19

1035 Words
Joseph POV " Yes Bea why?" " I'm on my way now!" Itong si Bea hindi ko maintindihan. Kanina tawag ng tawag minamadali ako at nagugutom na daw ang anak namin. Ngayon naman hindi na ako pinapatuloy sa canteen. Kung kailan nagugutom na ako saka naman ako pipigilan. " Okay! Babalik agad ako sunduin ko lang sila sa canteen." Binaba ko na ang tawag. Nakakairita minsan magkaroon ng asawang paranoid. Malapit na ako sa canteen ng may makita akong naglalakad. Palapit sa kinaroroonan ko. Tumigil panandali ang mundo ko. Yung babaeng matagal ko ng hinahanap ay narito lang pala sa Isla na ito. Crystal!!! Almost 6 years ko na syang pinapahanap. Maraming beses kong kinulit si Aries tungkol kay Crystal. Pero mukhang wala rin syang alam kung nasaan ang kapatid nya. Kahit na pinagnakawan nya ako at sinabi ni ate Caila na nakita nyang may kasamang ibang lalaki, may napanood pa akong s*x video nya at mga malalaswang larawan hindi pa rin nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Matagal kong hinintay na mayakap sya at muling mahagkan. Sya lang ang babaeng gustong gusto ko. Hanggang ngayon sya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko. Lalapit na sana ako sa kanya ng biglang may sumigaw. " Nanay!!" sabay kaway pa nung bata. Si Jian??? Tinawag na nanay si Crystal??? Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha ng bata. Kamukhang kamukha sya ni Crystal. " Nanay maagang umuwi si Tatay." tuwang tuwa pang sigaw ni Jian May kasama syang matangkad na lalaki. Di rin kami nagkakalayo sa katawan. Nakapabuhat si Jian sa lalaki kaya di ko makita ang mukha ng lalaki ni Crystal. So totoo ngang may iba na syang pamilya. Nakaramdam ako ng galit at panghihinayang. Bakit ako ayaw nyang pakasalan noon, ayaw nya ring magka anak kami. Siguro nga tama si ate hindi nya ako talaga minahal. " Daddy!!!" napalingon ako sa tumatawag. Ang aking prinsesa. Mabuti at dumating sa buhay ko ang anak kong si Bubbles. Binuhat ko na rin sya at saka kami bumalik sa room kung saan kami naka check-in. " Dear! I'm sorry na may mga dinala kasi si ate Caila na foods kaya dito nalang tayo kakain." paliwanag ni Bea. Kahit di ko hinihingi ang paliwanag nya ay nagsabi pa rin sya. Natapos kaming kumain na si Crystal lang ang laman ng isip ko. Hindi talaga ako makapaniwala na iniwan nya ako at sumama sa ibang lalaki. Nung una akala ko nga ay nakidnap sya pero sa nakita ko kanina parang hindi naman. Mukhang masaya na sya sa anak at sa ama ng anak nya. Ayaw kong isipin na asawa nya yung g*gong yun. Bukas susunod sa amin dito ang mga kaibigan ko. Si Marius at Althea kasama ang dalawa nilang anak. Si Tyrone at Beth kasama rin ang mga anak nila. Parang kailan lang binata at dalaga na ang mga anak nila. Mukhang may balak pa tong dalawang kaibigan ko na ipa kasal ang mga anak nila. Ayoko talaga sa fix / arrange marriage pero para kay AA at Tami mukhang aayon ang kapalaran sa dalawa. Nakikita ko sa mata ni AA kung gaano nya ka gusto si Tami. Si Greg at Yessa baka sa isang Linggo pa makakasunod yung mga yun dahil nasa ibang bansa kasi sila ngayon. Kasama naming nagpunta dito ang ate Caila ko pero laging nawawala yung isang yun. Ang sabi nya ay kilala nya ang may-ari nitong hotel and resort na ito. Talaga namang napakayaman dahil sobrang ganda dito. " Dear galit ka ba sa akin? Kanina ka pa tahimik." si Bea. Nakahiga na kami sa kama. Kasalukuyan akong gumagamit ng laptop. " Please Bea stop calling me that way. Kapag nandyan lang si Bubbles okay. And also magpalit kana ng suot. Hindi mo ako maaakit kahit maghubad ka pa sa harapan ko." Bea POV " Please Bea stop calling me that way. Kapag nandyan lang si Bubbles okay. And also magpalit kana ng suot. Hindi mo ako maaakit kahit maghubad ka pa sa harapan ko." parang libo libong punyal ang sumaksak sa dibdib ko. Hanggang ngayon wala rin akong epekto kay Joseph ang kagandagan ko. Halos lahat ang alam ay happy family kami. Perfect nga kung titingnan. Ang anak ko alam kong mahal na mahal nya pero ako.??? Heto at pinandidirian. Ang sakit sakit ma reject. Hanggang ngayon ay di nya pa rin ako kayang mahalin. Halos lahat ginawa ko sa pagsasama namin pero wala lang sa kanya. Minsan gusto ko ng sumuko pero di ko kaya. " Bea! Maghanda ka. One of this days baka magkita kayo ni Crystal." si ate Caila. Nandito kami ngayon sa pool. Gusto kasi ni Bubbles na mag swimming kaya sinamahan ko na. " Nakita ko na sya ate." Malungkot na sagot ko sa kanya. " Don't be sad my dear sissy. Nakita mo ba sya? Naghihirap, tindera lang sa canteen." si ate Caila. " Pero natatakot pa rin ako hindi ko gustong magkita sila ni Joseph." nahihirapan talaga akong makapag-isip ng mabuti ngayon. Hindi ko namalayan na nawawala na pala si Bubbles. " Ate nasaan si Bubbles??? Sh*t nasaan ang anak ko." Naghe hesterical kong sabi. Halos napapasigaw na ako sa kahahanap. Hanggang sa nakita ko ang anak ko na buhat ng isang lalaki. May hawak rin syang ice cream at tuwang tuwa. Sa inis ko ay tinakbo ko sya. Kinuha ko ang anak ko saka ko tinapon ang ice cream nyang hawak. " I told you anak bawal ang sweet." galit na sabi ko Biglang umiyak ang anak ko. Sa sobrang galit ko ay nasigawan ko sya. " Misis excuse me. I think wala namang masama sa pangkain ng ice cream pa minsan minsan." sabi ng lalaki Sasagutin ko sana pero pag tingala ko. O-M-G ang gwapo. Ang tangkad at ang ganda ng katawan. Halos matulala ako sa lalaking kaharap ko ngayon. " I'm sorry Tito Ja-ir." Pag hingi ng paumanhin ni Bubbles sa lalaki. " It's okay baby. Aalis na ako." Sabay talikod nya sa amin. " Anak kilala mo sya?" takang tanong ko sa anak ko " Yes mommy he is Jian's father." tumigil na rin sa iyak si Bubbles. Sayang may asawa na rin pala! Pwede na sanang pamalit kay Joseph!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD