Joseph POV
" Bro lasing ka na!"
Narito na naman kami sa Bar kung saan lasing na naman si Tyrone. Halos gabi gabi nya na tong ginagawa mula ng mawalan sila ng anak ni Beth, sinabi nya lang sa asawa nya na may aasikasuhin sya dito sa Manila. Iniwan nya sa probinsya si Beth dahil sa kumpanyang naiwan nya dito, pero ang totoo ay di nya talaga maipakita sa asawa na nasasaktan rin sya. Sinisisi nya si Beth dahil sa pagiging pabaya nito nuong ipinagbubuntis palang ang kanilang anak.
" Bro halika na at iuuwi na kita sa bahay mo."
Wala akong narinig na sagot nya. Kaya naman tinulungan ko na lamang siyang tumayo at inalalayan hanggang sa maisakay ko siya sa sasakyan ko.
Nang mahatid ko siya sa bahay nya ay pinili ko na ring umuwi sa condo ko pero bago pa ko makarating ay napansin kong nawawala ang cellphone ko sa bulsa ko.
Sh*ttt naiwan ko siguro sa Bar, kaya naman napag desisyunan kong bumalik doon kung saan kami uminom para balikan ito. Nang paakyat na ako sa Vip room ay nakita ko si Crystal na pumasok sa isang kwarto at mukhang may humahabol sa kanya. Dali-dali akong sumunod pero mabilis nyang sinarado ang pinto.
Kilala ko ang may-ari ng Bar kaya naman nalaman kong wala naman pa lang umukupa ng room na yun. Ibig sabihin pumasok lang talaga si Crystal dun at hindi pina reserve ang room kaya ako nalang din ang nagbayad para dun.
Kinabukasan
" Bro pwede bang ikaw na muna ang mamahala sa kumpanya ko. Uuwi na akong probinsya di ko pala kayang malayo kay Beth ng matagal." si Tyrone
Kagigising ko lang ng tumawag sya sa akin. Kailangan ko ng makauwi ng condo ko at ng makagayak.
Wala na ang katabi ko.
" Sige bro ingat!" End call? Mukhang excited na si Tyrone na bumalik ng probinsya nila at makita ang asawa.
" Hello bro! Ikaw na muna ang bahala sa kumpanya ko. Si Beth iniwan na ako." si Tyrone
" Bro wait, Anong nangyari? Alam na nila Marius at Greg? Ipapahanap ba natin? May kakilala akong detective."
Hapon na ng tumawag ulit si Tyrone. Kasalukuyang nagliligpit na ako ng mga gamit ko para makauwi sa condo.
" NO need baka kailangan nya lang din ng space. Ibibigay ko muna sa kanya yun." huling salita na narinig ko sa kanya.
2 Years Later
"Thanks bro! Sa tulong mo sa akin sa kumpanya." Si Tyrone
Mula kasi ng ako na ang namahala ay mas dumoble pa ang investors at lumago ang negosyo nya na pag ma may-ari na rin naming magka kaibigan.
Masyadong nalungkot si Tyrone ng ma wala ni Beth sa kanya, kaya naman hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin ang asawa na nag ta tago sa kanya. 2 years na rin ang lumipas pero wala pa ring na tatanggap na tawag kahit ang mga magulang ni Beth ay di na rin kina musta man lang, at lubos na ipinagtataka rin namin.
" Bro pumunta ka dito sa Opisina, meron akong bagong Secretary. Ang ganda bro!" si Tyrone na ta tawa tawa pa.
" Bro may asawa ka na baka naman bumalik na naman yang pa giging playboy mo.?" biro ko sa kanya.
" Depende bro! Kapag di pa rin nag pa kita si Beth sa akin baka pwede na siguro tong sexy kong secretary, maamo ang mukha at mukhang inosente pa. Fresh graduate pa." sabi nya ulit.
" Mukhang interesado ka sa bago mong secretary ah. You mean nag hire ka ng babaeng secretary mo? Whoooohhh bro ngayon lang ata yan ah. Sige pupunta ako dyan. Sabihan mo rin sila Marius at Greg mag inuman tayo." aya ko sa kanya
" Si Marius at Althea umuwi ng probinsya anihan ngayon ng Palayan nila. At mukhang magiging busy pa yun lalo dahil may na bili pa ulit silang Lupain na tinaniman naman ng sibuyas . Baka malapit na ring i harvest yun." sagot nya pa
Si Marius na ata ang Bilyonaryong magsasaka. Napa-unlad pa nila ni Althea ang Lupaing pamana sa kanila ng kanilang Lolo. Sabagay mukhang swerte sya sa lahat lalo na kay Althea na mahal na mahal sya.
Sa isang buwan ay makikilala ko na ang babaeng ipagkakasundo sa akin ni daddy para pakasalan ko. Sa totoo lang hindi na ako interesado dahil sa may mahal na akong iba.
Mula ng gabing iyon ay hindi na sya ma-alis sa isip ko. Kahit na iyon na rin ang huling beses ko syang nakita. Kaya hanggang ngayon ay i-isang babae lang ang laman ng isip at puso ko. Ang babaeng matagal ko ng gustong ma kasama. Kailan ko kaya sya ulit makikita? Kapag nakita ko na sya, hinding-hindi ko na sya pa ka-kawalan pa.
" Hey bro! Oh nasaan na yung secretary mo? Excited pa naman akong makilala sya." Biro ko kay Tyrone.
Nandito na ako ngayon sa loob ng opisina nya. Pero wala naman yung secretary nya sa table nito.
" Wait bro nagpagawa ako ng coffee for all of us."
"All of us???" tanong ko. Nakakapagtaka lang. Pati ba secretary nya makiki kape rin?
Masyado kang maaga sa ina-asahan ko bro. Greg is on the way na rin and I think malapit na rin yun. Dito na rin kayong dalawa mag lunch. Pina sundo ko na yung chef na magluluto for us. " sagot nya
" Wow!!! Okay! Pwede bang magpa luto ng lobster or Crab??? Masarap ang seafoods ngayong umaga."
Wala bang alak bro? Mas masarap sana kung inuman tayo dito ngayong morning."
"Seriously Joseph? Umagang-umaga alak ang hinahanap mo?" inis nyang tanong.
" Hehe oh chill bro I'm just kidding."
Biglang tumayo si Tyrone at ambang ihahagis ang hawak na pen kaya naman dali-dali kong kinuha ang pillow na nasa sofa nya at tinakip sa aking mukha ng bumukas ang pinto.
" Sir Tyrone your coffee po." boses ng babae.
Pamilyar ang boses kaya agad kong inalis ang throw pillow sa mukha ko pero sa kasamaang palad ay tinamaan ako ng pen na hinagis ni Tyrone sa noo ko.
" Ouch!!!" sigaw ko. Sabay hawak ko sa noo kong tinamaan.
" Sir ayos ka lang?" sabay hawak nya sa mukha ko.
Laking gulat ko ng pag dilat ko ay mukha ng babaeng matagal ko ng hindi nakikita.
Ang secret love ko.
" Crystal???"