro ang babaeng nagbigay ng pagkain sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay ko! Kumalabog ang dibdib ko. Oh my G si Crystal???? Halos 6 taon na ang nakakaraan ng makipag tulungan ako kay ate Caila na paghiwalayin si Crystal at Joseph. Sa sobrang obsessed ko kay Joseph ay nakagawa ako ng pagkakamali sa aking best friend. Naiiyak ako ng malaman kong nag dadalantao sya sa anak nila ni Joseph. Selfish man pero yun lang ang paraan para mapaghiwalay sila. Ang sabi ni ate ay binili si Crystal ng pinsan nya. Di ko na inalam kung sino. Hanggang sa nalaman ko nalang na nakunan sya sa anak nila ni Joseph sabi ni ate Caila. Natuloy ang kasal namin dahil wala na rin namang dahilan para makonsensya pa ako. Ilang buwan lang ang tinagal namin ni Joseph ng ayain nya akong i-annul na ang kasal. Kaya sa sobrang desperada ko ay sinabi kong buntis ako kahit hindi. Wala naman kasing nangyayari sa amin maliban nalang sa hinuhubaran ko sya tuwing laging na lalasing para isipin nyang may nangyayari rin sa amin kahit wala naman. Alam kong mahal na mahal nya pa rin si Crystal. Kaya sobrang kinamumuhian ko ang best friend ko. " Mommy are you okay?" si Bubbles habang sinusundot sundot ang pisngi ko. " Princess maiwan muna kayo ni Yaya dito, sumasakit ang tiyan ko I need to poop." sabay tayo ko. Ayaw kong makita si Crystal namumuhi pa rin ako sa kanya. Kaya nag alibay nalang ako sa aking anak na may gagawin ako sa Cr. Umakyat ako sa room namin pero di ko na inabutan pa si Joseph. Mukhang bumaba na kaya dali-dali kong tinawagan. Sh*t wag naman sana silang magkita ni Crystal!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD