Crystal POV
"Nanay!!! Ito na po yung pinabili mong noodles, pwede nyo po bang lagyan ng malunggay?" si Jian 5 taong gulang na sya.
Halos 6 na taon na rin pala ang nakakaraan mula ng huling makita ko si Joseph. Kamusta na kaya sya?
Narito kami ngayon sa isang Isla na nabili ni Ja-ir. Nagpatayo sya ng isang malaking hotel and resort. May 100rooms ang hotel at 20 na swimming pool. Malapit ito sa beach kaya naman pwede ring magswimming sa dagat kung gugustuhin ng mga guest. Sa sobrang mahal ng bayad dito ay halos mayayaman lang ang afford ang ganitong klaseng hotel and resorts. Ayaw nya akong magtrabaho kaya namang naisipan kong magtinda ng mga lutong ulam at mga pang miryenda. Nagpagawa pa sya ng canteen para doon nalang ako pumwesto. May sarili ding room sa hotel si Ja-ir binigyan nya rin ako pero tinanggihan ko. Nakiusap ako kung pwede magpatayo ng maliit na kubo malapit sa dalampisan. Agad naman syang pumayag pero di lang kubo ang pinagawa kundi bungalow house. Ayaw nya daw mahirapan si Jian kaya naman pumayag na rin ako. Hindi naman kami hirap sa pinasyal dahil halos si Ja-ir na ang nagbibigay nun. Ang kapalit nga lang ay ipakilala ko syang ama kay Jian kahit di kami kasal. Kaya si Jian ay isa ng Ibarra. Pero nakiusap ako kay Ja-ir na kung pwede wag naming palakihin si Jian sa karangyaan at pumayag naman siya.
" Sige anak lalagyan ko ng malunggay." sagot ko sa kanya.
" Ano pong oras uuwi si Tatay?' tanong nya pa.
" Maraming darating na bisita dito sa Isla kaya naman busy na ulit ang Tatay mo. Baka gabihin na siyang umuwi." Bukas na kasi ang dating ng mga bisita galing sa Manila.
Na miss ko sila kuya Aries at Letlet kaya naman naglakas ng loob na akong makiusap kay Ja-ir na alamin ang kalagayan nila.
Si kuya Aries ay nasa ibang bansa dahil may bagong tayong negosyo siya dun. Kasama nya rin ang asawa niyang si ate Cindy at ang dalawa kong pamangkin.
Si Letlet naman ay nasa ibang bansa din at doon nagpatuloy sa pag-aaral, gusto nyang maging sikat na designer.
Masaya na rin ako sa mga buhay nila ngayon, kaya lang di pa nila nakikilala ang anak ko.
" Hi nanay!" si Ja-ir sabay halik sa pisngi ko. Nanay ang tawag nya sa akin kapag kaharap si Jian.
" Halina na tatay kakain na tayo." Aya ni Jian sa kanya. Katatapos ko lang din kasing magluto at nakahanda na rin ang pagkain sa lamesa.
" Wow naman ang sarap nito." sabay buhat nya kay Jian para paupuin sa upuan nito na malapit sa kanya.
" Tatay totoo po bang papasok na ko sa school?" tanong ni Jian habang kami ay kumakain. Di ko maiwasang mapatingin kay Ja-ir. Sobrang mahal nya ang anak ko kaya nga kitang kita ko rin ang pagmamahal sa kanya ni Jian.
" Gusto mo na ba anak? Mas maganda rin kasing mag-aral ka na para hindi lang si nanay mo ang lagi mong kasama. May makikilala ka pang mga bagong kaibigan." Sabi naman ni Ja-ir.
Tango lang ang naging sagot ng anak ko.
Kinabukasan
Maaga akong naghanda para sa pagbubukas ko ng canteen. May mga niluto na ko kaninang madaling araw kaya ipapainit ko nalang ito maya-maya.
Kabubukas ko lang ng may narinig akong umiiyak.
" No Yaya I want pancake." iyak na sigaw ng isang bata sa tingin ko ay nasa 4 taong gulang.
" Hindi nga pwedeng bata ka. Magagalit ang mommy mo." Sabi naman ng matandang babae na sa tingin ko ay nasa 50's na rin.
" Yaya please!" pagmamakaawa pa nung bata.
" Manang bakit po bawal syang kumain ng pancake?" tanong ko s matanda na Yaya ng bata.
" Ayaw ng mommy nyang pakainin sya ng matatamis." sagot ng Yaya nito
" Sige po lutuan ko sya ng di matamis." Pinunasan ko muna ang luha ng bata saka ko siya pinaupo sa upuan. Habang naghihintay ay di mapigilan ang pag ngiti ngiti ng bata.
Ng makapagluto ako ay agad kong pinakain sa bata. Sarap na sarap naman ito at mabilis na naubos.
Joseph POV
" Daddy!"
" Oh my Princess come here." tawag ko sa prinsesa ko. Nandito kami ngayon para magbakasyon. Sa totoo lang, pinagbigyan ko lang talaga ang hiling ng aking anak na magbakasyon dito sa sikat na resort na ito. Pero di ko talaga maiwan ang trabaho, kaya kahit nandito ako ay nagtatrabaho pa rin ako sa laptop ko.
" Dear pwede ba na kumain muna tayo. Maraming nagsasabi na masarap daw ang luto sa canteen nila. Try natin." Excited na aya sa akin ni Bea. Kapag kaharap namin ang anak namin ay maayos ang pakikitungo ko kay Bea pero kapag kami nalang ay di ko magawang maging mabuting asawa sa kanya.
Hanggang ngayon ay di ko pa rin sya matanggap bilang asawa ko. Gusto ko ng makipag annul sa kanya noon pero di ko naman inaasahan na mabubuntis sya. Lalong di ko na sya kayang iwan dahil sa bata.
" Yes daddy! Nagpunta po kami kanina ni Yaya sa canteen. Ang sarap po ng luto nya." pagmamalaki pa ng anak ko.
" Okay mauna na kayo ni mommy mo na pumunta, tatapusin ko lang tong ginagawa ko." sagot ko
Halos isang oras bago ako sumunod dun pero bago pa ako makarating ay may nakita akong batang lalaki na naglalaro ng buhangin.
" Ang malas naman, wala na naman si Tatay." mukhang nagtatampo ang bata.
Nabigla ako ng may tumama sa isang mata kong buhangin.
" Ouch!!!" sigaw ko. Dali-dali namang lumapit sa akin ang bata.
" Sorry po sir sorry po.!" halos mangiyak na yun bata sa paghingi sa akin ng paumanhin.
Inaya nya ako sa sinabi nyang bahay nila para maghilamos. Mabuti nalang at hindi naman pumasok sa loob ng mata ko ang buhangin kaya naging okay na rin ako. Pag dilat ko ay laking gulat ko ng makita ang ayos nito. Parehong pareho sa bahay namin ni Crystal. Halos replica nito ang bahay ng bata.
Nakakapagtaka!
" Ayos na po ba kayo sir?" nag-aalala pang tanong ng bata.
" Pasensya na po talaga. Ako nga po pala si Jian." Nakaramdam ako ng kakaiba sa bata ng magtama ang aming paningin. May pamilyar akong mukha na nakita sa kanya pero di ko maisip kung sino..
"Ako nga pala si Joseph! Tito Joseph nalang wag ng sir." sabi ko naman sa kanya.
" Sige Jian nice to meet you. Kailangan ko ng umalis baka mainip ang anak ko." tango lang ang sinagot nya sa akin at saka ako umalis.